All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4361
- Chapter 4370
7044 chapters
Kabanata 4364
'Bobo!' sikretong mura ni Darryl at tinuro ang Red-ringed Centipede sa kamay ni Sergio. "Sobrang makamandag ang bagay na ito. Bitiwan mo na 'yan ngayon para hindi ka masaktan."Nag-aral siya ng medisina sa ilalim ng gabay ng Divine Farmer. Sa isang tingin, alam na niya na makamandag ang Red-ringed Centipede. 'Makamandag 'to?' naguluhan si Sergio. "Dude, alam mo ba kung ano 'to? Ito ang Red-ringed Centipede. Mukhang malaki 'man ito pero hindi ito makamandag," ismid niya."Dart, hindi ka kailanman nag-aral ng medisina, kaya hindi mo malalaman kung ano 'to. Tama si Sergio; nakakatakot ang laki ng insekto, pero wala kang dapat ipagalala," sabi ni Yolanda kay Darryl.Akala niya ay gumagawa lang ng gulo si Darryl. "Yolanda, wala siyang alam sa medisina. Bakit ka pa magpapaliwanag sa kanya?" hindi mapigilang sabi ni Sergio kay Yolanda.Para sa kanya, sinungaling si Darryl. Maliban sa pagiging swerte niya, ganap na wala siyang kakayahan.'Haha. Wala akong alam? Medicine An
Read more
Kabanata 4365
'Makamandag ang Red-ringed Centipede! At nakakalason ito!' Agad nabalisa si Yolanda at namula ang mga mata niya. Gusto niyang patayuin si Sergio pero hindi niya ginawa.'Hindi ako sigurado kung nakakahawa ba ang lason,' isip niya.Tinakpan ni Sergio ang mukha niya ng isang kamay niya at tinuro ang isa kay Darryl habang iniinda ang sakit. "Ikaw... Ikaw ba 'to? Paano mo nalaman na makamandag ito?"Habang nagsasalita siya, kulay dugo na ang mga mata niya at hinihiling niya na mapatay si Darryl sa pinaka brutal na paraan. 'Sinabi ng lalaking ito ang pinanggalingan ng Red-ringed Centipede. Ibig sabihin may kinalaman siya sa makamandag na Red-ringed Centipede. Sigurado ako. Ginamit niya ito para saktan ako.'Tinapak ni Yolanda ang paa niya nang marinig si Sergio. "Sergio, bakit taliwas ka pa rin kay Dart? Pinaalalahanan ka niya pero tumanggi kang makinig."Halos maluwa na siya at inisip na masyadong nakakaawa si Sergio.Sa parehong pagkakataon, bumuntonghininga si Darryl at iniling ang
Read more
Kabanata 4366
Humiga lang doon si Darryl habang nagkukunwari na walang naririnig na kahit ano. Pero sa totoo lang ay hindi na niya naiwasan pang maisip sa kaniyang sarili na, “Masyadong naging mabait si Yolanda kaya nakasisiguro ako na gagawa lang si Sergio sa susunod ng mas malaking gulo sa sandaling hindi ko siya turuan ng leksyon.”Dito na siya nagkunwaring bumubulong sa kaniyang sarili ng, “Ah, Inaantok talaga ako.”Nang makita niya na hindi nakukumbinsi ni Yolanda si Darryl, agad na nagpanic si Sergio habang nagpapakita ng naguguluhang itsura sa kaniyang mukha. “Sige, ipinapangako ko na ito sa iyo.”Dito na niya inuyuko ang kaniyang ulo habang humihiling na nasa ay makakita siya ng lupa na mapaglilibingan niya rito. Ayaw na ayaw niyang mapahiya sa harapan ng kaniyang junior, pero ayaw niya rin namang mamatay. Kaya ano na lang ang kaniyang dignidad kung ikukumpara sa kaniyang buhay?Dito na tumayo si Darryl bago ngumising sabihin kay Sergio na, “Sige, pero bago kita pagalingin, kailangan ko
Read more
Kabanata 4367
