All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5861
- Chapter 5870
7044 chapters
Kabanata 5865
Walang pakialam si Bowen sa mga hukbong mananalakbay. Hindi iyon ang tingin ni Veron sa kanya. Sumigaw siya, "Anong walang kabuluhan 'yan? Naniniwala ka na dapat tayong sumuko at hayaan na patayin tayo? Kung sa tingin mo na mahuhuli mo kami. Huwag ka nang magsalita!"Hinawakan niya ang kanyang mahabang espada kasama ang kanyang panloob na enerhiya. Habang sumusugod patungo sa mga kalaban, isang maliawang na sinag ang nagpakita. Ang atake ay naglaman ng karamihan sa panloob na enerhiya ni Veron. Mabilis na gumalaw ang mahabang espada na parang kidlat. Ang hangin ay pabukas na humiwa. "Argh!" Marami sa mga hukbo ng naka-itim na armadong mananalakbay ang nawalan ng oras para ilagan ang atake ng espada. Umungol sila. Halos limampu ang namatay sa dagat ng dugo. 'Bwisit!' Ang lider ng hukbo ng mananalakbay ay gulat at galit. Pinunasan niya ang pawis mula sa noo niya at sumigaw, "Patayin kuna ang babaeng 'yan. Doon lang natin mahuhuli si Bowen nang buhay!"Ang babae ay mula sa Nine Main
Read more
Kabanata 5866
Namula ang mga mata ni Bowen habang nanginginig ang kaniyang katawan.“Ikaw—” Nagalit at nagpanic naman dito si Veron. “Puwede bang kumalma ka lang? Wala ka pa sa inyo kaya paano mo nalamang napatay ang pamilya mo?”‘Napakatigas ng ulo ng isang ito! Masyado na niya akong ninenerbiyos!’ Isip ni Veron.Huminga nang malalim si Bowen habang nagiisip nitong sinasabi na, “Hindi mo kami naiintindihan, Ms. Nine. Hinding hindi kami magkakalat ng usap usapan. Mayroong rason ang mga tao kung bakit nila sesentensyahan ng kamatayan ang aking pamilya. Ito ay walang iba kundi ako na siyang nagdala sa kanila sa kamatayan.”Wala namang sinabi na kahit ano si Veron habang buong pasensya nitong hinihikayat si Bowen. “Kung ganoon ay dapat lang na hindi mo dalhin sa kamatayan ang sarili mo. Hindi mo ba naririnig ang kasabihan na mayroong pagasa hangga’t mayroong buhay. Dapat kang maghintay ng tamang pagkakataon para maghiganti. Hindi mo ba alam na para mo na ring isinakripisyo ang iyong buhay sa sandal
Read more
Kabanata 5867
Dito na itinaas ni Bowen ang kaniyang kamay para hampasin sa batok si Veron hanggang sa mawalan na ito ng malay. Wala na siyang magagawa ngayong ayaw nitong umalis noong mga sandaling iyon.Sa totoo lang ay nahirapan si Bowen na pilitin ang kaniyang sarili na gawin ang move na iyon. Ayaw niya pang magpaalam kay Veron pero kinakailangan pa rin niyang magdesisyon ngayong buhay na ang nakataya sa pagkakataong ito.Hindi naman nakapagreact sa tamang oras si Veron. Gumawa lang ito ng mababang ingay bago siya pumikit at tuluyang mawalan ng malay.‘Paalam, Ms. Nine…’ Huminga nang malalim si Bowen habang isinasantabi ang kaniyang kalungkutan. Itinago niya ito sa loob ng butas bago siya humarap kay Tyson at sa mga kasama nito.Hindi nagtagal ay nakarating na rin si Tyson at ang mga kasama nito.“Bowen, Elah!” Ipinakita ng nanlalamig na mukha ni Tyson kung gaano siya kinatatakutan ng lahat. “Matagal na kitang hinahanap pero nagawa mo pa ring magpakita sa harapan ko. Dalian mo nang ibigay sa
Read more
Kabanata 5868
