All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3531
- Chapter 3540
7044 chapters
Kabanata 3532
Kaagad na sumabog ang saint energy ni Olena, umagos sa lahat ang makapangyarihang aura habang nilabas naman ng libo-libong tauhan niya ang kaniyakaniyang espada at kuminang ito sa kintab.Napalunok si Jameson sa kaniyang nakita, mayroong hindi maitagong takot sa kaniyang mga mata, samantalang yumuko naman si Karum sa kahihiyan.“Iyong Kamahalan, wala kaming sapat na tauhan para lumaban sa kanila. Natatakot akong baka marami ang mamatay kapag nakipaglaban kami sa kanila ngayon.” Bumulong si Karum kay Jameson.Naubos sa laban ang kalahating tauhan nina Jameson at Karum sa naging paglalaban nil ani Darryl. Imposibleng manalo sila laban sa Blood Hand Organization sa bilang ng kanilang tauhan. Tahimik si Jameson, medyo nag di-dilema ito.Bigla nilang narinig muli ang tunog ng napakalakas na mga yapak mula sa kailaliman ng lagusan, di nagtagal, nagpakita ang sampu-sampung libong tao. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita, kabilang na rito si Darryl.Mga guwardiya ang sampu-sampung libong
Read more
Kabanata 3533
Sa parehong sandali, nagkakulay ang mukha ni Olena sa pagkataranta at galit. ‘Masyadong nakakamuhi ang Jameson na iyon! Sino siya para gumawa ng kasinungalingan para lang mapaalis si Darryl?’ Walang kinatatakutan ang Blood Hand Organization maliban sa Temple of Light, pero walang paraan para manalo sila laban sa sampu-sampung libong kalalakihan.Sa wakas at tiningnan niya ang mga ito at nagsalita. “Wala akong pakialam kung ano ang mga motibo mo, pero kailangan sumagot sa Blood Hand Organization ng kung sino mang didikit sa Kaniyang Kamahalan!”Nanginig ang lahat nang maramdaman nila ang lamig sa likod ng mga salita ni Olena, pero mabilis itong napalitan ng galit.Mariing tinitigan ni Jameson si Olena. Nangutya at nagsalita ito. “Napakalaking pananakot mula sa pinuno ng Blood Hand Organization. “Pagtapos ay tiningnan niya ang iba pang mga tao at nagsalita. “Dapat tayong magtulungan para mapaalis ang Blood Hand Organization dahil sa kanilang kawalan ng paggalang!”Pagtapos ay pinamun
Read more
Kabanata 3534
”Tama, dapat tayong magbigay ng balita.”Nagbulungan sila pero hindi pa rin marinig ng maayos ni Yuri ang kanilang sinasabi. Biglang nagningning ang kaniyang mga mata habang patuloy niyang binubulong ng paulit ulit ang pangalan ni Darren. Naalala niyang ginamit noon ni Darryl ang pangalang iyon. Gumamit siya ng pekeng pangalan sa buong sandali? Nasabi ang babae at naglakad palapit sa mga lalaki mula sa Fantasy Sect.“Excuse me, alam mo ba kung nasaan ngayon si Darren?” Magalang na tanong ni Yuri.Lumingon sa kaniya ang lahat ng kalalakihang mula sa Fantasy Sect at hindi nila nagawang ilayo ang kanilang mga tingin sa babae. Nabihag sila ng taglay nitong kagandahan at inabot sila ng sampung segundo bago sila bumalik sa kasalukuyan.“Maaari ko bang malaman kung bakit gustong malaman ng isang magandang dilag na tulad mo ang tungkol kay Darren? Magkaibigan ba kayo?” Nakangiting tanong ng pinuno ng grupo.Napasimangot ni Yuri sa mga tanong ng lalaki. “May nangyari ba sa kaniya? Sabihin
Read more
Kabanata 3535
