All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4371
- Chapter 4380
7044 chapters
Kabanata 4374
Nasabik naman dito ang mga disipulo ng Five Poison Sect. Ginamit ng kanilang Sect Master ang Bone Devourer Insects kaya siguradong patay na ang lalaking ito. Walang kahit na sinong cultivator sa Nine Mainland ang may kakayahang makatakas sa Bone Devourer Insects.Tumayo lang doon si Arthur habang tinitingnan nang husto ang natrap na si Darryl gamit ang naiinis at nanggigigil nitong mukha. “Ang lakas ng loob ng isang barbarian at ordinaryong tao na kagaya mo na tumayo para sa Elixir Sect huh? Masyado niyang inoverestimate ang kaniyang lakas!”Para kay Arthur, hinding hindi pa rin magagawang manalo ni Darryl sa laban nila ni Kendall kahit na nagawa nitong salagin ang pagatake ni Kendall kanina. Sa huli ay magkakaroon pa rin ito ng miserableng kamatayan.Gumawa ng isang malaking batalyon ang mga insekto noong mga sandaling iyon habang nagkakaisa nilang inaatake si Darryl. Masyadong nakakatakot ang ginagawang ingay ng mga ito na magpapatayo sa balahibo ng sinumang nasa paligid.Noong u
Read more
Kabanata 4375
“Imposible!” Isip ni Kendall.Maaari ngang hindi ito napansin ng iba pero natigilan pa rin si Kendall dahil ito ang isa sa mga kahinaan ng Bone Devourer Insects.“Paano niya ito nalaman?” Tiningnan nang maigi ni Kendall si Darryl gamit ang hindi makapaniwala niyang mga mata.Dito na niya nakitang umaatake si Darryl gamit ang napakatinding lakas na nagmula sa bola ng kulay pula at purple na apoy. Agad na sumabog ang mga insekto nang tamaan ito ng bola ng apoy na pinakawalan ni Darryl.Screech! Screech! Agad na kumalat at naging dagat dagatang apoy ang mainit na bola ng apoy na nagmula kay Darryl. Dito na gumawa ng natatakot na ingay ang mga nakalalasong insekto bago magsialis ang mga ito habang ang mababagal namang insekto ay agad na naabo matapos maabutan ng apoy.Naging matalino ang mga nakalalasong insekto na inalagaan ng Five Poison Sect. Kaya natural na takot ang mga ito sa apoy. Maliban pa rito ang apoy ni Darryl na nagmula sa lakas ng Red Lotus Fayette na mas kinatakutan p
Read more
Kabanata 4376
Hindi nagtagal ay agad na nagtanong ang isa sa mga Elder ng Elixir Sect kay Andy, “Dapat na rin po ba natin silang habulin, Master?”Kinunsidera muna ito ni Andy bago ito umiiling na sumagot ng, “Hindi na natin kailangan pang habulin ang mga ito. Masyado nang malakas ang lalaking iyon kaya hindi na niya kakailanganin pa ang ating tulong.”Dito na niya tiningnan ang kaniyang paligid bago ito magutos ng, “Bumalik na tayo sa Maple Division ngayundin. Ililigtas natin si Ricky at ang mga kasama nito.”“Opo, Master.” Iisang sagot ng mga disipulo ng elixir sect bago sila magpunta sa Maple Division.Nakita ni Andy na nakatayo lang si Yolanda sa puwesto nito noong mga sandaling iyon. Dito na niya hindi napigilang sabihin dito na, “Miss, kaibigan mo ang lalaking iyon hindi ba? Hindi na ligtas kung mananatili ka rito. Bakit hinid ka na lang muna sumama sa amin? Siguradong mapapahamak ka sa sandaling bumalik ang Five Poison Sect dito.Nagdalawang isip muna si Yolanda ng isang sandali bago ito
Read more
Kabanata 4377
