All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5371
- Chapter 5380
7044 chapters
Kabanata 5375
Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, agad na tumalon at lumipad si Zacho hanggang sa makarating ito sa harapan ng kuweba.Agad naman siyang sinundan ni Sam.Huh?Parehong napatigil ang dalawang mga lalaki nang makarating sila sa bakanteng bahagi ng kuweba. Naramdaman nila na mayroon itong laman at kasalukuyan itong nasa gitna ng pagpapalakas.Paano nagawang magpalakas ng isang tao sa ganito kalayong lugar?Pagkatapos ng isang segundo, nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki bago sila dahan dahang maglakad papasok sa kuweba.Siya?Nakakailang hakbang pa lang sila nang mapatigil sina Zacho at Sam sa kanilang nakita.Nakita nila ang isang nakaupong imahe sa isang malaking bato sa loob. Magulong bumagsak ang buhok nito sa kaniyang mga balikat at kapansin pansin din ang magulo nitong damit habang naglalabas siya ng napakalakas na aura.Ito ay walang iba kundi si Adam.Pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan, si Sam ang unang nahimasmasan sa dalawa. Dito na niya mahina
Read more
Kabanata 5376
Habang nagsasalita, kumislap ang mga tusong mata ni Zacho.Whew…Hindi naman naiwasang mapabuntong hininga ng nagugulat na si Sam, “Sinasabi niyo po ba na… papatayin natin siya mamaya, Master?”Kasama si Sam sa pansamantalang alyansa na binuo ng mga sekta kung saan nagawang pabagsakin ni Adam ang lahat para makuha ang posisyon ng alliance leader.Kaya alam ni Sam kung gaano kalakas si Adam. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali nang makita niya ang kaniyang Master na gumawa ng hakbang para patayin ang lalaking ito. Sigurado siya na isa sa dalawang ito ang masasaktan nang malubha sa pinaplanong ito ni Zacho.Maaari ngang malakas si Zacho pero hindi pa ring magiging madali para sa kaniya na kunin ang buhay ni Adam.Napasimangot naman si Zacho habang nakatingin siya sa mukha ni Sam, dito na niya naiinis na sinabing, “Mangmang. Nasa tama ang kondisyon ng pangangatawan ni Adam kaya siguradong itataya nito ang kaniyang buhay sa sandaling umatake tayo nang direkta sa kaniya. Ki
Read more
Kabanata 5377
Umupo si Adam sa kaloob loobang bahagi ng kuweba habang nagpapakita ng pumapatay na mukha nang maglagablab ang kaniyang katawan mula ulo hanggang paa.Hiss…Napalunok na lang si Sam sa nakakatakot at naglalagablab na aura ni Sam, nabalot ng takot ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita.Malinaw niyang naramdaman na mas malakas ng dalawang beses ang enerhiyang lumalabas sa katawan ni Adam kaysa sa ipinakita nito sa siyudad sa ilalim ng lupa.Umaarte lang si Adam noong mga sandaling iyon. Pero sino nga ba ang magaakala na ganito pala talaga ito kalakas?Dito na napatitig nang husto si Zacho kay Adam, hindi na nito naitago pa ang kaniyang pagkasabik.Agad na nahimasmasan si Zacho pagkatapos ng ilang segundo na para bang nakita niya ang isang nakatagong kayamanan na pinakamimithi ng lahat.“Napakainteresante nito… Kaya pala nagawa pa ring habulin ni Adam si Darryl nang umalis ang lahat ng mga sekta sa alyansa. Nakuha na pala niya ang pinakatatagong technique ng True Flame Sect—ang
Read more
Kabanata 5378
