All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5271
- Chapter 5280
7044 chapters
Kabanata 5275
Yare!Natitigilang tumayo si Cody sa loob ng kuwarto, nagpawis nang husto ang kaniyang noo habang kumakabog sa sobrang takot ang kaniyang dibdib.Hindi ba nakikipaginuman ngayon si Ambrose sa main hall? Bakit ito biglang bumalik? Siguradong hindi na siya sisikatan ng araw sa sandaling mahuli siya nito.Wala namang nagawa rito si Cody. Naghalughog siya ng mga gamit ni Ambrose sa loob ng kuwarto sa pagbabakasakali na makakahanap siya ng buhok nito matapos niyang makakuha ng buhok sa sanggol nang biglang bumalik si Ambrose sa kuwarto.Creak!Habang nakakaramdam ng matinding takot si Cody, mabilis na itinulak palabas ang kuwarto bago tumakbo papasok si Ambrose na sinusundan naman ni Heather.Naging kasing tulis ng kidlat ang tingin ni Ambrose nang tumama ito kay Cody. Dito na siya napatigil habang sinasabi na, “Cody Lange? Ikaw ba iyan?”Kilala ni Ambrose Si Cody na siyang personal na bodyguard ni Verion nang sundan nito si Ambrose saanman siya magpunta kaya agad niyang nakilala si
Read more
Kabanata 5276
Nang marinig niya ang mga salitang ito sa ere, napailing na lang si Ambrose habang sinasabi na, “Huwag kang magisip ng ganiyan. Paano mo naman naging kasalanan ang lahat ng ito? Bantayan mo ang bata, ako na ang bahala rito.”Habang nagsasalita, hinawakan niya ang mga balikat ni Heather na para bang kinocomfort niya ito.Agad namang nagsalita si Heather bago siya tumingin kay Cody, “Kuya Ambrose, sumusunod lang siya sa utos kaya huwag mo siyang sisihin.”“Alam ko.”Tumango naman si Ambrose habang ipinapakita ang bagsak niyang mukha.At pagkatapos ay tumingin naman si Ambrose kay Cody habang naiinis nitong sinasabi na, “Sumama ka sa akin.”Umalis siya sa kuwarto habang nagsasalita. Sabagay, kuwarto pa rin ito ni Heather kaya hindi dapat na manatili sa lugar na iyon si Cody.Nagmamadali namang tumayo si Cody bago ito sumunod kay Ambrose sa sobrang takot.Nang makalabas ang dalawa, napahinga na lang nang malalim si Ambrose bago siya tumingin kay Cody habang sinasabi na, “Hindi ka m
Read more
Kabanata 5277
Nang maisip niya ito, tumingin si Ambrose kay Cody habang sinasabi na, “Sige, ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?”Whew!Nakahinga naman nang maluwag si Cody habang maingat pa rin itong nagsasalita.“Mayroon pong sinaunang kasabihan na ang pagputol sa buhok ng isang tao ay nangangahulugan ng pagputol din nito sa relasyon niya at ng tao na kaniyang pagbibigyan nito. Kaya bakit hindi niyo po ako bigyan ng ilang piraso ng inyong buhok, Sect Master Ambrose? Sasabihin ko po sa kamahalan na ginawa niyo ito para lumayo sa kaniya nang tuluyan.“Sigurado pong susukuan na kayo ni Kamahalan sa sandaling gawin niyo po ito. Sa pamamagitan po nito, titigil na rin po sa wakas ang lahat ng problemang ibinibigay niya sa inyo.”Nagpakita naman ng seryosong itsura si Cody habang nagsasalita habang kumakabog nang husto ang kaniyang dibdib.Walang dud ana ang gusto niyang gawin ay makuha ang buhok ni Ambrose at wala nang iba. Nang maisip niya ang maiksing pasensya ni Veron, siguradong itatakwil siya
Read more
Kabanata 5278
