All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3521
- Chapter 3530
7044 chapters
Kabanata 3522
At sa wakas ay nagising na rin sa katotohanan ang isa sa mga disipulo na nagtanong ng, “Saan po ba nagmumula ang malakas na pagyanig na ito?”Inisip ito ni Mr. Farrer bago nito sabihing, “Sigurado ako na isang mahusay na expert sa martial arts ang nagpakita. Mukhang nagmumula sa Mt. Rochsor ang mga pagyanig kaya dalian na ninyong maghanda. Pupunta tayo roon para tingnan kung ano ang nangyari.”“Opo, Guro!”Samantala, sa loob ng isa sa mga main hall ng Blood Hand Organization, tahimik at seryosong umupo si Olena sa mga sandaling ito. Higit sa isang dosenang mga elite na tauhan naman niya ang tumayo sa kaniyang harapan. Agad niyang ipinatawag ang mga ito para tanungin tungkol sa mga naramdaman nilang pagyanig.Tumingin ang mga mata ni Olena sa kaniyang mga tauhan habang nagtatanong ng, “Nalaman mo ba kung ano ang nangyari?”Isang elite naman ang mabilis na naglakad paabante habang sinasabi na, “Chief, ayon po sa aming imbestigasyon, nagmula po sa Mt. Rochsor ang mga pagyanig na nara
Read more
Kabanata 3523
Kinakailangan niya ng sagot sa kaniyang tanong, “Ano po ang lugar na ito, Master Franklin?”“Ito ay ang Chaos Teleportation Array.” Mahinang isinagot ni Master Franklin habang nagpapakita ng nagugulang mga mata sa gitna ng kalmado niyang mukha.Nagulat naman at nasabik nang husto sa isinagot ni Master Franklin si Darryl.“May kakayahan kaya ang array teleport na dalhin ako sa Nine Mainland? Napakagaling kung totoo nga ang mga iniisip ko!”“Nabasa ko po ang inyong mga isinulat sa Holy Jade Scripture, Master Franklin. Mayroon pong isang section dito na nagsasabi kung paano makabalik sa Nine Mainland—” Mas tumindi nang tumindi ang pananabik ni Darryl habang nagsasalita pero agad siyang pinigilan ni Master Franklin.“Tama ka. Isinulat ko nga ang paraan para makapunta sa iba’t ibang mundo sa Holy Jade Scripture, at ang paraang ito ay ang Chaos Teleportation Array,” sabi ni Master Franklin. Dito na naging seryoso ang tono ng kaniyang boses. “Pero hindi pa tapos ang teleportation array n
Read more
Kabanata 3524
“Sa madaling salita, kinakailangan mo munang pumasok sa Goldy Region gamit ang chaotic void at bumalik sa Nine Mainland mula sa Godly Region kung gusto mo nang bumalik doon. Magiging posible pa rin siyempre ang direktang pagbalik sa Nine Mainland sa sandaling magpakita ang isang Chaotic Tornado sa chaotic void pero masyado pa ring mababa ang posibilidad na ito, at masyado rin itong mapanganib. Naglalaman ang Chaotic Tornado ng isang matindi, mapanira at lumalamong lakas.”Tumingin naman si Master Franklin kay Darryl gamit ang kumplikado nitong mga mata. “Ituring mo nang suwerte ang sarili mo para magawang makapagteleport sa mundong ito gamit ang Chaos Tornado.”Tahimik namang tumango rito si Darryl. Nakaramdam siya nang pagkahilo nang alalahanin niya ang pangyayaring iyon na naglagay sa kaniya sa bingit ng kamatayan. Dito na niya naisip ang isang bagay bago nagtatakang magtanong ng, “Naiintindihan ko po ang mga sinabi ninyo, Master Franklin, pero marami pa po akong tanong. Paano niyo
Read more
Kabanata 3525
