All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3621
- Chapter 3630
7044 chapters
Kabanata 3622
Agad na nagbulungan ang mga tao sa paligid nang marinig nila iyon.“Oo nga, ano ang dapat nating ikasaya kung wala naman siyang dalang Echeveria peacockii.”“Sabagay, inakala ko kaninang okay siya pero natalo pa rin pala ito sa huli.”“Mas mabuti kung luluhod na siya sa harapan ni Peacock Lilibet habang niyayaya ito nang maiinom.”Dito na biglang nagising sa katotohanan si Peacock Lilibet bago gigil na suminghal ng, “Natalo ka kaya simulan nang gawin ang napagpustahan nating dalawa.” Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero napuno pa rin ito ng inis.Ngumiti naman si Darryl habang nagtatanong ng, “Sino ang nagsabi na wala akong dal ana Echeveria peacockii?” Dito na niya nilabas ang Echeveria peacockii mula sa kaniyang enchanted beast pouch bago ilagay sa lupa.Ilang dosenang mga Echeveria peacockii ang kumalat sa lupa at ang bawat isa ay mas malaki at mas maganda kay sa sa nakuha ni Peacock Lilibet.Dito na biglang natahimik ang buong palasyo na gawa sa bato na umabot sa pun
Read more
Kabanata 3623
“Hayaan mo na,” sabi ni Darryl habang ikinakaway ang kaniyang kamay. Dito na siya ngumiti kay Peacock Lilibet habang sinasabi na, “Isa lang naman itong laro kaya hindi mo na ito kailangan pang seryosohin. Bakit hindi mo na lang ako ipagsalin ng maiinom?”Gumanda nang husto ang kaniyang mood matapos niyang manalo sa contest, kaya agad niyang pinagbigyan si Peacock Lilibet. Alam niya na ginawa ni Peacock Lilibet ang bagay na iyon dahil siya ang naging dahilan ng pagkamatay ni Red Sparrow Queen. Kaya napagpasyahan niya na palampasin na lang ang nangyaring iyon. Sabagay, nasa kaniya na ngayon ang Power of Bird Ancestor na nagmula sa Reyna.Natigilan naman si Peacock Lilibet ng isang sandali. Hindi siya makapaniwala na papalampasin ito ni Darryl nang ganoon ganoon na lang. Dito na siya dahan dahang lumapit para ipagsalin ng maiinom si Darryl. Tumango naman si Darryl habang inuubos ang laman ng kaniyang baso.“Palagi mong tatandaan na huwag na huwag kang magiging overconfident sa susunod.
Read more
Kabanata 3624
“Kamahalan, gusto ko po sanang imbestigahan ang mahiwagang barrier kaya gusto ko po sanang humingi sa inyong ilang mga tauhan na makakasama ko.” Seryosong isinagot ni Darryl.Tumango naman si White Tiger King habang nakangiting sumasagot ng, “Umaasa ako na sasabihin mo iyan sa akin. Oras na para makalabas tayo rito ngayong wala nang hidwaan ang nagaganap sa pagitan ng Beast Alliance at Flying Feathers Alliance.”Dito na tumingin si White Tiger King kay Colori Phoenix at Peacock Lilibet para sabihing, “Samahan ninyo si Kamahalang Darryl sa gagawin niyang pagiimbestiga sa mahiwagang barrier.”Si Colori Phoenix ang pinuno ng angkan ng mga Phoenix. Isa itong balingkinitan at nanlalamig na babae habang si Peacock Lilibet naman ay ang pinuno ng angkan ng mga Peacock.“Opo, Kamahalan!” Iisang sinabi ng mga ito. Naging kumpkikado ang itsura ng kanilang mga mukha habang naguguluhan sa naging utos ni White Tiger King dahil hindi pa sila tuluyang sumusuko rito. Pero wala namang magandang mang
Read more
Kabanata 3625
