All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4431
- Chapter 4440
7044 chapters
Kabanata 4434
”Bayaw, Master.”Nang sandaling iyon, narinig nila ang boses ni Queenie mula sa labas.Nagulat sina Darryl at Celine.Tama ang piniling oras ng batang iyon para bumalik.Tatawagin na sana ni Darryl si Queenie para pabalikin ito maya maya, pero huli na ang lahat.“Master—”Kalmadong pumasok sa kweba si Queenie. Mabilis siya huminto sa kaniyang nakita.Nakatayo sa isang gilid ang walang pang-itaas na si Darryl habang awkward ang ekspresyon sa mukha nito. Suot naman ng kaniyang master na si Celine ang kaniyang damit.Medyo namumula ang mukha ng babae.Nanginig ang kaniyang utak at namula rin ang kaniyang mukha.Ginawa iyon ng kaniyang bayaw at ng kaniyang master?Mabilis silang kumilos.“Queenie!”Litrato ng kahihiyan ang ekspresyon ng mukha ni Celine. Dali-dali siyang nagpaliwanag bago pa magtanong ng kung ano ano si Queenie. “Hindi iyon tulad ng iniisip mo. Muntik na akong mawala sa sarili at sinunog ng Heart Devil Flame ang aking damit. Dahilan kung bakit binigay sa akin
Read more
Kabanata 4435
Sa wakas at narating din nila ang Thunderwind Town makalipas ang mahigit isang oras na paglalakbay.Katabi ng Thunder Fire Gate ang bayan, tulay lamang ang tanging naghihiwalay dito. Isa lamang itong maliit na nayon noon, pero lumaki ito at naging isang bayan, salamat sa popularidad ng Thuder Fire Gate.Matinding nakasandal ang Thunderwind Town sa Thunder Fire Gate.Hindi kalakihan ang bayan, pero buhay na buhay ito.Nakatayo sa dulo ng kalye si Darryl. Hindi niya mapigilang mamangha sa abalang bayan na nasa kaniyang harapan. Sinong mag-aakalang mayroong lugar kung saan may napakadaming tao sa lokasyong napakalayo?Walang kahit isang guwardiya o sundalo sa paningin. Sa halip ay mayroong napakaraming alagad ng Thunder Fire Gate na nag patrolya at pinanatili ang kaligtasan ng bayan.Pagtapos niyang mag-obserba ay dinala na niya ang dalawang babae sa boutique para makapagpalit ng damit. Pinagsuot niya rin ng maskara ang mga ito.Isang mataas na tao si Celine kumpara sa ibang mga cu
Read more
Kabanata 4436
Hindi sineryoso ni Darryl ang mga narinig niyang pananakot. Bahagya siyang natawa at hindi ito pinansin.Di nagtagal at narating nila ang punong hall. Nakaupo roon si Cumulonimbus habang dahan-dahang hinalo ang kaniyang tsaa.Kumunot ang noo nito nang makita niya si Cory na may dalang tao sa hall. “Sino iyan, Cory?”Tiningnan ni Cumulonimbus si Darryl nang tanungin niya si Cory.Mukhang sobrang kakaiba ng lalakeng nasa kaniyang harapan. Mayroong mapupulang marka sa kaniyang mukha. Mapula rin ang kaniyang buhok, pero mukhang pamilyar ang mga mata nito. Pakiramdam niya’y kilala niya ang taong iyon.“Master!” Lumapit at nagsalita si Corey. “Isa siyang manloloko! Dumating siya sa punong gate at gusto kayong makausap. Sinabi niya rin na kaibigan niya kayo. Masyado nang nagiging matapang ang mga manloloko ngayon! Ano sa tingin ninyo ang dapat nating gawin sa kaniya, Master?”Mukhang mayabang at mataas ang pag-asa ang tingin sa mukha ni Cory; gusto niyang mabigyan ng mga papuri ni Cumul
Read more
Kabanata 4437
