All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4381
- Chapter 4390
7044 chapters
Kabanata 4384
Hindi kinabahan si Sergio sa mga pamatay na pagtitig ni Kendall. Kasalungat ay hindi maipaliwanag ang pagkasabik niya.“Matapang! Katunayan, hindi ko kailanman na-enjoy ang isang babaeng tulad mo. Gusto kong masubukan!” Natatawa nitong sambit.Pagtapos ay binuhat ni Sergio si Kendall sa bandang baiwang nito at inilapag ang babae sa patang na sahig. Hinangaan niya si Kendall sa malapitan. Bukod sa bunton ng mga patay na nakalalsong insekto sa hindi kalayuan, tanging sina Sergio at Kendall lang ang nasa malaking kuweba.Kakaiba ang kapaligiran. Nang sandaling iyon, tila isang mandaragit niyang tinitigan si Kendall na kaniyang biktima.Nakasuot ng mahaba at kulay pula na bestida si Kendall, pero nahulog siya sa hukay mula sa sahig sa itaas at maraming parte ng kaniyang bestida ang napunit, nakita ang maputi niyang balat at sobra itong nakakaakit.“Layuan mo ako. Alis.” Mababaliw na si Kendall at walang tigil siyang sumigaw. Sa parehong sandali, sinubukan niyang makawala sa pagkakahaw
Read more
Kabanata 4385
Siya ang makapangyarihang Sect Master ng Five Poison Sect, pero kailangan niyang yumuko sa isang mababang walang bilang na tao. Paano niya mapapanatili ang kaniyang dignidad kapag kumalat ang balita?Nagdesisyon si Kendall na pansamantala siyang susuko. Kukunin niya pabalik ang fiend soul kay Sergio kapag bumalik na ang kaniyang kapangyarihan. Pagtapos ay kailangang magmakaawa ng lalake sa kaniya.Yumuko si Sergio at tiningnan ang babae. Wala siyang intensyong umalis. Ngumiti at nagsalita ito. “Binigyan mo ako ng napakagandang regalo. Kailangan kong manatili nang mas matagal para masuklian kita ng maayos.”Pagtapos ay bumulwak ang kaniyang tawa sa kalangitan at hindi maipaliwanag ang kaniyang pagkasabik. Hindi na siya nakapagpigil at nahalikan niya si Kendall.“Umalis ka! Umalis ka!” Malakas na sumigaw si Kendall, pero napindot ang kaniyang acupoints.Naparalisa siya. Nakita niya na mas nagiging hindi maganda ang pagkilos sa kaniya ni Sergio.Gusto nang mamatay ni Kendall nang sa
Read more
Kabanata 4386
Magalang ang mga salita ng isang tao kapag nalalapit na ang kamatayan. Alam ni Skylar na hindi na siya mabubuhay pa pagtapos ng kaniyang paghihirap. Napagdesisyunan niyang gumawa ng mabuti bago siya mamatay kahit na inapo siya ng lahi ng mga halimaw. Isa pa, hinabol lamang si Yvette ng fiend soul nang malinlang siya ng lalake.‘Pormulasyon? Na may kinalaman kay Yvette?’ Nagulat si Darryl, pero maingat niyang minemorya ang pormlasyon.Pagtapos ay namutla ang mukha ni Skylar at halos nawalan siya ng enerhiyang magsalita.Napabuntong-hininga si Darryl. ‘May konsensya pa si Skylar. Sana’y maging isang mabuti siyang tao sa susunod niyang buhay.’May bigla itong naisip at nagsalita siya. “Oo, tama. Alam mo ba kung saan nakakulong sina Celine at ang matulungin nitong piyanista?”Magulo ang kaniyang pag-iisip nang maalala niya si Celine at ang tauhan nito. ‘Matagal nang nag-aalab ang apoy. Napaisip ako kung kaya nila iyong tiisin.’‘Si Celine, ang Marangal na Piyanista?’ Umiling at nagsa
Read more
Kabanata 4387