Malungkot namang natawa si Master Franklin sa itinanong ni Darryl. “Mas madaling sabihin kaysa gawin ang ibang mga bagay bagay. Ang pagbuo ng isang Chaos Teleportation Array ay nangangailangan ng tulong mula sa enerhiya ng chaotic void. Pero masyado pa ring unstable ang enerhiyang iyon.“50 taon akong nagtaya ng pawis at dugo para subukan ang iba’t ibang paraan para makontrol ito, at sa wakas ay nagawa ko na ring buohin ang teleportation array. Pero wala na akong kahit na anong lakas na ipagpatuloy ito sa mga sandaling iyon.“Napuno ako ng pagsisisi noong ibuga ko ang huli kong hininga. Pero umaasa pa rin ako na makikita ito ng kahit na sinong magmumula sa susunod na mga henerasyon para ipagpatuloy ang hindi ko natapos at tuluyang mabuo at magamit ang Chaos Teleportation Array. Pagkatapos ng dalawang libong taon ay nagawa mo ngang makarating dito.”Nagdadalamhating nagbuntong hininga si Master Franklin nang dahil sa bigat ng kaniyang dibdib.“Kung ganoon ay turuan niyo po akong ita
Read more
Kabanata 3526
Nasabik siya nang husto noong maisip niya kung paano niya magagawang pumasok nang malaya sa Godly Region sa sandaling mabuo niya ang teleportation array na ito.“Mmm…” Dito na bumalik ang malay ng nahimatay na si Madame Pandora. Agad na nanlambot si Darryl nang marinig niya ang mahinhin nitong ungol.Mabilis siyang lumapit kay Madame Pandora para suportahan ito. “Okay ka lang?” Tiningnan niya ito nang maigi hanggang sa madiskubre niya na walang kahit na anong problema rito maliban sa kaunti bahagya nitong panghihina.Tumatango namang sumagot dito si Madame Pandora bago nagtatakang magtanong ng, “Ano ang nangyari? Guguho na ba ang lugar na ito?”Huminga naman nang malalim si Darryl habang nakangiti rito. “Hindi, hindi, hindi mo na kailangan pang magalala sa kahit na ano. Isa lang itong pansamantalang hadlang sa atin.” Napagdesisyunan ni Darryl na huwag sabihin kay Madame Pandora ang tungkol sa paguusap nila ni Master Franklin at sa binuo nitong Chaos Teleportation Array sa takot na
Read more
Kabanata 3527
Si Karum ang pinsan ni Madeline. Ito ang nagkulong kay Darryl sa kuweba kasama ng dragon para mailigtas ang kaniyang buhay nang makasagupa nila ang isang mabagsik na dragon sa loob ng isa sa mga kuweba sa Storm City. Pero agad na nakapaghiganti si Darryl matapos nito. Si Karum, kagaya ni Jameson ay ipinadala rito ng Bounty Alliance para imbestigahan ang pinagmulan ng malakas na pagyanig sa Roland Continent.Agad na bumagsak ang mood ni Darryl nang makita niya ang dalawa roon. “Mukhang minamalas ako para makita ang dalawang mangmang na ito rito.” Agad namang nagpanic si Madame Pandora habang iniisip kung paano niya lalabanan ang ganito karaming tao nang magisa.Agad na nagulat sina Karum at Jameson nang makita nila si Darryl doon, at mas tumindi ang kanilang pagkagulat nang makita nila si Madame Pandora. Napalunok na lang sila sa kanilang mga sarili nang makita nila kung gaano ito kaganda. Masyado pa rin itong maganda para mabighani silang lahat kahit na dalawang araw na itong masugid
Read more
Kabanata 3528
Sabagay, nasa panig pa rin ni Jameson ang advantage pagdating sa bilang ng mga tauhan. Maging si Karum ay nakatitig nang husto kay Darryl habang naghihintay ng sagot.Suminghal naman si Darryl at sumagot ng, “Hindi mo naiintindihan kung ano ang nangyayari rito kahit na ipaliwanag ko pa ito sa inyo. Kaya mas mabuti kung umalis na lang kayo ng inyong mga tauhan.” Dito na siya tumingin kay Karum para sabihing, “Ikaw din, uimalis ka na at huwag na ninyo akong iistorbohin pang muli.”Naging agresibo si Darryl nang dahil sa panggugulo ng mga ito. Mayroon pa siyang mga kailangan na gawin bago tuluyang matapos ang ginagawa niyang teleportation array.Agad namang nainis si Jameson sa inasal ni Darryl. “Iniisip mob a na nasa likod mo pa rin ang Golden Lion Principality at ang Reyna para tulungan ka? Hindi, kaya huwag na huwag kang aasal nang ganiyan sa harapan ko.” Nanlamig na ang tono ng kaniyang boses sa mga sandaling ito.Maging si Karum ay nagalit nang husto rito.” Mukhang ayaw mo na nga
