All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3821
- Chapter 3830
7044 chapters
Kabanata 3822
Pero hindi niya ipinakita kung ano ang kaniyang iniisip. Napakagat na lang siya nang husto sa kaniyang labi hanggang sa malapit na itong magdugo habang sumisigaw ng, “Tito!”Pagkatapos nito ay agad na bumagsak ang maganda nitong mukha. Masyado nang malaki ang naging epekto sa aroganteng babae na ito ng pagtawag niya kay Darryl ng tito nang dalawang beses.“Magaling!” Inakala ni Darryl na titigil siya roon. Tumango lang ito habang nakangiting sinasabi na, “Sige, tutulungan kitang magmakaawa sa dragon ngayong seryoso kana sa paghingi mo ng tawad.”Dito na siya naglakad palapit sa makaliskis na dragon para umarte sa harapan nito. “Makaliskis na dragon, hindi ginusto ng babaeng ito na istorbohin ka kaya huwag mo sana siyang kainin.”Ginamit niya ang Power of Bird Ancestor na kaniyang itinusok sa makaliskis na dragon habang nagsasalita. “Tinutupad ko na ang aking pangako. Magagawa mo nang malampasan ang bottleneck na pinagdaraanan mo sa sandaling tuluyan itong pumasok sa iyong katawan.
Read more
Kabanata 3823
Medyo nawala ang pagkainis ni Veron kay Darryl nang maisip niya ito. At sa halip ay mas lalo pa siyang nacurious dito. “Mukhang kayang gawin ni Darryl ang lahat ng bagay. Gaano karaming lihim ba ang itinatago nito?”Sa kabilang banda, ang King Court Hotel ay ang pinakamalaki pinakasikat at pinakamahal na hotel sa Mid City. Kaya normal na para sa kahit na sinong sabihin na tanging ang pinakamayayamang tao lang ang maaaring manatili roon. Bumalik sina Skylar at Kendall sa hotel nang makaalis ang dalawa sa Sky Park.“Sect Master, mukhang matindi ang iyong interes kay Debra Gable nang tingnan mo ito sa Sky Park kanina,” Sabi ni Kendal nang bigla itong pumasok sa kaniyang isipan.Itinango naman ni Skylar ang kaniyang ulo nang walang pagaalinlangan. “Tama ka riyan. Para siyang isang diyosa sa ganda kaya agad akong nalove at first sight nang makita ko siya sa celebration banquet ng Heavenly Alliance noon,” Nakangiti nitong isinagot.Dito na biglang naging nakakaawa ang tono ng kaniyang bo
Read more
Kabanata 3824
Agad na namangha si Kendall sa mga ipinakita ni Skylar sa kaniya. “isa itong napakagandang set up!” Hindi niya naiwasang purihin ito.Dito na napaliyad si Skylar habang tumatawa sa bati ni Kendall. Dito na siya naging proud nang husto sa kaniyang sarili.Samantala, sa manor ng pamilya Carter, kasalukuyang napasandal sina Dax at Debra sa tulong ng iba pang mga disipulo. Bumalik naman nang paisa isa sina Chester, Yvette at iba pa nang walang dalang balita tungkol sa kinaroroonan ni Darryl.Agad na napaluhod si Dax nang makapasok siya sa sala ng manor. Nangihihina na ito nang husto kaya agad nitong ginamit ang buo niyang willpower para maiwasan ang pagkawala ng kaniyang malay.“Dax! Ano ang nangyari?” Agad na naglakad palapit sa kaniya sina Chester, Yvette at iba pa.Agad na nagpakita ng pagaalala ang magandang mukha ni Yvette nang tingnan nito si Dax. At pagkatapos ay agad nitong tiningnan si Debra habang nagtatanong ng, “Ano ang nangyari? Sino ang may gawa nito kay Dax?”Napuno si
Read more
Kabanata 3825
