All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3631
- Chapter 3640
7044 chapters
Kabanata 3632
Sa wakas, nag-react at tinitigan ni Colori Phoenix si Garuda at nagsalita ito. “Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?” Hindi maipaliwanag ang kaniyang glait. Siya at si Peacock Lilibeth ay kanang-kamay ng Red Sparrow Queen at na-enjoy nila ang malapit nilang relasyon. Hindi niya mapigilan ang kaniyang galit nang makita niya ang pagsugod ni Garuda kay Peacock Lilibeth.“Oo, totoong nabaliw na ako!” Mukhang malupit si Garuda at hindi siya nagbigay ng atensyon sa kaniyang galit. “Paano ko bubuhaying muli ang Flying Feathers Alliance kung hindi kita papasukuin, Peacock Lilibeth? Huwag mo akong sisisihin sa paggawa ng dapat kong gawin!”“Sobra kang nakakamuhi, Garuda!” Sumigaw si Colori Phoenix habang nanginginig. Ibinato niya kay Garuda ang banayad niyang mga kamay, gusto niya itong mahuli gamit ang matatalas na kuko. Hinalo niya ang kaniyang lakas sap ag-atakeng iyon, at umikot ang hangin na kaniyang nadaanan. Nakakagulat na pangyayari ang makita iyon. Hindi nataranta si Garuda. “Maa
Read more
Kabanata 3633
Patagong huminga ng malalim si Darryl nang makita niya ang pangyayari. Lagot silang lahat dahil nahuli na sina Peacock Lilibeth at Colori Phoenix.“Hoy, Garuda! Hindi mo ba alam ang mga kapalit ng panloloko mo kay Colori Phoenix at sa akin? Pakawalan mo na kami ngayon!” Sigaw ni Peacock Lilibeth. Nanginig ang kaniyang katawan at malinaw ang apoy sa kaniyang mga mata.Higit na mas mababa ang posisyon ni Garuda kumpara kay Peacock Lilibath sa Flying Feathers Alliance. Laging maganda ang kaniyang pagkilos sa harap ng babae sa tuwing nakikita niya ito. Kaya naman nakakagulat para sa kaniya ang pagplano nito laban sa kaniya.“Tumahimik ka!” Dumilim ang mukha ni Garuda nang makita niya ang pag-uugali ni Peacock Lilibeth. Naglakad siya ng mabilis at sinampal ang mukha nito. Sumigaw ito at bumakat ang kamay sa maputlang mukha nito.“Tama na ang ganiyang pag-uugali! Sa tingin mo ba ay maaari ka pa rin maging bastos sa harap ko ngayong wala na ang Reyna? Isa ka nang bilanggo ngayon!” Nagki
Read more
Kabanata 3634
Hindi niya sinabi sa kanila ang totoo dahil nahuli sina Peacock Lilibeth at Colori Phoenix. Nanginig ang dalwang bihag na may halong labis na lungkot at galit. ‘Talagang wala siyang hiya dahil sa immoral niyang ginawa!’Sa parehong sandali ay sabay-sabay silang tumingin kay Darryl at may awa at pagsisisi sa mga mata. Isa pa, nagsabi ng totoo si Darryl at sinisi nila ang kanilang mga sarili dahil hindi nila ito pinaniwalaan.“Garuda, dapat kang mamatay dahil sa mga nagawa mo!” Malungkot na sumigaw si Peacock Lilibeth. Galit siyang tinitigan ni Colori Phoenix, gusto niya itong balatan doon.Malamig na natawa si Garuda at nagsalita. “Mga walang utak! Akala niyo naman ay mabubuhay ang Reyna kapag pinatay niyo ako.” Pagtapos ay naging matalas ang kaniyang tono. “Ang pinakamahalagang bagay ngayon ay ang maging maayos ang grupo ng Flying Feather Alliance at manalo sa digmaan laban sa Tiger King. Ipinapangako kong tatratuhin ko kayo ng maganda kapag binigay ninyo sa akin ang inyong katapata
Read more
Kabanata 3635
