All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4341
- Chapter 4350
7044 chapters
Kabanata 4344
Tandang-tanda ni Darryl na noong natalo ang Five Poison Sect, bigla nalang naglaho ang Sect Master nito na si Kendall Jones. “Sigurado ka ba na yung sinasabi mong Maple Division ay galing talaga sa Five Poison Sect?” Hindi mapakaling tanong ni Darryl kay Yolanda.Kung gaano kaganda si Kendall Jones, ganun din ito kasama at kung talagang lumipat ito sa Great East, mukhang hindi maganda ang nga sunod na mangyayari.Napakagat labi si Yolanda at tinignan si Darryl ng diretso sa mga mata. Bakas sa itsura niya ang sobrang pag-aalala. “Sa totoo lang, hindi ko rin alam talaga pero yun kasi ang sinabi sa amin.”Hindi nakapag salita si Darryl.‘T*ng*n*! Kung si Kendall nga ang nasa likod ng mga pandudukot na ‘to, hindi ako pwedeng umalis ng basta-basta dito a Great East!’“Kapatid!”Noong sandali ring yun, si Sergio na kanina pa nakikinig sa isang gilid ay naiinis na sinabi, “Halika na! Kailangan nating mahanap kung nasaan ang Maple Division para mailigtas na natin si master! Baka mawala
Read more
Kabanata 4345
”Hindi ka ba nagdududa kung bakit mag isa lang yang lalaking yan dito? Hindi mo ba naiip kung saan niya nakuha yung mga sugat niya sa mukha? Iniingatan lang kita.” Hindi napigilan ni Darryl na matawa sa sinabi ni Sergio. “Pre, napadaan langa ko.”Tumingin siya kay Yolanda at sinabi, “Sige, hindi ko na ipipilit. Tutal ayaw naman ng kapatid mo na makasama ako at ayoko rin naman na mag aaway lang kami palagi, hindi nalang ako sasama sainyo. Sige, mauna na ako.”Pagkatapos, tumalikod si Darryl at naglakad palayo. Gusto sanang malaman ni Darryl kung nasaan ang Maple Division. Wala naman talaga siyang ibang intensyon kay Yolanda pero alam niyang hindi siya titigilan ni Sergio kaya nawalan siya ng gana na sumama sa mga ito. “Dart!”Nagmamadaling hinabol ni Yolanda si Darryl at nahihiyang humingi ng pasensya, “Hindi ko alam kung anong nangyari sa kapatid ko. Hindi naman siya ganyan palagi. Wag mo nalang intindihin yung mga sinabi niya.” Pagkatapos, tumingin si Yolanda a mga sugat ni
Read more
Kabanata 4346
”Sandali lang.”Ngumiti si Arthur at mahinahong sumagot, “May malalang sakit ang master ko kaya bihira lang siyang lumabas. Baka natutulog lang siya a kwarto niya.” Pagkatapos, pumalakpak si Arthur at sinabi, “Bigyan niyo mna ng tsaa ang mga bisita natin.”Walang anu-ano namang naglabas ng mainit na tsaa ang dalawang taga-silbi at kumalat kaagad sa buong hall ang aroma nito. “Ang bango!” Masayang sabi ni Queenie. Nakangiting sumagot si Arthur, “Kung hindi niyo naitatanong, ang pangalan ng tea na ito ay ‘Fragrance’, at kai lang mayroon nito dahil dito lang din tumutubo ang herb na ginamit namin diyan.”Mukhang abate at inosente si Arthur habang nagsasalita, pero ang lingid sa kaalamanan ng dalawa ay palabas lang ang lahat ng ipinapakita nito dahil ang totoo ay may lason ang tsaa! Ilang araw na ring dumudukot ang Five Poison Sect ng mga magagaling na doktor at para siguraduhing hindi makakatakas ang mga ito, pinapainom nila ang mga ito ng parehong tsaa na binigay nila kina Que
Read more
Kabanata 4347