Ngumiti naman si Cody habang kinukuha ang buhok nina Ambrose at ng sanggol.“Paano ko naman pong magagawang magsinungaling sa inyo, kamalahan? Ito po ang buhok ng bata habang ito naman po ang buhok ni Ambrose. Masyado pong mapanganib ang pinagdaanan ko para rito pero nagawa ko pa ring makuha it sa huli.”Habang nagsasalita, ibinigay ni Cody ang mga gamit kay Veron.Whew…Dito na kinuha ni Veron ang mga buhok. Siniguro niya na kagaya ito ng inilarawan ni Cody, wala na siyang naramdaman maliban sa tuwa.“Hindi na masama. Dalhin mo ako sa ospital ngayundin.”Napagisip isip na ito ni Veron. Siguradong mapapatunayan niya na kay Heather at Ambrose ang batang ito sa sandaling magmatch ang genes ng dalawa. Siguradong hindi na makakalampas pa si Heather kay Veron sa sandaling mapatunayan niyang totoo ang kaniyang hinala.Mas makabubuti kung hindi ito totoo. Mangangahulugan ito na walang ginawang kalokohan sina Heather at Ambrose kaya mayroon pang tiyansa si Veron na pumasok sa buhay ni A
Read more
Kabanata 5279
Dito na lumayo si Morticia para tipunin ang mga maliliit at malalaking pirate para buohin ang Sea Dragon Palace.Hindi nagtagal, naisilang na rin ni Morticia ang anak nil ani Darryl.Kung titingnan ang dugo na ito ng sanggol, isa ring fiend ang batang ito pero kadugo pa rin ito ni Darryl. Sa madaling salita, kapatid ni Ambrose ang batang ito sa ama.Kung titingnan ang relasyon ng dalawa, natural lang na magmatch ang DNA ni Ambrose at ng sanggol.“Hayop ka talaga…”Dito na nahimasmasan si Veron. Mabilis niyang inagaw ang mga papel bago niya tingnan ito ng sandali bago siya maglakad palabas sa ospital.Nabalot ng hinanakit si Veron noong mga sandaling iyon.Napakatagal nang gusto ni Veron si Ambrose kaya mundo na ang naging turing niya rito. Pero binalewala lang ito ni Ambrose pero mas tumindi ang sama niya ng loob nang dumating si Heather.Hayop ka! Nagawa mong akitin si Ambrose para magkaanak ka sa kaniya.“Kamahalan…”Nagmamadaling sumunod si Cody kay Veron nang makita niya
Read more
Kabanata 5280
Dito na natahimik ang buong main hall.Napatigil ang lahat maging sina Chester, Dax at ang iba nilang mga kasama sa sobrang gulat.Napasimangot naman si Chester habang sinasabi nito na, “Ang lakas ng loob mong gawin ang bagay na iyon, Veron?!”Malapit siya sa lider ng pamilya Lange kaya itinuring na siya ng lahat bilang elder ng pamilya Veron.Alam din ng mga miyembro ng Hidden Hero Sect ang nararamdaman ni Veron kay Ambrose kaya natural lang na alam ito ni Chester.Pero hindi niya inasahan na sasaktan ni Veron si Heather nang dahil sa personal nitong mga nararamdaman! Sumosobra na ito.Hindi na napigilan pa ni Ambrose sa mga sandaling ito ang kaniyang galit.Mabilis siyang naglakad palapit kay Veron para hatakin ang kanan nitong braso at kaladkarin ito palabas habang sumisigaw ng, “Wala ka na talaga sa sarili hayop ka! Huwag mong iisipin na hindi kita sasaktan dahil lang ikaw ang binibining anak ng pamilya Lange.”Mahal na mahal niya si Heather kaya agad siyang nasaktan nang m
Read more
Kabanata 5281
Isang kalokohan!Tumawa sa inis si Ambrose nang mag-init siya sa galit, malamig siyang nagtanong kay Veron. “Bakit ko naman iyon gagawin? Sasabihin ko ulit. Seryoso ang pinag-uusapan natin. Walang oras para mga walang kabuluhan mo.”Totoong baliw si Veron, mahilig siyang gumawa ng kwento.Mas lalong naging kumbinsido si Veron na may tinatago si Ambrose kapag lumalala ang galit nito. Sumigaw siya. “Mayroon kang tinatago kapag hindi mo iyan ginawa. Natatakot kang baka mabunyag ang katauhan ng sanggol dahil maaapektuhan nito ang reputasyon mo at ng Elysium Gate. Ang pinakamahalaga ay gusto mo lang protektahan ang mga pinaggagawa niya, hindi ba?”Nang magsalita siya, hindi mapigilang tumingin ng masama ni Veron kay Heather.“Tumahimik ka!”Galit na galit si Ambrose, sinigaw niya ang mga kataga habang tumatango.“Sige, gagawin ko na ang blood match, pero pakinggan ninyo akong maigi. Habang buhay kang lalayo sa’kin kapag hindi sa’kin ang sanggol.”Galit na galit si Ambrose sa sandali
