All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4331
- Chapter 4340
7044 chapters
Kabanata 4334
Tumango si Celine nang marinig niya ang sagot ni Arthur. “Ah, kayo ang bagong sekta. Kung ganoon, anong maipaglilingkod ko?”Ngumiti at magalang na nagsalita si Arthur. “Narinig ng aking sect master ang tungkol sa Diyosang Doktor sa Hundred Flower Valley at sobra siyang namangha sa iyong kaalaman at kasanayan. Kaya naman ipinadala ako para imbitahin ka sa Maple Division bilang palitan.”Palitan?Bahagyang napangiti si Celine sa mga sinabi nito, narinig ang pagkamangha sa kaniyang tono. “Hindi ko kilala ang iyong scet master. Isa pa, hindi ako mahilig sa mahabang paglalakbay. Sa tingin ko’y tatanggi ako.”Tataas na sana si Celine sa kaniyang pag-cultivate. Gusto niyang makalampas dito at ayaw niyang pumunta sa kahit saan hanggang sa magtagumpay siya.Ang pinakamahalaga ay wala siyang alam o wala siyang kinalaman sa bagong tayong Maple Division. Wala siyang interes na makilala ang mga ito.Namula ang mukha ni Arthur sa kahihiyan dahil sa pagtanggi ng babae, pero pinilit niya pa rin
Read more
Kabanata 4335
Nang araw na iyon rin umikot sa buong Great East ang Five Poison Sect. Niloko nila si Celine, pinwersang sumama si Ricky at nagdala ng maraming bihasang doktot sa Maple Division.……Samantala, sa kabilang dulo…Nasa isang daang kilometro sa bandang Great East, mayroong lugar nap uno ng makakapal na bundok at kagubatan.Makikita ang isang anyo sa halamanan, sobrang bilis ng takbo nito at namumula ang mukha dahil sa paggamit ng enerhiya habang tumutulo ang pawis sa kaniyang mukha. Iyon ay si Darryl.Ilang oras ang ginugol ni Darryl sa paglipad dahil sa pagtakas mula sa Sword Sect at napagod ang kaniyang isipan. Pero hindi siya huminto dahil alam niyang hinding-hindi siya patatawarin ni Jedidiah sa pagpatay sa napakaraming miyembro ng Sword Sect.Hinding hindi matatakot si Darryl kundi lang dahil sa nangyari sa nakaraan. Pero wala siyang ibang magagawa sa mga oras na iyon. Hindi pa tuluyang napapasok ang enerhiya ng Red Lotus Fayette at gumamit din siya ng kaunting kapangyarihan sa
Read more
Kabanata 4336
Paano niya nahahayaan ang pambabastos sa kaniya ng isang walang bilang na tao? Siya ang punong nakakatanda ng Sword Sect!Habang naririnig ang mga salita sa hangin, inilabas ni Linson ang mahabang espada at sumugod sa direksyon ni Darryl!Ginamit din ng ibang nakakatanda ang kanilang internal na enerhiya, mahigpit na hinawakan ang mahahaba nilang espada at umatake sa direksyon ni Darryl.‘So, nangyayari ito!’Nang sabay-sabay na umatake ang anim na nakakatanda, hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Darryl. Mahigpit niyang hinawakan ang mahabang espada at sumalubong sa mga atake, matindi siyang nakipaglaban sa anim na nakakatanda.Magugulat ang sinumang makakita ng pangyayari.Talagang isang puwersang dapat isaalang-alang ang isang taong kailangang atakihin ng sabay-sabay ng anim na nakakatanda ng Sword Sect.Inihampas ni Darryl ang mahaba niyang espada sa hangin na parang isang lumilipad na dragon, dumaan ito sa gitna ng anim na nakakatanda. Mataas ang kasanayan sa paggamit ng
Read more
Kabanata 4337