Hoho…Hindi naman nagpanic si Zacho nang makita niya ang galit ni Adam habang sumisingal at ngumingisi nitong sinasabi na, “Hinding hindi na makakaalis sa pagiging second class sect kahit na kailan ang munti ninyong True Flame Sect, Adam Bedford. Walang wala ka kung ikukumpara sa tatlong naglalakihang mga sekta.“Maaari ngang malakas at matalino ka pero wala ka pa ring panama sa akin. Mas mabuti kung susundin mo na lang ang suhestiyon mong tumigil sa paghihiganti sa akin. Ang dapat mo lang gawin ay yumuko sa akin ng tatlong beses para makalimutan ko ang lahat ng samaan natin ng loob.“Pero kung magpupumilit kang maghiganti, wala na akong magagawa kundi gamitin ang buo kong makakaya para burahin ka at ang True Flame Sect sa mundong ito na isang malaking trahedya para sa inyong lahat. Huwag na huwag mong kakalimutan na hindi lang ako ang head ng Elixir Sector sa Pure Yang Division dahil kasalukuyan din akong pinoprotektsyunan ng Saber Saint kaya iniisip ko kung ano nga ba talaga ang l
Read more
Kabanata 5379
Ano?Nagulat sina Zacho at Sam nang makita nila ang biglang nahimasmasang si Adam.‘Paano… paano ito nangyari?’Nagkaroon na ng isang psychotic break si Adam at nagawa na rin siyang atakihin nang husto ni Sam sa kaniyang core kaya paano niya nagawang hindi sugatan nang malubha rito habang nahihimasmasan ang kaniyang isipan?Walang kaalam alam ang dalawa na naiba sa karamihan ng mga technique ang Art of Grand Brightness maliban sa kakayahan nitong gumawa ng isang imahe na gawa sa apoy.Sa karamihan ng mga technique sa pagpapalakas, natural na mamamatay ang sinumang atakihin sa kaniyang core habang pumapasok napapasailalim ng isang psychotic nang walang duda.Pero naiba rito ang Art of Grand Brightness. Sa sandaling pumasok ang isang cultivator na nagsasanay nito sa isang psychotic break, hindi lang matutulungan ng sinumang umatake sa core ng cultivator na ito ang cultivator na makatakas sa nagbabadyang panganib sa kaniyang buhay dahil magagawa rin nilang ibalik ang cultivator sa t
Read more
Kabanata 5380
Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, gumawa ng isang tila wala sa sariling tawa si Zacho habang wala sa sariling kumikislap ang kaniyang mga mata. “Haha! Nakita ko na rin ang tunay mong kulay sa wakas, Adam Bedford.”Habang nagsasalita, nanlamig nang husto ang mga ginagawang pagtingin ni Zacho. “Hinding hindi kailanman makakalabas sa pagiging isang basura ang isang second class sect na kagaya ng True Flame Sect at hinding hindi rin kayo magkakaroon ng pagkakataon na mapalitan ang naglalakihang mga sekta na naging pundasyon sa mundo ng mga cultivator.”“Maaari ngang malakas ang iyong Art of Grand Brightness pero hindi mo pa rin maaaring maliitin ang mga technique na ginagamit ng North Sea Galaxy sa pagpapalakas.”“Pagbabayaran mo ang pagpatay mo sa pinakamamahal kong disipulo!”At nang marinig ni Adam ang huling salita na binanggit ni Zacho, isang nakakatakot na aura ang sumabog mula sa katawan nito. Sa loob ng isang iglap ay agad na nasira ang maayos na daloy ng hangin sa
Read more
Kabanata 5381
Ang Ghost Split?Napahinto si Adam sa mga salita, naramdaman niya ang malakas at nakakamatay na intensyon mula sa kaniyang likuran.Sa isang kisapmata, naramdaman ni Adam na tila mayroong mali. Napatingin siya sa kaniyang likuran at kumabog sa gulat ang kaniyang dibdib sa eksena, naging blangko rin ang kaniyang pag-iisip.Makikita mula sa kaniyang likuran ang isang anyong bigla nalang sumulpot, mayroon itong mahabang espada at kasing talas ng patalim na mga tingin habang malamig siyang nakangisi.Iyon ay isa nanamang Zacho.Para maging eksakto, kamukhang kamukha siya ni Zacho. Nabuo ang imahe gamit ang internal na enerhiya, pero tila katulad niya ang bawat parte nito. Nakatayo ang lalake na parang buhay na buhay. Imposibleng masabi na hindi totoo ang lalake.Kung may makakakita noon ay paniguradong magugulat sila sa dalawang Zacho na nakatayo sa kanilang harapan.Labis na naiintindihan ni Adam ang North Sea Galaxy bilang Sect Master ng True Flame. Alam niyang mayroon silang espe