Dito na nagising sa kaniyang pagkagulat si Peacock Lilibet, agad siyang tumingin kay Darryl habang sinasabi na, “Ito ang isa sa mga formation na bumubuo sa mahiwagang barrier. Nitong nakaraang 10,000 taon ay inutusan kami ni Red Sparrow Queen na imbestigahan ang formation na ito nang higit sa isang beses, pero puno ng apoy at lava ang lugar na ito kaya naging mapanganib para sa aming tingnan ito nang maigi.” Tiningnan nito ang formation gamit ang takot nitong mga mata habang nagsasalita.At pagkatapos ay naiingit namang tiningnan ni Peacock Lilibet ang mahiwagang bilog na matatagpuan sa gitna ng bulubundukin.Tumango naman dito si Darryl bago nakangiting sabihin na, “Naiintindihan ko. Maghintay kayo rito habang tinitingnan ko ito.”“Ano? Papasok siya sa loob ng formation?” Dito na tuluyang natigilan sina Peacock Lilibet at Colori Phoenix sa kanilang narinig.“Isa kang tao kaya siguradong masusunog ka hanggang sa iyong kamatayan bago ka pa makalapit sa formation na ito,” nangiinsult
Read more
Kabanata 3626
Agad siyang natigilan sa eksena na kaniyang natunghayan nang makapasok siya sa formation, dito na siya huminga nang malalim habang sinasabi na, “Buwisit, mukhang ito nga ang makasaysayang Heaven Annihilation Formation.”Iilan lang ang nakatalang impormasyion tungkol sa Heaven Annihilation Formation sa Bai Qi Formation Manual. Masasabi na isa raw ito sa pinakamalakas na formation mula noong mabuo ang mundo. Walang tigil itong nagbabago at mayroon din itong kakayahan na kumuha ng spiritual energy mula sa langit at lupa na nakalapigid dito na nakapagpalakas dito nang husto.Kahit na walang detalyadong impormasyon ang formation na ito sa Bai Qi Formations, agad pa ring nasabi ni Darryl sa loob ng isang tingin na ang formation sa kaniyang harapan ay ang Heaven Annihilation Formation. Nagawa niyang makita na ang naglalagablab na apoy sa bulubundukin ay siya ring nagmula sa formation na ito.Mukhang matatagalan siyang sirain ito. Pagkatapos matigilan ng ilang minuto ay nagising na rin sa k
Read more
Kabanata 3627
Habang nagugulat ang lahat, lumipad si Darryl kung saan ito nakatayo at dahan dahang lumapag sa lupa.“Ikaw—” nagising na rin sa katotohanan si Peacock Lilibet sa mga sandaling ito, dito na niya ipinakita ang kaniyang pagkagulat habang nagtatanong ng, “Nasira mo ang formation?”Ngumiti namang sumagot si Darryl ng, “Oo! Nawala na rin ang apoy sa paligid ng bulubundukin hindi ba?”Narelax nang husto si Darryl sa mga sandaling iyon. Inakala niya na aabutin siya ng ilang oras para masira ang Heaven Annihilation Formation pero nagawa niya pa rin itong sirain nang hindi aabot sa isang oras.Hindi suwerte ang naging dahilan kung bakit nasira nang ganito kabilis ang Heaven Annihilation Formation. Maliban sa matinding pagintindi sa mga formation na nakatala sa Bai Qi Formations Manual, nagawa rin ni Darryl na matutunan ang pinagmumulan ng mga formation mula kay Ghost Valley Sage.Nanginig ang maselang katawan ni Peacock Lilibet habang hindi makapagsalitang nakatitig ang kaniyang mga mata k
Read more
Kabanata 3628
Kasalukuyang nakatitig ang mga mat ani Garuda ni Darryl habang napupuno ng napakatinding panlalamig ang tono ng kaniyang boses, “Nagkita nanaman tayong muli, Bata.”Wala namang naging pakialam si Darryl sa gigil na makikita sa mga mata ni Garuda. Tumawa lang ito habang hindi sumasagot sa mga sinabi nito.Dito na tumama ang paningin ni Garuda kay Colori Phoenix at Peacock Lilibet. Agad na napuno ng panloloko ang tono ng kaniyang boses habang sinasabi na, “Buwisit, hindi ko inasahan na kakampi kayong dalawa sa mga kalaban at sa napakasamang tao na ito matapos niyong maging tapat kay Red Sparrow Queen! Wala nang iba kundi kabutihan ang ibinigay sa inyo ni Red Sparrow Queen kaya hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili ninyo nang pumanig kayo kay White Tiger King?”Napuno ng pagkatuso ang mga mat ani Garuda nang isigaw niya ang lahat ng ito. Nang itayo ang Flying Feathers Alliance, sina Colori Phoenix, Peacock Lilibet at Garuda ang naging kanang kamay ng pinuno nilang si Red Sparrow Queen.
