All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4271
- Chapter 4280
7044 chapters
Kabanata 4272
Masyado nang nagiging late habang sumasapit ang dilim sa paligid. Naghanda ng ilang makakain si Olive pagkatapos nitong magsalita.Nakahinga naman nang maluwag si Darryl habang pinapanood nito ang paglalakad palayo ni Olive. Napuno siya ng emosyon ang maisip niya si Jewel at ang iba niyang mga kasama. “Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa mga ito ngayon.Agad namang nagmeditate at nagpahinga si Darryl pagkatapos nitong kumain, sinubukan niyang kunin ang enerhiyang nagmumula sa Red Lotus Fayette. Hindi nagtagay ay napasok si Darryl sa isang estado na kung saan naramdaman niya ang isang kakaibang enerhiya mula sa mga marka ng blood lotus sa kaniyang katawan. Kumalat ang enerhiya sa kaniyang mga binti, bungo at sa kaniyang mga meridian. Naging kumportable nang husto ang prosesong ito na siyang nakapagpabilis sa ginagawa niyang pagabsorb ng enerhiya.Pero hindi pa rin niya ito magagawang tapusin ng isang gabi. Sinabi sa kaniya ni Jade Immortal na hindi niya magagawang maabsorb ang
Read more
Kabanata 4273
Natigilan din si Darryl nang makita niya ang mukha ni Olive. “Buwisit! Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya alam na niyang nakakapagsalita ako ngayon.”Pilit namang ngumiti si Darryl habang nagpapaliwanag kay Olive. “Hayaan mo akong makapagpaliwanag, Olive. Hindi talaga ako makapagsalita kahapon. Bumalik lang ang aking boses nang makapagpahinga ako nang maayos kagabi.Tiningnan niya nang maigi si Olive habang nagalala nab aka magalit ito sa kaniya. Siguradong wala siyang magiging pakialam kung ibang babae lang ito. Pero masyadong mabait si Olive matapos nitong gawin ang lahat para hayaan siyang manatili sa Sword Sect. Sasama nang husto ang loob ni Darryl sa kaniyang sarili sa sandaling masaktan niya ito.Nang makita niya ang nagaalalang mukha ni Darryl, nagisip ng isang sandali si Olive bago sumabog sa katatawa. “Hindi ka talaga pipi? Masyadong kaakit akit ang iyong boses.”Dito na siya napalingon habang pinupuri si Darryl at nagtatakang nagtatanong ng, “Paano ka nagkaroon n
Read more
Kabanata 4274
Malakas na nagsalita ang mga disipulo kaya malinaw na narinig nina Darryl at Olive ang pinaguusapan ng mga ito sa malayo.Dito na tahimik na bumulong si Darryl sa kaniyang sarili. “Kakaiba talaga ang mga disipulong ito. Wala na silang inisip kundi isabotahe ang kanilang mga kasama. Masyadong maganda at mabait si Olive na nagkaroon lang ng isang imperfection, ito ay ang balat sa kaniyang mukha, pero agad nila itong itinuring na isang halimaw sa bawat sandaling binubully nila ito. Mga walang kuwenta.”Habang bumubulong si Darryl sa kaniyang sarili. Tumitig nang husto si Olive sa grupo ng mga disipulo sa malayo habang nanginginig ang kaniyang katawan sa sobrang panic. “Masyadong malapit sa isa’t isa sina Diego at Sienna. Kaya siguradong babalikan niya ako dahil sa nangyari kahapon.”Dito na niya hinawakan ang kamay ni Darryl habang mahinang sinasabi na, “Halika na, Dart!”Hindi siya nagalala sa pambubully na ginagawa ng mga disipulo sa kaniya dahil matagal na siyang nasanay mula noong
Read more
Kabanata 4275
