All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3831
- Chapter 3840
7044 chapters
Kabanata 3832
Bahagyang nagbuntong hininga si Debra at nakita ang sakit sa kaniyang mga tinginn, pero pinilit niya pa rin ngumiti. “Lalabas lang ako para maglakad. Pakiusap, huwag mong kalimutan ibigay ang liham na ito kay Darryl.”Pagtapos ay lumabas siya ng kwarto. Ayaw niyang sabihin kay Nancy ang tungkol sa kasunduan nil ani Skylar. Alam niyang pipigilan siya nito kapag sinabi niya ang tungkol dito. Gustong bawiin ni Debra ang kaniyang mga salita dahil magiging maayos si Dax, pero alam niya kung anong kapangyarihan ang mayroon si Skylar. Magpapaulan siya ng dugo sa pamilya Carter kapag hindi ito pinuntahan ng babae. Kaya napagdesisyunan niyang gawin ang pinagkasunduan.“Debra!” Sigaw ni Nancy nang habulin niya ito, pero masyado nang nakalayo ang babae. Nagsimulang mataranta si Nancy. May mali talaga sa ikinikilos ni Debra. Mahahanap na sana niya si Chester nang biglang nagising si Dax.“Darling…” Nanghihinang tawag ni Dax.Nakaramdam ng sobrang tuwa si Nancy at mabilis siyang lumapit para su
Read more
Kabanata 3833
Huminga ng malalim si Darryl at dumiretso sa punto nang sabihin niya kay Rogart ang lahat ng tungkol kay Dax. Sa wakas, nagtanong siya. “Rogart, mayroon ka bang ideya kung paano ililigtas si Dax? O baka mayroon kang spirited fruit?”Mayroong essence ng langit at lupa ang spirited fruit. Hindi lamang nito mapapahaba ang buhay ni Dax, pero sasailalim sa muling pagkabuhay si Dax. Pagtapos ay gagamitin ni Darryl ang kapangyarihan ng fairy soul para matulungan ang lalaki na maalis ang enerhiyang nasa kaniyang katawan nang hindi nag-aalala kung kakayanin niya ba ito o hindi.“Iyong Kamahalan, bakit niyo naisip na hindi mor in ito kayang gawin? Isa pa, hindi mababang sugo tulad ko ang spirited fruit. Tanging ang Nine Heaven Emperor at si Empress Heidi lang ang may pribilehiyong kainin ito. Magbibigay ako ng suhestiyon na pumunta ka sa Godly Region at manghini ng isa sa spirited fruits para kay Dax?” Kalmadong sambit ni Dax, hindi niya itinago ang katotohanang wala siyang pakialam kung mabub
Read more
Kabanata 3834
Huminga ng malalim si Kendall at nanatiling tila walang pakialama ng tingin sa kaniyang mukha. “Ipinadala ako ng sugo na si Wilson. Mayroon akong ibibigay na balita sa Kaniyang Kamahalan. Ito ang token ni Wilson.” Kalmadong sambit niya habang ipinakita niya ang token sa mga ito.Sobrang kinabahan siya dahil iyon ang unang beses na nagpunta siya sa Ghost World pero pinaalala niya sa kaniyang sarili na mayroon siyang suporta ni Skylar at ng ghost token na kaniyabg hawak. Kagaad niyang naramdaman na mas tumaas ang kaniyang tiwala sa sarili.‘Ghost token?’ Naging magalang ang mga sundalo nang makita nila ang token. Alam ng lahat sa Ghost World na ginawang sugo ng King of the Dead si Chester. Kahit na umalis na siya sa posisyong iyon ay nanatili silang matalik na magkaibigan ng King of the Dead, kaya naman hindi nagtangka ang mga sundalo na saktan ang lalaki.“Ah, so ipinadala ka ng sugo na si Wilson. Pasensya na kung nasaktan ka naming.” Sambit ng pinuno habang hinangaan nito ang maliit
Read more
Kabanata 3835
