All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4281
- Chapter 4290
7044 chapters
Kabanata 4282
Sa isang kisapmata ay naglaban ang dalawa at nagtagal ito nang isang dosenang round. Nagsimulang mataranta si Sienna nang mahirapan siyang talunin si Darryl. Kumurap ang kaniyang mga mata sa lamig nang sumigaw siya. “Spirit Snake Slash!”Kaagad na nabuo ang hugis ‘S’ sa mahabang espada ni Sienna, mukha itong spirit snake na sumugod sa dibdib ni Darryl.Ang Spirit Snake Slash ay isang mataas na pamamaraan sa espada sa Sword Sect. Iilang alagad lang ang may kakayahang ggawin ito. Bilang paboritong babaeng alagad si Sienna ng Sect Master, ipinasa nito sa babae ang pamamaraan tatlong taon na ang nakalipas.Maliksi at elegante ang pamamaraan, pero hindi ito walang awa. Kahit na hindi binuksan ni Sienna ang kaniyang internal na enerhiya ay nakakamangha pa rin ang kaniyang kapangyarihan. Naging sabik ang mga alagad dahil dito. “Spirit Snake Slash! Ipinakita ni Sienna ang Spirit Snake Slash!”“Iyon ba ang tinutukoy mo? Narinig ko lamang ang tungkol sa pamamaraang ito pero hindi ko pa nak
Read more
Kabanata 4283
”Sinabi ko na kanina. Natuto ako mula sa isang nakakatandang cultivator. Itinadhana kaming magkakilala, kaya tinuruan niya ang ng ilang pamamaraan.” Mahinang sabi ni Darryl habang diretso ang kaniyang mukha.Nagliwanag ang mga mat ani Sienna at nagtanong siya. “Anong pangalan ng matanda?”‘Paniguradong sikat ang matanda sa pagkakaroon ng mga advance na pamamaraan sa espada.’ Naisip ng babae.Pero hinding hindi ibubunyag ni Darryl ang pangalan ni Ford, ngumiti siya. “Ayaw sa kasikatan at kaswertehan ng nakakatandang iyon, kaya wala siyang reputasyon sa mundo ng mga cultivator. Isa pa, Hindi niya sinabi sa akin ang pangalan niya noong tinuruan niya ako ng mga pamamaraan sa espada.”Suminghal si Sienna. “Hindi mo alam ang pangalan niya? Sa tingin mo ba ay isa akong tatlong taong gulang na bata?”Pagtapos ay tinuro niya si Darryl gamit ang mahabang espada. “Akala ko’y wala kang kwenta, pero nagulat akong mayroon ka palang mga tinatagong talent. Ngayon ay pinaghihinalaan kitang maymasa
Read more
Kabanata 4284
Marami sa mga alagad ang hinatak ang mahahaba nilang espada sa gitna ng initan. Nang sandaling iyon ay mas naging mabigat ang kapaligiran.Nataranta at natakot si Olive. Hinila niya ang braso ni Darryl at nagsalita gamit ang mahinang boses. “Bakit hindi nalang natin iyon hayaan, Dart. Hindi ko kailangan ng paghingi nila ng tawad. Tara na.”Halos maiyak ang babae nang magsalita siya. Mayroong panghuhusga sa kaniyang mga mata nang tingnan niya si Darryl. ‘Bakit sila kailangang galitin ni Dart pagtapos niyang matalo ang mga ito? Wala siyang kahit na anong internal na enerhiya. Maaaring maging lingid sa kaalaman ang mga kapalit kapag nainis sa kaniya ang mga ito.’Hindi niya maintindihan ang mga effort ni Darryl para maiwasan ang gulo para sa kaniya sa hinaharap. Mas lalo siyang i-bubully ng mga alagad.Umiling si Darryl, nagbigay senyales siya kay Olive na huwag mag-alala.Nang sandaling iyon ay tumitig si Sienna kay Darryl habang galit ito at nanginig. “Gusto mo ng gulo!”Masisira
Read more
Kabanata 4285