Isang matalinong lalake si Cumulonimbus. Naintindihan niya kaagad ang ibig sabihin ni Darryl. Alam niyang ayaw nitong mabunyag ang kaniayhng pagkatao. Kaagad siyang tumango at nagsalita. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala; itatago ko ang sikreto mo.”Tumango at nagsalita si Darryl. “Mayroon pa akong hihilingin sa inyo, Sect Master Swae.”“Ano iyon.” Walang pag-alangang tumango si Cumulonimbus.Aksidenteng nakulong si Cumulonimbus noong oras ng digmaan laban sa Raksasa Tribe sa Chaotic Mountain Range. Mapanganib ang sitwasyong iyon at umabot sa oras si Darryl sa pagsagip sa kaniya. Itinatak ni Cumulonimbus ang insidenteng iyon sa kaniyang isipan.Nang sandaling iyon, walang pag-alangang sasang-ayon si Cumulonimbus kung manghihingi man ng daan-daang pabor si Darryl.Nagbuntong hininga si Darryl nang gumaan ang kaniyang loob. “Mayroon akong kaibigang halos nawala sa kaniyang sarili habang nag cu-cultivate. Labis siyang nanghihina ngayon. Naghahanda ako para makagawa ng elixir pa
Read more
Kabanata 4438
”Oo, oo…”Nagbuntong hininga si Cory nang hindi siya sisihin ni Darryl. Kaagad siyang tumayo at mabilis na naglakad palabas ng hall.Di nagtagal at bumalik siya kasama sina Celine at Queenie sakay ng de tulak.Nang sandaling pumasok sina sa punong hall, nakita ng dalawang babae ang humihigop ng tsaang si Darryl habang kalmado ang hitsura nito. Tila isang marangal na bisita ang postura ng lalake. Kaagad silang naginhawaan.Medyo nag-alala sila habang naghihintay sila sa labas.“Kapatid na Darryl!”Ngumiti at nagsalita si Cumulonimbus. “Paniguradong malayo pa ang pinanggaligan ninyo. Dadalhin ko kayo sa lugar kung saan maaari kayong magpahinga. Isang bihirang karangalan ang pagbisita mo sa Thunder Fire Gate. Maghahanda ang ng makakain at mag-iinom tayo hanggang sa bumagsak tayo!”Pagtapos ay ipinasa ni Cumulonimbus ang listahan ng mga sangkap na sinulat niya kay Cory para maihanda nito ang mga sangkap para sa paggawa ng elixir bago siya naglakad palabas ng punong hall.Ngumiti si
Read more
Kabanata 4439
Ang Ronnil Herb?Nagulat si Darryl, pero kaagad niyang tinapik ang balikat ni Cumulonimbus. “Ayos lang. Hahanap ako ng Ronnil Herb. Tunay na labis akong nagpapasalamat sa iyong tulong sa pagkuha sa lahat ng mga sangkap.”Istrikto ang kondisyong kailangan ng Ronnil Herb para tumubo ito. Madalas itong nabubuhay sa madilim at mahalumigmig na lugar. Naalala ni Darryl ang isang bangin papuntang Thunder Fire Gate at mayroong isang lawa sa ilalim ng bangin na iyon. Dapat ay mayroong Ronnil Herbs doon.Labis ang kahihiyan ni Cumulonimbus nang sabihin ni Darryl na ang siya na ang maghahanap noon. “Gusto mo bang magpasama ako ng ilang alagad para matulungan ka?”“Hindi na kailangan!” Bahagyang tumawa si Darryl. Tumingin siya sa kalangitan at napansin niyang maaga pa. Nagpaalam na siya kay Cumulonimbus at mabilis na umalis.Isa lamang iyong Ronnil Herb; hindi kailangang palakihin ang sitwasyon at magpasama ng napakaraming tao para tulungan ang lalake.Kaagad na nagtungo sa lawa si Darryl pa
Read more
Kabanata 4440
Dumilim ang mga mat ani Diego. Hindi niya maitago ang sama ng loob at galit sa kaniyang puso.Kasama niyang nagpahinga si Sienna sa inn ilang sandali lang ang nakalipas. Bibisitahin na sana nila si Cumulonimbus sa Thunder Fire Gate nang makita nila si Darryl sa punog kalye.Ang mangmang na iyon!Bahagyang natawa si Darryl, hindi niya pinansin ang lalake. Subalit hindi niya mapigilang tumitig kay Sienna.Napansin niya si Sienna na nakasuot ng kulas pula na bestida at bahagya nitong napapakita ang magandang hubong ng kaniyang katawan.“Sienna, ang mabuti kong nakakatandang kapatid!”Ngumiti si Darryl at binati nila si Sienna. “Ilang sandali kitang hindi nakita. Mukhang mas gumanda ka?”Inobserbahan ni Darryl ang reaksyon ni Diego nang tanungin niya iyon.Kahit na sexy si Sienna, wala siyang laban sa ibang mga babaeng kaibigan ni Darryl. Sinabi lamang iyon ni Darryl para galitin si Diego.Isa pa, alam ng lahat ng mga alagad ng Sword Sect ang tungkol sa kanilang relasyon.Swoosh!
