All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3511
- Chapter 3520
7044 chapters
Kabanata 3512
Nanatiling tahimik si Darryl saglit bago niya sinabing, "Nagsaliksik ako ng mga sinaunang teksto at narinig ko na ang Holy Jade Scripture ay naglalaman ng malalim at malalim na kaalaman. Kaya, gusto kong makita ito para sa aking sarili." Nais niyang hindi na niya kailangang sagutin ang tanong nito ngunit hindi niya matiis na biguin siya nang isang beses niyang tingnan ang mukha nito. Nagsalubong ang kilay ni Madame Pandora. "Narinig ko na ang mga salitang nakasulat dito ay hindi pangkaraniwan, ngunit hindi lahat ay maaaring basahin ito." "Nababasa ko!" Nakangiting sabi ni Darryl. Nagulat si Madame Pandora sa rebelasyon na iyon. 'Nababasa ba niya ang mga salita sa Holy Jade Scripture? Ilang sikreto pa ba ang hawak niya tungkol sa sarili niya?' "Well, nakapagpahinga na tayo ng matagal. Maaari na ba tayong gumawa na ulit ng ?" Tanong ni Darryl pagkatapos tumingin sa labas ng tent. Nais niyang makabalik sa kabisera sa lalong madaling panahon. Napakagat labi si Madame Pando
Read more
Kabanata 3513
Ang sect master ng Fantasy Sect ang nag-utos kay Madame Pandora na nakawin ang Holy Jade Scripture. Nagulat si Madame Pandora sa sinabi ni Rosalind, ngunit hindi niya ito ipinakita. "Kung ganoon, dapat tayong bumalik kaagad."Kanyang ititipon ang kanyang mga bantay at kasambahay, ngunit pinigilan siya ni Rosalind. "Paano mo balak harapin si Darren?"“Medyo nakainom siya ng alak, kaya maari tulog na siya. Aalis tayo ng tahimik, at hindi niya ito malalaman. Kaibigan ko si Darren. Pls wag ninyo siyang sasaktan,” mahinhing sinabi ni Madame Pandora. Pagkatapos, bigla nalang sumagi sa kanyang isip, at sinabi, “Wag ka mag alala. Wala naman akong binangit sa kanya na kahit ano.” Mabilis na tumitibok ang kanyang puso sa mga pangyayari. Ang Fantasy Sect ay napakamysteroso at hindi pinahintulutan ang sinuman na makialam sa mga bagay na ginawa nila . Kahit na aksidente lamang na nabungo ni Madame Pandora si Darryl , alam niyang nalabag niya ang panuntunan ng Fantasy Sect.At sa inaasahan,
Read more
Kabanata 3514
Sa magkabilang gilid ng punong bulwagan, may isang dosenang lalaki at babae tahimik lamang na nakatayo, bawat isa sa kanila ay may kasuotan itim, at batid niya na lahat sila ay napakalakas. Agad naman nakilala ni Darryl si Madame Pandora sa gitna nila.Sobrang ikinagalit niya ng makita niya ito. Tama nga siya, puro kasinungalingan lang ang lahat! Nagsimula din siyang mapaisip kung saan siya dinala nito. Bakas kay Madame Pandora ang pagsisisi habang tinititigan siya ng masama ni Darryl. Sa isip isip niya, sana pinaalis nalang niya ito kung alam lang niya minamanmanan pala siya ni Rosalind. Pinagmasdan ni Darryl ang kapaligiran hanggang sa nabaling ang kanyang mga atensyon sa trono, kung saan nakaupo ang isang napakaganda at napaka sexy na babae. Sobrang namagha siya rito at sa tantsa niya ay nasa bandang 30s na ang edad nito. Nakasuot ito ng kulay itim na long dress, na lalo pang nagpa’ganda dito, nunit kung mukha ang pagbabasehan- tila ba eala itong emosyon. Mabilis niyang nara
Read more
Kabanata 3515