Read more
Kabanata 5282
Nang sandaling iyon, mabilis na lumapit si Veron habang nakatitig siyang maigi sa mangkok.Lumapit din ang lahat. Mabuti nalang at kahit papano’y mayroong paraan para mapatunayan ang pagiging inosente ni Ambrose kahit katawa-tawa ang sitwasyon.Hindi na guguluhin pa ni Veron si Ambrose kapag nakita na ang resulta at wala nang poproblemahin pa ang lahat.Diresto lang ang ekspresyon ng mukha ni Ambrose, hindi manlang niya sinulyapan ang mangkok habang malamig siyang nakatitig kay Veron.“Mas mabuti kung papangatawanan mo ang iyong pinangako, Miss Lange. Huwag kang aatras sa iyong salita.”Tulad ni Heather, malaki ang kaniyang tiwala sa resulta ng blood match.Hindi sumagot si Veron, tila patay siyang tumitig sa dalawang patak ng dugo na nasa mangkok.“Tingnan mo… Naghahalo sila…”Biglang may sumigaw sa masa na nasa punong hall at mabilis na nagkagulo.“Talagang naghahalo iyon.”“Paano… Paano iyon nangyari?”“Mga mahal kong diyos…”Makikita ang paghalo ng dalawang patak ng dug
Read more
Kabanata 5283
”Hindi…”Sobrang natakot ang tagasilbi sa mapupulang mat ani Ambrose, umiling ito sa takot. “Hindi. Normal na tubig lang iyan.”Gusto pang magdagdag ng katanungan ni Ambrose, pero pinigilan siya ni Veron.Malakas na sumigaw si Veron, hindi niya maitago ang pagkamuhi sa kaniyang pagtitig. “Ambrose Darby! Tapos na ang mga pangyayari at lumabas na ang resulta. Hindi mo na ito maitatanggi pa. Sinabi mong hindi malinaw ang blood match? Kung ganoon, tingnan mo ito.”Inilabas ni Veron ang mga papel galing ospital at itinapon ito kay Ambrose, sinabi niya ang kaniyang mga huling salita.Genetic testing?Napakunot ang noo ni Ambrose, sinalo niya ang mga papel gamit ang isang pagkilos at tiningnan itong mabuti.Sa parehong sandali, lumapit ang lahat kabilang sina Chester at Dax. Malinaw nilang nakita ang resulta.‘Genetic Match, 99%’“Magsisinungaling ba ang mga resulta kung sinabi mong mayroong mal isa blood match?”Ano?Tila may biglang pumasok sa isip ni Ambrose nang sigawan niya si
Read more
Kabanata 5284
Sa wakas at nagsalita rin si Heather habang puno ng hinagpis ang kaniyang tingin. “Ikaw… Kailan mo nakilala ang Sea Dragon Empress?”Malinaw ang sitwasyong nasa ating harapan. Ginawa ni Ambrose at ng Sea Dragon Empress ang sanggol. Isa pa, namayagpag na ang katotohanan at hindi ito maipagkakaila.Katunayan, pinagkatiwalaan ni Heather si Ambrose. Iyon ay dahil sobra siyang nagtiwala rito at pinakabinasag siya ng resulta ng blood match at ng genetic testing.Well…Walang magawa si Ambrose sa sitwayon nang sa wakas at napagtanto niya kung bakit galit si Heather.“Heather, huwag kang maniwala sa mga walang kabuluhan. Hindi totoo ang lahat.” Ikaw lang ang nag-iisang babaeng para sa’kin. Walang naging iba, lalo na ang magkaroon ng anak sa ibang babae.”Lubos na namawis si Ambrose nang magpaliwanag siya.Peke?Mapait na ngumiti si Heather, pinigil niya ang pagpatak ng kaniyang luha pero hindi siya nagtagumpay dahil tumulo ito sa kaniyang pisngi.“Nakikita ng lahat. Sapat na ang blood
Read more