All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3501
- Chapter 3510
7044 chapters
Kabanata 3502
Nang makita kung gaano naging kalmado si Darryl,Ang tapang ni Grady ay nagsimulang masira. 'Mayroon bang uri ng pribilehiyo ang relasyon ni Darryl sa Templo ng Liwanag?' Biglang hindi naging komportable ang kapaligiran sa bulwagan. "Master Grady, totoo ba? Mula ba talaha siya sa Templo ng Liwanag?" nababalisang bulong ni Donnie. Talagang malalagot sila kung totoo nga ang mga iyon. Humugot ng malalim na hininga si Grady, at nagbago ang ekspresyon sa kanyang mga mata. "Imposible! Pupunta dapat siya kasama ang labindalawang paladin sa kanya kung isa siya sa kanila, pero sa halip, kasama niya si Thea. Kaya wala kang dapat ipag-alala," sinabi niya ng kalmado. Tapos ay tumingin siya sa oras at sinabi, "Ang labindalawang paladin ay paparating na mamaya. Maghanda dapat tayo para batiin sila. Para naman kay Darryl, hayaan muna natin siyang buhay ng mas matagal pa."Wala nang gusto pa si Grady kundi ang patayin si Darryl, pero ang piging ay mapuputol ng kaunti kung titigil agad ang laban.
Read more
Kabanata 3503
Ang lahat ng uri ng kaguluhan ay sumiklab pagkatapos ng anunsyo. Paano naging ganoon ang mga bagay? Dapat kay Donnie ang posisyon ng mayor dahil siya ang padre de pamilya kung tutuusin! Bakit kay Miss Lolita napunta?Napatulala si Donnie. Ang kanyang isip ay napuno ng tunog ng hugong. 'Di pwedeng mangyari yun. Lolita, isang mayor?'Pati si Grady ay napatulala. Naguguluhang tinitigan niya ang Golden Lion Paladin, kinukusang isipin na mali ang narinig niya. Hindi nangyari ang mga bagay ayon sa kanyang plano! Ang kanyang puppet, si Donnie, dapat ang Mayor! Hindi, hindi maaaring si Lolita iyon!Si Lolita naman na nakatayo sa tabi ni Darryl ay pilit pa rin niyang iniintindi ang buong sitwasyon. Kinailangan niyang kurutin ang sarili para masiguradong hindi siya nananaginip. Lumakad ang Golden Lion Paladin at inilagay ang appointment letter sa kanyang kamay at magalang na sinabi, "Miss Lolita, bilang Alkalde, sana ay mapaglingkuran mo nang mabuti ang mga mamamayan ng Pearl City."Sinagot
Read more
Kabanata 3504
Napakagat labi si Lolita hanggang sa halos dumugo ito. Nakatitig siya kay Darryl na puno ng gulat ang mukha, at pakiramdam niya ay parang naging jelly ang mga binti niya. Sa wakas ay napagtanto niya na ang lalaking pinakasalan niya ay kasing lalim ng karagatan mismo.Bahagyang napabuntong-hininga si Darryl at kalahating ngumiti kay Grady. "Itatanggi mo pa ba ang ginawa mo?""Aaminin ko! Inaamin ko!" Sabi ni Grady. Pawis na pawis siya at nahirapan siyang tumayo. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila ang lahat-kung paano siya kumuha ng isang assassin para patayin si Old Master Damien at kung paano siya nakipagsabwatan kay Seth para i-pin ang krimen kay Darryl.Kung papipiliin siya, hindi aaminin ni Grady ang kanyang krimen, pero sayang, wala siyang choice matapos niyang matuklasan na si Darryl ang Saint Lord ng Temple of Lights. Sa pagmamasid ng 12 paladins sa bawat galaw niya, sigurado siyang hahantong siya sa mas masahol pa sa kamatayan kung hindi niya aaminin ang kanyang krimen.Isa
Read more
Kabanata 3505
Napalunok si Donnie at mabilis na napaluhod sa lupa. "Lolita, kasalanan ko ang lahat. Hindi ako dapat nakipagsabwatan kay Grady para nakawin ang posisyon mo o para pilitin kang pakasalan siya. Patawarin mo ang tito mo!"Nakatayo roon si Lolita, napakagat labi, at hindi siya sinagot. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa noon, kaya nagulat siya. Siya ay naging Alkalde ng Pearl City at natagpuan ang tunay na pumatay sa kanyang lolo, at maging ang kanyang palihim na pangalawang tiyuhin ay nakaluhod sa lupa na humihingi ng tawad. Napuno siya ng halo-halong damdamin. Gusto niyang parusahan ang kanyang pangalawang tiyuhin ngunit hindi niya kinaya—mga pamilya sila, kung tutuusin.Siguradong nahulaan na ni Darryl ang kanyang nararamdaman at hindi niya napigilang mapabuntong-hininga sa sobrang lambot ng kanyang puso. Pagkatapos ay kinawayan niya ang mga guwardiya at sinabing, "Kunin si Donnie at ikulong muna siya.""Opo, ginoo!" sabi ng mga guwardiya, na nagpatuloy sa pagkaladkad kay Donnie.