“Tyson!” Nagngitngit ang mga ngipin ni Bowen habang sinasabi nito na, “Isasama kita sa impyerno sa sandaling mamatay ako ngayong araw.”Dito na niya nilabas ang Sunset Bow na siyang nilagyan niya ng internal energy. Nagresulta ito sa paggana ng Sunset Bow na gumawa ng isang nakabubulag na liwang. Agad namang tumama at pumasok sa pana ang lakas ng araw.Dito na nabalot ng nakakatakot na aura ang paligid na siyang tumakot sa lahat.‘Napakalakas nito…’Nanginig nang husto si Tyson at ang mga sundalo ng black armored rider habang napapaisip si Tyson ng, ‘Grabe’. Napamura ito sa sobrang pagkagulat ‘Nagawa talaga ng batang ito na gamitin ang lakas ng napakalaking pana na ito.Tahimik namang tumayo sa isang tabi si Prince Auten habang napapaatras sa kaniyang puwesto. Tumitig din siya nang husto sa hawak na Sunset Bow ni Bowen.‘Ito ba ang walang kapantay na panang ginamit ni Emperor Hou Yi? Ang panang may kakayahang umabsorb sa enerhiya ng araw? Napakainteresante…’ Isip nito.“Mamatay
Read more
Kabanata 5869
“Huwag po kayong magpanic, Heneral!”Narinig nila ang isang boses noong mga importanteng sandali na iyon. Dito na direktang gumalaw si Prince Auten para humarang sa harapan ni Tyson. Ginamit niya ang kaniyang divine energy para bumuo ng gintong shield sa kanilang harapan.Walang intensyong tumulong si Prince Auten pero isa pa ring importanteng tauhan ni Tyson kaya kakailangan niya itong mapanatiling biuhay. Siguradong masasayang ang lahat ng kaniyang pinaghirapan sa tribo ng Raksasa sa sandaling mapatay ni Bowen si Tyson.“Magiingat ka po, Sect Master Graham.” Nagpapasalamat at nagaalalang sinabi ni Tyson nang makita niyang tinutulungan siya ni Prince Auten. Dito na niya sinabing. “Masyadong malakas at nakakatakot ang panang iyan…”Nakangiti namang sumagot si Prince Auten ng, “Huwag kang magalala.”Siguradong matatakot nang kaunti si Prince Auten kugn si Emperor Hou Yi ang gumamit ng panang ito. Pero hindi manlang nagawang gamitin ni Bowen ang buong lakas ng Sunset Bow kaya wala n
Read more
Kabanata 5870
Ngumiti si Prince Auten habang binabati niya si Tyson habang nagpapakita ng kumplikadong itsura ang kaniyang mga mata. Sa totoo lang ay gusto ni Prince Auten na makakuha ng ganitong klase ng divine weapon. Pero kahit na ganoon, napansin niya na masyado pa ring marami ang enerhiyang kinukuha nito sa sinumang gagamit ng pana. Kaya siguradong babalik sa taong gumagamit nito ang problema sa sandaling hindi niya makontrol ang paggamit niya sa pana. Kaya mas pinili niyang hayaan kay Tyson ang ganitong klase ng divine weapon.Natuwa nang husto si Tyson nang batiin siya ni Prince Auten. Dito na niya ginamit ang kaniyang internal energy para ilagay sa Sunset Bow nang maramdaman niya ang angkin nitong lakas. Pero hindi nagreact ang Sunset Bow sa inilagay niyang enerhiya na siyang hindi niya inasahan.‘Ano…ano ang nangyayari?’Napasimangot at naguluhan dito si Tyson. Sinubukan niya ang ilan pang paraan pagkatapos nito pero nanatili pa ring hindi nagrereact ang Sunset Bow.Samantala, itinaas n
Read more
Kabanata 5871
“Puro ka kalokohan.”Hindi naman naniwala ng kahit na kaunti si Luna kay Darryl, tumingin ito sa tabi habang iniiwas ang kaniyang mga mata kay Darryl.Natawa naman si Monna sa kaniyang nakita habang bumubulong ito kay Loona ng, “Mas makabubuti kung makikinig ka kay Darryl, Loona. Mukhang matindi ang nangyari sa iyong binti.”Makiking si Loona sa Empress sa kahit na anong sitwasyon maliban dito kaya agad niyang iniling ang kaniyang ulo kay Monna.“Alam ko po ang nangyari sa akin, Kamahalan. Hindi ko po kailangan ng kahit na anong gamot.”Habang nagsasalita, tumingin si Loona kay Darryl bago ito magpatuloy sa pagsasalita.“Sinusubukan niya akong paglaruan, at ipapakita ko sa kaniya na hindi ako magpapadala sa mga paandar niya.”Ilang beses nang tinetake advantage ni Darryl so Loona kaya masyado na itong natrauma para maniwalang magmamagandang loob si Darryl para bigyan siya ng gamot na makakapagpagaling sa kaniyang pilay.Whew!Napailing at napangiti na lang nang mapait si Monna
