All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 1101
- Chapter 1110
4566 chapters
Kabanata 1101
Pinagkakatiwalaan ni Thea si Thomas.Ngunit, may punto nga naman si maxine. Maganda na rin na subukan.Pinagisipan ito ni James. Ang plano niya ay patayin si Mr. Gabriel, palabasin ang Gu Sect, at sabay sabay silang hulihin. Pero, ang pakikipagtulungan lamang kay Mr. Gabriel ang tanging paraan para madagdagan ang kaalaman niya sa Gu Sect. Hindi na rin masama ang bagay na ito.“Sige, bibisitahin ko ang mga Sullivan at mga Lee. Pero hindi ko alam kung saan sila nakatira.”“Sasama din ako,” sagot ni Maxine, “Minsan na akong isinama ni lolo doon. Alam ko ang daan.”“Mhm,” sumangayon si James. Hindi na ito masyadong problema kung ituturo ni Maxine ang daan.Sapagkat ayaw ni Thea hayaan na magkaroon ng pagkakataon na maiwan silang dalawa ng magkasama, agad niyang sinabi, “Sasama din ako, Darling.”“Thea, seryosong bagay ito.”“Alam ko. Hindi na ako ang Thea noon. Bilang third-rank martial artists, mas malakas pa ako kay Maxine,” sagot niya matapos sulyapan si Maxine.Dahil alam ni Maxine kun
Read more
Kabanata 1102
“Masusunod.”Tumango si Madelyn.“Sige na, maaari ka ng umalis. Hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nakaraang mga araw, kaya magpapahinga na ako sa kuwarto ko.”Tumayo si Yaroslav. Hindi niya alam kung makakatulog siya, pero maliban sa pagtulog, wala na siyang iba na magagawa.Bumalik siya sa kuwarto niya at nahiga sa kama, pero hindi siya makatulog.Maraming taon na ang lumipas mula ng nakaramdam siya ng pagkabalisa. Ipinikit niya ang mga mata niya, at milyun-milyong mga ideya ang sumagi sa isip niya.Bigla siyang may naalala at napabangon mula sa kama.Ilang araw lang ang nakararaan, pumunta si Thomas doon para ipaalam sa kanya ang lakas ni James. Sinabi niya na mamamatay siya sa mga kamay ni James. Pero, sinabi rin niya na makakaligtas siya kung makakaisip siya ng paraan.“Hindi kaya…?”Umisip ng posibilidad si Yaroslav.Maaaring may ipinapahiwatig si Thomas. Ipinapaalala niya na makipagtulungan kay James para mabuhay.Hindi ito pag-iisipan ni Yaroslav kung ibang tao ang nagsabi ni
Read more
Kabanata 1103
Sa suburbs sa Capital…Isang convoy ang tumigil sa paanan ng burol.Tatlong tao ang bumaba mula sa convoy. Ito ay sina James, Thea at Maxine.Itinuro ni James ang hardin sa paanan ng burol at sinabi, “Ito ang tirahan ng mga Sullivan. Kumilos na tayo.”Pagkatapos, lumapit siya patungo sa mga Sullivan kasama sina Thea at Maxine.Hindi nagtagal, nakarating sila doon.Bago pa sila kumatok sa pinto, bumukas na ito, at isang lalakeng nasa dalawampung taong gulang ang lumabas. Siya si Skylar Sullivan, disipulo ng mga Sullivan sa main branch at manliligaw ni Maxine.Pinaglalaruan ni Skylar ang mga susi sa kamay niya. Matapos mapansin na may tao sa pinto, tumingala siya. Ng makita niya sina James at iba pa, kinilabutan siya. Napaupo siya at sumigaw, “Nandito si James, tulong!”Kumalat ang balita tungkol sa pagkakatalo ng Patriarch ng mga Johnston sa mga kamay ni James.Ngayon, alam na nila ang walang kapantay na lakas ni James.Matapos marinig ang sigaw ni Skylar, nagtipon ang mga Sullivan sa p
Read more
Kabanata 1104
Matapos ang ilang sandali, sumagot si Zaiden, “Pag-usapan natin ito sa loob.”Matapos ito sabihin, tinignan niya ang paligid at nag-utos, “Maaari na kayong umalis.”“Masusunod.”Pagkatapos, umalis ang mga martial artists.“Dito tayo,” si Zaiden ang personal na nag-welcome papasok kay James.Hindi inaasahan ni James na susunod na lang ng ganito ang Patriarch ng mga Sullivan. Handa siya maging bayolente kung kinakailangan sakaling ayaw isiwalat ng mga Sullivan ang impormasyon na hinahanap niya.Pumasok sila sa mansion ng mga Sullivan.Sa living room…Isang katulong ang naghanda ng tsaa para kay James at sa iba.Tinignan ni James si Zaiden at sinabi, “Sa tingin ko oras na para sagutin mo ang mga tanong ko.”Nanatiling tahimik si Zaiden. Tinitigan niya si James habang napapaisip at tinanong, “Bago ang tanong mo, may gusto ako itanong.”“Tanong lang.”Nagtanong si Zaiden, “Dalawang buwan na ang nakararaan, isa ka lamang martial artist na hindi kailangan bigyan ng pansin. Paano ka naging gan
