All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4421
- Chapter 4430
7044 chapters
Kabanata 4424
“Hinding hindi ko po magagawang magsinungaling sa inyo.” Sabi ng cultivator.Dito na huminga nang malalim si Chester bago ikaway ang kaniyang kamay para paalisin ang binata at tumingin sa kaniyang paligid. “Ano sa tingin ninyo?”“Kuya Chester!”Si Dax ang unang tumayo sa kanila. Nabalot ng emosyon ang kaniyang mukha habang sinsabi na. “Hindi pa ba obvious? Siguradong mayroong nangyayari ngayon kay Yvette. Dahil kung hindi ay bakit siya mawawala nang walang kahit na anong balita nang ganito katagal?“Malaki na ang hinala ko noong malaman kong bumalik siya sa palasyo ng New World nang magisa. Bakit hindi siya humingi ng kahit na kaunting tulong sa atin?”“Ganito rin ang nangyari nang magpunta siya sa kontinente ng North Moana, wala rin siyang sinabi sa atin nang umalis siya. Kaya sigurado ako na pinagtaksilan niya si Darryl at nakipagalyansa nang palihim kay Skylar. Alam naman natin na pinagtaksilan ni Kendall si Skylar. Ito ang dahilan kung bakit gustong gusto habulin ni Yvette si
Read more
Kabanata 4425
Nakaramdam ng matinding galit at pagkagulat si Archfiend Antigonus nang malama niya na buhay pa si Darryl matapos nitong gumamit ng holy spirit stone. Dito na niya ipinadala ang 12 niyang mga Fiend Martyr sa Nine Mainlands para patayin si Darryl anuman ang mangyari.At bilang isa sa mga fiend martyr, nagpakita si Yooda sa mga miyembro ng pamilya Carter nang makarating siya sa Nine Mainlands.Sabagay, ito pa rin ang naging tahanan ni Darryl.Ang mga ito—Ay nagmula sa lahi ng mga field—Nakaramdam sina Chester at Dax ng panlalmig sa kanilang mga spine na hinaluhan ng matinding pagkagulat nang maramdamam nila ang nakakatakot na aurang nagmula sa katawan ni Yooda!“Sino ka?”Habang nasa gitna ng kanilang pagkagulat, si Chester ang unang nagbuka ng kaniyang bibig.Kaharap nila ngayon ang isang nakakatakot sa lakas na nilalang na mayroong aurang mas malakas pa kaysa sa fiend na kaluluwa ni Skylar. Siguradong mataas ang estado ng taong ito sa lahi ng mga fiend.Kasabay nito ang pagt
Read more
Kabanata 4426
Isang nakabibinging sigaw ng dragon ang nagecho sa Sky Breaking Ax. Mabilis itong sinundan ng isang ray ng gintong liwanag na sumabog at sumugod papunta sa direksyon ni Yooda. Gumalaw ang gintong liwanag na para bang hahatiin nito sa dalawa ang langit at lupa. Masyado itong nakakatakot para sa paningin ng kahit na sino.Napakainteresante ng isang ito!Kumislap ang paningin in Yooda nang maramdaman niya ang lakas ng gintong liwanag. Nanatili siyang hindi naapektuhan habang nagpapakita ng ngiti sa kaniyang bibig.Sinundan ito ng paggamit ni Yooda ng enerhiya mula sa kaniyang fiend na kaluluwa habang itinataas ang kanan niyang kamay para gumawa ng isang shield sa kaniyang harapan. Napuno ng kulay dugong mga simbolo ang shield na ito na nagbigay ng takot sa sinumang makakakita rito.Nagpakita ng lamat ang shield na ginawa ni Yooda nang tamaan ito ng gintong liwanag ni Dax pero hindi pa rin ito nabasag. Napakaliit na bagay lang ito para sa pagkatao ng isang katulad ni Yooda.Malinaw pa
Read more
Kabanata 4427