”E kayo?” Tiningnan ni Daryda ang mga miyembro ng Flying Feathers Alliance at mukhang galing sa impyerno ang malamig niyang boses. “Mananatiling buhay ang mga susunod sa akin, samantalang mamamatay naman ang mga hindi, kaya mag-isip kayong maigi.”Mabilis na naglakad palapit ang isa sa mga miyembro ng Flying Feathers Alliance, Lumuhod siya sa harap ni Garuda at nagsalita. “Sambahin ang Alliance Master!”Wala silang magagawa kundi ang sumuko sa lalaki.“Sambahin ang Alliance Master!’ Naglahad ng halimbawa ang isang tao at nagkatinginan ang lahat, kaagad silang lumuhod. Malinaw ang sitwasyon. Walang may gustong mamatay.Kumunot ang noo ni Darryl sa kaniyang nakita at muling nag-alab ang galit sa kaniyang puso. ‘Hay*p! Hindi lamang masama si Garuda, wala rin siyang awa! Ginawa niya ang lahat ng iyon para magkunwari sa harap nina Peacock Lilibeth at Colori Phoenix!’Pero naging epektibo naman. “Makinig kayong lahat—” Gaya ng inaasahan, nagsimulang mataranta sina Peacock Lilibeth at
Read more
Kabanata 3636
Nang sandaling iyon ay hindi pa malakas si Garuda simulant ang laban nila ng White Tiger King, kaya ang tanging magagawa niya lang ay ang lumayo. Hindi nag-alangan ang mga mandirigma ng Garuda clan nang marinig nila ang utos nito; mabilis sila umalis kasama sina Darryl, Peacock Lilibet, at Colori Phoenix bilang kanilang mga bihag.Kahit na mabilis silang nakaalis ay nasulyapan parin sila ng White Tiger King. “Naroon ang Garuda clan!” Hindi nagdalawang-isip ang White Tiger King; ikinuway niya ang kaniyang kamay. “Habulin sila! Huwag ninyo hahayaang makawala sila!”Mabilis na sumulong ang White Tiger King habang nakakatakot ang aura nito at mabilis silang hinabol kasama ang sampung libong miyembro ng Beast Alliance.Sa Nine Mainland…Tatlong taon na ang nakalipas noong hinigop ng ipo-ipo si Darryl. Sa mga taong iyon ay in-enjoy ng mga kontinente ang kapayapaan. Wala gaanong paglalaban sa mundo ng mga cultivator kaya bihira ang ganoong kapayapaan na bumaba sa mga kontinente.Nang san
Read more
Kabanata 3637
”Hindi mo siya dapat hikayatin ng ganoon, Dax!” Sambit ni Chester. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak ba siya. Mukhang hindi babaguhin ni Dax ang pabaya niyang pag-uugali.Inunat ni Dax ang kaniyang ulo at ngumiti.Biglang tumahimik sa buong plaza.“Dumating na ang sugo!” Sigaw ng isang tao at kaagd na lumingon ang lahat sa mataas na entablado.Mabilis na umakyat sa mataas na entablado ang isang middle-aged na lalaki. Nakabihis ito ng mamahalin at magandang robe, burdado ang pattern ng pitong bituin at buwan, sinamahan ito ng dekorasyon ng magagandang ulap at kakaiba ang pagdadala niya sa sarili. Siya ay si Rogart, ang sugo mula sa Godly Region.Biglang napapigil hininga ang lahat nang maramdaman nila ang aura ni Rogart. Tumingin sila sa paligid at nagsalita gamit ang makapangyarihang boses. “Salamat sa inyong pagpunta at partisipasyon sa Nine Mainland Conference!”Hindi malakas ang kaniyang boses pero kumalat pa rin ito sa buong plaza at malinaw itong narinig ng lahat.‘Ga
Read more
Kabanata 3638
Nagpatuloy ang bumungan sa paligid pero walang pakialam si Rogart sa mga ito. Nagsalita siya. “Sigurado akong pamilyar ka sa walong Oracles na nakatayo sa ating harapan. Pinarangalan sila ng posisyong mga Hari at trabaho nilang panatilihin ang batas at kaayusan sa Heavenly Alliance. Maaari mo silang hanapin kung gusto mong iparehistro ang iyong sekta sa ilalim ng alyansa. Maaari mong gawin ang anumang naisin mo.”Nagdulot ito ng isa pang bulungan.“Hindi ito kinakailangan? Well, naging mas nakakainteres ang mga bagay—”“Sinong sasali kung ganoon? Labis na mas mabuti ang maging independent na sekta.”“Tama ka. Pero magkakaroon tayo ng alalay ng Godly Region kapag sumali tayo sa Heavenly Alliance.”Hindi nagbago ang hitsura ni Ambrose at malamig siyang natawa. ‘Pinamukha ni Rogart na para bang makabubuti para sa Nine Mainland ang pag set-up sa Heavenly Alliance pero maaaring ginamit lang talaga ito para makontrol ang kontinente! Hindi nagpadala ng tulong ang Godly Region noong nagdu
