All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5381
- Chapter 5390
7044 chapters
Kabanata 5385
Sa gitna ng mga pag-uusap, kaagad na nag-utos ang mga opisyal. “Bilis, maghanap sa paligid. Patumbahin ang sino mang inyong makasalubong.”Nagalit ang mga opisyal nang sandaling iyon.Hindi maaaring walang lumabas sa ganoong pangyayari. Paniguradong mayroon nang nauna rito at kinuha ang mga kayamanan. Dapat ay pagmamay-ari ito ng True Flame Sect, paano iyon napunta sa kamay ng iba?Kaagad na mabusising naghalughog ang mga miyembro ng True Flame Sect.…Sa puntong iyon, sa kabilang dulo.Tumayo sa labas ng tent si Rachelle, hindi na nagawang itago ang pag-asa sa kaniyang mga tingin.Kailangang matunton ng pupils ng True Flame Sect ang lokasyon pinanggalingan ng kayamanan kung saan naging sobrang lakas nito at nakayang makagawa ng ganoong pangyayari.Nanatili ang atensyon ni Rachelle sa butas na nasa kaniyang harapan. Hindi niya napagtanto ang tahimik na pagpasok sa tent ng magaang huni ng spirit shadow sa kaniyang likuran.Halos transparent ang spirit shadow, halos imposibleng
Read more
Kabanata 5386
’Ang anak ng Nine Heavens Emperoe?’Kaagad na kinilabutan ang kaluluwa ni Adam, umusbong ang desperasyon mula sa kaibuturan ng kaniyang puso. “Ako… Hindi ako maaaring mamatay nang ganito. Hindi—”Bago pa matapos sa pagsasalita si Adam, tuluyan nang nalamon ni Prinsipe Auten ang kaniyang kaluluwa.Di nagtagal, mabilis na pumasok si Prinsipe Auten sa katawan ni Adam at hinalo rito ang kaniyang divine soul, ginamit niya ang kaniyang divine power para pa pakalmahin ang kaniyang katawan.Sandaling kumalat ang agod ng purong lakas sa palibot ng katawan ni Adam sa photosphere. Lubos na biniyayaan sa kakayahan si Adam. Pumasok si Prinsipe Auten sa katawan ni Adam, ginamit niya ang kaniyang divine power para pawiin ang pagod sa meridian.Hindi lamang tuluyang gumaling ang mga natamo niyang sugat, lubos ding tumaas ang kaniyang lakas.Sa loob ng ilang minuto, tuluyang humalo si Prinsipe Auten sa katawan ni Adam.Nang sandaling iyon, itinaas ni Prinsipe Auten ang kaniyang kamay para alisin
Read more
Kabanata 5387
Walang napansing kakaiba si Rachelle sa reaksyon ni Prinsipe Auten, at nagtanong siya nang may bigla siyang naalala. “Oh, oo! Anong nangyari, Senior Brother? Sinong nanakit sa’yo?”Seryoso ang mga mat ani Rachelle nang magtanong siya. Paniguradong mayroong katakot-takot na lakas ang taong makakapilit sa kaniyang Senior Brother na gamitin ang Royal Fire Reborn.Katunayan, sandaling pumasok sa isip niya si Darryl pero pinigilan niya ang sariling magtanong.Nang sandaling iyon, tumitig kay Prinsipe Auten ang mga tao sa paligid, naghintay silang sabihin nito ang pangalan ng salarin habang nakaramdam ng galit ang mga ito.‘Kung sino man iyon, pagbabayaran niya ng malaki ang ginawa niyang pananakit sa Sect Master.’Nagulat si Prinsipe Auten sa kinaharap niyang sitwasyon at walang pakialam itong kumuway. “Ito… Bigla nalang nangyari ang lahat. Inatake ang ng lalake mula sa likod at hindi ako nakalaban sa oras. Wala akong ideya kung anong nangyari pagtapos kong maging lubhang sugatan.”Mu
Read more
Kabanata 5388
