All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4261
- Chapter 4270
7044 chapters
Kabanata 4262
Hindi nagtagal, nagdala ang mga taga- bundok ng kariton na gawa sa kahoy. Binayaran sila ni Olive at itinulak si Darryl sa cart palayo sa village.Umupo siya sa kahoy na cart at naisip niya, 'Bilang ang dating Sect Master ng Elysium Gate at ang bayani ng siyam na pangunahing kontinente, sinong mag-aakalang hahantong ako sa ganito.'Kasabay nito, na- touch siya habang pinagmamasdan si Olive na itulak siya mula sa likod ng cart. 'Ang babaeng ito ay hindi lamang mabait ngunit matulungin din. Anong hiyas!'Nahiya at namula si Olive nang maramdaman niyang nakatitig sa kanya si Darryl. "Ikaw... Bakit ka nakatingin sa akin?""Ah ah..." Ibinuka ni Darryl ang kanyang bibig ngunit hindi pa rin makapagsalita.'T*ng inang ‘yan!' Nadismaya siya. Matitiis pa rin na wala ang kanyang diwata na kaluluwa at cultivation base, ngunit ang hindi makapagsalita ay torture.Tumawa si Olive at nagtanong, "Marunong ka bang magsulat?"'Paanong hindi ko naisip iyon?' Nanlaki ang mata ni Darryl at tumango.
Read more
Kabanata 4263
Walang sinuman sa buong siyam na pangunahing kontinente ang makakagamot sa kondisyon ni Darryl. Ang blood lotus mark ay ng Red Lotus Fayette mula sa Godly Region. Walang nakarinig tungkol diyan sa siyam na pangunahing kontinente. Kahit na ang Divine Farmer ay walang paraan sa paligid nito.Gayunpaman, wala siyang pusong tanggihan ang sigasig ni Olive.Walang sabi- sabi, itinulak ni Olive si Darryl paakyat ng bundok. Matarik ang bundok at pinaghirapan niyang itulak ang kariton na gawa sa kahoy. Makalipas ang mahigit isang oras, nakarating na rin sila sa plaza sa harap ng sekta.Sa puntong iyon, dalawang alagad ang nagpapatrolya sa plaza. Nagkukumpulan ang iilan sa kanila nang makita nilang tinutulak ni Olive si Darryl."Olive? Paano mo dadalhin ang isang tao sa bundok? Hindi mo ba alam ang rules?""Oh! Nakakakilabot ang lalaking ito.""Sino to? Bakit pula ang buhok niya?"Tinanong ng mga alagad si Olive habang pinagmamasdan nila si Darryl. Nataranta sila, tulad ng kung paano ang
Read more
Kabanata 4264
Nang makita ang reaksyon ni Darryl, napalingon ang mga alagad at nagtawanan."Kaya siya pipi!""Nagtataka ako kung bakit hindi man lang siya umimik. Hindi pala siya makapagsalita!""May marka siya sa buong mukha niya at hindi makapagsalita. Siya ay walang iba kundi basura. Ano ang iniisip ni Olive? Siya ay isang tanga sa pagdadala ng basura sa bundok."Sa gitna ng tawanan, sinimulan ng ilang mga disipulo ang pang- aasar kay Darryl, at ang bawat pangungusap ay mas masama kaysa sa isa.Galit na galit si Darryl, ngunit naging maalalahanin niya si Olive at pinigilan ang sarili. Sa huli, nagpasya siyang ipikit ang kanyang mga mata at nagsimulang magnilay. Nang makitang nakapikit si Darryl, nakaramdam ng paghamak ang ilang disipulo at gustong turuan ng leksyon si Darryl. "Ah! Nagpapanggap ba siya?"Biglang dumating ang isang malambot ngunit mabagsik na boses. "Ano ang lahat ng kaguluhan?"Minulat ni Darryl ang kanyang mga mata at tiningnan kung saan nanggaling ang boses. Isang kaaki
Read more
Kabanata 4265
