All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5281
- Chapter 5290
7044 chapters
Kabanata 5285
”Heather!”Sumigaw si Ambrose, mabilis niyang sinundan ang babae.Nagdesisyong umalis si Heather at walang sumunod sa kaniya.Sumandal si Ambrose sa batong haligi sa labas ng pinto at naramdaman niya ang paghigop ng enerhiya mula sa kaniya.‘Bakit hindi ka naniniwala sa’kin, Heather?’…Sa wakas at nakarating din sina Darryl, Lindsey, at Preston sa punong altar ng Pure Yang Division sa Cryolet Continent makalipas ang ilang oras na paglalakbay sa kalsada.Tumingin sa paligid si Lindsey at namangha sa magandang tanawin ng Pure yang Division, puno siya ng pagkamangha.“Hindi ako makapaniwalang mayroong ganito kagandang lugar.”Ilang libong taon siyang walang malay habang nasa underground town. Hindi maipagkakailang nagulat siya sa kaniyang nasaksihan pagmulat ng kaniyang mga mata.“Nagustuhan mo ba?” Nakangiting tanong ni Darryl.Malakas na tumango si Lindsey. “Sobrang ganda.”Nakiliti si Darryl sa tingin sa mukha ng babae, nag-unat siya ng kamay para himasin ang ulo nito.“M
Read more
Kabanata 5286
Nang magsalita si Sofia, hinawakan niya ang kamay ni Lindsey at nagtanong. “Maliit na bata, anong pangalan mo?”Si Darryl ang taong pinaka pamilyar si Lindsey dahil nanggaling siya sa underground city. Natuwa siya sa kagalakan ni Sofia sa sandaling iyon.“Huwag kang mag-alala!” Natawa at nagsalita si Darryl habang nakatingin sa mukha ni Lindsey. “Ito si Sofia. Sinabi ko sa’yo ang tungkol sa aming paglalakbay. Siya ang aking Elixir Assistant.”Kaagad na kumalma si Lindsey at nagsalita. “Ang pangalan ko’y Lindsey Hardin. Ikaw si Sofia? Madalas kang banggitin ni Darryl.” Salamat kay Darryl, nakaramdam ng pagiging malapit si Lindsey kay Sofia. Bahagyang tumawa si Darryl nang makita niyang magkasundo ang dalawa, kinausap niya si Lindsey. “Magmula ngayon, mananatili ka sa Elixir Sector kasama si Sofia.”Masunuring tumango si Lindsey.“Magaling.” Natuwa si Sofia. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Lindsey at nagsalita. “Sa akin mapupunta ang kumpanya sa hinaharap.” Malungkot siya n
Read more
Kabanata 5287
Hinangaan nila ang mga abilidad ni Darryl, tiningala nila ito. Nagdesisyon silang ang mga alagad ng Heavenly Ocean Sect ang dapat na sisihin.Nagalit si Gigi nang makita niya ang sitwasyon. Gusto niyang sabihin ang totoo pero hindi niya iyon ginawa.‘Hmm?’Napansin ng Palace Master na nakatayo si Lindsey sa likuran ni Darryl at nagtanong. “Sino ang batang iyan?” Bilang Palace Master ng Pure Yang Division, masasabi niyang maganda ang pag-uugali ng bata at hindi ito isang ordinaryong tao.Kaagad na lumingon kay Lindsey sina Cormac, Gigi, at ang iba pa.Gulp…Hindi sumagot kaagad si Gigi; sa halip ay naglakad siya palapit sa lamesa at dalawang beses na lumagok ng tsaa. Maalikabok ang kalsada at tuyot ang kaniyang lalamunan.Hindi nagpakita ng kahit anong pagkabigo ang Palace Master habang pinapanood nito si Darryl.Pero hindi na nakatiis pa si Gigi, nagsalita ito. “Hey, hindi mo ba alam ang mga panuntunan? Ginawa ko ang tsaa na iyan para kay Master. Sinong nangsabi sa’yong maaari
Read more
Kabanata 5288