Nagbuntong hininga si Chester habang sinasabi kung ano ang kaniyang nakita sa katawan ni Dax. At pagkatapos ay muli siyang nagbuntong hininga habang sinasabi na, “Anong klase ng cultivation technique ang ginagamit ni Skylar? Masyadong kakaiba dahil may kakayahan itong selyuhan ang mga meridian at elixir field ni Dax.”Huminto siya para magisip at magpatuloy sa pagsasalita, “Isang bagay lang ang naiisip ko para mailigtas siya at iyon ay ang pagkakaisa natin para puwersahang mapalabas ang bagay na ito sa kaniyang katawan.”Agad namang itinango nina Yvette, Debra at iba pa ang kanilang mga ulo nang marinig nila ito. At walang kahit na sino sa kanila ang may ideya na ang puwersang nasa katawan ni Dax ay ang fiend soul na tanging kay Skylar lang nila makikita. 10 minuto rin nilang pinuwersa na alisin ang enerhiyang ito pero masyado itong malakas kaya hindi nila ito nagawang tanggalin sa katawan ni Dax.Mas nakaramdam ng konsensya si Debra nang makita niya ito. Hinding hindi mangyayari it
Read more
Kabanata 3826
Bahagyang napakagat si Debra sa kaniyang labi. Nagdalawang isip siya ng ilang segundo bago sabihing, “Skylar mako ito.”Agad na sumigla ang mood ni Skylar nang marinig niya ang boses ni Debra. “Hello, Ms. Debra. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo ngayong disoras ng gabi?”Nakangiti ito nang mataas sa mga sandaling iyon. “Gaya ng inaasahan. Wala pang 24 oras ay tinawagan na niya ako. Siguradong malapit nang mamatay si Dax kaya agad na siyang nagpunta rito.”Wala pa ring ideya si Debra sa iniisip ni Skylar nang sabihin nitong. “Umm, mayroon sana akong gustong hingiin sa iyo nang personal.” Mahina nitong sinabi.Dito na biglang nasabik nang husto si Sklyar. “Isang karangalan para sa akin na gawin ang kahit na ano sa isang diyosa na katulad mo. Susunduin kita sa lobby.” Walang pagaalinlangan nitong isinagot.Hindi nagtagal ay umupo ang dalawa sa pampribadong dining room ng hotel. Malalim na ang gabi kaya wala nang kahit na sinong kumakain doon. Ang kanilang lamesa ay katabi ng floor to
Read more
Kabanata 3827
At pagkatapos ay agad na umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Skylar habang napupuno ng tuwa ang kaniyang mga mata. “Ms. Debra, nahulog ngayon si Dax sa isang technique na tanging ako lang ang gumagamit kaya ang nagiisang bagay na makapagliligtas sa kaniya ay ang paginom ng aking dugo, pero malaki ang mawawala sa akin sa sandaling gawin ko ito. Sabagay, naging maganda pa rin ang trato ko sa iyo kahit na binabalewala mo ako. Kaya paano mo nagawang humingi ng pabor sa akin nang hindi naman tayo magkaibigan?”Sianbi niya iyon habang tinitingnan ang katawan ni Debra. Sinadya niyang sabihin ito para mawalan ng pagpipilian si Debra kundi ibaba ang kaniyang dignidad.Gaya ng inaasahan ay nagpanic na nang husto si Debra habang nagpapakita ng pagaalala ang maganda nitong mukha. “Gagawin ko ang lahat ng sabihin mo. Lahat! Hangga’t magagawa mong iligtas si Dax!”“Kahit na ano?” Dito na tumaas nang husto ang ngiti ni Skylar.Napakagat naman si Debra sa kaniyang labi habang tumatango sa kan
Read more
Kabanata 3828
Nagdurugo ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon. Ang kaniyang pagpayag dito ay nangangahulugan na magiging babae siya ni Skylar, pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi naman sa gusto niyang hayaan na mamatay si Dax.Dito na natuwa nang husto si Skylar. Tumawa ito habang sinasabi na, “Huwag kang magalala dahil tutuparin ko ang aking pangako. Ms. Debra. Bibigyan na kita ngayon ng sariwa kong dugo.”Mabilis siyang tumayo para pumunta sa kaniyang kuwarto habang nabablangko namang nakatitig si Debra sa bintana ng restaurant.Samantala, sa mansyon ng pamilya Carter, agad na naging mabigat ang hangin sa paligid nang dahil sa kasalukuyang kondisyon ni Dax. Dito na biglang bumaba ang isang guwapong imahe mula sa malayo.Nagbalik na si Darryl! Nagmamadali itong bumalik nang walang tigil matapos makaalis sa Hidden Heroes Sect. Inakala niyang nagaalala na nang husto sa kaniya si Chester at ang iba pa niyang mga kasama.“Nakabalik na ang Young Master!”“Young Master!”Natutuwa namang