Nang biglang tumayo si Sergio bago ito maglakad palapit kay Darryl para mahina itong tawagin ng, “Master!”Habang tumatawag, pinanatili niyang nakayuko ang kaniyang ulo habang pinapahina nang husto ang kaniyang boses hanggang sa halos hindi na ito marinig pa ni Darryl. Isang uri ng kahihiyan ang pagtawag kay Darryl bilang Master, pero wala pa rin siyang magagawa noong mga sandaling iyon. Nangako siya kay Darryl kaya agad siyang kamumuhian ni Yolanda sa sandaling hindi niya ito tuparin.Tumango naman si Darryl habang sumasagot ng, “Sige. Wala na lang lasong ito sa iyong katawan. Magpahinga ka na muna sa ngayon.Agad niyang sesermonan at tuturuan ng tamang leksyon si Sergio kung nangyari lang ito kanina. Pero kasalukuyan pa ring iniisip ni Darryl noong mga sandaling iyon ang lason ng Yellow Snake na napunta sa alupihan kaya hindi na niya pinansin pa si Diego.Kasabay nito ang paglapit ni Yolanda bago seryosong sabihin kay Sergio na, “Huwag ka sanang magpaapekto rito. Pero ginawa pa r
Read more
Kabanata 4368
Nagpatuloy naman sa pagbagsak at pagsigaw sa takot si Sergio habang nasa loob ng kuweba. “Buwisit! Siguradong patay na ako ngayon.”Pero agad naman niyang napansin ang napakaraming mga paikot na daan sa loob ng kuweba sa halip na magkaroon ito ng isang diretsong daan na nakapagpabagal sa pagbagsak ni Sergio.Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin si Sergio sa ilalim ng kuweba bago gumawa ng isang mababang ingay habang tumitilapon ang kaniyang katawan sa basatang lupa. “Hinid ako namatay sa pagkahulog kong ito?”Huminga nang malalim si Sergio bago ito naging emosyonal sa kaniyang sarili. Marami siyang mga galos habang nakakaramdam ng matinding sakit mula sa pagbagsak niyang iyon sa butas na nakapagpabuntong hininga na lang sa kaniya. Tiniis niya ang sakit na iyon habang tumitingin sa kaniyang paligid. Dito na siya natigilan sa kaniyang nakita.Ang kuweba sa kaniyang harapan ay nagkaroon ng sanga sangang daan na papunta sa iba’t ibang direksyon na para bang isang dambuhalang
Read more
Kabanata 4369
Nagalit dito nang husto si Yolanda. “Wala talagang kasing sama si Kendall! Hindi lang niya hinuli si Master pero nagawa niya rin tayong saktan gamit ang nakalalasong mga insekto na ito. Wala na siyang kasing sama.”Dito na nila narinig ang isang tunog na nagmula sa labas. Dito na nalaman nina Darryl at Yolanda na mayroong nangyari. Nagbago ang kanilang itsura habang nagmamadaling tumatakbo ang mga ito papunta sa pinto.Naghabol ng hangin ang dalawa nang makita nila kung ano ang nangyari. Dito na nila nakita sa ilalim ng buwan ang napakaraming mga nakalalasong insekto na gumagapang papunta sa monesteryo. Binubuo ang mga insektong ito ng mga Red ringed centipede, mga ahas, alakdan, mga gagamba at iba pa.Nagkaroon ng itim na kulay ang mga insekto habang bumabaha sa monesteryo na parang isang malaking alon. Dito na binigyan ni ni Darryl si Yolanda ng isang kulay crimson na gamot. “Inumin mo ito!”Ang gamot na ito ay tinatawag na Holy Elixir, isa itong elixir na may kakayahang magdetox
Read more
Kabanata 4370
“Masyadong naging kakaiba ang lalaking ito pero masyadong naging malakas ang kaniyang internal energy. Agad niyang nabuo ang apoy na ito sa loob ng isang move. Masyadong naging walang katulad ang kulay purple red na apoy na ito.” Isip ng mga ito.Lingid sa kaalaman ni Andy na si Darryl ang lalaki sa kaniyang harapan. Sadyang nagbago lang nang husto ang kaniyang itsura matapos niyang iabsorb ang enerhiya ng Red Lotus Fayette.Pagkatapos matigilan ng dalawang segundo, inayos ni Andy ang kaniyang isip bago sumigaw sa kaniyang paligid. “Dali. Unahin ninyo ang mga nakalalasong insekto.”Dito na niya hinawakan nang maigi ang mahaba niyang espada bago sumugod sa mga nakalalasong insekto na papalapit sa kanila. Dito na sumunod ang ilang mga elder at mga natitirang disipulo sa paligid.Clang!Isang napakalakas na tunog ang narinig ng lahat habang nasa gitna ng matinding laban. Dito na nila nakita ang pagkawasak ng gate papasok sa monasteryo. Kasabay nito ang pagkarinig ng isang espesyal na
