All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4661
- Chapter 4670
7044 chapters
Kabanata 4664
Ang sitwasyon ay nagbago para sa mas mahusay para kay Yarl. Sumilay ang ngisi sa kanyang mukha habang puno ng pananabik ang kanyang puso. Napakadaling trabaho na lokohin ang mga tao ng South Cloud City.Darn it! Naitim ang mukha ni Hugo nang marinig ang mga komento ng mga tao. "Itigil mo yan!"Mabilis na itinigil ng mga tao ang kanilang usapan.Itinuon ni Hugo ang kanyang mga mata kay Yarl at sa wakas ay napagtanto na sinadya ni Yarl ang kaguluhan na ito. "Binata, naisip mo na ba ang kahihinatnan ng paglikha ng mga tsismis?""Heneral, mali ang sinabi mo." Hindi natakot si Yarl at dahan- dahang sumagot, "Anong tsismis ang ginawa ko? Curious lang ako na base sa kung anong impormasyon ang tinutukoy mo sa babaeng ito bilang Fiend Martyr?""Ang lakas ng loob mong sumagot sa akin?" Ngumisi pabalik si Hugo. "Ang kanyang Kamahalan ang nag- utos sa kanyang sarili na arestuhin ang masamang babae na ito. Sinasabi mo ba na mali ang Kamahalan tungkol dito? Samantalang para sa iyo, sabihin mo s
Read more
Kabanata 4665
Natigilan ang lahat nang makita nila si Cranos na sumulpot ng wala saan. Lahat sila ay huminga ng malalim nang maramdaman ang napakalakas na aura mula sa kanya.'t*ng inang ‘yan! Bakit parang may ibang lalaki na humarang sa parada at mukhang malakas siya!' Sa puntong ito, namumuo ang galit sa dibdib ni Hugo. Hindi niya maintindihan kung bakit patuloy na ginugulo ng mga tao ang parada.Sa sobrang galit, sinigawan ni Hugo si Cranos. "Sino ka? Ang lakas ng loob mong atakihin ang mga opisyal na hinirang ng iyong kamahalan"Hindi sumagot si Cranos at itinaas ang kanang braso at sinuntok ang puso ni Hugo. Ang suntok ay napuno ng buong kapangyarihan ni Cranos at ang espasyo sa paligid ay nagsimulang magdistort na nagpapakita ng dakilang kapangyarihan."Mag-ingat ka, kapitan!""Captain! Mag- ingat ka..."Nagulat ang iba pang mga royal guard nang makita nila ang pag- atake. Habang nag- vibrate ang galit sa katawan ni Hugo, sinubukan niyang iwasan ang suntok nang hindi niya namamalayan, ng
Read more
Kabanata 4666
“Skylar Blanc,” Sagot ni Cranos. “Anak ko Si Skylar. Isang taon na ang nakalilipas mula noong muling mabuhay ang Power of the Fiend Soul as ipinagbabawal na lugar kung saan namin ito nagawang manahin ni Skylar. Pagkatapos nito ay agad siyang umalis sa aming angkan para hanapin kung nasaan si Archfiend Antigonus…”Sa loob ng ilang minuto ay nagawang ipaliwanag nang detalyado ni Cranos kung ano ang nangyari. At sa huli ay agad niyang pinigilan ang kaniynag kalungkutan nang mabanggit nito ang pangalan ni Skylar matapos nitong maalala ang pagkamatay ng kaniyang anak sa mura nitong edad. Masyado itong masakit kaya walang kahit na sino ang magagawang tumanggap dito nang ganoon kadali.Nanlaki ang mga mata ni Morticia nang maintindihan niya ang buong kuwento. “Ito pala talaga ang nangyari. Siguradong makukulong na sa Ghost World si Archfiend Antigonus magpakailanman kung hindi lang dahil kay Skylar. Sayang…”Mapait namang ngumiti si Cranos habang sumasagot ng, “Oo. Masyadong maiksi ang nag
Read more
Kabanata 4667