Nang makitang nakangiti si Darryl, naisip ni Diego na tama ang kanyang nahulaan at naging mas mayabang. "Kung totoo iyan, bibigyan kita ng pagkakataon. Bumangon ka sa sahig at yumuko ka sa akin ng tatlong beses at baka hayaan kitang maging utusan na naglilinis ng bakuran."Tapos, nag cross arms siya na may ugali.‘Napaka walang utak naman,' pang- iinis ni Darryl sa sarili at tumalikod na hindi tumitingin kay Diego.Kaya naman nagbago ang ekspresyon ni Diego. ‘Ang lakas ng loob ng pipeng lalaking ito na hindi ako pansinin. Naghahanap yata siya ng gulo!'Napansin ng isa sa mga alagad na may mali at tumawa. "Diego, walang kabuluhan ang magalit sa isang pipi. Naku, pumunta si Olive sa Sect Master—"Bago pa siya matapos magsalita, sumabad si Diego, "Anong biro. Paano nagawa ng pangit at tangang babaeng iyon na bigyan ng kanlungan ng Sect Master ang lalaking ito?"Nataranta ang alagad at natawa. "Hindi naman. Sinong alagad sa Sword na sekta ang mas paboran kaysa sa iyo."Agad namang s
Read more
Kabanata 4266
Halos maubos ni Diego ang kaniyang enerhiya mula sa palm attack na iyon na para bang napunit ang hangin sa paligid. Walang kahit na sino sa mga disipulo ang pumigil kay Diego habang nanlalamig nilang tinitingnan si Darryl.“Gusto talagang mamatay ng lalaking ito. Ang lakas ng loob niyang duraan si Diego ah?”“Dapat lang siyang mamatay!”“Buwisit.”Tahimik namang napamura si Darryl habang nagsisimulang magpanic nang makita niya ang pagabot ni Diego sa kaniyang kamay. “Kabubuhay buhay ko lang muli kaya masyado nang hindi patas kung mamamatay lang ako sa pamamagitan ng isang palm attack.”Gusto niya sanang iwasan ang pagatakeng iyon pero masyado na siyang mahina kaya hindi na siya nakatayo pa, paano pa kaya ang pagdepensa mula sa pagatakeng iyon. Habang nakikitang palapit ang palm attack sa kaniyang dibdib, agad na itinaas ni Darryl ang kaniyang mga braso para ilagay ito sa harapan ng kaniyang katawan. Alam niyang hindi ito makakatulong pero mas maigi na ito kaysa maghintay ng kaniya
Read more
Kabanata 4267
Agad namang nakahinga nang maluwag ang lahat sa kanilang narinig kabilang na sina Khloris, Jedidiah at ang mga elder ng Sword Sect.Inakala nilang magkakagulo nanaman sa Nine Mainland pagkatapos magdeklara ng digmaan ni Lord Kenny Bred. Pero ngayong patay na ito, agad nang nawala ang nakaambang panganib sa Nine Mainlands kaya hindi na nila kailangan pang alalahanin ang tensyong kumalat sa Great East.Dito na nagpakita ng ngiti sa arogante niyang mukha si Khloris habang binabati si Olive. “Oh, magaling! Mahusay ang ginawa mo Olive. Sigurado ako na naging mahaba ang paglalakbay mo papunta at pabalik dito kaya hahayaan na muna kitang magpahinga.”Mainit niyang tiningnan si Olive habang nagsasalita. Iniwasan ng halos lahat ng taga Sword Sect si Olive nang dahil sa mga markang makikita sa mukha nito maliban na lang kay Khloris na pumabor dito bilang kaniyang disipulo.“Sige po!” Tango ni Olive bago uto tumayo. Pero sa halip na maglakad palabas ng main hall, agad siyang napakurap na par
Read more
Kabanata 4268
Agad na nagulat ang lahat sa kanilang narinig kabilang na sina Jedidiah, Khloris at iba pang mga elder lalo na ang Sect Master na si Jedidiah. Agad itong napatayo habang galit na nagtatanong ng, “Sino ang gumawa nito sa kaniya?”Si Diego ang pinakatalentado, kahanga hanga at pinakapaboritong disipulo ni Jedidiah kaya paanong hindi ito magagalit ngayong nagtamo ng sugat ang pinakamamahal niyang disipulo?Nagugulat namang tumayo roon si Olive. “Si Diego ang pinakamalakas na disipulo sa buong Sword Sect. Walang kahit na sino ang nagpabagsak dito kaya sino ang gumawa nito sa kaniya?”Agad namang tumuro ang disipulo kay Olive habang galit na sinasabing, “Siya po. Siya ang nagdala ng halimaw na iyon dito. Hindi kami sigurado kung anong klase ng sumpa ang ginamit ng halimaw na iyon pero agad nitong napatalsik si Diego bago ito tuluyang mawalan ng malay.”Hindi alam ng mga disipulo kung ano ang nangyari nang magpakita ang kulay pulang liwanag sa katawan ni Darryl. Pero wala pa ring interna