Read more
Kabanata 3629
Huminga naman nang malalim si Darryl bago sabihin kay Peacock Lilibet na, “Si Garuda talaga ang nagtake advantage sa sugatang si Red Sparrow Queen. Siya rin ang may gustong kumuha ng Power of Bird Ancestor nito para sa kaniyang sarili.”Nagalit dito nang husto si Darryl. Halos ikamatay na niya ang pagprotekta kay Red Sparrow Queen mula kay Garuda pero nagawa pa rin siya nitong siraan sa harap ng marami?Naging seryoso naman sa mga sandaling ito ang magandang mukha ni Peacock Lilibet. Nagkaroon ito ng kalmadong mood habang nagsasabi ng kanikaniyang mga katotohanan ang magkabilang panig, ito ang naging dahilan kung bakit naging mahirap para sa kanila na sabihin kung sino ang nagsasabi ng totoo. Kaya napagpasyahan niya na obserbahan ang mga ito para makita kung sino talaga ang nagsisinungaling sa kanila. Ganito rin ang mismong ginawa ni Colori Peacock.Suminghal ang puno ng simpatyang si Garuda bago sabihing, “Ayaw mo pa ring sabihin ang katotohanan? Nasa iyo ngayon ang Power of Bird A
Read more
Kabanata 3630
Agad na napakagat sa kaniyang labi si Peacock Lilibet habang sinasabi na, “Huwag ka nang magsalita ng kalokohan. Hinding hindi mo mababago ang katotohanan na hawak mo ang Power of Bird Ancestor.”Isang napakalakas na aura ang sumabog sa katawan ni Peacock Lilibet na bumalot nang mabilis sa katawan ni Darryl. Kasabay nito ang pagangat ni Colori Phoenix sa kaniyang kamay para gumawa ng isang palm attack laban kay Darryl.Gusto na sanang maiyak ni Darryl pero wala pa rin siyang nagawa kundi gamitin ang Power of Bird Ancestor, dito na nagsimulang maganap ang isang matinding laban sa kalangitan.Habang lumilipad sa gitna ng ere, nasabik naman nang husto si Garuda sa kaniyang mga nakita. Tuluyan na ngang nahulog sa kaniyang patibong sina Peacock Lilibet at Colori Phoenix. Kaya wala na siyang gagawin kundi umupo habang pinapanood ang pakikipaglaban ng mga ito kay Darryl.Walang tigil na nagsagupaan ang tatlo sa gitna ng ere habang maayos na nagsanib puwersa sina Peacock Lilibet at Colori
Read more
Kabanata 3631
Nasabik ang Garuda clan, namangha sila sa timing ng kanilang pinuno. Sa parehong sandali, nagulat din sina Peacock Lilibeth at Colori Phoenix habang nakaramdam sila ng galit sa pagiging mapanlinlang ng Garuda. Hindi sila makapaniwalang tinulungan lamang sila nito noong labis na mahina si Darryl.Walang pakialam si Garuda sa mga titig nina Peacock Lilibeth at Colori Phoenix nang itapon niya paatras ang kaniyang ulo sa tawa. Pagtapos ay tumitig siya kay Darryl at nagsalita gamit ang tila nanalong trono. “Hula ko ay hindi mo iyon inakala. Sinabi ko nang papatayin kita kahit ano pa ang mangyari.”“Garuda! Hindi ako makapaniwalang tinawag mong pinuno ng Garuda Clan ang sarili mo kung ang tanging alam mo lang ay ang sugurin ang ibang tao! Ginawa mo rin ang parehong bagay kay Red Sparrow Queen noong nasa bangin tayo! Kung ako sayo ay mahihiya ako!” Namumula ang mga mat ani Darryl nang sabihin nita ito.Galit na galit si Darryl. ‘Hay*p! Hindi ako makapaniwalang ginanito niya ako.’ Tumitig s
Read more