Ang Goddess Doctor ng Hundred Flower Valley? Biglang ngumiti si Kendall ng abot-tenga.Noong nag umpisa silang dumukot ng mga doktor sa Great East, narinig niya ang tungkol sa Goddess Doctor ng Hundred Flower valley. Ayon sa bali-balita, sobrang galing daw nitong manggamot. Sobrang saya ni Kendall at nagmamadali siyang lumabas ng sikretong kwarto kasabay ni Arthur, “Magaling. Dalhin mo ako sa doktor na yan.”“Opo, Sect Master!” Wala na silang sinayang na panahon at nagmamadali silang naglakad papunta sa hall. Nang sandaling makita ni Kendall sina Celine at Queenie, bigla siyang natigilan.Sobrang pamilyar ng itsura ng mga ito. Tahimik na nakaupo ang mga ito sa isang gilid. Ang isa ay sobrang tahimik at ang isa namay ay sobrang daldal. Sa tagal niya ng sinusubukang patayin si Darryl, kilala na ni Kendall ang karamihan sa mga kaibigan nito. Ang isa sa dalawang babae ay malapit nitong kaibigan, at ang isa naman ay pinsan nito. Sigurado siya na nakita niya na ang dalawang ‘t
Read more
Kabanata 4348
Nang makita ni Celine ang kundisyon ni Kendall, alam niya kaagad na naloko sila nito at hindi totoo na ang Sect Master ng Maple Division ay may malubhang sakit.Sa kabila ng pagiging matapang ni Celine, nanatiling nakangiti si Kendall. “Bagay na bagay talaga sayo ang pangalang Honorable Pianist kasi kahit nasa kalagitnaan ka na ng mga ganitong sitwasyon, sobrang kalmado mo pa rin. Dahil diyan, lalo kitang hinangaan.”Pagkatapos, bigla siyang galit na galit na sumigaw, “Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo.”Nagkatinginan sina Celine at Queenie. Hindi sila sumagot, bagkus, nakahanda sila sa mga pwedeng sumunod na mangyari.Doon lang naintindihan ni Celine kung bakit kakaiba ang naramdaman niya simula noong pumasok siya sa Maple Division. Malamang may mga hindi sila nakikitang nakakalat mga na nakakalason na insekto sa paligid. "Honorable Pianist."Habang nakahanda ang dalawa, nakangiting nagsalita si Kendall, “Sa totoo lang nagulat din ako. Wala akong ideya na ikaw pala ang Godd
Read more
Kabanata 4349
Kalmado lang ang tono ng boses ni Celine, pero sobrang nakakapanindig balahibo. Sa ilang taon nilang paninirahan ni Queenie sa Hundred Flower Valley, sobrang laki ng itinaas ng kanilang cultivation level. Hindi siya natatakot kahit pa ngayong nalaman niya na ang Maple Division ay walang iba kundi ang Five Poison Sect.“Talaga?”Hindi nagalit si Kendall, at nakangiti siyang sumagot, “Kilala ka bilang Honorable Pianist sa Nine Mainland. Alam kong makapangyarihan ka, prto sa tingin ko kayang kaya kitang labanan. Gusto kong subukan kung hanggang saan ang tapang at lakas mo.”Tumayo si Kendall mula sa kanyang kinauupuan na may mayabang na tindig.Kumunot ang noo ni Celine at sa totoo lang ay inasahan niya naman ito kaya tumungo siya, “Sige. Tutal gusto mong makita ang kapangyarihan ko, ipapakita ko sayo.”Habang nagsasalita, kinuha niya ang kanyang jade na piano para gamitin ang kanyang internal energy. Pero biglang nanlambot ang kanyang buong katawan. Sobrang nagulat kasi sigu
Read more
Kabanata 4350
”Ang sama sama mo!” Galit na galit na sumigaw si Queenie, “Ang kapal ng mukha mo! Kahit bali-baliktarin, maling mali yang pag iisip mo! “Five Poison Sect? Kalokohan!”Kanina pa nagtitimpi si Kendall pero nang marinig niya ang sinabi ni Queenie, tuluyan na siyang nagalit. “Pinsan ka ni Darryl, diba? Napaka tabil mo ring magsalita no? Pero wag kang mag alala, hindi lang naman master mo ang nalason, ikaw din.”Sinubukang gamitin ni Queenie ang kanyang internal energy, pero kagaya ng nangyari kay Celine, bigla ring nanghina ang katawan niya.Hindi na rin niya magamit ang kanyang internal energy! Hindi makapaniwala si Queenie kaya galit na galit siyang sumigaw, “Kendall, ang sama-sama mo! Sinisigurado ko sayo na maghihirap ka bago ka mamatay!”“Ano naman kung nasayo na ang kapangyarihan ng Fiend Soul? Sobrang sama mong tao kaya hinding hindi mo mamemerge yan!”Naririnidi na si Kendall kay Queenie. Bilang leader ng Five Poison Sect, hindi niya makaya na iniinsulto siya ng isang ma