Read more
Kabanata 4441
Ngumisi si Darryl at mahinahong sumagot, “Sige, tutal gusto mong magdusa, susundin ko ang kahilingan mo.”Pagkatapos, gumalaw si Darryl at nagdilim ang paligid. Mag uumpisa na ang laban! Wow! Pero noong oras din na yun, nagmamadaling lumapit ang ilang miyembro ng Thunder Fire Gate at isa sa mga ito ang sumigaw, “Anong nangyayari dito? Bakit nagkakagulo kayo?”Nagmamadali lumapit ang grupo. Tumingin ang lider kay Darryl pagkatapos, kina Diego at Sienna. “Napaka kapal talaga ng mukha niyong dalawa—"Matagal ng sinabi ni Cumulonumbus na importanteng bisita ng Thunder Fire Gate si Darryl, kaya nakapanig sila rito.Pero bago pa man din siya matapos sa sinasabi niya ay bigla itong umiling.Walang intension si Darryl na ireveal ang kanyang tunay na identity kina Diego at Sienna kaya hindi niya pwedeng ipaalam sa mga ito ang relasyon niya kay Cumulonimbus. Natigilan at nagtinginan sina Diego at Sienna. Lumapit si Diego sa grupo at nahihiyang ngumiti, “Kapatid, wala ako rito para
Read more
Kabanata 4442
Diego ng Sword Sect?Kumunot ang noon i Cumulonimbus at sumagot. “Papasok mo sila.”Ilang beses naman na siyang binisita ni Diego kaya maayos din ang relasyon niya rito. “Opo, Master!” Pagkatapos sumagot ng disipulo, agad-agad itong umalis at hindi nagtagal ay bumalik ito ng kasama sina Diego at Sienna. Nang makita ni Cumulonimbus si Diego, nakangiti siyang bumati, “Master Diego, ikinalulugod kong makita ka muli! Napaka tikas mo pa rin!” Isa ang Sword Sect sa tatlong pinaka makapangyarihang sect sa buong Great East kaya malaki ang makukuha ng Thunder Fire Gate kung magkakaroon sila ng magandang relasyon dito. Habang binabati niya si Diego, sumisilip si Cumulonimbus kay Sienna. Sobrang ganda niya! Hindi niya inakala na may ganun pala kaganda at kasexy na disipulo ang Sword Sect.Nakasuot si Sienna ng kulay pulang long dress kaya bakat na bakat ang hubog ng katawan nito. Pero hindi intersado si Cumulonimbus kaya muli siyang tumingin kay Diego.“Sect Master Swae, napaka
Read more
Kabanata 4443
Tumawa si Cumulonimbus. Muli siyang nakipag cheers bago siya uminom. “Master Diego, matikas at mabait ka rin naman! Sigurado ako na lalo pang magiging makapangyarihan ang buong Nine Mainland kapag ikaw na ang namahala!” “Maraming Salamat, Sect Master Swae! Alam naman naming lahat na ikaw ang totoong bayani ng buong Nine Mainland!” Paglipas ng mga oras, medyo marami ng nainom na alak si Diego kayta namumula na ang kanyang mukha, pero nasa katinuan pa rin siya at hindi niya pa rin nakakalimutan ang dahilan ng pagbisita niya. “Sect Master Swae, may pabor sana akong hihingin sayo at sana ay matulungan mo ako.”Inilapag din ni Sienna ang kanyang baso, at tinignan si Cumulonimbus, na para bang nagmamakaawa. “Ano yan? Sabihin mo sa akin.” Nakangiting sagot ni Cumulonimbus. Huminga ng malalim si Diego at sinadya niya na magmukhang kawawa, “Nahihiya akong sabihin sainyo, pero may nangyari kasi sa Sword Sect nito lang. Yung aming Deputy Sect Master, na si Khloris, ay pinagtaksilan kami
Read more