Nagalit nang husto si Olive noong mga sandaling iyon pero nang dahil sa kaniyang inferiority complex mula pagkabata, hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin kahit na gusto niyang sumagot.“Ano na?” Ngisi ni Sienna habang nangaasar na nakatingin kay Olive. “Hindi ka pa rin ba kumbinsido? Bilang isang disipulo ng Sword Sect, sa tingin mo ba tam ana magdala ka rito ng isang wala sa sariling lalaki para sa pansarili mong kaligayahan?”Agad na nakaramdam ng pagkaapi si Olive nang makita niya ang agresibong asal ni Sienna sa kaniya, dito na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata habang mahinang sumasagot ng, “Hindi, hindi talaga…”Hindi na nakapagtimpi pa si Darryl noong mga sandaling iyon habang hinihila si Olive papunta sa kaniyang likuran. Tinitigan niya nang husto si Sienna habang nanlalamig na sinasabing, “Tapos ka na ba? Gumaan ba ang pakiramdam mo ngayong napagtulungan niyo na ang isang walang kalaban labang babae?”Ayaw niya sanang iexpose ang kaniyang sarili sa harap ng mg
Read more
Kabanata 4276
“Itigil mo na ang mga kalokohan mo! Kahit na ano pa ang sabihin mo, wala pa ring malay hanggang ngayon si Diego. Paano ko magagawang manatili sa Sword Sect kung palalampasin ko ito?” Tuluyan nang naubos ang pasensya ni Sienna kaya hindi na nito pinansin pa si Olive.Dito na kumislap ang mga mata ni Sienna na napuno ng inis at pagkaarogante. “Olive, narinig ko na tinuruan ka raw ni Deputy Sect Master ng bagong sword technique nitong nakaraan. Bakit hindi na lang tayo magtagisan ng galing gamit ang ating mga sword techniques nang hindi gumagamit ng internal energy? Papakawalan ko kayo sa sandaling matalo mo ako. Paparusahan ko naman ang kasintahan mo sa anumang paraang gusto ko sa sandaling matalo kita.”Nagpakita siya ng nanlalamig at nanlolokong mukha. Sa mga babaeng disipulo sa Sword Sect, walang kahit na sino ang nakatalo sa sword technique ni Sienna. Kaya pinlano nitong ipahiya ang dalawa.Dito na umingay ang mga disipulo sa paligid.“Mas mabuti ngang maglaban na lang kayo gamit
Read more
Kabanata 4277
Natawa na lang nang malakas ang mga disipulo habang malakas na niloloko ang dalawa nang dahil sa kanilang narinig.“Mukhang tulog pa ang utak nito.“Hindi ba niya alam na nasa Sword Sect siya ngayon? Ang lakas ng loob niyang labanan si Sienna para sa mangmang na babaeng ito ah?”“Kung titingnan, masyadong naging protective ang lalaking ito sa mangmang na babaeng iyon.”“Kailangan pa bang ipaliwanag iyan? Pareho silang may marka sa kanilang mga mukha. Sigurado akong mahal nila ang isa’t isa.”Dito na muling sumabog sa katatawa ang lahat. Para sa kanila, nagmukhang kakaiba si Darryl dahil isa itong ligaw na lalaki mula sa gubat kaya wala itong kahit na anong alam na sword technique.Dito na nagsimulang magpanic si Olive habang sinasabi nito kay Darryl na. “Huwag kang magpadalosdalos, Darryl. Masyadong malakas si Sienna kaya paano mo ito magagawang labanan?”At pagkatapos ay agad itong nagmakaawa kay Sienna, “Sienna, hindi niya alam ang mga sinasabi niya. Kaya huwag ka sanang makin
Read more
Kabanata 4278
Naiinis na tiningnan ni Sienna si Darryl pero nacurious pa rin ito sa kung ano ang kaya nitong gawin noong mga sandaling iyon.Dito na nasabik ang mga disipulo habang paisaisang nagvovolunteer para labanan si Darryl.“Ako na ang gagawa nito!”“Tingnan natin kung ano ang kakayahan ng lalaking ito, Sienna.”“Wala namang kahit na sino sa inyo ang makakagawa nito kaya dapat lang na ako ang lumaban sa kaniya, kayang kaya ko siyang pabagsakin sa loob lang ng isang pagatake.”Maganda si Sienna at isa ring senior na disipulo kaya itinuring siyang diyosa ng karamihan sa mga disipulo ng Sword Sect. Ito ang dahilan kung bakit marami ang may gustong magpasikat sa kaniyang harapan.“Sa halip na bigyan ninyo ako ng pabor, mukhang hindi na kayo makapaghintay pa na makapagpasikat sa aking harapan!” Nakangiti nitong sinabi.At pagkatapos ay agad siyang tumuro sa isa sa mga disipulo habang sinasabi na. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, Xhanos!”Si Xhanos ang pinakamahina sa mga disipulo na naroroon