’Oo tama!’ Kaagad na nanginig si Queenie at huminto siya sa paglalakad. ‘Masyado akong nagpadalos-dalos. Ibang iba ang hitsura ng lalakeng ito kumpara sa bayaw ko. Isa pa, nasa Maple Manor kami at nasa ilalim ito ng pagbabantay ni Kendall. Baka tama ang Master. Hindi si Darryl ang lalakeng ito, sa halip ay ipinadala siguro siya ni Kendall.’Itinikom maigi ni Queenie ang kaniyang mga labi at tinanong si Darryl. “Sabihin mo sa amin ang totoo, sinoa ka? Bakit ka nagpapanggap bilang bayaw naming?”‘Hay*p!’ Walang magawa si Darryl sa sitwasyon. ‘Nakakainteres ang dalawang ito. Bakit hindi nila ako paniwalaan? Pero medyo matagal nang nakakulong dito sina Celine at Queenie at pinahiya sila ni Kendall. May kabuluhan kung bakit sila nag-iingat.’Pagtapos ay nagliwanag ang kaniyang mga mata nang may bigla siyang naalala. Tiningnan niya si Celine at sinabing, “Hindi ka naniniwalang ako si Darryl, hindi ba? Sige, para sa kaalaman mo, noon sa New World, bago ako dumalo sa martial arts tournament
Read more
Kabanata 4388
Nagulat si Darryl at ang iba pa.May malakas na apiy at nabiyak ang flagstones. Hindi lamang iyon, nagsimula ring yumanig ang sikretong silid sa ilalim ng lupa at mukhang mawawasak ito anumang sandali.Pagtapos ay kinolekta ni Darryl ang kaniyang pag-iisip at inunat ang kaniyang kamay para hilahin sina Celine at Queenie palabas ng sikretong silid sa ilalim ng lupa. “Bilisan niyo, lumabas na tayo rito!”Subalit kumalat na ang apoy sa daan nang marating nila ang lagusan.“Anong gagawin natin?” Nanginig ang katawan ni Celine at hindi niya napigilang magbuntong hininga.Sa parehong sandali, kinabahan din si Queenie, hinawakan niya ang braso ni Darryl at namutla ang kaniyang mukha. “Hay*p! Naharangan na ng apoy ang daanan at hindi na natin magagawang makaakyat."Nakatago ang sikretong silid at isa lamang ang daan dito, pero naharangan ito ng apoy. Lingid sa imahinasyon ang mga maaaring maging kapalit ng mga naiisip nilang solusyon.Nang sandaling iyon, mas lalong kinabahan sina Celin
Read more
Kabanata 4389
”Si Kendall ang nagsabi sa akin na nahuli niya kayong dalawa. Sa ngayon ay nilamon ng apoy itong lugar, hindi rin ako sigurado. Tuluyang kumalat ang apoy pagkarating ko roon.” Natatawang sambit ni Darryl.Pagtapos ay sasabihin niya na sa kanila ang mga detalye nang bigl silang may narinig na mga yapak sa hindi kalayuan, malakas at mabilis ito. Mukhang maraming tao ang naglalakad.Tumingin ang lahat at nagulat sila sa kanilang nakita. Nasa 2,000 elites ng Five Prison Sect ang sumugod sa kanilang direksyon ay si Arthur ang pinuno ng mga ito.‘Hay*p! Iyong ang mga taong mula sa Five Prison Sect.’ Kumunot ang mga kilay ni Darryl, at bahagya siyang kinabahan sa loob loob niya. ‘Masyado akong maraming nagamit na enerhiya. Natakot akong baka hindi ko maprotektahan sina Celine at Queenie kapag nagsimula tayong maglaban.’Nanginig sina Celine at Queenie dahil sa kaba. Labis silang nanghina pagtapos nilang pahirapan at ikulong.Nang sandaling iyon, napansin ni Arthur at ng mga alagad ng F
Read more
Kabanata 4390
’Hindi nakapagtatakang kaya siyang talunin ni Sect Master noong naglaban sila.’ Naisip ni Arthur.Sa parehong sandali, halos 2,000 elites ng Five Poison Sect ang nagbuntong hininga nang gulat silang lumingon kay Darryl. ‘Siya… Siya ang Sect Master ng Elysium Gate, si Darryl?’Nanatiling diretso ang hitsura ni Darryl nang makita niyang nakatingin sa kaniya ang lahat, dahan-dahan siyang tumayo. Hinawakan niya ang kamay nina Celine at Queenie at nagsalita. “Tara na.”Sinamantala niya ang katotohanang kayang gulatin ng kaniyang kasikatan ang mga tao at mabilis siyang umalis. Kundi ay maaaring maging matindi ang sitwasyon.Nagkatitigan ang mga alagad ng Five Poison Sect nang makita nilang naglakad palayo si Darryl, sa loob nila ay hindi sila natuwa. ‘Anong lakas ng loob ni Darryl para ganoon nalang tayo iwanan? Hindi niya sineryoso ang Five Poison Sect.’Subalit wala sa kanila ang naglakas ng loob na lumapit sa lalake at pigilan ito. Nang biglang lumapit si Arthur at sinigawan si Darry