Read more
Kabanata 3506
Mabilis siyang sumugod at laking gulat niya sa eksenang sumalubong sa kanya. Mayroong dalawang grupo sa isang labanan, at ang isa sa mga grupo ay binubuo ng halos isang daang lalaki na nakasuot ng itim—para silang mabangis.Damang-dama ni Darryl na ang mga men-in-black ay napakalakas; sila ay hindi bababa sa antas ng Saint Honor. Ang kabilang grupo ay may mga sampung guwardiya na nagsisikap na protektahan ang mga kotseng unicorn at ang mga katulong na nakapalibot sa isang nanginginig na magandang babae.Ang mukha ng babae ay tunay na napakarilag, at siya ay nagtataglay ng parehong kaakit-akit na pigura. Ang pinagsamang epekto ay ginawa ang kanyang hitsura na kaaya-aya sa mata. Sino pa kaya iyon kundi si Madame Pandora?Siguradong nakasalubong niya ang men-in-blacks habang nasa biyahe kasama ang kanyang pamilya. Gayunpaman, hindi mapigilan ni Darryl ang pagkunot ng noo sa pagkalito. 'Ano ang ginagawa ni Madame Pandora sa hangganan ng Golden Lion Principality? At anong meron sa entour
Read more
Kabanata 3507
Si Madame Pandora ay maaaring lihim na kinuha ang Banal na Jade na Kasulatan sa labas ng kahon dahil siya ay may isang kilalang katayuan, ay lubos na pinagkakatiwalaan ng Reyna, na nangangahulugang malaya siyang makapasok at makalabas sa palasyo.Nagpasya si Darryl na patuloy na obserbahan si Madame Pandora upang makita kung paano niya sasagutin si Harper."Ikaw! Anong Holy Jade Scripture? Hindi ko nga alam ang sinasabi mo!" Sabi ni Madame Pandora. Kahit mukhang seryoso siya, hindi maikakaila ang kawalan ng katiyakan sa kanyang mga mata.Kinuha niya ang ikalawang kalahati ng Holy Jade Scripture sa Thousand Variations Box. Noong gabi bago pumunta ang Reyna sa Pearl City, at nang kumpiskahin ni Darryl ang lahat ng pag-aari ni Marshall, sinamantala ni Madame Pandora ang pagkakataon na pumuslit sa silid ni Darryl upang nakawin ang ikalawang kalahati ng Banal na Kasulatan ng Jade.Totoo na ang Reyna lang ang tanging taong nakakaalam kung paano buksan ang Thousand Variations Box, ngunit
Read more
Kabanata 3508
Natutuwa si Harper sa pagmumukha ni Madame Pandora. Humagalpak siya ng tawa at sinabing, "Madame, ibigay mo lang ang banal na jade na kasulatan kung gusto mong maligtas ang iyong mga tauhan." Patuloy na kagat- kagat ang labi ni Madame Pandora nang lumaki ang gulat sa loob niya. Walang paraan na ibibigay niya ang pinakahuling kayamanan ng Templo ng Liwanag, ngunit paano ang kanyang mga tauhan? Nang nahihirapan si Madame Pandora sa gagawin, may narinig silang malamig na boses na nagmumula sa di kalayuan. "Tumigil ka!" sigaw ni Darryl habang papalabas sa pinagtataguan niya. Nakangiti siya na para bang isang laro sa kanya ang lahat ng iyon. Kahit na sana ay hindi na niya kailangang ibunyag ang kanyang sarili, hindi niya kayang makita si Madame Pandora na binu- bully ng ganoon. Pagkatapos ng lahat, gumugol sila ng isang kamangha- manghang gabi na magkasama. Bukod pa rito, mayroon ding usapin tungkol sa nawawalang ikalawang kalahati ng Banal na Kasulatang Jade. Ibinaling ni Ha
Read more