”Hindi lang iyon, hindi rin siya nakakapagsalita. Hindi ba kayo nahihiya sa pambubully ninyo sa kaniya?” Tanong ni Khloris.‘Ordinaryong lalake? Hindi nakakapagsalita?’ Nagkatinginan si Sienna at ang iba pang mga alagad, nagulat ang mga ito.“Deputy Sect Master, nabulag ka sa kaniyang hitsura. Nakakapagsalita ang lalakeng ito at isa siyang eksperto sa mga pamamaraan sa espada.” Paliwanag ni Sienna, naguluhan at nahiya ito.Hindi mapakali at nahiya ang babae nang maalala niya ang pagkatalo niya kay Darryl. Pero hindi nito sasabihin ang tungkol doon para iligtas ang reputasyon ng babae.Si Xhanos ang naunang lumaban kay Darryl, naglakad si Darryl mula sa masa at nagsalita. “Mayroong advanced na kakayahan ang lalakeng ito. Nakipaglaban kami sa kaniya ngayon lang at natalo kaming lahat.”Matalino siya at hindi niya binanggit na natalo si Sienna.Tumango ang ibang mga alagad.‘Ano?’ Nanginig ang puso ni Khloris nang hindi siya makapaniwalang tumingin kay Darryl. ‘Nakakapagsalita si D
Read more
Kabanata 4286
Sa kabilang banda, sobrang kalmado ni Darryl. Mabuti nalang at walang nagbago kay Khloris at hindi na ito nagpatuloy pa sa pagtatanong. Mahihirapan siyang sumagot.Sikreto siyang nagagalak sa kaniyang ulo, narinig niyang may kumaluskos sa kaniyang likuran. Pagtapos ay bumalot ang sword aura sa buo niyang katawan. Biglang nilabas ni Khloris ang kaniyang mahabang espada at tila kidlat sa bilis na sinaksak si Darryl sa likod.Ginamit din niya ang Spirit Snake Slash na ginamit noon ni Sienna.Bilang Deputy Sect Master ay dalawang beses na mas makapangyarihan siya kaysa kay Sienna kahit na hindi niya gamitin ang kaniyang internal na enerhiya.Naging magulo ang hangin na dinaanan ng espada at bumagsak ang temperature sa paligid. Matalino at mature na babae si Khloris, kaya walang laban sa kaniya si Sienna. Malinaw na alam niyang maaaring hindi sagutin ng totoo ni Darryl ang kaniyang mga katanungan, kaya bumuo siya ng ideya at pinilit ang lalake na ibunyag ang sarili.Masyadong mabilis a
Read more
Kabanata 4287
Halos pabulong ang boses ni Darryl nang magsalita siya at tanging si Khloris lang ang nakarinig dito. Tahimik din siyang nag-obserba sa pagbabago sa ekspresyon ni Khloris at nakaramdam ng kaunting kaba. Mahirap para sa kaniya ang hindi mataranta.Hindi maipagkakailang mayroong alitan sa pagitan ng Sword Sect at ni Ford. Nang makulong si Ford sa ilalim ng bangin at sinugod siya ng Sword Sect at ng Elixir Sect.Bilang alagad ni Forn ay paano siya hindi kakabahan nang ibunyag niya ang tunay niyang pagkatao sa harap ng Deputy Sect Master ng Sword Sect?Nanginig si Khloris habang puno ng gulat ang maamo niyang mukha. Nagkamali ba siya ng dinig sa lalake? Si Darryl ang lalakeng nasa kaniyang harapan? Si Darryl Darby? Ang kilalang pinuno ng Elysium Gate sa Nine Mainland, si Darryl?Nakita ang gulat sa kaniyang mga mata at may biglang pumitik sa kaniyang isipan. Sianbing sa ilalim ng bangin nakilala ni Darryl ang Sword Devil na si Ford South, at nakuha niya ang napakahusay na pamamaraan sa
Read more
Kabanata 4288
”Hindi nga natin alam ang kaniyang nakaraan.” Sambit ng isang alagad.Nagsimulang magusap-usap ang mga alagad at hindi nila maitago ang pandidiri para kay Darryl.Nanginig si Sienna sa kaniyang nakita at namula ang kaniyang mukha habang hindi maipaliwanag ang galit na kaniyang naramdaman. Akala niya’y matuturuan niya ng leksyon ang lalakeng ito, pero hindi niya kailanman naisip na matatanggap ni Khloris ang piraso ng basura na ito bilang isang nominal na alagad? Mayroon ba siyang espesyal na kagustuhan para sa lalakeng ito?Una ay si Olive, ngayon naman ay si Dart. Hindi niya papayagang sumali si Darryl sa Sword Sect.Sa parehong sandali ay labis na naging masaya at nasabik si Olive na nakatayo sa isang gilid. Isang magandang sorpresa para sa kaniyang master ang tanggapin niya si Darryl bilang kaniyang alagad. Sa ganitong paraan ay magkakaroon siya ng kaibigan at hindi na siya matatakot pang maging mag-isa.Mabilis na lumapit si Olive habang nasa isip niya ito, hinawakan ang kamay