Pinagtaksilan ng maamong mukha ng Palace Master ang kaniyang galit. “Nakakamuhi sila. Paano nila nagawang pagmalupitan ang isang bata?”Tumango ang Palace Master kay Darryl at nagsalita. “Mabuti at matuwid na lalake ang Sect master Darby. Mahusay ang kaniaygn ginawa.”‘Mabuti at matuwid?’Kaagad na napuno ng galit ang nakatayo sa isang gilid na si Gigi.‘Isang padalos-dalos na lalake si Darryl. Mabuti at matuwid? Sinasabi ko ang lahat ng ito sa aking sarili dahil nandito ang Palace Master at magiging bastos pakinggan kung sasabihin ko ito ng malakas.’Pagtapos ay ngumiti ang Palace master kay Lindsey. “Lindsey, maaari kang manatili sa Pure Yang Division. Tahanan mo ito. Sabihin mo sa akin kapag may nang-bully sa’yo.”Tumango si Lindsey.Natawa at nagsalita si Darryl. “Mayroon akong mga inayos. Mananatili sa Elixir Sector ang batang ito kasama si Sofia.”“Gagana rin iyan.”Tumango ang Palace Master. Gumaan ang kaniyang puso. Lumingon siya sa mga babaeng alagad at nagsalita. “Ip
Read more
Kabanata 5289
Mabilis na umiling si Preston at pinilit niyang ngumiti kay Cormac. “Hindi, hindi… wala akong bilang. Sino ba ako para makipag-usap at magsanay ng cultivation methods kasama si Master?”Inobserbahan ni Preston ang reaksyon ni Darryl nang magsalita siya.Magiging sobrang yabang ni Preston sa ibang tao, pero hindi siya nagtangkang magmataas sa harap ni Darryl.“Master.”Mabilis na pinagitnaan ni Darryl ang sitwasyon nang makita niyang awkward ang hitsura ni Preston, kinausap niya si Cormac. “Master, isa iyong mahabang paglalakbay at kailangan na nating magpahinga ngayon. Umisa o dumalawang tasa tayo sa banquet mamaya.”Tumango si Cormac anng matawa siya. “Haha! Sige.”Tinawag ni Darryl sina, Lindsey, Preston, at Sofia para palabasin ang papuntahin sa punong hall at bumalik sa Elixir Sector.Lumubog ang araw sa isang kisapmata.Buhay na buhay ang paligid sa punong hall.Ipinag-utos ng Palace Master sa ilang Great Elders na samahan siya para sa selebrasyon ng pagbabalik ni Darryl.
Read more
Kabanata 5290
’Siya iyon?’Nang sandaling iyon, nagulat si Darryl nang makita niyang si Gigi iyon.‘Bakit hindi pa siya natutulog, anong oras na. At anong ginagawa niya rito sa likod ng burol?’Sa parehong sandali, nakita rin ni Gigi si Darryl. Namula ang magandang mukha ng babae at mukhang naguluhan ito.‘Anong ginagawa rito ng hay*p na iyan?’Nang sandaling iyon, ipinaikot pa rin ni Preston ang sanga ng puno. Tuwang-tuwa siya sa napakagandang swordsmanship at hindi niya napagtanto na nakatayo sa hindi kalayuan si Gigi.“Ah…”Mabilis na nilikom ni Darryl ang kaniyang pag-iisip at ngumiwi kay Gigi nang sumigaw siya. “Bakit naglalakad ka rito kung malalim na ang gabi? Nakakainteres.”Kahit na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa North Sea Galaxy, naisip niyang mag-hello.Noong una’y naisip ni Gigi tumalikod at umalis. Walang galang siyang nagsalita nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Darryl. “Wala ka nang pakialam doon.”Pagtapos ay nakita ni Gigi si Preston na nagsasanay ng sw
Read more
Kabanata 5291
"Ah... Pupunta ka ba talaga?"Sa pagtingin sa sitwasyon, si Darryl ay nagpakawala ng isang dramatikong tili. Tapos ay nginisihan niya si Preston at sinabing, "Mister Nolan, dahil siya ay tumanggi, gamitin mo na lang ang skill na itinuro ko sayo kaninang umaga para makipaglaban sa kanya ."Pagkatapos, humalukipkip si Darryl at tumingin sa isang tabi habang humahagikgik."Sige!" Sagot ni Preston.Sabay hawak ng mahigpit sa sanga ng puno sa kamay.Nang marinig ang sinabi ni Darryl, napamura si Gigi.'Napakadaya nitong taong hamak na ito. Alam niya lang kung paano gumawa ng mga elixir. Paano niya magagawang magturo sa iba ng sining ng espada?'Habang nag-iisip, napakagat labi si Gigi at binilisan ang paggalaw.Sa sandaling iyon, ang mahabang espada ni Gigi ay sumabog ng isang nagliliyab na ilaw at lumitaw bago kay Preston.Hindi maikakaila na bilang pangwakas na alagad ng Pure Yang Division, si Gigi ay may natatanging lakas at lalo niyang naintindihan ang kakayahan ng sining ng sw