’Kung mayroong nangyaring ganoon sa kaniya noon, hahanapin nila ang kayamanan ano mang mangyari sa kahit anong paraan, pero hindi na siya interesado ngayon. Paano nagbago ang kaniyang pagkatao pagtapos mangyari sa kaniya ang Royal Fire Reborn?’Bahagyang natawa sa babae si Prinsipe Auten nang mapaisip si Rachelle.“Anong mali? Anong iniisip mo? Bakit hindi ka pa handang umalis?”Nilikom ni Rachelle ang kaniyang isipan at may paghuning sumagot sa lalake. Tumingin siya kay Prinsipe Auten habang natatawa at naisip niyang tila may mali. Naisip niyang ibang-iba ang Senior Brother na nasa kaniyang harapan, kung paano ito kumilos o humawak sa mga bagay.‘Parang… naging ibang tao siya. Anong nangyari? Kalimutan na nga. Hahanap ako ng tiyempo para makausap siya sa paglalakbay.’Makalipas ang ilang minuto, inalis ng mga tao ang mga tent at nagtungo sa Altar ng True Flame Sect.Habang nasa daan, patuloy sa paghahanap ng oportunidad si Rachelle para makausap si Prinsipe Auten. Subalit nakatu
Read more
Kabanata 5389
Pagtapos malaman ni Prinsipe Auten ang tungkol sa impormasyon, hindi niya mapigilan ang magalit.‘Darryl… Siya iyon. Siya ang sikretong tumulong kay Aurin at nagdulot sa pagtanggal ko sa posisyon bilang Heaven Emperor. Siya rin ang dahilan sa pagpapatalsik sa Wiz Immortal sa Imperial Sky Palace.‘Sa huli ay nawala ang posisyon ko bilang Heaven Emperor, nabigo sa pagpasok, at nawasak ang fairy soul. Hindi ako makapasok sa Human World para i-cultivate ang aking fairy soul.‘Sa madaling salita, si Darryl ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.’Nang mapaisip si Prinsipe Auten tungkol doon, ikinuyom niya ang kaniyang kamao at naging sobrang pula ng kaniyang mga mata.Hindi nagtangkang gumawa ng ingay sina Rachelle habang nakatingin sila sa mukha ni Prinsipe Auten. Sobrang tahimik sa buong hall.“Napaka grabe…”Sa wakas, kumalma si Prinsipe Auten at hinampas ang armrest ng trono. Sumigaw siya habang matalas ang tingin sa kaniyang mga mata. “Sobrang nakakamuhi si Darryl. Hindi natin s
Read more
Kabanata 5390
Ginamit ni Darryl ang kaniyang divine power at gumuhit ng enchanted barrier pagtapos niyang suriin ang paligid ng pormasyon para siguruhing walang problema.Sa harang na iyon, walang makakapasok sa Chaos Teleportation Array kahit na pilitin pa nila.Pagtapos ay umalis si Darryl sa Godly Secret Realm at dali-daling nagtungo sa Pure Yang Division.…Sa Altar ng True Flame Sect, tahimik sa gitna ng hating gabi.Sa daan patungong sikretong silid sa likod ng burol, mabagal na naglakad si Rachelle habang hindi maitago sa maamong mukha nito ang pagkalito.Lubusan siyang natakot nang isipin niya ang tungkol sa kakaibang pagkilos ng kaniyang Sect Master noong umaga. Pagtapos ay nagdesisyon siyang tingnan ang sikretong silid.Kinonsiderang lubhang ipinagbabawal na lugar ang sikretong silid kung saan nag-cultivate ang Sect Master. Subalit bilang banal na madre at bilang malapit kay Adam na tila magkapatid, hindi pa kailanman tinanggihan ni Adam si Rachelle sa tuwing nag cu-cultivate ito sa
Read more
Kabanata 5391
"Hindi ko gustong saktan ka, pero nanghihingi ako ng dispensa na nalaman mo ang sikreto ko." Sa wakas, nagbigay ng malamig na titig si Prince Auten at nanunuya niyang sabi, "Tama ang hula mo. Hindi ako si Adam Bedford, pero kinuha ko ang katawan niya. Nilunok ko kaluluwa ng nakatatanda mong kapatid." Malumanay ang boses niya, pero nakakatakot ang mga salita niya. Humugot ng malalim na hininga si Rachelle at kinagat ng mahigpit ang labi niya nang narinig 'yon. Hindi matigil ang panginginig ng kanyang katawan, at galit na galit siya. 'Tama ang hula ko. Nakain ang kaluluwa ni Senior Brother. Hindi nakakapagtaka na kakaiba siya nang sumulpot siya mula sa tolda...' Si Rachelle ay gulat at galit, nag-isip siya mag-isa. Hinugot niya ang mahabang espada nang may pwersa. Sumigaw si Rachelle, "Papatayin kita kahit na sino ka pa. Ito ang eksaktong paghihiganti para kay Senior Brother. Kahit na mapunta pa ako sa impyerno!" Tumalon siya mula sa lupa nang nakatingkayad at tinutok ang m