Kabanata 3509
Habang nakatingin siya sa sa pag labas ng mga resulta, si Madame Pandora ay naging parehong nabalisa at nasasabik. Walang duda na sobrang pinahahalagahan siya ng Reyna. Mukha siyang cool kapag nakikipag-away!' Namula ang mukha niya nang maisip niya ang gabi nila ni Darryl. "Tang *na! Papatawarin sana kita, pero ngayon mukhang iniwan mo ako na walang choice kundi patayin ka," sabi ni Harper habang nakatitig kay Darryl. Sa sandaling sinabi niya iyon, na-activate niya ang kanyang saint energy at bumaril kay Darryl na parang bulalakaw. Ngumiti si Darryl at sinabing, "Ppaatayin mo ako? Naniniwala akong sobra kang mahina para gawin iyon." Nabaluktot sa galit ang mukha ni Harper nang akmang sasampalin siya nito. Sumigaw siya, "itigil na ang puro satsat at gawin mo nalang" Agad niyang binato si Darryl ng suntok na puno ng kidlat, pero hinarang ito ng kamao ng isa. Ang lakas ng impact ng mga ito ay sumabog na may dumagundong na tunog, at pagkatapos nito, narinig ang tunog ng pagka
Read more
Kabanata 3510
Namumula na naman ang mukha niya sa tuwing naiisip niya ang gabing iyon. Inayos niya ang kanyang sarili bago tanungin si Darryl, "Madali bang matutunan ang teknik na yan? Pwede mo ba akong turuan?" Nakangiti man siya nang tanungin niya si Darryl na nagpapaganda ng totoo, hindi maitatago sa mga mata niya ang pagiging tuso. Natuwa siya nang lumitaw si Darryl upang iligtas siya, ngunit nagsimula siyang mabalisa nang maayos na ang mga bagay- bagay. Ano ang gagawin sa kanya ng Reyna kung sinabi ni Darryl sa kanya na ninakaw niya ang ikalawang kalahati ng Holy Jade Scripture? Gayunpaman, siya ay maganda at matalino at nagpasya na gambalain si Darryl sa pagkukunwari na gusto niyang matutunan kung paano pindutin ang acupoint ng isang tao. At saka, sigurado siyang magiging kapaki- pakinabang ito balang araw. "Well..." Napakamot ng ulo si Darryl. "Hindi ganoon kadaling matuto." Pagkatapos, ipinaliwanag niya sa kanya ang pangunahing teorya ng acupoints sa katawan ng tao. Hindi nagt
Read more
Kabanata 3511
Seryoso ang mukha ni Madame Pandora nang sagutin niya si Darryl, ngunit pinagpapawisan ang palad nito. Siya ay nasa gulat. Base sa kanyang ekspresyon, hindi inakala ni Darryl na nagsisinungaling siya. " Sige, ibaba na natin ang paksa. May isa pa akong tanong. Ano ang ginagawa mo sa labas ng kabisera? Bakit mo dadalhin ang pamilya mo sa ganitong lugar?" Kinagat ni Madame Pandora ang kanyang mga labi; halos makita ng isa ang mga gulong na umiikot sa kanyang isipan. Sabi niya, " Para sabihin sa iyo ang totoo sa kung ano ang nangyayari sa sitwasyon ngayon, sa tingin ko hindi na ako tatagal pang mamalagi sa loob ng kabisera”. "Bakit?" Tanong ni Darryl. Ngumiti si Madame Pandora, ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata ang kanyang ngiti. "Sa nakalipas na dalawang taon, ako ay ganap na nasa ilalim ng hinlalaki ni Marshall. Wala akong ibang magagawa kundi ang tuparin ang kanyang utos na gamitin ang aking kagandahan upang maging sanhi ng pagbagsak ng ibang mga pamilya. Ngayong s
Read more