All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4321
- Chapter 4330
7044 chapters
Kabanata 4322
Nagulat at nagalit si Khloris habang nanlalamig nitong tinitingnan si Sienna.Hindi niya inaasahang sisiraan siya nito habang sinasaktan siya sa harap ng publiko.“Ang lakas ng loob mong tumitig sa akin ah?”Agad na nagdilim ang mukha ni Sienna nangmaramdaman niya ang galit at pagkagulat ni Khloris habang nakatingin gamit ang nanlalamig niyang mga mata. “Ikaw ang Deputy Sect Master ng ating sekta, Khloris pero nagawa mo pa ring makipagkita nang palihin sa lalaking iyon nang disoras ng gabi.“Nahuli ka na naming pero nagawa mo pa rin itong itanggi hanggang ngayon?”Mabilis namang umabante si Sienna para bigyan ng isa pang sampal ang mukha ni Khloris.Mas naging brutal ang sampal na iyon kaya agad na narinig ng lahat ang isang malutong na tunog habang gumagawa ng ingay si Khloris. Tumulo ang dugo sa kaniyang mga labi na nagmantsa sa mahabang palda na suot nito.Gusto sanang tumayo ni Khloris pero kasalukuyang nakatali ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran habang injured naman
Read more
Kabanata 4323
Sa totoo lang ay alam ni Khloris na wala silang samaan ng loob ni Darryl kaya hindi niya kailangang pahirapan ang kaniyang sarili para lang sa kapakanan nito.Pero isa pa rin siyang aroganteng babae. Naghinanakit siya nang husto sa kaniyang sarili kaya hindi niya sinagot ang mga tanong nito mula noong makumbinsi sina Jedidiah at Sienna na mayroon silang relasyon ni Darryl.Alam niya na mapapasok siya sa isang malaking gulo sa sandaling sabihin niya ang tungkol dito kaya mas maigi nang wag magsalita ng kahit na ano sa mga ito.“Magaling! Napakagaling!”At ngayong nakita nila ang tigas ni Khloris sa ginagawa nilang pagtatanong dito, agad na nanginig si Jedidiah sa sobrang galit habang diretsong tumatayo mula sa kaniyang pagkakaupo. Agad siyang tumuro kay Khloris habang sumisigaw ng, “Pumatay ng maraming disipulo ang lalaking iyon pero nagawa mo pa rin siyang protektahan? Sige! Tingnan natin kung hanggang saan ka aabutin.”“Sampalin mo siya! At huwag kang titigil hangga’t hindi siya
Read more
Kabanata 4324
At pagkatapos ay agad na lumapit si Jedidiah sa mga disipulo para sabihing, “Ikulong ninyo ito sa water dungeon na nasa likuran ng burol. Hayaan ninyo siyang magpagaling sa ng dalawang araw bago ninyo ipagpatuloy ang anumang uri ng interogasyong gagawin niyo sa sandaling maghilom nang kaunti ang kaniyang mga tinamong sugat!“Opo, Master!” Sagot ni Sienna.Dito na niya intusan ang ilang mga disipulo na hilahin si Khloris paalis sa bulwagan bago nila ito ikulong sa water dungeon.At pagkatapos ay agad na sumugod si Sienna papunta sa kuwarto ni Diego.Agad niyang naisip na baka nagkaroon na ito ng malay.Hindi nga siya nagkamali rito nang makita niyang gising si Diego nang makarating siya sa kuwarto nito. Kasalukuyan nang nakabandage ang mga tinamo nitong sugat habang angpapakita ng matinding pamumutla sa kaniyang mukha."Senior Brother!"Natuwa nang husto si Sienna nang makita niya ito kaya agad niyang niyakap ang braso ni Diego habang sinasabi na, “Mabuti na lang at nagising ka n
Read more
Kabanata 4325