Read more
Kabanata 3639
”Paano naman ang mga Kamahalan?” Tanong ni Rogart nang tingnan niya ang maharlikang pamilya mula sa ibang kontinente. Pero nanatili silang tahimik.Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang isang kaaya-ayang anyo at banayad na nagsalita. “Salamat sa mabuting imbitasyon pero namumuhay at nagtatrabaho ng mapayapa at kontento ang mga mamamayan ng South Cloud, kaya patawarin ninyo kami sa hindi pagsali sa alyansa.” Pagmamay-ari ng walang ibang kundi si Quincy Long ang boses na iyon.Nanigas ang mukha ni Rogart sa kaniyang narinig. Nahiya at nagalit siya. Anong lakas ng loob ng Empress ng South Cloud World para maliitin ang Heavenly Alliance.“Malapit nang magtapos ang pagtitipon, Iyong Kamahalan, kaya aalis na tayo ngayon. Paalam.” Sambit ni Quincy sa sugo. Ikinuway niya ang kaniyang kamay at umalis kasama ang iba pang miyembro ng maharlika.Di nagtagal at lumisan na ang Westrington Family at North Moana Continent Royal, sinundan ito ng iba pang mga prominenteng sekta. Ngumiti si Chester
Read more
Kabanata 3640
Nang sandaling iyon, niyakap ni Yvette si Goddad at tiningnan ang tanawin sa kanilang harapan. “Hindi ba’t napakaganda rito?” Nakangiting tanong niya.“Oo!” Tumango at nagsalita ito gamit ang batang boses. “Pero mas maganda sina Mummy, at tita Yvette at tita Yvonne!”Masayang tumawa ang mga ito sa sinabi ng bata.“Oh, smooth ka magsalita maliit na bata.” Sambit ni Yvette nang himasin niya ang ulo nito. “Marunong ka talagang manghuli ng puso ng babae, huh?” Para kang tatay mo.”Nakaramdam ng kabog sa dibdib si Yvette at lumutang sa kaniyang isipan ang imahe ni Darryl. ‘Kung nandito ka lang, Darryl.”Sa parehong sandali, mukhang malungkot din sina Shannon, Yvonne, at ang iba pa. Walang hanggang sakit ito para sa kanila. Nilamon ng chaotic vortex ang dating ansa Kunlun peak na si Darryl. Nang sandaling iyon ay naging malungkot ang kaninang masayang paligid.Pagtapos ay nagalkad sina Dax, Chester, at Ambrose habang tumatawa.“Hello, Goddad, nandito ang tito mo!” Sambit ni Dax nang b
Read more
Kabanata 3641
Isang katangi- tangi at napakarilag na karwahe na hinihila ng walong puting kabayo ang nakaparada sa harap ng maharlikang hukbo. Ang karwahe ay purong ginto na may nakaukit na mga dragon at phoenix. Ito ay kapansin- pansin.May isang payat na pigura na tahimik na nakaupo sa loob ng karwahe— ito ay si Quincy Long, nakasuot pa rin ng dragon at phoenix na damit na suot niya sa Nine Mainland Conference. Pinatingkad ng robe ang kanyang magandang pigura habang pinapanatili ang kagandahang-asal na angkop sa Royal Family.Hinawi ni Quincy ang bead na kurtina at tumingin kay Shannon. "Ate, tatlong taon na. Hindi mo ba nami- miss ang mundo South Cloud? Utang na loob sumama ka na sa akin pauwi!" Gaya ng dati, ang tono niya ay malambot ngunit may pagka- awtoridad din.Hindi niya maiwasang mapatingin kay Goddad nang malamig habang kinakausap niya si Shannon. Lumipas man ang tatlong taon at natangay na ng magulong puyo si Darryl, hindi pa rin nagbabago ang tingin nito sa kanya. Kung hindi dahil s
Read more