All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4671
- Chapter 4680
7044 chapters
Kabanata 4674
At sa huli ay nagpakita si Yarl ng wala sa sariling itsura sa kaniyang mukha.Wala na talaga sa sarili ang lunatikong ito!Nanginig nang husto sa sobra niyang galit si Morticia nang marinig niya ang mga sinabi ni Yarl. “Pinatay mo si Sir Cranos pero nagawa mo pa ring makakuha ng kapal ng mukha para sabihin ito nang buong pagmamalaki? Paano nagawa ng mga hayop na katulad mong mapabilang sa lahi ng mga fiend?“Tama nga si Sir Cranos. Isa kang traydor at wala ka na rin sa iyong sarili.”Isang mabait na lalaki si Cranos para lang patayin ng walang kuwenta niyang pamangkin. Isa itong nakapanlulumong trahedya.Ngumiti lang si Yarl habang sumasagot ito ng, “Isipin mo na ang lahat ng gusto mong isipin. Ginagawa ko lang ito para kinabukasan ng pamilya Blanc at ng lahi nating mga fiend.”“Malaki na rin ang naging ambag naming mga Blanc sa lahi ng mga fiend. Nagawang isugal ni Skylar ang kaniyang buhay para pumasok sa Ghost World at iligtas si Archfiend Antigonus. Kaya hindi pa rin sasapat
Read more
Kabanata 4675
“Pakawalan ka?”Habang sumisinghal, gumawa ng isang ngiti ang magkabilang dulo ng bibig ni Yarl. “Pinatay ko ang aking uncle para makuha ang fiend mong kaluluwa. Kaya wala nang atrasan ang bagay na ito para sa akin—iniisip mo pa rin bang pakakawalan kita? Siguradong lalakas ako nang husto sa sandaling maabsorb ko ang fiend mong kaluluwa. Wala nang kahit na sino sa Nine Mainlands ang makapipigil sa akin pagkatapos nito.”“Kaya ibigay mo na ito sa akin, Fiend Martyr Morticia.”Habang umiikot ang huling salita na sinabi nito sa ere, dahan dahang naglakad si Yarl para ilagay ang kaniyang kamay sa ulo ni Morticia.Buzz!Nanginig naman nang husto ang katawan ni Mortiica. Naramdaman niya ang puwersahang paghila ni Yarl sa fiend niyang kaluluwa para iabsorb ito nang dahan dahan.“Pakawalan mo akong hayop ka, pakawalan mo ako!”Nagalit at natakot si Morticia noong mga sandaling iyon.Hindi na siya magiging isang Fiend Martyr sa sandaling mawala ang fiend niyang kaluluwa. Hindi lang ang
Read more
Kabanata 4676
Nang makabalik si Stella sa Fire Ice Island, agad niyang itinuon ang lahat ng kaniyang oras at enerhiya sa pagpapalakas. Ipinaubaya niya na muna sa apat niyang mga kapatid ang pamamahala sa isla.Masyadong magkakaiba ang pananaw ng apat niyang mga kapatid na may mababaw na mga pagiisip, pero masyado pa ring malayo sa mainland ang Ice Fire Island kaya walang kahit na anong hindi maganda ang nangyari sa kanilang tahanan.Matatagpuan ang Ice Fire Island sa loob ng isang area na may kakaibang klima na siyang tinitirhan ng isang espesyal na lahi ng isda na nakilala sa tawag na Ice Marrow Fish. Nagpapakita ng malaahas na katawan ang isdang ito na may kulay niyebeng kulay at kasing lamig ng yelong katawan. Walang katulad ang spiritual energy na nilalabas nito kaya itinuring ito bilang pinakamagandang health supplement ng mga cultivator.Kaya agad na naisip ng apat na magkakapatid na nagpunta ang mga Blanc sa kanilang isla para magnakaw ng mga Ice Marrow Fish nang makita nila ang kahoy nito
Read more
Kabanata 4677