Natigilan naman si Darryl habang sumisigaw siya kay Kendall ng, “Ano ang ginawa mos a kanila!”Agad na nawala ang dati niyang postura habang nanggigigil ang kaniyang dibdib. Pinsan ni Lily si Queenie pero itinuring pa rin niya itong kapatid kahit na hindi niya ito kaano ano.Natuwa naman nang husto si Kendall nang makita niya ang pagbabago at ang matinding nerbiyos sa mukha ni Darryl.“Tingnan mo nga kung gaano ka nagalala sa kanilang dalawa. Si Celine Maine ay ang kilalang Honorable Pianist kaya ano na lang ang maaari kong gawin sa kaniya? Nakangiti nitong sinabi.Dito na umikot ang mga mata ni Kendall bago magpatuloy sa pagsasalita. “Gusto ko lang naman silang tanungin nang mahuli ko sila pero sino nga ba ang magaakala na hindi magmamatigas si Celine sa akin? Kaya pinarusahan ko siya sa pamamagitan ng pagpapainom dito ng lason. Agad na eepekto ang lason na ito sa loob ng tatlong araw at ngayon ang ikatlong araw ni Celine. Aabot ka pa kung susugod ka na roon para iligtas si Celine
Read more
Kabanata 4378
Kasalukuyang pinamumunuan ni Andy ang Elixir Sect at si Yolanda papunta sa main gate ng Maple Division.Bahagyang nagliwanag ang kalangitan pero mahigpit pa rin ang seguridad sa paligid ng Maple Division. Marami sa mga elite na desipulo ng Five Poison Sect ang makikitang nagpapatrolya sa main gate. Nasa isang libong mga disipulo lang ang pinamunuan ni Kendall para atakihin ang monasteryo kaya nasa 10,000 mga disipulo pa ang natitira sa Maple Division.Pero hindi manlang nagpanic si Andy nang makita niya ito. Agad siyang lumipad paabante para sumigaw sa mga disipulo ng Five Poison Sect na nagbabantay sa main gate, “Pakawalan na ninyo ang mga dinukot ninyong tao! Huwag na huwag niyo kaming masisisi sa gagawin namin sa inyo sa sandaling magmatigas kayo sa amin.”Naging malakas at puno ng awtoridad ang kaniyang boses.Agad namang napatingin ang mga disipulong nagbabantay sa gate nang marinig nila iyon. Sa totoo lang ay nagulat ang mga ito sa kanilang mga sarili. “Hindi ba’t umalis si S
Read more
Kabanata 4379
“Patayin niyo sila!” Sigaw ni Andy habang nangungunang sumusugod sa mga disipulo ng Five Poison Sect.Kasabay nito ang paghawak ng mga Elder at mga disipulong nasa kaniyang likuran sa kanikanilang mga sandata. Agad silang sumugod sa mga miyembro ng Five Poison Sect na nasa kanilang harapan.Nagalit nang husto si Joey nang makita niya ang eksena sa kaniyang harapan. Dito na siya tumitig kay Joey habang sinasabi na, “Wala ka na ba talaga sa iyong sarili! Iniisip mo pa rin ba na matatalo mo kami gamit ang ganito karaming mga tauhan? Makinig kayong lahat mga kasama! Lumaban tayo para depensahan ang ating mga sarili. Patayin ninyo ang bawat isang miyembro ng Elixir Sect na makikita ninyo, huwag kayong magiiwan ng kahit isang buhay.”Nang ibaba ni Joey ang kaniyang utos, agad nitong binaliktad ang kaniyang kamay habang hinahawakan ang nakalalason niyang staff para salubungin ang pagatake ni Andy.“Patayin ninyo silang lahat!” Nasa 10,000 mga disipulo ng Five Poison Sect ang sumugod paaba
Read more
Kabanata 4380
Namutla ang mukha ni Joey at hindi na naging maganda noong mga sandaling iyon. Dito na siya kumaway habang sumisigaw ng, “Aatras na tayo.”Ayaw niya sanang umatras ngayong lamang ang kaniyang mga tauhan sa laban pero wala pa rin siyang nagawa. Nasugatan siya nang husto kaya hindi na niya kaya pang ipagpatuloy ang pakikipaglaban. Para na rin niyang sinayang ang kaniyang buhay kung pipilitin pa rin niyang lumaban.Pero isang tusong nilalang si Joey kaya hindi niya hahayaang matamasa ni Andy ang tagumpay na kanilang minimithi. Bago umalis ay agad niyang inutusan ang mga nakapaligid na disipulo na, “Inuutusan ko kayong sunugin ang buong Maple Division hanggang sa wala nang matira pa rito.”Hinding hindi niya hahayaang mailigtas ni Andy ang kaniyang mga kaibigan kahit na umatras pa sila sa laban.“Opo, Elder.” Sagot ng mga disipulo.Agad na umatras ang mga ito habang pinoprotektahan si Joey at sinisindihan ang kanilang mga sulo na kanilang ibinato sa Maple Division. Dito na mabilis na