Read more
Kabanata 5872
Napasigaw si Mona sa kaniyang nakita. “Magingat ka!”Habang nagsasalita, mabilis siyang umabante para alalayan si Loona.'Haha!'Hindi naman napigilan ni Darryl ang kaniyang tuwa habang tinititigan nito si Loona. “Sinusubukan mo pa ring umarte?”Naiirita namang suminghal si Loona, hindi nito pinansin si Darryl.Dahan dahan namang sumandal si Darryl sa isang kalapit na puno bago siya dahan dahang magsabi ng, “Hindi ko na ito titiisin kung ako sa iyo, bata. Magsabi ka lang nang mabigyan na kita ng ilang mga gamot.”Napakagat naman sa kaniyang labi si Loona habang nagpapakita ng katigasan sa kaniyang mukha. “Hindi mo na ito kailangang gawin.”‘Talaga?’Ngumingiti namang sumagot si Darryl ng, “Napakatigas talaga ng ulo mo. Sige, kalimutan mo na ang lahat ng sinabi ko ngayong hindi mo pala ito kailangan.”Habang nagsasalita, tumitig siya nang nakangiti kay Loona habang naghihintay ng sagot nito.Sigurado si Darryl na wala nang nararamdaman sa kaniyang paa si Loona matapos kumalat
Read more
Kabanata 5873
Nagalit nang huso si Loona sa ginagawang panghahamon ni Darryl.Hindi na rin nakapagpigil pa si Monna kaya tumitig na ito kay Darryl para sabihing. “Tama na, Darryl! Huwag mo na siyang asarin.”Hindi na nagsalita si Darryl nang marinig niya iyon, napakamot na lang siya sa kaniyang ulo habang sinasabi na, “Sige na, heh. Sige, sige. Puwede ka nang tumigil sa pagtawag nito sa akin ngayong ang Empress na mismo ang nakiusap para sa iyo. Halika na, gagamutin ka na ng kuya darling mo.”Pagkatapos nito ay nagsquat si Darryl sa harapan ni Loona bago nito kalmadong sabihin na, “Itaas mo ang palda mo.”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, hinawakan niya ang palda ni Loona.Kumalat na sa buong hita ni Loona ang lason kaya kailangan na niyang pahiran ng gamot ang buo nitong hita.Agad namang namula rito ang mukha ni Loona. Agad siyang napaatras habang nagugulat nitong sinasabi na, “Ikaw… napakamanyak mo! Ano ang ginagawa mo?!”Mas konserbatibo ang mga babaeng mula sa Nine Mainlands
Read more
Kabanata 5874
‘Napakaganda ng mga babaeng ito. At dalawa rin silang nasa harapan natin. Isang parang humahawak ng mataas na uri ng awtoridad habang ang isa naman ay nagpapakita ng eleganteng impresyon sa kaniyang ganda, ang isa ay nagpapakita ng sigla at ang isa ay nagpapakita ng tatag.’Whew!Habang nasa gitna ng kanilang pagkagulat, umabante ang isa sa mga lalaki para magtanong ng, “Sino kayo?”Habang nagsasalita ang lalaki, isa pang lalaki ang sumali sa usapan bago pa man makapagsalita si Darryl. “Oh… naalala na kita! Hindi ba… hindi ba ikaw si Darren, ang kaibigan ng dati naming lider?”Agad na nawala ang agresyon sa tonong ginagamit ng lalaking iyon sa pagsasalita na malayo sa tonong ginagamit nito kanina.Agad namang pumasok ang isang bagay sa isipan ni Darryl kaya agad itong napatanong ng, “Na… nagmula ba kayo sa Bloodpierce Army?”Nang makulong si Darryl noon sa Valley of Death ng tatlong taon noong habulin nito si Donoghue Dixon, nakasalubong nito ang Bloodpierce Army habang papalabas
Read more