Read more
Kabanata 4351
Honorable Pianist, wag mo akong pigilan. Kanina ko pa pinagpapasensyahan ‘tong babaeng ‘to! Hindi niya ako nirerespeto at bilang Sect aster ng Five Posion Sect, hindi ako makakapayag!” Galit na galit na sagot ni Kendall. Pagkatapos, muli niyang sinampal si Queenie hanggang sa tuluyan na itong mahimatay. “Arthur!” Sigaw ni Kendall.Nagmamadali namang naglakad papasok si Arthur na may kasamang ilang miyembro ng ive Poison Sect.“Ikulong niyo yang dalawang yan at siguraduhin niyong hindi sila makakatakas dahil sa oras na mangyari yun, alam niyo na kung anong mangyayari sa inyo!”“Opo!” Wala ng sinayang na oras si Arthur at sinenyasan niya ang mga kasama niya na kunin sina Celine at Queenie. ...Makalipas ang ilang oras na paglalakbay, sa wakas ay nakarating na rin sina Darryl, Yolanda at Sergio sa Maple Division. Nang makita nila ang itsura nito mula sa labas, sobrang namangha sila. Nagmasid ng maigi si Darryl. May mga nakikita siyang mga taong naka suot ng kulay cyan na robe
Read more
Kabanata 4352
Hindi nasindak si Andy, bagkus walang takot itong suagot, “Sabihin o sa Master ng Maple Division na nandito si Andy ng Elixir Sect.”Pinilit niyang pigilan ang galit niya. Nandoon si Andy dahil bigla nalang nawala si Elder Ricky kahapon. Ang usap-usapan ay huli itong nakita sa production room ng mga elixir. Nang mabalitaan nila ito, halos mabaliw ang buong Elixir Sect kakahanap hanggang sa may nagsabi sakanila na mga taga Maple Division di umano ang dumukot dito.Nang malaman niya yun, walang pagdadalawang isip siyang pumunta sa Maple Division kasama ang ilan sa mga miyembro niya. Wala siyang makitang dahilan ng Maple Division para dukutin ng mga ito si Elder Ricky.Biglang nanginig sa takot ang mga guwardiya nang marinig ang sinabi ni Andy. Tatlo lang ang maituturing na major sect sa buong Great East: Ang Artemis Sect, ang Elixir Sect at ang Sword Sect. Matagal ng nabuwag ang Artemis Sect nang umalis ang Sect Master nito na si Debra nang dahil kay Darryl, kaya tanging Elixir at Swo
Read more
Kabanata 4353
Hindi na sumagot si Yolanda. Nakahawak lang siya sa kamay ni Darryl habang alertong pinanunuod ang mga sunod na mangyayari. Makalipas ang ilang sandali, nahimasmasan ang mga miyembro ng Five Poison Sect at magalang na sinabi kay Andy, “Ikaw pala yan. Sandali lang. Papasok lang ako para ireport na nandito ka.”Hindi nagtagal, muli itong lumabas na may kasamang iba pang mga miyembro ng Maple Division na pinapalibutan ang isang magandang babae na nakasuot ng kulay pulang long dress. Sobrang ganda nito, pero sobrang nakakilabot din ng awra nito. Yun ay walang iba kundi si Kendall. Gulat na gulat si Andy nang makita si Kendall. ‘Si Kendall? Ang Sect Master ng Five Poison Sect?’Kaya naman pala ganito nalang kadami ang gwardiya ng Maple Division.Nakipag kampihan noon si Andy at ang buong Elixir Sect sa mga Carter para kalabanin ang Five Poison Sect, kaya kahit na maging abo na sila, makikilala at makikilala pa rin nila ang isa’t-isa. Noong nakita ni Darryl si Kendall, kumunot d
Read more