Read more
Kabanata 5392
Tinapos ni Prince Auten ang Soul Locking Spell ng ilang minuto. "Hmm!" Nagpakawala ng mahinang ugong sa puntong 'yon. Ang magandang mukha niya ay walang ekspresyon nang nagising siya, at nataranta ang mga mata niya. Naging sobrang magalang si Rachelle nang nakita niya si Prince Auten at sabi, "Master." Nawala ni Rachelle ang abilidad niyang mag-isip pagkatapos ng kabuuang pagkontrol sa kanya ng Soul Locking Spell. Ang tanging layunin niya sa buhay ay sundin ang mga utos ni Prince Auten. "Talagang nakakamangha ang Soul Integration Method ni Master," sabi ni Prince Auten ng may ngiti. Pagkatapos, tumingin si Prince Auten kay Rachelle at sabi, "Huwag mo akong tawaging Master. Tawagin mo na lang akong Sect Master. Hindi dapat natin ipaalam ang relasyon natin, naiintindihan mo ba?" "Naiintindihan ko, Sect Master." Magalang na tumango si Rachelle. 'Hmm!' Tumango si Prince Auten at kinaway ang kamay niya bilang tugon sa sagot niya. "Maghanda para sa sakripisyong seremonya. Huw
Read more
Kabanata 5393
Uminom din si Darryl, at nagtanong siya, tumatawa, "Kumusta ang ensayo mo ng Celestial Swordmanship?" Mas nabawasan ang pag-aalala ni Darryl nang wala sina Sofia at Lindsey.aKinamot ni Preston ang ulo niya, humalakhak, at mapagkumbaba na sagot niya, "Sa katotohanan, Sect Master. Pinagsama-sama ko ang mga kasanayan at gumawa ng ilang pagbabago sa huling dalawang galaw sa pakikipag-espada." Pinagmamalaki ni Preston ang kasanayan niya sa espada. Sa harap lang ni Darryl siya nagiging mapakumbaba. 'Nakakamangha!' Napaatras si Darryl. Hindi niya mapigilang hangaan si Preston habang tumitingin sa kanya. 'Talagang isa siyang Saber Saint. Natutuhan ko ang Celestial Swordmanship ng ilang mga taon bago mabago ito. Pero, inabot lang siya ng ilang araw para magdagdag ng ilang pagbabago. Ang mga naabot ng taong ito sa pag-e'espada ay talagang kakaiba.' Tinaas ni Darryl ang bote ng alak at nagsalin ng panibagong baso ng alak para kay Preston, nag-iisip siya mag-isa. Sabi niya, "Masaya a
Read more
Kabanata 5394
"Darryl!" Pumasok sina Lindsey at Sofia sa pangunahing bulwagan habang umiinom sila. Tuwang-tuwa si Lindsey at sumugod papunta kay Darryl. "Darryl, 'nong wala ka nung mga nakaraang araw, nag-aral ako ng higit kalahati ng pamamaraan sa paglinang Spirit ng Heavenly Secret," sabi niya. "Madami na rin kaming napag-usapan ni Sofia tungkol sa sining ng Elixir nitong mga nakaraang dalawang araw." Namula ang mukha ni Lindsey nang may pagmamalaki habang nagsasalita siya. Tumawa at tumango si Darryl bilang pagsang-ayon nang narinig niya 'yon. "Hindi ako nagkamali tungkol sa kanya. Sobrang talino ng babaeng 'to." Ilang mga tao lang sa komunidad ang hawakan ang kalahati ng paglinang na pamamaraan ng Spirit ng Heavenly Secret sa ilang araw lang. Tuwang-tuwa si Lindsey nang pinuri siya. Tapos, umupo siya para kumain. Umupo rin si Sofia, pero hindi siya nagsimulang kumain. Sa halip, humarap siya kay Darryl at sabi, "Sect Master, narinig ko na sinabi mong aalis ka?" 'Er...' Sina Darr
Read more