Kasabay nito ang pagsugod ng tatlo pang magkakapatid na Scope gamit ang kanikanilang mga lakas.“Buwisit, mukhang mahusay nga ang isang ito!”“Hayaan mo akong lumaban sa kaniya.”“Hindi mo ito kaya. Hayaan mong ako na ang gumawa nito.”Habang nasa gitna ng kanilang mga sigawan, gumalaw na parang kidlat ang apat na magkakapatid para mapaligiran ang nagiisang si Yarl.“Oh, isang group attack?”Nagpakita ng pagkaarogante si Yarl nang makita niya ang pagpaligid sa kaniya ng apat na magkakapatid. “Sige, ngayong gusto niyo na talagang mamatay. Pagbibigyan ko kayo sa gusto ninyo.”Buzz!Isang malakas na aura ang lumabas mula sa katawan ni Yarl habang naririnig ang kanyiang mga sinabi sa ere. Dito na biglang tumigas ang ere sa paligid pagkatapos ng isang iglap.Masyado talagang nakakatakot ang aura ng isang cultivator na nasa Heaven Ascension Level.Pero nanatili pa ring kalmado ang apat na magkakapatid. At sa halip ay mas lalo pang tumindi pananabik na nararamdaman ng mga ito habang
Read more
Kabanata 4678
Buwisit!Nagulat at nagalit si Yarl habang tinititigan nito ang apat na magkakapatid na Scope.Hindi niya inasahan na makakaharap niya ang ganito kalalakas na tao sa karagatan. Masyadong malakas ang magkakapatid na ito.“Sir!”“Okay lang po ba kayo, Sir?”Hindi naiwasang maiyak ng mga elder at mga disipulo ng Blanc sa kanilang nasaksihan. Sinubukan nilang sumugod pero agad silang napaligiran ng mga disipulo ng Fire Island kaya hindi na sila nakagalaw pa.Nanatili namang nakatayo sa gitna ng ere ang unang Scope, nagpakita ito ng bastos na mukha habang tumatawa nang malakas sa tatlo niyang mga kapatid. “Sinasabi ko na sa inyo na ako ang pinakamalakas! Nagawa ko siyang pabagsakin sa loob lang ng isang pagatake.”Habang nagsasalita, hindi niya nakalimutang tawagin si Yarl. “May kalakasan ka nga pero marami ka pang kakaining bigas bago mo mapantayan ang aking mga kakayahan!”Agad namang suminghal ang ikalawang scope habang naririnig ang boses nito sa gitna ng ere. “Isa itong surpres
Read more
Kabanata 4679
“Sandali!”Habang ngumingiti si Yarl sa kaniyang sarili, biglang pumasok ang isang bagay sa isip ng unang Scope, dito na siya sumigaw ng, “Mukhang hindi ito magandang ideya!”“Paano ito naging hindi magandang ideya?” Naiinis na tanong ng ikalawang Scope.Kasabay nito ang pagtingin ng ikatlo at ika apat na Scope sa nakatatanda nilang kapatid.Dito na napakamot sa kaniyang ulo ang unang scope habang sinasabina, “Gagamit ako ng internal energy sa sandaling pagalingin ko siya. Kung ganoon paano ito magiging patas para sa akin?”Mayroon nga itong sense!Tumango rin dito ang tatlong magkakapatid matapos nilang isipin nang husto ang mga sinabi ng kanilang kuya.Dito na hindi naiwasang sabihin ni Yarl na, “Simple lang naman ang solusyon diyan kung iisipin ninyo. Kailangan niyo lang ako pagalingin nang sabay sabay para maging patas sa isa’t isa. Tama?”Naging seryoso ang itsura ni Yarl habang nagliliwanag ang malisyoso niyang mga mata.Walang duda na malakas ang magkakapatid na ito per
Read more
Kabanata 4680
Masyadong naging mabilis ang reaksyon na ginawa ng magkapatid na Scope kaya agad nilang nailagan ang mga pagatake ni Yarl.Dito na tumama ang mga pagatake sa pintuan papasok sa cabin.Rumble!Agad na nawasak ang kahoy nitong pintuan matapos tamaan ng direktang pagatake na nagpakita sa nilalaman nito.Yari!Agad na nagpanic noong mga sandaling iyon si Yarl. Kasalukuyan pang nasa loob ng cabin si Jarian para bantayan ang Fiend Martyr. Hindi niya maaring hayaan na makita ito ng lahat.Agad na gumalaw si Yarl para takpan ang loob nito pero huli na ang lahat.Huh?Agad na natigilan ang apat na magkakapatid nang makita nila ang bukas na cabin.Nanatili pa ring hindi gumagalaw si Morticia kahit na noong mawasak ng malakas na pagatake ang kahoy na pinto papasok sa cabin, namula ang kaniyang mukha sa tindi ng galit at kahihiyan na kaniyang naramdaman. Mahahalatang nakaselyo noong mga sandaling iyon ang kaniyang acupoint.Mukha namang takot na takot sa tabi nito si Jarian.Inutusan si