Read more
Kabanata 3829
“Anong klase ng technique ang ginagamit ni Skylar sa pagpapalakas? Paano ito naging ganito katindi?” Isip ni Darryl. Dito na niya direktang pinaupo si Dax bago umupo sa likuran nito para simulang gamitin ang kaniyang internal energy sa pagbabakasakaling maaalis niya ang enerhiyang iyon sa katawan ni Dax.Confident siya na magtatagumpay siya sa pagpapaalis nito dahil sa pagkakaroon niya ng diwatang kaluluwa at Power of Bird Ancestor. Makapigil hininga naman siyang hinintay nina Chester, Yvette at iba pa. Pero agad na lumaban ang katawan ni Dax nang lagyan ni Darryl ito ng diwata nitong kaluluwa, dito na naglaban ang dalawang magkaibang puwersa sa loob ng isang sandali nang walang kahit na sinong nakakalamang sa mga ito.Napasimangot na lang si Darryl habang nawawala ang confidence na ipinakita niya kanina. “Mas malakas nga ang puwersa sa katawan ni Dax kaysa sa aking inaakala.”“Argh!” Sigaw ng walang malay na si Dax habang hindi tumitigil sa panginginig ang kaniyang katawan. Namula
Read more
Kabanata 3830
Si Dax ang kinakapatid ni Darryl kaya bakit siya ililigtas ni Skylar nang walang magandang rason? Hinding hindi lalambot ang kaniyang puso kahit na pumayag si Debra sa gusto niya. Wala nang katulad ang kasamaan sa plano na kaniyang naisip. Sa panlabas ay makikitang maayos ang lagay ni Dax sa sandaling inumin nito ang kaniyang dugo na may Soul Devouring Bloodworm pero sa totoo lang ay mapapasailalim na ito ng kaniyang kontrol.“Talaga, salamat, maraming salamat!” Tuwang tuwa namang tumayo si Debra habang kinukuha ang vial sa kamay ni Skylar. Nang buksan niya ito ay nakita niyang puno ito ng dugo na naglabas ng amoy na bakal sa paligid. Siguradong nagmula ang sariwang dugo ito sa mga ugat ni Sklyar.“Dadalhin ko na ito pabalik!” Sabi ni Debra bago tumalikod para umalis.Mabilis naman siyang sinundan ni Sklyar habang sinasabi na “Ihahatid na kita,” nang nakangiti.“Tandaan mo ang ipinangako mo sa akin, Debra,” sabi ni Skylar nang makalabas sila ng hotel. Hindi na maipaliwanag ang tuwa
Read more
Kabanata 3831
Subalit higit na mas malakas si Skylar kaysa kay Neil, kaya naman walang pag-asang manalo laban sa lalaki. Nakaramdam ng desperasyon si Neil sa kaisipang iyon. Naisip niyang sabihin kay Chester ang lahat pero huli na ang lahat. Nakuha n anito ang ghost token at hawak pa rin ni Skylar ang buhay ng kaniyang kasintahan.Samantala, sa manor ng pamilya Carter ay malapit nang mag-umaga. Madilim ang paligid sa kwarto ni Dax. Humina ang kaniyang oaghinga at naging mas maputla ang kaniyang mukha. Nakabantay sa kaniyang tabi si Nancy at namaga ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa niyang pag-iyak. Naroon siya magmula noong dinala ang lalaki sa kwarto ilang oras na ang nakalipas. Emosyonal at pisikal siyang pagos pero determinado siyang kumilos. Nagpatuloy siya sa pagdarasal na gumising si Dax. Maraming taon na silang kasal at marami na silang kinaharap na pagsubok. Nadurog ang puso niya nang makita niya ang ganoong sitwasyon ni Dax.Biglang bumukas ang pintuan at naglakad si Debra papasok sa k
Read more