”Putulin ang kaniyang mga binti!”Hindi nagdalawang isip si Linson habang nabubulag siya sa galit. Mahigpit niyang hinawakan ang mahabang espada at sumugod paabante.Walang ibang gusto si Linson kundi ang mapatay kaagad si Darryl. Subalit sinabihan sila ng Sect Master na dalhin ng buhay ang lalake, kaya naman maaari lamang nilang putulin ang binti nito para mailabas ang kanilang galit.Sa parehong sandali, dali-daling nagpunta sa wood formation ang ibang nakakatanda.Napangiti si Darryl nang makita niya ang mga itong dali-daling pumasok sa pormayson. Sobra siyang namangha.Sila ang anim na nakakatanda sa Sword Sect—paanong naging sobrang ignorante nila? Kaunting pag-udyok lang at napapasok sila kaagad sa loob ng pormasyon.“Ikaw, isa kang hay*p!”Labis na napahiya si Linson nang makita niyang ngumiti si Darryl. Umangil siya. “Paano mo nagagawang ngumiti kung mamamatay ka na? Sa tingin mo ba’y kaya mo kaming pabagsakin gamit lang ang mga sanga ng puno? Wala kang alam.”Sumabog a
Read more
Kabanata 4338
Makalipas ang ilang oras, sa wakas at dumating si Darryl sa Haze Mountain sa gilid ng Great East.Nasa hilaga ng Great East ang Haze Mountain at mayroon itong ilang kilometrong lawak. Palaging balot sa hamog ang isa sa mga bangin dahil na kapal ng nakapalibot na kagubatan. Doon nito nakuha ang sariling pangalan.Sa wakas at nagawa niyang makapunta roon.Dahan-dahang lumapag si Darryl. Nakulong sa Haze Mountain ang kaniyang pagtitig nang umapaw ang kaniyang emosyon.Kailangan niyang dumaan sa bangin sa Haze Mountain para tuluyan na siyang makaalis sa Great East.Huminga ng malalim si Darryl sa naisip niyang iyon at dahan-dahan siyang nagtungo sa Haze Mountain.Sobrang napagod si Darryl sa ilang oras na tinagal ng kaniyang paglalakbay. Napagdesisyunan niyang pumasok sa Haze Mountain para maghanap ng lugar pahingahan.Ano?Halos ilang hakbang palang ang nagagawa niya nang bigla siyang huminto. Tumitig siya sa layong daan-daang metro at napakunot.Nakita niya ang lumilinaw na lala
Read more
Kabanata 4339
Whew…Hindi isinapuso ni Darryl ang sinabi ng lalake, pero kumunot pa rin ang kaniyang noo.Mayroong kakaiba sa lalakeng iyon.Tiningnan ni Darryl ang sarili. Bahagya siyang natawa sa pangmamaliit niya sa kaniyang sarili. Sa totoo lang ay mukha siyang nakakatakot sa suot niya.“Group Brother!”Sumigaw ang babae sa kasama nito at nagsalita gamit ang mahinang boses. “Huwag kang masyadong masungit. Sa tingin ko ay wala naman siyang gagawing masama.”Tumingin ang babae kay Darryl nang magsalita ito. “Hindi ka takot sa mga lobo?”Malinaw at malutong ang boses nito, mayroon itong kuryosidad. Malinaw na hindi pa niya masyadong nakikita ang mundo.Tumango si Darryl.Pagtapos ay nagtungo siya sa burol. Nang tingnan niya ang mga puno sa distansya, nakita niya ang daan-daang lobo na nagtipon sa kagubatan sa kanilang harapan. Malalaki ang mga lobo at hindi maganda ang naging pagkinang ng kanilang mga tingin. Nakakapanindig-balahibo ang eksena.‘Hay*p! Ang dami nila.’Huminga ng malalim
Read more
Kabanata 4340
Masama ang tingin ng lalake nang magsalita ito. “So, tama ako. Ikaw ang punterya ng hay*p na iyon mula umpisa.”“Dami!”Muling namula ang mukha ng babae nang nagpadyak ito ng paa dahil sa inis. “Anong gusto mong gawin, Group Brother? Kakakilala niya lang sa akin. Paano iyon magiging posible?”Umiling ang lalake at mayabang na nagsalita. “Hindi mo kilala ang mga lalake, lalo na ang mga manyak. Gugustuhin nilang makuha ang magandang babae para sa sarili. Gustong magpakitang gilas ng mga ganoong klase ng lalake sa harap ng magandang babae.”Tinuro niya ang paatras na si Darryl. “Isang magandang halimbawa ang ginagawa niya ngayon. Haharap siya laban sa mga lobo dahil may gusto siyang patunayan sa’yo.“Iyon nga lang, magiging katapusan na niya ang pagnanasa niya sa’yo at lalapain siya ng buhay ng mga lobo.”“Kaya hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa mga tao. Dapat lang sa kaniya kahit lapain pa siya ng mga lobo.”Nanigas ang babae. Tinitigan niyang maigi ang likod ni Darryl, at nata