Read more
Kabanata 4381
’Bakit biglang nagkaroon ng sunog sa Maple Division? Mayroon bang ibang taong nasa loob?’ Sobrang hindi mapakali si Darryl.Kaagad siyang nagmadali para maingat na tingnan ang paligid. Hindi takot sa apoy si Darryl dahil sa mga kapangyarihan ng Red Lotus Fayette.…Samantala, sa hukay ay nahuhulog pa rin si Kendal habang umihip ang hangin sa kaniyang mga tainga. Kinakabahan ang babae. ‘Ginawa mo akong miserable ngayong araw, Darryl. Maniningila ako balang araw.’Thud.Makalipas ang mahabang sandali, sa wakas at lumapag siya. Nahulog sa bato si Kendal. Kahit na sobrang napabagal ng kurbadang lagusan ang kaniyang pagkahulog, na-pilay pa rin ang kanang binti niya.Huminga siya ng malalim at sinuri ang paligid. ‘Nasaan ako?’Nakita niya ang malaking kweba sa kaniyang harapan at mayroon itong buhol-buhol na lagusan na parang isang malaking labirint. Nagulat siya. Malaki pa rin ang pasasalamat niya kahit ano pang mangyari. Pagtapos ay tumayo siya habang nahihirapan at sumandal sa pade
Read more
Kabanata 4382
Umirap si Kendall at bigla siyang may naalala. Sumigaw siya. “Magsabi ka ng totoo. Kasama mob a si Darryl Darby?”Hindi maitago ni Kendall ang kaniyang sama ng loob nang banggitin niya si Darryl. Alam niya sa kaniyang puso na malaki ang tiyansang may kaugnayan kay Darryl ang lalakeng nasa kaniyang harapan dahil hindi ito takot sa mga nakalalasong insekto. Isa pa, ilang minute lang ang nakalipas, napilitan siyang tumalon sa hukay dahil kay Darryl.Nalito si Sergio nang sandaling iyon at halos maiyak siya. ‘Nababaliw na ang babaeng iton. Bakit bigla niyang binanggit si Darryl? Anong meron sa kaniya?’Magalang itong ngumiti at kaswal na nagsalita. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Sino si Darryl? Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan.”Mariing kumunot ang kilay ni Kendall. Malinaw na hindi siya naniniwala sa lalake. Kaagad siyang pumulot ng isa pang bato it ibinato ito kay Sergio.“Sino ka para magsinungaling sa akin. Tingnan mo kung gaano ka ka-kulimlim. Malinaw na masama kang
Read more
Kabanata 4383
Nang sabihin niya ang mga salitang iyon ay gumala-gala ang mga mata ni Sergio sa buong katawan ng Kendall.‘Hay*p naman. Sino siya para ipahiya ako. Lalake pa baa ko kung tatanggapin ko iyon? Susulitin ko siya habang nanghihina siya.’ Naisip ni Sergio habang dahan-dahan siyang naglakad palabas.Nagulat at nagalit si Kendall nang makita niya ang papalapit na si Sergio habang pilyo itong nakangiti.Malamig siyang umangal. “Huminto ka riyan, ang dumi mo! Kilala mo ba kung sino ako? Ako ang Sect Master ng Five Poison Sect, si Kendall Jones. Sisiguraduhin kong hindi maganda ang magiging pagkamatay mo kapag hindi ka umalis.”Nang sandaling iyon, napagtanto ni Kendall na hindi kilala ng lalakeng nasa kaniyang harapan kung sino si Darryl. Nagkamali siya ng akala kanina lang. Isang sikat na sekta ang Five Poison Sect. Magdadalawang-isip ang lalake kung kilala siya nito.Subalit hindi niya alam na kilala siya ng lalakeng iyon.Nang sandaling iyon, hindi maganda ang naging ngiti sa mukha n
Read more