All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5871
- Chapter 5880
7044 chapters
Kabanata 5875
Kung ganoon…Napatigil nang isang sandali si Howard, ilang sandali rin siyang nablangko sa kaniyang narinig.Ano ang nangyayari? Sinabi ni Darryl na asawa niya ang mga ito pero naging kakaiba ang reaskyon ng kasama niyang mga babae…Maaari kayang may itinatago ang mga ito?Nagmamadali namang nagpaliwanag si Darryl. “Lilinawin ko lang sa inyo na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ng ikalawa kong asawa ngayon. Haha!”Malalim siyang tumingin kay Loona habang nagsasalita.Grabe, napakasimple ng babaeng ito. Hindi ba maintindihan ni Loona na itinatago lang ni Darryl ang tunay niyang pagkakakilanlan?Oh!Nakakaintindi namang tumango si Howard bago ito magpakita ng ngiti habang sumasagot ng, “Kung ganoon, mukhang itinadhana talagang magkasalubong tayo rito. Ngayong naririto rin kayo para maglibot, bakit hindi na lang tayo maglibot nang magkasama? Sa pamamagitan nito ay mababantayan natin ang isa’t isa sa panganib.”Kahit malaki na ang inimprove ng Bloodpierce Army pagdating sa kanil
Read more
Kabanata 5876
Napabuntong hininga naman si Darryl bago ito nagpapakahirap na magsalita kay Loona, “Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihan na ang pinakaligtas na lugar sa paningin natin ay ang pinakadelikado sa lahat?”Napatigil naman si Loona bago ito ngumungusong sumagot ng, “Gumagawa ka nanaman ng mga kalokohan mo…”Habang nagsasalita, nagmatigas si Loona habang naglalakad sa daan papunta sa kanan. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang pigilan siya ni Monna.Mahinahon namang sumali sa usapan si Monna, “Loona, mas maigi kung makikinig ka kay Darryl.”Tatlong taon pa ring nanatili si Darryl sa lugar na ito kaya kabisado na niya ang paligid ng Wild Deserted Secret Region. Kaya mas maigi para sa kanilang makinig dito.Agad na nawala ang pagmamatigas ni Loona nang marinig niya ang mga salita ng Empress, agad ito ng umatras para sundan si Darryl papunta sa daan papasok sa isang gubat.Nanatiling tahimik si Loona habang bumubulong ito ng kaniyang mga hinanakit kay Darryl. Natawa naman dito si
Read more
Kabanata 5877
Naging matalas ang paningin ni Darryl kaya agad niyang nalaman na may lamang lason ang hamog na iyon na maaaring magbigay ng panganib ng sinumang makakaabsorb nito sa bawat oras na lumilipas.Nang magaral si Darryl ng medisina sa kaniyang gurong si Divine Farmer, naalala niyang nabanggit nito na ang bawat lugar na may malakas na kakayahang magpalaki ng pambihirang mga herb at supplement ay may kasamang panganib na maaaring magbigay ng banta sa buhay ng sinumang lalapit dito.Hindi naiba rito ang bulubundukin na kanilkang napuntahan. Nagawa nitong magpalaki ng napakaraming mga Blood Fungi habang nakapuwesto malapit dito ang mukhang ordinaryong mga halaban na naglalabas ng lason. Nagawang matakpan ng mga Blood Fungi ang lakas ng mga halamang iyon na nagpanatili sa kapayapaan ng lugar na iyon.Pero nang kumuha si Loona ng napakaraming mga Blood Fungi kanina, nagawa nitong masira ang ecosystem sa lugar na iyon na nagresulta sa paglalabas ng mga halaman ng nakalalasong gas na hindi nagaw
Read more
Kabanata 5878