Read more
Kabanata 4289
Nagbago ang tingin sa mukha ni Khloris sa narinig niyang sinabi ni Sienna. Tiningnan niya ang babae at malamig na nagsalita. “Sa tingin ko’y mas nagiging hindi ka resonable. Bilang Deputy Sect master, hindi ko na nararamdaman na nirerespeto mo pa ako.”Hindi malakas ang kaniyang boses nang sabihin niya ito, medyo banayad ang pagkakasabi niya pero may kasama itong nakakatakot na awra. Sandaling nagpigil ng hininga ang ibang mga alagad.Nanginig si Sienna nang naramdaman niya ang papalapit na malakas na awra mula kay Khloris at mabilis siyang lumuhod. “Hindi ako magtatangka.”Puno ng takot ang kaniyang mukha. Palaging nirespeto ng kaniyang master na si Jedidah si Khloris. Nanghahanap siya ng gulo kapag sumobra siya. Subalit kahit na nagkunwari siyang natatakot, sa puso niya ay lumaki pa rin ang kaniyang pagkamuhi kay Darryl.Kayang makuha ng lalakeng ito ang pagpapahalaga ni Khloris. Bakit kailangan niya? Gamit lamang ang sira niyang pamamaraan sa paggamit ng espada?Tumango ang nat
Read more
Kabanata 4290
Plinano kong maghiganti para sa’yo, pero hindi ko inakalang nakapahusay ng lalakeng iyon sa paggamit ng espada. Ginamit ko ang Spirit Snake Slash pero mabilis siyang nakailag.” Sambit ng babae habang puno ng hiya at galit ang kaniyang mga mata.Kahit sino ay hindi matutuwa kapag natalo sila ng isang walang bilang na lalake. Sa pagkakataong ito, hindi alam ni Sienna na si Dart ay ang isang sikang na si Darryl Darby mula sa Nine Mainland.Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Diego. Kaagad siyang umupo ng diretso at gulat na tumingin kay Sienna. “Ganoon siya kalakas?”Nagulat si Diego. Alam ng karamihan na isang first-class skill ang Spirit Snake Slash ng Sword Sect at iilang alagad lang ang may kakayahang gamitin ito. Dalawang taon na ang nakalipas nang matutunan ni Sienna ang galaw na ito at naintindihan niya ang kahalagahan nito. Subalit natalo siya ng lalakeng puno ng marka ang mukha.Hindi iyon kapanipaniwala.Nakita ni Sienna ang ekspresyon ng mukha ni Diego at tumango. “Hindi ak
Read more
Kabanata 4291
Ilang sandali, umalingawngaw sa silid ang kaakit- akit na mababang boses....Samantala, pagkabalik nila sa kubo na gawa sa pawid ay naghanda si Olive ng isang lugar para makapagpahinga si Darryl.Si Olive ay isang mapagmalasakit na tao. Lalo na't gumawa siya ng kama malapit sa bintana para kay Darryl. Akala niya ay masisiyahan siya sa tanawin sa labas sa sandaling gumising siya tuwing umaga.Tinitigan niya si Olive na abala sa paligid; Nakaramdam si Darryl ng init sa kanyang puso at napabuntong- hininga.Tulad ni Jewel, si Olive ay isang masipag na babae— ang sinumang magpakasal sa kanya sa hinaharap ay magiging isang masuwerteng lalaki.Habang bumuntong- hininga, nakita niya ang mga halamang gamot sa mga istante sa paligid niya. Biglang may naisip na ideya. Itinuro sa kanya ng Senior Divine Farmer ang ilang mga recipe para alisin ang mga peklat sa nakaraan. Baka kaya niyang gawin ang gamot para kay Olive.Kung maaalis niya ang marka sa mukha nito, masusuklian niya ang tulong n
Read more