Read more
Kabanata 4391
Tinulak ni Darryl si Celine at ang kanyang disipulo sa gilid at sabi, "Maniwala ka sa akin." Tapos, nagmarcha siya patungo kay Arthur at sabi, "Gusto mong makahabol sa akin? Depende na yan kung may abilidad ka. Dali!"Nagbago ang ekspresyon ni Arthur, at sumigaw siya sa mga disipulo, "Tara! Huwag mong maliitin ang kalaban."Hindi siya gumawa ng atake, pero sa halip, tahimik siyang umatras.Tusong lalaki si Arthur. Plano niyang hayaan ang mga lalaki na hawakan si Darryl, at kapag dumating na ang oportunidad, doon siya gagawa ng sorpresang atake."Sugod!" Agad, ang halos dalawang libong Five Poison Sect ay umugong at sumugod kay Darryl. 'Dahil gusto niyong lahat lumaban, sige lang.' Hindi nataranta si Darryl 'nong tumakbo sa kanya ang mga disipulo ng Five Poison Sect sa kanya. Sa halip, ngumiti siya. Kahit mahina siya, hindi siya natatakot. "Dalhin mo na!" Sumigaw si Darryl, pinapikit ang kanyang mga kamao, at isinugod patungo sa kanyang mga kaaway.…Isinuot ni Sergio ang kanya
Read more
Kabanata 4392
Humihiling si Kendall na mapatay niya si Sergio, pero sobrang mahina siya. Hindi nga rin siya makalakad ng maayos, ang patayin pa kaya siya. Gusto na lang niyang umalis. Gusto niyang kuhain ang pagkakataon ng sitwasyon para makatakas sa mga hawak ni Sergio. 'Bwiset. Tumatakas ang malanding 'yon.' Noong niya ang pagbabalak tumakas ni Kendall. Wala na siyang pakialam sa kanya. Sa wakas, hindi na maatim ni Sergio ang sakit at nawalan ng malay…Nadadapa si Kendall habang tumatakbo siya. Maputla ang mukha niya, at mahina siya. Sa loob loob niya, napuno siya ng hinagpis.'Mabuhay ka!''Dapat mabuhay ako!''Kapag naibalik ko ang aking mga kapangyarihan, papatayin ko sina Sergio at Darryl.'Habang tumatakbo siya, ang kanyang isip ay napuno ng paghihiganti. Gayunpaman, may mga tinidor na kalsada sa lahat ng dako sa tinunaw na kuweba na iyon, at madilim. Matapos tumakbo ng matagal, nahulog sa isang hukay si Kendall.'Sh * t!' Sumigaw si Kendall, at nakaramdam siya ng desperado. Hindi
Read more
Kabanata 4393
'Nong bumagal ang galaw ni Darryl, si Arthur, na siyang nagbibigay ng utos sa malayo, agad nawala ang takot niya. Humalakhak siya at sumigaw sa mga kasamahaan niya, "Oo, iyon na 'yon. Hindi niya tayo matatalo mag-isa."Sa parehong pagkakataon, hindi niya mapigilan ngunit katyawin si Darryl at sabi, "Darryl, suhesyon kong sumuko ka na lang. Natatakot ako na mamatay ka kung ipagpapatuloy mong lumaban."'Tagapagligtas ng Nine Mainland? Ang Elysium Gate's Sect Master? Kalokohan!''Bwiset!' Naramdaman ni Darryl ang galit nang narinig niyang nanunuya si Arthur sa kanya. 'Ang g*go talaga ni Arthur.'Habang wala sa pokus si Darryl, ang isa sa mga disipulo ng Five Poison Sect ay tumakbo sa kanya at hiniwa ang balikat niya ng mahabang saber. Agad, sariwang dugo ang tumulo at nagtinta sa lupa. Napasinghap si Darryl nang hindi gumagawa ng tunog, at ang mga mata niya ay pula. 'Totoo, nawala ko ang kapangyarihan ko.'"Atake!" Sa sandaling iyon, maraming mga alagad ng Five Poison Sect ang umungo
Read more