Read more
Kabanata 4681
nakagawa na ng malaking krimen si Yarl kung totoo iyon.Magreresulta sa isang daang pagkamatay ang pagpatay sa pinuni ng kaniyang angkan o di kaya’y ang pagsubok na kunin ang fiend soul.Naku po!Namutla ang mukha ni Yarl at nataranta nang mapagtanto niyang nabuking siya.Nanginig si Jarian at nahirapan siyang manatiling nakatayo.Gayunpaman, kaagad na kumalma si Yarl at tinuro si Morticia habang sumisigaw. “Makinig ang lahat, huwag kayong magtiwala sa kaniya! Lubos siyang nalason at nakaapekto rin ito sa kaniyang isipan. Walang kabuluhan ang lahat.”Nakita ang desperasyon at pagiging seryoso sa mukha ni Yarl nang sabihin niya iyon.Whew!Nag-alangan ang mga manonood. Mukhang may kabuluhan ang sinasabi ni Yarl. Isa pa, maaaring masira ang pag-iisip ni Morticia dahil sa lason.Malamig na suminghal si Morticia sa pangyayari. “Tigilan ang mga walang kabuluhan, Yarl. Alam mo kung anong ginawa mo.”Tumingin sa paligid si Morticia. “Mukha ba akong nababaliw sa paningin mo?”Kasi…
Read more
Kabanata 4682
Masusunod, Head Elder!”Sumigaw ang mga miyembro ng Blanc Clan bilang sagot sap ag-uutos, muli nilang pinalibutan si Yarl.Hindi mapakali si Yarl, galit ito.Isang araw pa lamang siyang pinuno ng angkan at halos mapasok na siya ang fiend soul sa kaniyang sarili. Sinong mag-aakalang ibubunyag siya ng apat na mang mang na iyon?Thump!Sumabog ang internal na enerhiya ni Yarl nang magawa niyang mapaatras nang patisod ang mga nasa harapan niyang miyembro ng Blanc clan. Pagtapos ay lumingon siya at tumalon sa dagat.Nagkaroon ng kaunting rason si Yarl para matakot sa mga miyembro ng Blanc clan. Isa pa, nagmula sila sa iisang angkan at kung malakas itong umatake ay magkakaroon siya ng malaking problema.Pinag-isipan ito ni Yarl. Tatakas siya at dadaan sa karagatan, gagawa siya ng plano kapag ligtas na siya.Samantala, sa kabilang banda.Mainit asi Francis sa buntot ng Scope brothers, malinis silang dumating sa isa siya mga pangpang ng Ice Fire Island.Napakalaki ng Ice Fire Island.
Read more
Kabanata 4683
Muling namula ang mukha ni Morticia dahil sa kahihiyan at galit nang mag-usap ang magkakapatid. Sa aprehong sandali, hindi niya mapigilan ang pagkamangha.Mayroon talagang mali sa apat na magkakapatid.‘Kung ano-ano pa rin ang sinasabi nila hanggang ngayon tungkol sa kung sino ako.’Mayroong kagustuhan ni Morticia para sabihin sa mga ito na isa siyang karespe-respetong Fiend Martyr, pero nagawa niyang kontrolin ang sarili.Creak!Di nagtagal at dali-dali silang nagtungo papuntang courtyard sa batong piitan. Tinapon ni First Scope si Morticia sa isang selda at mabilis na sinara ang batong gate, tiningnan niya ang babae. “Mas mabuting maging matapat ka ngayon.”Lumingon siya para kausapin ang mga miyembro ng Ice Fire Island sa piitan. “Siguruhin niyong hindi siya makakatakas.”Kumalat sa hangin ang huling salita, sobrang bilis ang pagpunta ng apat na magkakapatid sa direksyon ng lugar kung saan nag cu-cultivate si Stella.Medyo nagbuntong-hininga si Morticia at tiningnan niya ang
Read more