Itinaas ni Olena ang kaniyang espada at nagkaroon ng nakakapukaw-tingin na ilaw sa dulo ng kaniyang blade bago niya ito itinusok pababa. Parang kidlat ang pagbaba ng kaniyang espada bago ito naging aparisyon ng higanteng espada.Nagulat si Darryl nang makita niya iyon. Kahit na iba ang aparisyon ng espada nito kumpara sa swordsmanship ng Nine Mainland, pareho lang ang kanilang lakas. Habang bumubulong sa sarili, nakita niya ang pagbaba sa kalaban ng aparisyon ng malaking espada bago ito sumabog ng malakas.Namutla ang mukha ni Jameson at ng iba pa nang makita nila ang paglapit ng aparisyon ng higanteng espada. Mabilis silang umatras pero hindi nila nagawang makatakas dahil napakalaki ng pag-atake. Marami sa kanila ang kaagad na nahiwa ng aparisyon ng higanteng espada. Sumirit ang dugo sa kanilang bibig habang pinapatatag ang sarili. Pagtapos ay takot nilang tiningnan si Olena. Naintindihan nila kung bakit dapat silang matakot sa Chief of the Blood Hand Organization.Sa wakas at nawa
Read more
Kabanata 3536
Seryoso ang mukha ni Darryl nang sabihin niya ang lahat ng iyon.Tumawa si Karum. “Darren, huwag mong layuan ang tanong. Paano mo ipapaliwanag ang mga kaguluhang galing sa Mount Rochsor kung wala namang kayamanan? At bakit ka naman ililigtas ng Blood Hand Organization kung wala kang kinalaman sa kanila?” Tanong nito habang patuloy ang pag-atake kay Olena.Tumango si Jameson bilang pagsang-ayon. “Tama siya! Huwag kayong makinig kay Darren! Siguruhing huwag palampasin si Darren o kung sinumang mula sa Blood Hand Organization!”Namula sa galit ang mga mat ani Darryl. ‘Ang lakas ng loob ng dalawang b*bo para siraan ako?’Huminga ng malalim si Darryl at nakita ang galit sa kaniyang mga mata. “Okay, ikaw na ang bahala. Huwag mong sasabihing hindi kita binigyang babala!”Nagulat ang lahat sa sianbi niya pero mabilis silang tumawa.Tumitig si Jameson kay Darryl at nagsalita gamit ang nakakatakot na boses. “Hindi ko nga alam kung saan mo nakuha ang lakas ng loob mo. Kami na ngayon ang nas
Read more
Kabanata 3537
Natuwa si Jameson nang makita ang pagbagsak ng marami niyang kalaban. “Darren, pinapayuhan kitang huwag ipahiya ang iyong sarili at tigilan ang walang kabuluhang pagpupumiglas!”Hindi binigyang pansin ni Darryl ang lalaki at sinigaw nito ang mga utos sa mga miyembro ng Blood hand Organization. “Para sa 500 kataong nasa likuran, bilisan ninyong humakbang ng limang beses pa-kanan at umatake kayo pag nasa posisyon na!”Mas lalo siyang gustong kutyain ni Jameson nang makita niya ang patuloy na pagsigaw ni Darryl na parang nasisiraan ng ulo. Puno ng pagkamuhi ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa lalaki hanggang sa mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Napanganga at nanlaki ang mata ng iba.Hindi mapapasok ang mga natirang miyembro ng Blood Hand Organization na parang copper wall sa ilalim ng pag-uutos ni Darryl, dahil bumuo ang mga ito ng pasulong at pag-depensang mga atake. Nanatiling hindi napapasok ang binuo nilang pader kahit ano pang gawing pag-atake ng kanilang
Read more
Kabanata 3538
”Mag-iingat ka!” Sumigaw din si Olena. Sinubukan niyang mabilis na lumapit sa tabi ni Darryl pero pinigilan siya ng kaniyang mga kalaban. Mukhang hindi niya magagawang lapitan kaagad ang lalaki. Hindi mapakaling tumaas ang mga kilay ni Olena at sinigawan si Jameson. “Hahabulin ka ng Blood Hand Organization hanggang sa katapusan ng mundo kapag sinaktan mo ang Kaniyang Kamahalan!”Umubo at nagsalita si Jameson. “Bakit hindi mo muna alalahanin ang sarili mo?” Sumabog ang saint energy ng lalaki at bumilis siya. Sa isang kisapmata, lumitaw siya sa harap ni Darryl.“Mamatay ka!” Galit na sigaw ni Jameson. Buong lakas niyang ibinaba ang kaniyang palad.Napamura sa loob loob si Darryl hindi gaanong nag-isip nang salubungin niya ang atake nito. Hindi siya sigurado kung matatalo niya si Jameson sa ginamimt niyang enerhiya, pero wala siyang ibang magagawa dahil inatake siya ni Jameson.Naramdaman niya ang malakas na espiritwal na kapangyarihan mula sa kaniyang likuran nang lalabanan n asana n