Read more
Kabanata 5382
Ho ho…Ngumusi si Zacho sa mga kataga at naging malamig ang kaniyang tingin. “Wala kang masasabi sa kung paano ito magtatapos.”Nang marinig sa ere ang mga huling salita, ikunuway ni Zacho ang kaniyang kanang kamay. Lumipad ang mahabang espada at tumusok sa dibdib ni Adam.“Ugh…”Sumirit ang dugo mula sa sugat ni Adam, galit na galit ang kaniyang tingin. Bumagsak siya sa sahig at isinara ang kaniyang acupoint nang gumawa siya ng ingay.Ibang-iba ang pamamaraan ng pag-cultivate ng True Flame Sect kumpara sa ibang sekta sa pagala-galang mundo. Kayang buhayin ng isang sarili ng Art of Grand Brightness. Pagsasara ng acupoint bago ang kamatayan ang susing galaw.Ginamit ni Adam ang isa pa niyang kamay para buhayin ang firework signal at pakawalan ito.Sa isang kisapmata, gumana ang firework signal at sumabog na tila ulan ng pagkislap sa kalangitan.Pagtapos ay lumingon si Adam para mapang-asar na tingnan si Zacho. “Hindi ka hahayaang makawala ng True Flame Sect…”Iginilig ni Adam a
Read more
Kabanata 5383
Nang magsalita siya’y basa sa pawis ang pupil at hindi nito maitago ang kaniyang emosyon.Whoa…Nang marinig ang mga salita sa hangin, napuno ng boses ang loob ng kuwarto nang masabik ang lahat kabilang sina Rachelle at ang mga opisyal.“Paniguradong iyon ang Sect Master…”“Sinasabi ko na! Sobrang makapangyarihan ng Sect Master. Imposibleng may mangyaring masama sa kaniya.” Sa gitng ng pagkasabik ng mga tao sa kuwarto, nagmadali si Rachelle para tawagin at ipagtipon ang lahat. “Bilis, ipagtipon ang mga pupil at magtungo kung sa pinanggalingan ng paputok.”“Masusunod po, Banal na Madre.”Makalipas ang ilang minuto, nagtipon ang ilang libong elites ng True Flame Sect. Nagtungo sila sa pinanggalingan ng mga paputok sa ilalim ng pamumuno ni Rachelle.Sobra ang pagkataranta ni Rachelle habang papunta sila roon, inudyok niyang pagmadaliin ang lahat.Kung nangyari iyon noong nakaraang buwan, hindi magiging ganoon ang kaba ni Rachelle. Mahalagang itala na minaster ni Adam ang Art of
Read more
Kabanata 5384
”Kailangan mo itong kayanin, Senior Brother.’Walang hanggan ang pagdarasal sa puso ni Rachelle.Matatag na pumalibot ang libo-libong miyembro ng True Flame Sect sa tent, halos imposibleng may makapasok dito.Naramdaman ng lahat ang nakakatakot na aura na gumagalaw sa hangin sa kanilang itaas, mabilis na dumilim ang malinaw na kalangitan.Anong nangyayari?Sa parehong sandali, nagulat ang lahat ng pupil ng True Flame Sect habang hindi sila makapaniwalang tumitig sa kalangitan.Makikita ang sinag ng liwanag na tumusok sa madilim na mga ulap.Nakakabulas ang liwanag, tila ba pupunitin nito sa gitna ang langit.“Anong nangyayari?”Mabilis na lumabas ng tent si Rachelle sa narinig niyang ingay. Kaagad na nagulat ang ekspresyon ng maganda niyang mukha.“Gumagalaw ang kalangitan… Hindi kaya’y mayroong bababa rito?”Mayroon siyang narinig na parehong pangyayari mula sa mga sinaunang libro, pero wala pang nangyayaring ganito sa loob ng ilang libong taon.May bababa?Kumabog ang dib
Read more