Read more
Kabanata 4279
“Tama. Mukhang masyado akong nagpadalos dalos dito.” Isip ni Xhanos.Lingid sa kaniyang kalaaman na minana pala ng kaniyang kalaban ang tinitingalang Celestial Swordsmanship ng namayapang si Sword Devil kaya maging si Jedidiah ay walang sapat na lakas para labanan si Darryl gamit ang espada.Agad namang naguluhan si Sienna at ang mga disipulong nakapaligid sa dalawa.“Ano ang nangyari?”“Natalo si Xhanos sa pamamagitan ng isang move? At nagawa rin nitong patalsikin ang kaniyang espada sa lupa!”“Hindi ba’t masyadong inunderestimate ni Xhanos ang kaniyang kalaban?”“Nanalo ba talaga ito?”Nagulat nang husto si Olive habang nanginginig nang bahagya ang kaniyang katawan. Dito na siya tuwang tuwa na humarap kay Darryl. “Inakala ko na matatalo ka niya nang husto. Sino nga ba ang magaakala na matatalo niya si Xhanos nang ganoon kadali? Isa itong kasurpresurpresang bagay!”Habang nagtataka ang lahat, dahan dahan namang naglakad ang nagpakita ng pagkakonsensyang Xhanos papunta kay Sien
Read more
Kabanata 4280
Tumawa naman dioto si Darryl habang sumesenyas ito kay Olive na huwag siyang magalala. At pagkatapos ay agad niyang iginalaw ang dalawa niyang mga binti para gumawa ng kalahating hakbang palabas para iwasan ang epee na paparating sa kaniya. Nang turuan siya ni Ford ng mga sword technique, nasabi nito na sa sandaling makipaglaban siya sa isang tao na gumagamit ng mga epee, dapat niyang tandaan na hindi niya ito matatalo sa pamamagitan ng pagiwas dito, at sa halip ay dapat niyang mahanap ang kahinaan sa ginagamit na technique ng kaniyang kalaban.Masyadong mabigat ang epee na iyon kaya hindi ito naging maliksi.Boom!Nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng epee sa orihinal nitong direksyon hanggang sa tuluyan itong humiwa sa lupa. Isang napakalakas na tunog ang narinig ng lahat habang nabibitak ang lupang tinamaan nito.“Nagawa niya itong ilagan?” Natitigilang sinabi ng lahat.Kung nagawa nitong talunin si Xhanos gamit ang akniyang suwerte, dapat lang malaman ng lahat na ang lalaking ito na
Read more
Kabanata 4281
Suminghal si Darryl kay Sienna at nagsalita. “Ikaw nalang ang natitira. Aalis kami ni Olive kahit na tumanggi kang makipaglaban sa akin.”Hindi malakas ang boses niya pero nakakatakot ito.‘Mahigit sampung round ang ipinanalo ni Dart; kahit si Kratos ay hindi siya matalo.’‘Makikipaglaban ba sa kaniya si Sienna?’Sa wakas at nagbuntong hininga si Sienna at naglakad ito palapit kay Darryl. “Mukhang mayroon kang mga kakayahan. Sige, makikipaglaban ako sa’yo.”Bahagyang natawa si Darryl at seryoso itong nagsalita. “Sige, pero bago iyon ay gusto kong baguhin ang pustahan.”“Anong pustahan?” Kumunot ang noo ni Sienna.Tinuro ni Darryl si Olive at nagsalita. “Kapag nanalo tayo ay hihingi ka ng tawad kay Olive sa harap ng lahat. Hindi lang ikaw, pero dapat humingi ng tawad sa kaniya ang lahat at hindi mo na siya kukutyain. Kapag natalo ako, maaari mong gawin sa amin ang lahat ng naisin mo.”Seryoso si Darryl nang magsalita siya. ‘Patuloy ang pangbu-bully ng mga taong ito kay Olive at
Read more