Pero bakit siya nakakaramdam ng pagkabagsak?Walang muang na tumayo roon si Olive habang umiiyak bago ito tuluyang sumabog sa katatawa.Pagkatapos ng isang sandali ay kumalma na rin si Olive habang naghahanap ng lugar na makakainan.Pero agad na napatigil si Olive nang dumaan siya sa isang eskinita. Nakarinig siya ng isang nakakaawang iyak mula sa loob nito.Nagmula ang iyak na ito sa mga bata at kababaihan na masyadong naging kaawa awa at puno ng desperasyon.Agad na naisip ni Olive ang kaniyang sitwasyon at agad na naging emosyonal nang marinig niya ang iyak ng mga ito. Dito na siya naglakad nang walang pagaalinlangan papasok sa eskinita.Gasp!Agad na nanginig ang magandang katawan ni Olive sa sakit ng kaniyang dibdib nang makita niya ang eksena sa loob ng eskinita.Isang middle aged na lalaking nakasuot nang maayos na pananamit ang makikitang nakatayo nang seryoso sa loob ng bangketa habang pinapaligiran ng ilang mga kalalakihan. Mapapansin namang nakaupo sa lupa ang magina
Read more
Kabanata 4326
Naglakad si Olive papunta sa harapan bago nito nakangiting sabihin kay Yee na. “Nakikita ko na mahal na mahal mo ang iyong anak. Kahit na gaano pa kahirap ang mga bagay bagay, pakiusap, huwag mo siyang iiwanan. May dala ako ngayon na ilang mga inner core ng mahiwagang mga halimaw na maaari mong ibenta para magkapera. Sa pamamagitan nito ay magagawa mo nang maipalibing ang iyong asawa. Gamitin mo ang natira sa perang makukuha mo para mabiyan ng magandang buhay ang iyong anak.Dito na ipinasa ni Olive ang ilang mga inner core ng mahiwagang mga halimaw kay Yee na siyang binigay sa kaniya ni Khloris bilang pabuya matapos niyang tumulong dito noon.At pagkatapos ay agad na tumalikod si Olive para sumugod pabalik sa Sword Sect.Naintindihan na rin ni Olive na hindi talaga ginusto ni Khloris na paalisin siya. Ginawa niya ito para maprotektahan ang kaniyang disipulo.……Samantala, sa water dungeon ng Sword Sect…Masyadong naging madilim at basa ang kapaligiran ng water dungeon habang mak
Read more
Kabanata 4327
Hindi naman napaalis si Diego ng galit ni Khloris at sa halip ay mas lalo pa itong nasabik sa kaniyang sarili. Ngumisi ito nang husto habang sinasabi na, “Masyado ka palang maganda kapag galit ka, Khloris! Alam mo ba kung gaano kita hinangaan nitong mga nagdaang taon!”“Pumayag ka nang maging asawa ko. Ipinapangako ko sa iyo na tatratuhin kita nang maayos!”Dito na binunot ni Diego ang mahaba niyang espada para putulin ang mga lubid na nakapulupot sa mga binti ni Khloris.Isang malademonyong liwanag ang nagpakita sa mga mata ni Diego habang itinataas ang kaniyang braso para ihampas sa direksyon ni Khloris!Masyadong naging mabilis ang paggalaw ni Diego. Kahit na nakawala ang buo niyang katawan, wasak pa rin ang internal energy ng nanghihinang si Khloris. Sinubukan niyang ilagan si Diego pero agad pa rin siyang nabigo rito kaya agad na nahuli at nahawakan ni Diego ang kaniyang mga wrist sa loob ng isang iglap.Lumapit naman si Diego habang hawak hawak ang mga wrist ni Khloris. Lum
Read more
Kabanata 4328
Nagpakita ang imahe ni Olive sa isipan in Khloris habang nasa gitna ng kaniyang sitwasyon.Si Olive ang pinakamalapit na tao kay Khloris sa buong universe.“Hindi mo na ako makakasama pa, Olive. Ingatan mo ang iyong sarili.”Nagpatuloy ang pagtulo ng luha sa mukha ni Khloris habang tinatakot siya ng mga bagay na pumapasok sa kaniyang isipan. Naramdaman niya na malapit nang tumama ang labi ni Diego sa kaniyang mga labi habang mabilis na nauubos ang natitirang pagasa sa kaniyang dibdib!Nakapagdesisyon na si Khloris na tapusi ang kaniyang buhay sa sandaling pagsamantalahan siya ni Diego. Wala na siyang naiisip pang iba maliban dito.“Itigil mo iyan!”Noong malapit nang maubos ang pagasa ni Khloris habang papalapit ang labi ni Diego sa kaniya, isang sigaw ang kanilang narinig sa entrance ng dungeon.Naging mahina ang kaniyang boses pero kapansin pansing puno pa rin ito ng tapang at determinasyon.“Buwisit! Sinong nagopunta rito para istorbohin ako?”Natigilan si Diego nang marini