‘Ano?’ Nanginig ang katawan ni Quincy habang nagpapakita ito nang matidning galit, “Kung ganoon ay ano ang ginagawa mo rito? Ibaba mo ang aking utos na ipunin ang mga sundalo ngayundin. Hulihin ninyo ang babaeng demonyo saanman ito nagpunta.”Nagpakita ng sakit ang maganda nitong mukha habang iniisip na, ‘Paano nagawang makatakas ng isang bilanggo sa loob ng Royal City sa ilalim ng aking pamamahala? Siguradong pagtatawanan ang mga maharlika ng South Cloud World sa sandaling kumalat ang balitang ito.’“Opo, masusunod po, Kamahalan…”Habang nakakaramdam si Hugo ng matinding galit mula kay Quincy, mabilis itong sumagot habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo bago ito nagmamadaling tumakbo palabas.Nakaramdam pa rin ng matinding pagkainis ang nakaupo sa kahoy niyang sofa na si Quincy kahit na noong nakaalis na si Hugo sa kaniyang kuwarto. ‘Isa itong kahihiyan. Anim na buwan din akong kinontrol ng babaeng demonyo na iyon nang bigla siyang iligtas ng kaniyang mga kasama noong magaga
Read more
Kabanata 4668
“Uncle!” Nagdadalawang isip na sinabi ni Yarl. “Wala lang ito. Naririto ako para makita ka.”Tinatawag ni Yarl si Cranos bilang Sir sa sandaling may mga tao sa paligid, pero sa sandaling dalawa lang silang magkasama, agad niya itong tinatawag na uncle.“Bata.” Ngiti ni Cranos. “Alam mo, puwede mo namang sabihin sa akin ang problema mo. Kaya sige na, ano ang iniisip mo ngayon? Binigyan ka ba ng problema ng mga tao sa Coral Lane?”Kilalang kilala niya ang kaniyang pamangkin kaya alam niya na hinding hindi ito lalapit sa kaniya kung walang nangyari. Dito na napabuntong hininga si Yarl habang sinasabi na. “hindi naman iyon. Gusto ko lang po pagusapan ang tungkol kay Lord Morticia.”Natigilan dito si Cranos. Bago pa man makapagtanong si Cranos, agad na nagsalita si Yarl habang ipinapakita ang kumplikado niyang mukha. "Uncle, sigurado naman ako na naiintindihan mo na hindi magtatagal ang buhay ni Lord Morticia ngayong kumalat na ang lason sa kaniyang katawan. Walang tigil mo nang ginamit
Read more
Kabanata 4669
Sa buo niyang buhay, nakilala si Cranos bilang isang tao na puno ng integridad at selflessness. Hinding hindi ito gagawa ng mga hindi kaaya ayang bagay para sa kahit na sino. Kaya agad na naginit ang kaniyang dugo habang tumuturo sa labas at sumisigaw ng, “Umalis ka! At huwag na huwag mo na itong mababanggit kahit na kailan.”“Opo, Uncle!” naramdaman ni Yarl ang galit mula kay Cranos kaya hindi niya ito nagawang suwayin. Dahil dito ay mabilis na siyang umalis sa kampo.Agad na nagalademonyo ang mukha ni Yarl nang makalabas ito sa kampo. Agad na nagpakita ng pagkatuso ang kaniyang mga mata. “Hayop na matandang ito. Para lang naman sa aming angkan ang iniisip ko pero nagawa niya pa rin akong sermonan at sampalin.’ Dito na bumalik sa kampo si Yarl habang napupuno ng galit ang kaniyang puso.“Young Master Yarl.” Isang binata ang naghihintay sa loob nang magbalik siya sa kampo. Nakangiting tumayo ang binatang ito habang sinasabi na, “Kumusta? Sumangayon ba sa ating plano si Sir?”Masyad
Read more
Kabanata 4670
Tahimik na umupo si Cranos habang nagpapakita ng namumulang itsura sa kaniyang mukha. Hindi na siya nakapagsalita pa sa galit nang maalalala niya ang nangyari. Hindi dapat naisip ng isang taong may integridad na tulad ni Yarl ang ganitong klase ng ideya.“Kunin ang Fiend Soul ni Lord Morticia? Isa itong pagtataksil!” Pagkatapos niya itong isipin ng ilang segundo, napagdesisyunan na rin ni Cranos na tumigil sa pagiisip bago ito magsimula sa pagmemeditate. Ginamit niya ang kanyiang internal energy para pigilan ang lason sa katawan ni Morticia. Kinakailangan niyang magrecover sa lalong madaling panahon ngayong bumabagsak na ang kaniyang enerhiya.Dito na niya napansin ang isang tao na naglalakad sa labas ng kampo. Agad niyang nakita ang pagpasok ng isang tao sa kanilang kampo. Dahil sa hina ng liwanag sa paligid, nagpakita ng bahagyang dilim ang guwapong mukha ng imahe na siya ring nagpakita sa kumplikado nitong itsura, ito ay walang iba kundi si Yarl.Mabilis na binuksan ni Cranos ang