Read more
Kabanata 4371
Dito na nabalot ng katahimikan ang buong monasteryo. Agad na nagalit si Yolanda nang makita niya ang nangyari.“Wala nang naging kasing sama pa si Kendall. Noong una ay nagawa niya kaming tambangan gamit ang mga nakalalasong insekto na ito at ngayon ay nagawa niya namang lokohin si Andy para sumuko ito sa kaniyang harapan.” Mahina nitong sinabi kay Darryl.“Ganyan naman talaga siya noon pa lang.” Kalmadong sinabi ng nakangiting si Darryl.Agad namang naubos ang pasensya ni Kendall nang makita niyang magdalawang isip si Andy.“Andy, nakapagdesisyon ka na bang mamatay ngayong araw para mailigtas ang iyong reputasyon o sumali sa amin para mapanatili ang iyong Elixir Sect? Dalian mo nang sabihin ang iyong sagot sa akin.” Nanlalamig nitong sinabi.Huminga naman nang malalim si Andy. Sasagot na sana siya nang bigla itong putulin ng isa pang boses. “Interesante. Napakainteresante.”Dito na nakangiting iniling ni Darryl ang kaniyang ulo habang naglalakad paabante. “Walang kahit na anong
Read more
Kabanata 4372
Marami sa mga disipulo ng Five Poison Sect noong mga sandaling iyon ang nagising sa katotohanan kaya agad na nagsitawa ang mga ito habang niloloko nila si Darryl.“Wala na talaga sa sarili ang isang ito! Gusto niyang labanan si Sect Master?”“Tingnan mo siya! Siguradong isa lang itong barbarian sa kakahuyan kaya matagal tagal na rin itong hindi namumulat sa katotohanan. Baka nga hindi pa nito alam kung ano ang spelling ng salitang kamatayan.”Walang tigil na nagecho ang panloloko ng mga ito kay Darryl pero agad pa rin niyang binalewala ang mga ito habang umaasang nakatingin nang husto kay Kendall.Maging si Kendall ay nagpakita ng naiinis na itsura sa kaniyang mukha. Nanggigigil niyang tiningnan si Darryl habang kalmadong sumasagot ng, “Hindi mo nga talaga alam kung ano ang kahulugan ng salitang kamatayan. Isa ka lang ordinaryong tao pero nagawa mo pa ring makipagpustahan sa akin ah? Ano sa tingin mo ang karapatan mo para gawin ito?”Hindi na nakapagpigil pa rito si Arthur. Agad i
Read more
Kabanata 4373
Hindi naging malakas ang boses sa pagsasalita ni Andy nang magsalita ito. Wala siyang ideya kung bakit pero nagkaroon siya ng matinding tiwala sa lalaking iyon na puno ng marka sa kaniyang mukha.Tumigil naman sa pagsasalita ang mga tao sa paligid nang marinig nilang magsalita ang kanilang Sect Master.Dito na tumayo nang diretso si Kendall sa layo ng 10 metro mula kay Darryl habang nababalot ng gigil ang kaniyang mukha. “Simulan na natin.”Ngumiti namang sumagot si Darryl ng, “Babae ka kaya bakit hindi ikaw ang magsimula?”Agad na nakaramdam ng matinding galit si Kendall at ang mga disipulo ng Five Poison Sect nang marinig nila iyon. Lalo na ang Sect Master ng mga itong si Kendall. Namula nang husto ang kaniyang mukha habang tumitindi ang nararamdaman niyang galit sa dibdib. Siya ang kinikilalang Sect Master ng Five Poison Sect. Kaya ang lakas ng loob ni Darryl na ituring siya bilang babae na mas mahina sa paningin nito.“Masyado kang nagpapadalos dalos.” Nanlalamig na dumura si
Read more