Read more
Kabanata 4269
Dito na biglang napatingin ang lahat habang nagugulat sa kanilang mga sarili.“Ito ang lalaking nagpabagsak kay Diego?”“Pero… kagaya ng sinabi ni olive, wala siyang internal energy. Kaya paano niya nagawang pabagsakin si Diego?”Masyado itong magulo para sa kanila.Habang nakatingin ang lahat kay Darryl, napatingin naman siya kina Jedidiah, Khloris at iba pa. Masasabi niya mula sa aurang nilalabas ni Jedidiah na ito ang Sect Master ng Sword Sect. Hindi na niya naiwasan pang mapatingin kay Khloris habang sinasabi sa kaniyang sarili na, “Napakaganda…at napakaaarogante ring babae. Halos kasing lakas na ng Sect Master ang aura na kanilang nilalabas. At kung titingnan, mukhang ito ang Master ni Olive na si Khloris.”Habang nasa gitna ng paglalakbay, marami ang naikuwento ni Olive kay Darryl tungkol sa Sword Sect kaya siya nagkaroon ng kaunting kaalaman tungkol sa mga taong naroroon.Dito na lumabas ang disipulo sa main hall bago ituro si Darryl at sumigaw ng, “Sect Master, siya ang h
Read more
Kabanata 4270
Nasa isang daang salita ang isinulat ni Darryl gamit ang masigla niyang handwriting. Masyadong naging maganda ang paraan ng kaniyang pagsulat sa bawat salita na nagpakita sa kagalang galang niyang pagkatao.Habang binabasa nina Jedidiah, Khloris at iba pa ang isinulat ni Darryl, agad silang napaisip sa kanilang mga sarili. “Masyadong kakaiba ang lalaking ito pero napakaganda ng kaniyang sulat. Ayon sa kaniyang mga isinulat, hindi niya inatake si Diego at sa halip ay ito pa ang umatake sa kaniya bago ito mawala sa kaniyang balanse na nagresulta sa pagtalsik at pagkawala ng kaniyang malay? Mukhang totoo naman ang kaniyang sinabi.”Nanatili pa ring seryoso ang mukha ni Darryl nang makita niya ang itsura ng mga nakabasa sa kaniyang mga isinulat, pero sa totoo lang ay naging mataas ang kaniyang ngiti sa loob kaniyang dibdib. “Gawa gawa ko lang ang lahat ng ito pero nagawa pa rin nila akong paniwalaan. Hinding hindi ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa pagkakaroon ko ng Red Lotus Fayette.
Read more
Kabanata 4271
Kahit na isang Deputy Sect Master lang si Khloris, nagawa pa rin nitong humawak ng mataas na katayuan at reputasyon sa buong Sword Sect kung ikukumpara kay Jedidiah. At higit sa lahat ay nagawa nang iligtas ni Khloris nang isang beses si Jedidiah.Alam ng mga cultivator sa Great East na hindi magkasundo ang Sword Sect at ang Elixir Sect.Walong taon na ang nakalilipas mula noong umalis si Jedidiah para asikasuhin ang isang bagay. Habang pabalik ay agad siyang tinambangan ng Elixir Sect, dito na siya nasugatan nang malubha ng mismong Sect Master ng Elixir Sect na si Andy. Kinailangan ni Jedidiah na lumabas nang magisa kaya sa huli ay napaligiran siya ng mga disipulo ng Elixir Sect. Punong puno siya ng desperasyon noong mga sandaling iyon.Nang makarating ang balitang iyon sa Sword Sect, agad na nagdesisyon si Khloris na pamunuan ang libolibong mga elite na disipulo para iligtas ang kanilang Sect Master. Tumagal ng isang oras ang laban sa pagitan ng hukbo ni Khloris at ni Andy. Agad n
Read more