Hindi mapigilang matawa ni Skylar sa tanong nito. “Debra, ang layunin ng aking eksplorasyon ngayon sa Ghost World ay ang makapaghanda para sa nakakagulat na pangyayari. Darating ang mga pagbabago sa pagitan ng langit at lupa kapag nagawa ko ito, at maaalala ako sa habang panahon.”‘Nakakagulat na pangyayari?’ Nanginig si Debra at tila huminto ang pagtibok ng kaniyang puso sa kaniyang narinig.“Debra, hindi ito maliit na bagay kaya wala ako gaanong magagawa. Sasabihin ko sa iyo ang tungkol dito kapag nakumpleto na.” Sambit ni Skylar. Palagi siyang nag-iingat pagdating sa mga importanteng bagay gaya noon.Hindi na nag-abala pang magtanong ng mas madami si Debra nang marinig niya iyon.“Anon ang dapat nating gawin, Sect Master?” Tanong ni Kendall.Huminga ng malalim si Skylar at nagsalita. “Ang susunod na hakbang ay ang ibalik siya sa lalong madaling panahon. Napakadelikadong lugar ng Ghost World kaya napagdesisyunan kong pumunta nang mag-isa. Iyon nga lang—”Nang sandaling iyon ay
Read more
Kabanata 3836
Samantala, walang pakialam na umupo si Ileana sa kaniyang trono sa main hall ng Underworld sa Ghost World. Nakapila ang mga kapitan ng higit isang dosenang grupo ng patrolya sa magkabilang gilid niya. Ibinalita nila rito ang resulta ng inspeksyon sa araw na iyon. Nag-utos si Ileana sa kapitan na magbigay ng balita sa kaniya araw-araw magmula noong pinatibay nila ang depensa ng Ghost World. Di nagtagal at natapos ang lahat ng mga kapitan sa kanilang pagbibigay ng balita.Biglang may pumasok sa isip ng isa sa mga kapitan. Umabante at magalang itong nagsalita. “Iyong Kamahalan, nagpatrolya ako nang biglang may nagpakitang babae at sinabing ipinadala siya ni Chester para pag-usapan ninyo ang importanteng bagay. Mayroon din siyang ghost token kaya napaisip ako kung nagawa ba niyang makita ka, Iyong Kamahalan.”‘Isang babaeng ipinadala ni Chester?’ Kumunot ang noo ni Ileana anng mapatanong ito. “Anong babae? Wala akong nakitang kahit sino base sa pagkakalarawan mo.”Lumaktaw ang tibok ng
Read more
Kabanata 3837
”Umalis ka na kung ayaw mong mapatay!” Malamig na sambit ni Skylar. Kumalat sa hangin ang kaniyang boses. Hindi siya takot na mabunyag ang kaniyang pagkatao.Kaagad na tumaas ang galit ng mga guwardiya.“Anong pinagsasabi ng pangit na iyon?”“Paniguradong pagod na siyang mabuhay kaya pumunta siya rito para sabihin ang mga bagay na iyon!”“Anong nangyayari ngayong araw? Una, pinasok ng isang babae ang Underworld, at ngayon ay nandito ang wirdong iyan?”Namumuhing tiningnan ng mga guwardiya si Skylar.“Hoy wirdo, alam mo ba kung ano ang lugar na ito?”“Hayaan mong patayin kita ng maaga dahil sa pag-uugali mo!”Bigla siyang nilapitan ng mabilis ng isang kapitan at tinantsa. “Baliw kang matanda ka! Sino ka para pumunta rito at—” Habang nagsasalita ay naglabas siya ng soul-locking chain para itali rito si Skylar.“Umalis ka na!” Sigaw ni Skylar. Hindi niya binigyan ng tiyansa ang kapitan na makalapit sa kaniya. Itinaas niya ang kanang kamay at binuksan ang kaniyang fiend soul, kaag
Read more
Kabanata 3838
Kaagad na naramdaman ni Skylar ang malakas ng puwersa mula sa kailaliman ng Underworld pagkapasok niya. Hindi maipaliwanag ang kaniyangpagkasabik; alam niyang galing sa Archfiend Antigonus ang kapangyarihan. Mas lalong lumakas ang kapangyarihan habang mas lumalim ang kaniyang pagpunta.Matapos ang ilang minutong paglalakad, sa wakas at narating ni Skylar ang pinakamalalim na lugar, nakita niya ang batong entablado sa bandang dulo. Mayroong nakapatong na kakaibang salamin sa tuktok nito. Galing sa salamin na iyon ang kapanagyarihang naramdaman niya.‘Iyon ang Devil Sealed Mirror!’ kaagad na napansin ni Skylar na ang salamin na nakapatong sa entablado ay ang pinakamalakas na mahiwagang sandata sa Godly Realm sa memorya ng kaniyang ninuno sa loob ng fiend soul. Mayroon ring enchanted barrier sa palibot ng stone platform.‘Ah, so nakakulong sa loob ng salamin ang Kaniyang Kamahalan.’ Sabik at galit niya itong naisip.Biglang nagpakita ang isang pangit na anyo na may nakakatakot na namu