Read more
Kabanata 4329
Talaga?Nagliyab naman ang mga mata in Diego sa sobrang galit. “Ikaw pangit at hayop na bata ka! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako nang ganiyan ah? Gusto mo na talagang mamatay!”Agad na sumabog si Diego sa tindi ng internal energy na lumabas sa kaniyang katawan habang binubunot ang mahaba niyang espada.Dito na nabalot ng matinding enerhiya ang buong water dungeon.“Olive!”Nanginig naman si Khloris sa kaniyang nakita habang bumabaha ang panic sa kaniyang dibdib. Hindi na niya naiwasan pang sumigaw kay Olive ng, “Tumakbo ka na pakiusap! Wala kang panama sa kaniya kaya umalis ka na ngayundin! Sige na!”“Tandaan mo lang ang araw kung kailan ako binigyan ng kahihiyan ni Diego para ipaghiganti ang iyong master. Huwag na huwag mo itong kalilimutan.”Nagpasalamat nang husto si Khloris nang magpakita si Olive sa pinakaimportanteng sandali na iyon ng kaniyang buhay. Pero hindi pa rin nito magagawang kontrolin ang sitwasyon dahil hindi magagawang mabuhay ni Olive sa sandaling laban
Read more
Kabanata 4330 & 4331
Habang nagsasalita, agad na lumapit si Diego kay Olive habang hawak hawak ang kaniyang espada.“Takbo!”Hindi na naiwasan pa ni Khloris na ipadyak ang kaniyang mga paa sa sobrang tindi ng frustration na kaniyang nararamdaman habang umiiyak na sumisigaw kay Olive ng, “Tumakbo ka na Olive, pakiusap! Gusto mo rin bang mamatay sa lugar na ito?“Huwag na huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko sa iyo ha? Magsumikap ka para palakasin ang iyong sarili sa sandaling makaalis ka sa bundok na ito, at ipaghiganti mo ako sa hinaharap.”Agad na bumuhos ang luha sa mukha ni Khloris habang isinisigaw nito ang huling salita sa kaniyang bibig.Napakagat naman si Olive sa kaniyang labi habang nakikinig sa pagiyak ni Khloris, dito na nanginig nang husto ang kaniyang dibdib.Ano ang gagawin niya?Wala siyang panama kay Diego. Kaya kamatayan lang ang kahahantungan niya sa sandaling magpatuloy siya sa pakikipaglaban dito.Tama nga ang sinabi ng kaniyang master. Hindi na niya kailangan pang manatili
Read more
Kabanata 4332 & 4333
”Diego!”Lumabo ang ekspresyon ng mukha ni Jedidiah nang tanungin niya si Diego. “Anong nangyari rito? Anong ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi? Sinong nanakit sa’yo ng ganito katindi? Saka nasaan si Khloris?”Mabigat ang naging pagtitig ng ibang mga miyembro ng sekta kay Diego. Mukhang naghihintay din sila ng sagot mula sa lalake.Huminga ng malalim si Diego at nanghina siyang nagsalita. “Nasa labas ako’t nagiikot ngayong gabi nang marinig ko ang ingay mula sa water dungeon, kaya nagpunta ako para makita ito. Nakita kong sinubukang tulungan ni Olive si Khloris sa pagtakas!”Naging sobrang seryoso ng ekspresyon ni Diego nang magsalita siya, pero humagod ang hindi kasiguraduhan sa kaniyang puso.Hindi niya masabi sa mga ito na pinasok niya ang water dungeon at sinubukang pagsamantalahan si Khloris. Magagawa niya lamang magsinungaling tungkol dito.“Bumalik si Olive?”Bahagyang kumunot ang noo ni Jedidiah. “At sinama niya si Khloris?”“Ganoon na nga!”Tumango si Diego, na
Read more