Read more
Kabanata 4341
Napasigaw siya sa sobrang gulat. ‘Kaya niyang magsalita sa lenggwahe namin?’‘Imposible!’"Woo…"Nang marinig ng mga lobo ang sinabi ni Darryl, biglang huminto ang mga ito at nagkatinginan, na halatang sobrang naguguluhan. ‘Bakit marunong siyang magsalita sa lenggawahe natin?’Pero hindi nagpatinag ang mga lobo at pinalibutan nila si Darryl, na may mga nanlilisk na mga mata - handang-handa sila na sugurin ito! Sa kabilang banda, magkahalong takot at determinasyon ang nararamdaman ng lalaking nakatayo sa dulo ng bangin. ‘Alam ba ng lalaking yan ang pinasok niya? Oo, pambihira ang galing niya sa pagpapaamo ng mababangis na hayop at sobrang nabilib ang mga katribo ko, pero ginalit niya ang mga lobo kaya imposibleng makaligtas siya!’ Naninindigan ang lalaki na hindi alam ni Darryl, at wala itong sapat na lakas para labanan ang mga lobo, pero ang hindi niya alam ay ginamit nito ang internal energy nito para makipag usap sa mga lobo, kaya biglang natigilan ang mga ito.Kabali
Read more
Kabanata 4342
Nakita niyang naglalakad ang mga lobo papunta sakanila at ang nasa gitna nito ay…. si Darryl Medyo magulo ang buhok nito pero wala itong kahit anong sugat! ‘Hin…hindi siya inatake ng mga lobo?!’Bukod dun, napansin din ng mga lalaki na ang kaninang mga galit na galit na lobo ay biglang naging maamo ang mga itsura! Ano?!Parehong hindi makapaniwala ang babae at ang lalaki sa nakita nila at nakatitig lang sila kay Darryl! Napaamo niya yung mga lobong yan?!Imposible! Walang ideya ang babae at ang lalaki na marunong makipag usap si Darryl sa mga hayop kaya hindi nila alam kung anong ginawa nito para mapaamo ang mga lobo. Hindi sila makapag salita. Nang mahimasmasan ang lalaki, bumaling siya ng tingin sa iba dahil hindi niya kayang tumingin kay Darryl! Hiyang hiya siya sa sarili niya at imbes na mamangha, lalo siyang nainis kay Darryl.‘T*ng*na! Akala ko pa naman mapapatay na siya ng mga lobo! Ano nanaman bang ginawa niya para makaligtas? At hindi lang siya basta-bastang na
Read more
Kabanata 4343
Pero kabaliktaran ang naramdaman ng lalaki. Naiinis nitong tinawag ang babae. “Tama na yan. Napaka walang kwenta naman ng pinag uusapan niyo. Kailangan na nating hanapin si Master.”Dahil sa nangyari, lalo lang nairita ang lalaki kay Darryl kaya gusto niya na itong iwanan. Pero sobra ang pagkahanga ng babae kay Darryl kaya ayaw nitong umalis. "Sir!"Nakangiting tinawag ng babae si Darryl, “Ako nga pala si Yolanda. Ito naman si Sergio. Tinaboy mo yung mga lobo para sa amin, pero hindi man lang namin alam ang pangalan mo at kung saan ka galing! ”“Oh, ako?”Pinag isipan ni Darryl ng ilang sandali kung paano siya sasagot bago siya ngumiti at sinabi, “Ako si Dart. Mahilig lang talaga akong mag explore.”Siyempre hindi naman pwedeng basta-basta nalang magpakilala si Darryl gamit ang kanyang totoong identity, kaya ginamit niya nalang ang pangalang binigay niya din sa Sword Sect.Dart!Nakangiting tumungo si Yolanda. “Ang handa naman ng pangalan mo! Siguro marami ka ng napuntahan n
Read more