Read more
Kabanata 5292
Sa kaloob-looban, natukoy ni Gigi na sina Darryl at Preston ay gumagawa ng isang palabas ng magkasama.'Sa North Sea Galaxy, nabigo ang pagtatangka ni Darryl na dungisan ako sa hatinggabi. Gayunpaman, natatakot siyang bumalik sa Pure Yang Division dahil baka maghiganti ako, kaya, sa kanyang pagbabalik, nakita niya si Mister Nolan bilang bodyguard niya.' Dagdag pa, hiniling pa ni Darryl kay Mister Nolan na magpanggap na kanyang alagad para mabigyan ng impresyon ang iba na siya ay may matataas na kakayahan sa sining ng espada. Syempre, para lang takutin ako.'Tama... Dapat ganoon.'Habang nagmumuni-muni si Gigi, sinigawan niya ulit si Darryl, "Darryl, kung lalaki ka, halika at labanan mo ako. Tigilan mo ang pagiging duwag, ginagamit ang iba bilang palusot."Kaagad, pinulot ni Gigi ang espada sa lupa habang ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit.'Er...'Sa sandaling iyon, nakaramdam si Darryl ng kawalan ng tulong. "Gigi, hindi ko na mabilang ang beses na ipinaliwanag ko sayo
Read more
Kabanata 5293
Habang si Gigi ay lihim na nabigla, ngumiti si Darryl at bahagyang umatake gamit ang palad. Mapanuksong naibulalas niya, "Eto na!"Mukhang mabagal ang pag-atake ng palad na iyon, ngunit sa isang kisap-mata ay nakarating na ito kay Gigi. Nang walang anumang pag-aalinlangan, maaari lamang niyang buhayin ang kanyang panloob na enerhiya at magpatama sa isang pag-atake ng palad bilang depensa.Boom!Saglit na nagsalpukan ang puwersa ng kanilang mga palad, at isang daing ang narinig. Pagkatapos, nanginig at nawalan ng balanse si Gigi habang umurong ng ilang hakbang.Si Darryl ay may katawan ng isang pantas. Ang banal na kapangyarihan sa kanyang katawan ay napakalaki, at ito ay lampas sa imahinasyon ni Gigi. Bukod dito, pinigil ni Darryl ang 90 porsiyento ng kanyang enerhiya mula sa pag-atake ng palad na iyon. Kung hindi, patay na sana si Gigi."Ikaw…"Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Gigi na nasira ang enerhiya at dugo sa kanyang katawan. Nanginginig ang katawan niya habang nakating
Read more
Kabanata 5294
'Anong nangyari?'Lihim na kumunot ang noo ni Darryl nang mapansin niya si Gigi na nakaupo doon, paralisado. Maputla ang kanyang balat, at walang humpay na nanginginig ang kanyang katawan. Basang-basa na rin ang noo niya sa pawis.'Psychotic break?'Mabilis na natauhan si Darryl at hindi napigilang tumawa.'Buong lakas na tinira ako ni Gigi para patayin ako. Sa huli ay nasugatan siya, at nasira ang aura sa kanyang katawan, na naging dahilan upang makaranas siya ng psychotic break.'Tumalikod si Darryl at naglakad pasulong, nag-iisip. Napabuntong-hininga siya habang nakatayo sa harap ni Gigi. Aniya, "Bakit mo ginawa iyon sa iyong sarili? Pinilit mong patayin ako bago tingnan ang bagay. Tingnan mo ngayon. Ikaw ay dumanas ng psychotic break."Yumuko si Darryl at mariing sinabi, "Okay, kumalma ka. Aalalayan kita na regulatahin ang iyong panloob na enerhiya." Kung may ibang nagbabalak na pumatay sa kanya na nauwi sa ganoon, mangungutya siya at lalayo.Gayunpaman, si Gigi ang huling d
Read more