Read more
Kabanata 3529
At sa wakas ay nagising na rin si Karum sa katotohanan, “Kamahalan, masyado pong malakas si Darryl para sa atin!” Sigaw nito kay Jameson. Tatlong daang mga tauhan ang namatay nang ganoon ganoon na lang. Dito na napaatras ang mga natirang miyembro ng Bounty Alliance at mga bantay ng kabisera habang nagpapakita ng matinding takot sa kanilang mga mata.Dito na huminga nang malalim si Jameson habang sinasabi na, “Bakit kayo nagpapanic? Ginamit na niya ang karamihan ng kaniyang enerhiya kaya sigurado ako na hindi na siya magtatagal sa sandaling umatake tayong lahat nang sabay sabay.” Dito na siya sumugod papunta kay Darryl para maging halimbawa sa kaniyang mga kasama.“Sugod!”“Oo nga! Kinakailangan nating umatake nang sama sama!”Agad na sumugod papunta kay Darryl nang walang pagaalinlangan si Karum kasama ng kaniyang mga tauhan.“Magingat ka, Darren!” Sigaw ni Madame Pandora. Gustong gusto niyang tulungan si Darryl pero ano nga ba ang magagawa ng isang mahina na kagaya niya?“Wala n
Read more
Kabanata 3530
Suminghal naman si Darryl habang binabalewala ang sinasabi ng dalawa.“Darren! Okay ka lang ba?” Naiiyak na tanong ni Madame Pandora. Hinding hindi niya ginustong makita si Darryl nang ganito.Tumango naman si Darryl habang sinusubukan itong pakalmahin. “Okay lang ako!”Kasalukuyan na siyang napapaligiran ngayon nina Jameson, Karum at ng kanilang mga tauhan.“Gusto ninyo akong mamatay? Mangarap kayong lahat!” Napaatras si Darryl sa isang kanto habang namumula ang kaniyang mga mata at sa loob ng isang sigaw ay agad niyang pinindot ang acupoint sa kaniyang balikat para pigilan pagdaloy ng kaniyang dugo rito. Dito na niya biglang binunot ang Heavenly Halberd na kaniyang isinwing sa harapan ng kaniyang mga kalaban.Gumawa ng tunog ang Heavenly Halberd habang bumabalot ang isang kulay dugong liwanag sa daan daang mga kalalakihan na malapit sa kaniya, agad na napasigaw ang mga ito habang bumabagsak sa sarili nilang mga dugo.Dito na biglang namula ang mga mata ni Jameson sa sobrang gal
Read more
Kabanata 3531
Biglang naging nakakamatay ang katahimikan ng senaryo. Narinig ng lahat ng nasa Roland Continent ang Blood Hand Organization. Marami ang miyembro nilang malalakas at mapanganib para sa anim na principalities. Sinubukan ng anim na principalities ang lahat para mapaalis ang Blood Hand Organization sa mga nagdaang taon pero paulit ulit lamang silang nabigo.Hindi sila makapaniwalang tutulungan ng misteryoso at malakas na organisasyon si Darryl. Malapit ang samahan nina Darryl at Chief Olena. Mabilis na napatinign ang lahat kay Darryl dahil sa gulat. Kakaiba ang kinang sa mga mat ani Madame Pandora habang nakatingin sa lalaki. Napaisip siya kung ano pa ang ibang sikretong tinatago ni Darryl.“Ang Blood Hand Organization…”“Anong relasyon ni Darren sa kanila?”Nawala ang tindig ng lahat at bumulong ang mga ito sa kanilang sarili habang sumusulyap sa magandang si Olena. Bali-balitang malamig ang ganda ng Chief ng Blood Hand Organization at mayroong magandang reputasyon si Olena.Nakasuo
Read more