Read more
Kabanata 3839
Nang sumunod na segundo ay lumipad ang hawak niyang espada at dumiratso sa direksyon ni Skylar. Labis na bumaba ang temperatura sa lahat ng nadaanan nito. Subalit nanatiling kalmado si Skylar. Itinaas niya ang kaniyang kamay at kaswal na gumawa ng hindi nakikitang harang sa kaniyang harapan.Malakas na bumangga ang espada, kaagad nitong nawasak ang harang at napaatras ng ilang hakbang si Skylar. Sa parehong sandali ay napalipad din si Ileana nang ilang metrong layo. Halata naman na walang malinaw na nagtagumpay sa round na iyon.‘Paano iyon nangyari?’ Pinatatag ni Ileana ang kaniyang sarili at nasorpresa at nalito niyang tiningnan si Skylar. ‘Alam kong inapo ng Archfiend ang wirdong iyon, gayunpaman, hindi siya dapat ganoon kalakas.’“Iyan lang ba ang kaya mo?” Mapang-asar na tanong ni Skylar. Sumabog ang kaniyang lakas nang sugurin niya si Ileana.“Ibastos ka!” Malamig na sambit ni Ileana. Pagtapos ay lumipad at malupit na nakipaglaban kay Skylar.Noong una ay malaki ang tiwala n
Read more
Kabanata 3840
’Oras na ng aking pagbabalik!’Mabilis na naglakad si Skylar palapit kay Ileana nang hindi nagsasayang ng oras, binuksan niya ang kapangyarihan ng kaniyang fiend soul at malakas na hinampas ang kaniyang kamay sa ulo ng babae. Naglalaman ng hindi mapapantayang lakas ang kaniyang palad, gumulo ang nakapalibot na hangin.‘Tapos na. Hay*p! Hindi ako makapaniwalang mamamatay ako sa mga kamay ng isang wirdong katulad niya.’ Naisip ni Ileana. Nanginig at nakita ang malalim na hindi nito pagkagusto. Naisip niyang tumakas pero masyado siyang nanghina para gumalaw nang kahit isang pulgada. Kaya naman wala siyang magawa kundi ang ipikit ang kaniyang mga mata at maghintay sa kaniyang kamatayan.“Tigil!” Narinig ang malakas na pagsigaw sa mahalagang puntong iyon, pagtapos ay may biglang umatake kay Skylar mula sa likuran! Sakto ang naging pagdating ni Darryl. Ilang minuto lang ang nakalipas, nang dumating siya sa Ghost World, napagalaman niyang mayroong pumasok sa kailaliman ng Underworld at nag
Read more
Kabanata 3841
Natawa si Darryl sa banta nito habang nagtataka kung paano nalaman ng kausap ang pangalan niya noong una silang magkita.Mabilis siyang naglakad papunta kay Ileana at nagtanong, "Okay ka lang?"Tumango si Ileana at pilit na ngumiti. "Oo, okay lang ako. Sakto ka dumating. Kinikilig ako kakaisip kung ano ang mangyayari sa akin kapag dumating ka mamaya."Pagkatapos, inutusan niya ang mga sundalo ng underworld na patibayin ang depensa sa kailaliman ng Underworld. Pagkatapos, napagdesisyunan niyang bumalik matapos iyon nangyari. Makalipas ang ilang minuto, dumating siya sa kanyang sala at pinaandar ang kanyang kapangyarihan para sa pagpapagaling. Hindi nagtagal, bumalik ang kulay sa kanyang pisngi. Umupo si Darryl sa tapat niya na nakakunot ang noo."Darryl, ang lalaking iyon ay nagtatrabaho kay Archfiend. Kailangan natin siyang mahanap para hindi na maulit ang parehong bagay!" Sabi ni Ileana.Tumango si Darryl at sinabing, " Huwag kang mag-alala. May tiwala akong mahahanap ko siya h
Read more