Habang nagsasalita, umangat nang husto ang dibdib ni Chester habang sumusugod papunta sa direksyon ni Yooda.“Sugod!”Kasabay nito ang pagsigaw ng mga miyembro ng pamilya Carter habang nagsisimula ang isang napakatinding laban sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya Carter at ng mga fiend na pinamumunuan ni Yooda.Alam ng mga miyembro ng pamilya Carter na masyadong malakas ang mga fiend kaya hinding hindi nila ito magagawang tapatan. Pero wala pa rin silang magagawa dahil hindi na nila maiiwasan pa ang labang ito. Wala nang mapupuntahan pa ang mga miyembro ng pamilya Carter.“Nagawang lumaban ng mga walang kwentang nilalang na ito sa atin?”Naiinis na ngumiti si Yooda habang sinasabi na, “Gawin niyo na ang lahat ng gusto ninyo. Walang kahit na sinong miyembro ng pamilya Carter ang magtatagumpay ngayong araw!”Dito na ginamit ni Yooda ang enerhiya mula sa kaniyang fiend soul habang itinataas ang kaniyang mga kamay!Buzz!At pagkatapos ay agad na nagpakita ang isang kulay dugong li
Read more
Kabanata 4428
Agad na tumama ang puwersa sa kabubuo buo pa lang na protective shield na siyang ikinabasag nito. Napaatras ang katawan ni Neil habang sumisirit ang sariwang dugo mula sa kaniyang bibig. Dito na siya nahulog mula sa ere.Pagkatapos niyang mapabagsak si Neil, muling nagbigay ng atake si Yooda papunta sa direksyon ni Chester.“Malakas kayong dalawa pero wala pa rin kayong panama sa akin.” Naging arogante ang tono ni Yoda sa pagsasalita habang nagpapakita ng nangaasar na mukha.Hayop ka!Agad na nagpanic si Chester nang makita niyang masaktan ang kaniyang anak, at hidni niya nagawang ilagan ang pagatake ni Yooda sa tamag oras. Wala na siyang nagawa kundi harapin ito nang buong lakas.At pagkatapos ay bayolenteng tumama ang mga palad ng dalawa sa isa’t isa. Nakaramdam si Chester ng napakatinding lakas na tumama sa kaniyang katawan bago tumalsik ng 100 metro patalikod ang kaniyang katawan na parang isang ligaw na saranggola. At pagkatapos ay malakas na bumagsak ang kaniyang katawan sa
Read more
Kabanata 4429
“Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!”Nanlamig ang mukha ni Yooda nang hindi na niya mapigilan pa ang kaniyang galit. Dito na niya sinipa sa mga binti si Chester nang walang pagaalinlangan habang sumasabog ang enerhiya ng fiend sa kaniyang katawan.Snap!Nakarinig ang lahat ng malutong na tunog mula sa pagkabali ng buto sa kaliwang binti ni Chester matapos itong sipain ni Yooda. Agad na gumapang ang sakit sa katawan ni Chester kaya agad siyang namawis habang namumula nang husto ang kaniyang mga mata. Pero wala pa rin siyang sinabi na kahit ano noog mga sandaling iyon.“Kuya Chester!”“Ama!”“Master Wilson.”Agad namang napasigaw sa sobrang pagkagulat at galit ang lahat kabilang na si Yvonne at ang mga kasama nito. Sinubukan nilang umabante pero agad silang pinaligiran ng mga fiend kaya wala na silang nagawa noong mga sandaling iyon.“Tigasin ka ah.”Hindi inasahan ni Yooda ang kawalan ng takot ni Chester. Hindi na niya naitago pa ang kaunting pagkamangha sa kaniyang mg
Read more
Kabanata 4430
Kasabay nito ang pagkawala ng pagasa sa bumabagsak na itsura ni Yvonne, Shannon at ng kaniyang mga kasama.Wala pang isang daan ang bilang ng mga sundalo ng fiend na naroroon pero masyado na itong nakakatakot na sinamahan pa ng isang fiend martyr na nagtanggal sa pagasa nilang manalo.Ito na iyon. Dito na nagtatapos ang kasaysayan ng mga miyembro ng pamilya Carter.“Nandito na kami, Kuya Chester!”Agad silang nakarinig ng isang pagsigaw mula sa kalangitan nang mawalan na ng pagasa ang lahat!Naging malinaw at masigla ang boses na iyon na hindi makukuwestiyon ng kahit na sino.Agad na nabuhayan ng loob ang lahat kabilang na si Chester at ang mga natitirang miyembro ng pamilya Carter. Kumabog nang husto ang kanilang mga dibdib sa sobrang pagkasabik habang tumitingin sa malayo.Dito nila nakita ang mabilis na pagdating ng nasa isang daang mga imahe. Nakasuot ang mga ito ng kulay berdeng mga robe habang nilalabas ang aura nilang tila nagmula sa langit.Isang imaheng nakasuot ng kul