Read more
Kabanata 4671
Slap!Habang tumutunog ito sa hangin, isang imahe na nagpakita ng misteryoso at malisyosong mukha ang mabilis na dumating.Ito ay walang iba kundi si Jarian.Agad na umabante ang nagmamadaling si Jarian nagn makita niya ang nakahandusay na si Cranos para icongratulate si Yarl habang natutuwang sinasabi na, “Napakahusay niyo po talaga, Young Master! Sinasabi ko na nga bang magtatagumpay kayo.”“Itigil mo na iyan.” Walang emosyong sinabi ni Yarl. “Dalian mo nang linisin ang bagay na ito para sa akin.”Mabilis na naghum si Jarian habang hinihila si Cranos papunta sa mat sa tulong ni Yarl. Dito na nila pinunasan ang dugo sa gilid ng bibig nito bago nila takpan ang duguan nitong damit para palabasin na namatay ito nang biglaan.Dito na nagmamadaling tumakbo sa palabas si Jarian para tawagin ang iba pang mga elder gaya ng sinabi sa kaniya ni Yarl.Hindi nagtagal ay nagmamdali nang tumakbo papasok sa tent ang ilan sa mga elder.Agad silang napatigil nang makapasok ang mga elder sa ten
Read more
Kabanata 4672
Ano?Agad na kumabog nang malakas ang dibdib ni Yarl habang nawawala ang kaniyang tuwa at nagdidilim ang kaniyang itsura.Hindi niya masyadong napagtuonan ng pansin si Morticia kagabi dahil masyado siyang naging abala kay Cranos. Sabagay, wala pang malay si Morticia noon kaya hindi ito naging banta sa kanila.Hindi niya inasahang magkakaroon ito ng malay.Nawala na kaya ang lason sa katawan ng Fiend Martyr? Alam nilang lahat na walang tigil na pinigilan ni Cranos ang pagkalat ng lason sa katawan ni Morticia sa buo nilang paglalakbayUmangat nang umangat ang takot na nararamdaman ni Yarl sa bawat segundong lumilipas. Siguradong malaki ang kaniyang magiging problema sa sandaling mawala ang lason sa katawan ni Morticia. Masyado nang mabigat ang haharapin niya matapos niyang patayin ang dati nilang pinuno na si Cranos.“Ikaw—"Pagkatapos ng ilang segundo, inutusan ni Yarl si Jarian. “Magbantay ka sa labas. Titingnan ko ang lagay nito ngayon. Huwag na huwag mong sasabihin sa kahit na
Read more
Kabanata 4673
“Bakit?” Napatigil naman dito si Morticia.Whew!Huminga naman nang malalim si Yarl bago ito magsimulang magpaliwanag, “Napansin niyo po ba, Kamahalan na napigilan ang lason sa inyong katawan?”“Nang mailigtas po kayo ni Sir Cranos mula sa mga maharlika ng South Cloud World, walang itigl niya na pong pinigilan ang lason sa iyong katawan. Ito ang dahilan kung bakit gumulo nang husto ang kaniyang internal energy nang makarating kami sa karagatan, agad siyang nalagutan ng hininga nang kumalat ang lasok sa kaniyang katawan.“Kaya masasabi po namin na namatay si Sir Cranos nang dahil sa iyo, Kamahalan. Sa madaling salita, nakapagbigay na po ng malaking ambag kaming mga Blanc sa lahi ng mga fiend.”Nagpakita ng kalungkutan sa kaniyang mukha si Yarl habang nagsasalita habang malisyosong kumikislap ang kaniyang mga mata.Ano!Nanginig naman sa sobrang gulat si Morticia.‘Namatay si Cranos? Namatay siya habang sinusubukan na pigilan ang lason sa aking katawan?’Hindi ito tama!Isang m
Read more