Nalason nang husto si Loona nang husto kaya hindi niya ito magising nang mabilis.Ano…Nanginig naman si Monna sa kaniyang nakita habang natatakot itong nagtatanong ng, “Ano ang nangyayari sa kaniya, Darryl?”Mabilis namang sumagot ang naninigas at nakangiting si Darryl, “Nalanghap na niya ang lason kaya naghahallucinate na siya ngayon.”Nakahinga naman nang maluwag si Monna sa kaniyang sarili nang marinig niya ang sagot ni Darryl. Mabuti na lang at nakinig siya kay Darryl na takpan ang kaniyang Chimi acupoint dahil kung hindi ay baka nabigyan din niya ng kahihiyan ang kaniyang sarili kagaya ng ginagawa ngayon ni Loona.Lumapit naman si Darryl habang dala dala nito si Loona. “Loona, gising! Hindi ako ang ama mo.”Aalisin na niya sana ang kaniyang braso sa pagkakahawak ni Loona habang nagsasalita pero agad pa rin siyang pinigilan ni Loona, agad nitong ipinulupot ang kaniyang braso sa baiwang ni Darryl na tila ba hindi niya ito papakawalan kahit na ano pa ang mangyari.Nagalala na
Read more
Kabanata 5879
Hoho!Nanlalamig namang ngumisi si Bowen habang nababalot ng hinanakit ang kanyiang mga mata, “Oh, mamamatay muna ako bago ko ibigay sa isang katulad mo na uhaw sap era ang pagmamayari sa panang iyan.”Naging mapagmatigas ang tono na kaniyang ginamit na hindi makukwestiyon ng kahit na sino.Nagbago ang itsura ni Tyson nang marinig niya ang mga sinabi ni Bowen, pumapatay na kumislap ang kaniyang mga mata habang sinasabi nitong, “Gusto mo pa ring magmatigas ah? Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot.”Habang nagsasalita, ikinaway ni Tyson ang kaniyang kamay.Dito na umabante ang isa sa mga rider na mayroong hawak na latigong gawa sa leather na kaniyang hinawakan nang maigi habang papalapit kay Bowen.At pagkatapos ng isang segundo, malutong na tumunog ang latigo habang nasisira ang daloy ng hangin sa paligid ni Bowen, napunit ang kaniyang laman habang sumisirit ang sariwang dugo sa kaniyang damit.Nagngitngit naman si Bowen at hindi gumawa ng kahit na kaunting ingay. Gusto niya
Read more
Kabanata 5880
Gusto nang tapusin ni Bowen ang kanyiang buhay nang maisip niya iyon pero kasalukuyan pa ring nakagapos ang kaniyang mga kamay at paa kaya hindi niya nagawang makagalaw sa kaniyang puwesto.Matotorture ba siya hanggang sa kamatayan ni Tyson nang ganoon ganoon na lang?Dito na naubusan ng pagasa si Bowen nang biglang magpakita ang imahe ni Veron sa kaniyang isipan, ito ang nagiisang bagay na nagpangiti sa kaniya.Hindi na naging maganda ang lagay niya pero atleast ay naging maayos ang kalagayan ngayon ni Ms. Nine.Sayang lang dahil hindi na niya ito muling makikita.Creak…Nang mawala so Bowen sa kaniyang mga iniisip, nakarinig si Bowen ng sunod sunod na tunog na yapak mula sa labas. Dahan dahan nitong binuksan ang pinto papasok sa bilangguan bago magpakita ang isang magandang imahe.Agad na nagliwanag si Bowen nang makita niya kung sino ang imaheng iyon. Inakala niya na naghahallucinate lang siya noong mga sandaling iyon.Ito ay walang iba kundi si Veron.Nagising si Veron kan
Read more
Kabanata 5881
Whew! Nanginig si Veron sa mga salita, huminga ng malalim habang ang ekspresyon niya ay mas lalong bumibigat. Tama nga... Talagang kahina-hinala na ilan lang ang mga taong nagbabantay sa piitan ng palasyo. "Huwag muna natin isipin ang tungkol diyan ngayon." Agad bumalik si Veron sa ulirat niya. "Ilalabas kita rito, kahit na nagplano sila o hindi ng isang atake." Habang umaalingawngaw ang huling salita sa hangin, hinawakan ni Veron ang kamay ni Bowen habang yumuyuko sa mas maliit na daan sa tabi niya. Talagang napakalaki ng palasyo. Magiging mahirap na lumabas dito. Sa pagtakbo ng ilang minuto, tinigil ni Veron ang mga yapak niya bigla nang malapit na sila sa gate ng palasyo na paharap sa silangan. Malinaw na nararamdaman ni Veron ang malakas na alon ng panloob na enerhiyang humahalo sa hangin. Ang gate sa harap nila ay walang bantay pero naglalabas ito ng kakaibang hangin. Sa parehong oras, nagsimula na ring kumabog ang puso ni Bowen. Bwisit! Habang tinitingna