Read more
Kabanata 4431
”Sa tingin mo ba’y natakot ako?”Nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Debra kahit sinugod siya ni Yooda. Umangil siya nang salubungin niya ang mga pag-atake ng lalake. Mabilis na naglaban sa gitna ng ere ang dalawa.“Debra!”Hindi mapigilang sumigaw ni Chester sa pag-aalala. “Sobrang makapangyarihan ng Fiend Martyr. Pakiusap, mag-iingat ka." Sa parehong sandali, may pag-aalala sa mga tingin ni Chester.Nakipaglaban na siya kay Yooda kaya alam na niya kung anong dapat niyang gawin.Subalit mukhang walang kinakatakutan si Debra, magaan itong sumagot. “Huwag kang mag-alala, kapatid na Chester.”Nilikom ni Debra ang kaniyang internal na enerhiya para gawin ang galaw ng Hidden Hero Sect. Sabay-sabay na sumabog ang malakas ng awra at pumalibot ito sa paligid.Magmula noong maging sect master si Debra ng Hidden Hero Sect, ginugol niya ang lahat ng kaniyang oras sa pagkuha sa lahat ng magagandang kakayahan ng sekta. Naging tila imposible ang kaniyang lakas.Mabilis na lumundag sa ere a
Read more
Kabanata 4432
Ang batang iyan!Nilabanan ni Darryl ang kagustuhan niyang sumigaw dahil sa pagkamangha at inis nang makita niya ang palayong anyo ni Queenie.Uhh…Nang sumunod na segundo, tumalikod si Darryl at nakita niyang iminulat ni Celine ang kaniyang mga mata, hindi mabasa ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang pinapanood si Darryl. Walang masabi si Darryl.Hindi naman nito narinig ang sinabi ni Queeni, hindi ba?Ngumiti si Darryl, magalang itong nagsalita. “Ah, gising ka na?”“Oo!”Kalmado ang ekspresyon ng mukha ni Celine nang sumagot siya kahit na mabilis ang kabog ng kaniyang dibdib at hindi ito kumakalma kahit anong gawin niya. Narinig niya ang buong pag-uusap ng dalawa.Malawak at kalmado ang pag-iisip niya, nahiya siya ng banggitin ni Queeni ang tungkol sa pustahan nil ani Darryl.Pero hindi ito pinakita ni Celine. Sa halip ay nagkunwari siyang magtanong. “Nasaan si Queenie?”“Oh, siya.”Nagpaliwanag nang mabilisan si Darryl. “Nagutom daw siya at kumuha siya ng makakain.”Hi
Read more
Kabanata 4433
Naglakad palapit si Darryl habang nagsasalita para tulungang makatayo si Celine.Nakita ni Darryl na tila mawawala sa sarili si Celine.Malinaw na nawala ang kaniyang atensyon habang nag cu-cultivate.“Ayos lang ako.”Subalit muling nanginig ang babae bago pa makalapit sa kaniya si Darryl. Pinhinto niya ito. “Hindi moa ko kailangang tulungan. Magiging maayos ang kalagayan ko basta’t hindi ako magmamadali.” Nahirapan siyang umupo ng maayos nang magsalita siya.Sobrang nataranta si Celine.Sila lamang dalawa ni Darryl ang naroon at mayroong mga ipinagbabawal na gawain kapag nagdikit ang babae’t lalake.Matalinong lalake si Darryl, kaagad niyang nabasa ang isip ni Celine. Wala siyang magawa nang magbuntong hininga siya.Bakit sobrang may pakialam si Celine sa mga opinyon ng iba at pormalidad sa mga oras na iyon?Pagtapos ay nagtanong si Darryl. “Sigurado ka bang ayos ka lang?” Medyo mapanganib ang mawala sa sarili at hindi kaya ng halos lahat ng tao ang pagdaanin nila ito.“Kasi
Read more