“Tumahimik ka!” Galit na pasigaw ni Rosalind. Tumingin siya ng masam kay Madame Pandora at sinabi “ Base sa pinapakita mong pagmamakaawa para sa kanyang buhay, tingin ko higit pa kayo sa isang magkaibigan. Sabihin mo nga samin, sino mas mahalaga, ang ating sect master o ang lalaking iyan?”“Ahhh—” Namula ang buong mukha ni Madame Pandora; naubusan siya ng sasabihin.Tinitigan naman si Alison si Madame Pandora bago sabihin, “ Totoo nga, na gumawa ka ng isang malaking pabor na nakawin ang Holy Jade Scripture. Ngunit wag mong kalimutan na kabilang ka sa Fantasy Sect at nangakong gagawin ang lahat para sa ikabubuti nito.” Napakagat labi si Madame Pandora. Labis siyang naipit sa sitwasyon. “Sige, pumapayag na ako! Itatranslate ko ang Holy Jade Scripture. Pero bago ang lahat, pakawalan ninyo muna ako,” Sinasabi ni Darryl habang tumitingin kay Madame Pandora. Galit pa din siya na dinala siya nito doon, ngunit nakikita niya na patuloy siyang tinutulungan nito. Kaya gumaan din ang loob
Read more
Kabanata 3516
Dito na biglang nagbago ang itsura ni Allison. Nagalit ito nang husto habang nagugulat nang kaunti matapos makita kung gaano kataas ang pain tolerance ni Darryl. Dito na biglang bumigat ang aurang bumalot sa buong hall.Agad namang umabante at lumuhod sa lupa si Madame Pandora nang maramdaman niya ang pagkadehado nila sa kanilang plano. “Sect Master! Nagmamakaawa po ako sa inyo! Pakawalan niyo na po siya!” Hindi na niya natiis pa na mapanood pang masaktan nang ganito si Darryl.“Traydor ka! Ikulong ninyo siya kasama ni Darren!” Galit na utos ni Alison. Natuwa siya nang husto noong nakawin ni Madame Pandora ang Holy Scripture sakaniya, pero agad itong naging galit nang makita niyang magmakaawa si Madame Pandora para sa buhay ni Darryl.“Opo, Sect Master!” Sabi ni Rosalind. Dito na niya inutusan ang mga bantay na hilahin si Darryl at si Madame Pandora palayo.Parehong ikinulong ang dalawa pagkatapos ng 10 minuto. Kasalukuyan pa ring nakatali sa mga tinik si Darryl. Maging si Madame P
Read more
Kabanata 3517
Tumango si Madame Pandora habang mabilis niyang sineselyuhan ang mga acupoints ni Darryl gamit ang kaniyang mga siko. Ito ang unang beses na gawin niya iyon, pero sa ilalim ng gabay ni Darryl ay nagawa niyang maselyuhan ang mga acupoint nito nang walang kahirap hirap.Dito na biglang hindi naramdaman ni Darryl ang sakit na nagmula sa pagbaon ng mga tinik sa kaniyang katawan, dito na niya ginamit ang kaniyang internal energy para itulak ang mga tinik na ito paalis sa kaniyang katawan. Pagkatapos ng 10 segundo ay nagawa niyang maalis ang mga tinik at lubid na nakapulupot sa kaniya.Agad na lumuwag ang kaniyang pakiramdam matapos niyang mapalaya ang kaniyang katawan, dito na kumislap sa galit ang kaniyang mga mata. “Buwisit! Naghirap lang pala ako para sa wala. Dapat kong siguruhin na magbabayad ang Sect Master sa ginawa niya sa akin!” Dito na siya pumunta kay Madame Pandora para alisin ang lubid sa katawan nito.“Paano mo nalaman kung paano alisin ang mga lubid na ito, Darren?” Tanong
Read more
Kabanata 3518
Dito na tumingin sa mapa si Madame Pandora. “Mukhanng ang pulang marka sa mapang iyan ay ang Mt. Rochsor.” Dito na niya tiningnan ang butas sa pader habang nagtatanong ng, “Maaari kayang nagtatago ito ng mga kayamanan?”“Naniniwala ako na hindi sila mageeffort nang ganito para sa pangkaraniwang mga kayamanan lamang. Sigurado ako na may isang malaking lihim na nakatago sa likuran ng pader na iyan,” Kalmadong sinabi ni Darryl habang naglalakad papasok sa butas para magimbestiga. Dito niya natuklasan ang isang malakas na rock formation na nabalot ng alikabok. Mahahalata na magatal na itong nandito.“Halika na, pumasok na tayo sa loob!” Sabi ni Darryl habang naglalakad papasok nang walang pagaalinlangan. Ang formation na ito ay isang simpleng five elements formation na hindi nagbigay ng anumang problema sa kaniya. Dito na siya agad sinundan ni Madame Pandora papasok.Pagkatapos ng ilang segundo ay nakita nila ang kanilang sarili sa loob ng isang mahabang tunnel na sa sobrang haba ay par