Read more
Kabanata 5882
“Ho ho…”Tumayo si Tyson para tingnan pataas at pababa si Veron, mapang-asar na tinatawag si Bowen. “Ang swerte mo na may magandang babae para iligtas ka. Ang malas mo lang dahil mamamatay ka na mamaya.”Nang nagsalita siya, hinawakan ni Tyson ang Sunset Bow bago sabihin, “Sabihin mo sa akin kung paano paganahin ang pana kung ayaw mong mamatay ang pinakamamahal mong babae rito. Ito na ang huli mong pagkakataon.”Ang atake ay nilabas niya ay hindi nakamamatay, habang plano niyang gamitin si Veron para takutin si Bowen. Bwisit!Kinuyom ni Bowen ang kamao niya, nahihirapan na paniwalaan ang galit niya. Tao pa ba si Tyson, ginagamit ang Ninth Lady para takutin siya…Pero sa kalagitnaan ng galit niya, nagsimulang mag-alinlangan si Bowen sa mahinang ekspresyon sa mukha ni Veron. Sasabihan niya rin si Tyson, ‘di ba? Dalawang beses sinagip ng Ninth Lady ang buhay niya, at hindi niya kayang panoorin ang Ninth Lady na mamatay rito…Habang nag-iisip, humugot ng malalim na hininga si Bow
Read more
Kabanata 5883
Hindi. Hindi dapat mamatay ng ganito ang Ninth Lady.Sumabog sa hindi mapaliwanag na enerhiya si Bowen sa walang kawalan habang sumisigaw. Sumugod sa siksikan na itim na armadong mananalakbay na nakapaligid sa kanya, binabato ang sarili niya kay Veron.Thump!Nagpakawala ng isang mabigat na suntok si Tyson sa likod ni Bowen. Nagpakawala siya ng malabong huni, tumalsik ang dugo sa bibig nang bumagsak kay Veron. “Damulag!”Nanginig si Veron sa nakita, tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.“Mabubuhay ka, Ninth Lady… kailangan mo…” Ginamit ni Bowen ang huling lakas niya para sabihin nang dahan-dahan kay Veron. “Ipapasunod ko si Tyson sabakin, at aalis ka rito. Mangako ka sa akin na aalis ka.”Pinag-isipan itong mabuti ni Tyson. Magpapanggap siyang susuko na at papasunurin si Tyson sa tabi niya para bigyan ng pagkakataon si Veron na makatakas.“Hindi!”Marubdob na iniling ni Veron ang ulo niya, tumutulo ang luha sa mga mata niya. “Hindi ako aalis… Walang punto na mabuhay pa kung
Read more
Kabanata 5884
"Skysword Ultimate!"Itinaas ni Veron ang kanyang mga braso habang iniwan ng mga salita ang kanyang mga labi, ang kanyang mahabang espada na tumuturo patungo sa kalangitan.Sa isang sulyap, ang langit ay lumakas na maulap habang ang isang mabangis na hangin ay nagsimulang maghinay sa palasyo.Kasunod nito, ang mga anino ng espada ay nagsimulang lumitaw nang paisa-isa sa gitna ng simoy ng hangin. Ang mga anino na ito ay nabuo ng lahat ng mga pagbabago sa kapaligiran.Ang mga anino ay patuloy na dumami, umaakyat patungo kay Veron upang palibutan siya.Ang Skysword Ultimate ay isang paglinang na naging isa sa pinakapaboritong mga sinaunang balumbon ng Langes. Dahil ito ay masyadong kumplikado at mahirap, walang sinuman sa pamilyang Lange ang nag-master dito.Si Veron, na mapaglarong at matigas na ulo na bata noon, pumuslit siya sa silid-aralan ng sambahayan nang higit sa isang okasyon. Siya ay tumingin sa pamamagitan ng libro na may hawak na Skysword Ultimate ng hindi mabilang beses
Read more