Read more
Kabanata 3539
“Huwag ka nang umiyak.” Sabi ni Darryl habang niyayakap siya nang mahigpit, “Hindi naging madali para sa iyo ang mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Hinanap kita kung saan saan—” Ngiti ni Yuri nang marinig niya iyon.“Babae ba ni Darryl ang magandang babae na iyon?” napasimangot ang lahat nang maisip nila iyon, dito na sila napatitig nang husto kay Yuri. Masyado itong maganda at sexy kaya agad silang hindi nakapagsalita sa kanilang kinatatayuan. Hindi sasapat ang anumang salita sa mundong ito para mailarawan ang kaniyang kagandahan.“Mukhang siya nga ang babaeng nagpanggap na Goddess of Light. Niligtas siya ng isa pang babae noon sa Storm City.” Sabi ng isa sa kanila.“Oo, tama ka nga! Siya nga iyon.”“Nasa Storm City ako nang mangyari iyon.”“Huh! Sino nga ba ang magaakala na babae pala siya ni Darren hindi ba?”Kumislap ang mga mata ni Karum habang sumisigaw ng, “Nakipagsabwatan si Darren sa Blood Hand Organization at siya naman ang babaeng nagpanggap na Goddess of Light!
Read more
Kabanata 3540
Dating nakikipagspar si Darryl sa mga estudyante ni Mr. Farrer sa Sunshine City. Agad namang napahanga sa kaniyang talento ang matanda kaya agad niya itong inimbitahan na sumali sa Heaven Light Academy pero tinanggihan ni Darryl ang naging alok nito. Sinabayan naman ito ng kaniyang pangako na magpunta sa Academy isa sa mga araw na ito.Hindi inasahan ni Darryl na makikita niya si Mr. Farrer doon. Dito na siya napatingin kay Charlene kaya hindi na niya napigilan pang mapabuntong hininga sa sobrang paghanga. “Napakaganda ng babaeng ito!” Nagawa na niyang maglakbay sa higit anim na mga principalities maliban sa Soaring Eagle Principality. Kaya agad siyang nasurpresa nang malaman niya ang pagpunta ng maganda nitong commander in chief.“Kagalang galang na Charlene, Mr. Ferrer, tamang tama lang ang dating ninyo. Nakipagsabwatan si Darryl sa Blood Hand Organization habang ang babaeng ito naman ang taong nagpanggap noon bilang Goddess of Light. Sinubukan namin silang patayin pero hindi namin
Read more
Kabanata 3541
Dumating na ang labindalawang paladin ng templo ng liwanag, na nagdulot ng kaguluhan sa gitna ng mga tao."Ito ang labindalawang paladin!""Nandito na sila! Dapat may mga kayamanan dito." Ilan sa kanila ay napalingon kay Darryl na may malalim na paggalang sa kanilang mga mata. Ang Templo ng Liwanag ang may nangungunang posisyon sa buong kontinente ng Roland. Gayunpaman, ang labindalawang paladin ay nanatiling kalmado at nakolekta nang harapin ang pagsamba ng karamihan. Sila ay ipinadala doon ng Templo ng Liwanag upang siyasatin ang mga pagyanig mula sa Bundok Rochsor.Napakunot ang noo ng labindalawa paladin nang makita nila ang eksenang nasa harapan nila; masasabi nilang nahahati ang karamihan sa dalawang grupo—naaamoy nila ang kaguluhan sa hangin.Isang mapagmataas na pigura ang nakatayo sa haliging bato sa gilid na may mas maliit na bilang ng mga tao. Sino pa kaya kung hindi si Saint Lord Darryl? Mukhang kinubkob siya ng kabilang grupo. Nagtinginan ang labindalawang paladin na
Read more