Read more
Kabanata 3519
“Darren!” Sigaw ni Madame Pandora.Nanatili namang kalmado si Darryl nang hilahin niya at yakapin si Madame Pandora habang gumagawa ng isang barrier sa kanilang paligid gamit ang kaniyang internal energy. Dito na tumalbog ang milyon milyong mga palaso na sinabayan ng kalat na ingay mula sa mga ito, nanatili namang walang sira ang barrier na ginawa ni Darryl.Dito na nakahinga nang maluwag si Madame Pandora habang humahangang tumiti0ngin kay Darryl. “Nararamdaman ko na ligtas ako sa tuwing kasama ko siya,” Isip nito.Pagkatapos ng ilang segundo ay tumigil na rin ang tila walang humpay na paglabas ng mga palaso sa mga butas na nasa pader ng tunnel.“Phew! Mabuti na lang at nagawa kong kumilos nang agaran dahil kung hindi ay kanina pa sana kami naging mga cactus.” Nakangiting sinabi ni Darryl habang pinapakawalan si Madame Pandora sa kaniyang mga bisig.Tumango naman dito ang gulat na gulat pa ring si Madame Pandora. “Maraming salamat sa pagliligtas mong muli sa aking buhay! Patawari
Read more
Kabanata 3520
Habang mas palayo nang palayo ay mas patindi nang patindi ang takot na nararamdaman ni Alison. Inakala niya na isa lang itong ordinaryong tunnel pero alam niyang mayroong mali nang makita niya ang mga inukitang bato sa ilalim ng kaniyang mga paa. Hindi nagtagal ay nakarating na rin si Alison sa private room na pinanggalingan ni Darryl kanina. Kasama niya ngayon ang daan daan niyang mga bantay.“Mukhang isang sinaunang lugar po ang tunnel na ito, Sect Master. Siguradong maraming panganib ang nagaabang ngayon sa atin. Bakit hindi na lang po kayo manatili rito habang iniimbestigahan namin ang lugar na ito?” Sabi ni Rosalind matapos niyang makita ang mga daanan papasok sa iba’t ibang mga tunnel. Kilala sa iya sa pagiging maingat kaya agad niyang inuna ang kaligtasan ni Alison anuman ang mangyari.Pero kabaliktaran naman nito ang naisip ni Alison. “Isa lang itong sinaunang lugar kaya wala akong dapat na ikatakot dito.” Dito na nagpakita ang determinasyon sa maganda niyang mukha. Bilang Se
Read more
Kabanata 3521
Habang nasa gitna ng kaniyang pagkagulat, magsasalita na sana si Darryl pero agad siyang napatigil nang mapasin niyang bangkay na lang ang nakaupo sa tronong iyon. Dito na kumunot ang kaniyang ulo habang nakakaramdam ng kumplikadong emosyon sa bangkay na nakaupo sa trono.Agad namang sinabi ni Madame Pandora na, “Darren, mayroong nakaupo sa trono! Mukhang matagal na itong patay.”Tumango naman si Darryl at nagpakad papunta sa altar para simulang tanggalin ang mga formation na nakapaligid dito. Masyadong misteryoso ang mga formation na ito kaya mayroong tiyansa na hindi niya ito matanggal, pero masyado pa ring bihasa si Darryl sa Bai Qi Formations kaya naging madali pa rin sa kaniya ang pagtanggal sa mga ito.At sa wakas ay nagawa na rin niyang tanggalin ang lahat ng formation na pumaligid sa trono. Dito na siya naglakad paabante para imbestigahan ang bangkay nang bigla niyang maramdaman ang malakas na pagyanig sa kaniyang paa na para bang nagmula sa isang malakas na lindol. Agad na
Read more