Read more
Kabanata 1105
Nabigla silang tatlo sa mga sinabi ni Zaiden.“Oo…”Nagtanong si Zaiden, “Masyado siyang malakas. Kung hindi siya ganito kalakas, hindi siya magkakaroon ng ambisyon na sakupin ang buong mundo.”Alam ni James na si Yaakov Johnston, ang Grand Patriarch ng mga Johnston, ay 160 na taong gulang na. Kahit ang mga pangkaraniwang mga tao, aabot ang edad nila sa isang daang taon kung iingatan nila ang kalusugan nila, lalo na ang mga martial artist.Kung si Callan Maverick ay nagawang tumakas noon, ang edad lamang niya ngayon ay 140. May posibilidad na buhay pa siya.Seventh-rank sa apatnapung taong gulang isang daang taon na ang nakararaan? Siguradong genius siya. Ngayon at isang daang taon na ang lumipas, siguradong nakarating na siya sa eight-rank. Habang iniisip ito, bumuntong hininga siya.Nagtanong si Maxine, “Ano pa ang alam mo tungkol kay Mr. Gabriel?”Umiling-iling si Zaiden ng kaunti at sinabi, “Misteryosong tao siya. Kaunti lang ang alam ng mga Sullivan tungkol sa kanya. Ang alam ko l
Read more
Kabanata 1106
“Madelyn Gabriel,” isang boses ang narinig.Alam ni Madelyn na hindi siya maaaring pumasok ng ganoon na lang sa Emperor Mansion. Kaya kinuha niya muna ang numero ni Thea para tawagan siya.Matapos ito marinig, nanigas si Thea.Nagtanong si James, “Anong problema?”Bumulong si Thea, “Si Madelyn.”Habang tulala, kumunot ang noo ni Maxine at napaisip, “Bakit siya tatawag ngayon bigla?”Nilipat ni Thea sa speaker mode at tinanong, “Bakit mo ako tinawagan?”“Nandyan ba si James?”“Wala. Puwede ko ipasa sa kanya ang mensahe mo.”“Hindi, kailangan ko siya mismo makausap.”Tinignan ni Thea si James.Sumagot si James, “Nandito ako.”Sumagot si Madelyn, “Huwag tayo mag-usap sa phone. Maghanap tayo ng lihim na lugar para mag-usap. Nakakalat nga naman ang mga informant kung saan saan sa buong Capital. Hindi ko gusto na malaman ng kahit na sino na makikipagkita ako sa iyo. Padalhan mo ako ng message kapag napagdesisyunan mo na ang lugar at oras.”Beep…Nagtanong si Thea, “Bakit tumawag bigla si Mad
Read more
Kabanata 1107
Ito ay si Delilah Kimberly, anak ni General Kimberly na nagmula sa Southern Plains, at isang pamosong aktress. Base sa naalala ni James, isa siyang kilalang tao sa entertainment industry.Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit siya kumakanta sa isang bar.“Kilala mo ba siya?” tanong ni Maxine, matapos makita ang ekspresyon ni James ng mapansin niya kung sino ang babae sa entablado.“Oo…” sagot ni James. “Anak siya ng isang general sa Southern Plains. Namatay ang ama niya sa isang misyon.”“Oh.”Umakyat si Delilah sa entablado. Nakasuot siya ng isang revealing na dress, kung saan mas nakikita ang kanyang hinaharap.Nagkagulo ang mga manonood.“Delilah!”“Delilah Kimberly!”“Twerk! Twerk! Twerk!”Dinig na dinig ang mga sigawan at malalaswang mga salita sa bar.Ngunit, ngumiti lamang si Delilah. Nagsimula siyang kumanta, at ang sarap nito pakinggan.Natapos siya kumanta.Noong pababa na siya ng entablado, isang lalake na nasa tatlumpu ang edad ang umakyat sa entablado dala ang kanyang
Read more
Kabanata 1108
Umiling-iling si James at sinabi, “Tignan natin kung anong mangyayari.”Mahalaga ang meeting kasama si Madelyn. Hindi niya ito maaaring isawalang bahala para sa maliit na bagay na ito.Sa entablado, agad na tumayo si Delilah. Yumuko siya at humingi ng tawad. Ngunit, walang pakielam si Habib. Nangyayari ang gusto niya. Habang mababa ang yuko niya, mas lalong umingay ang mga manonood.Iniabot ni Habib ang kamay niya at hinawakan ang dress ni Delilah. Sa isang iglap, pinunit niya ang damit. Na-expose ang katawan ni. Agad na tinakpan ni Delilah ang katawan niya dahil sa panic.“Hahaha!”“Ang ganda ng katawan.”Matapos ito makita, hindi na nakapagpigil si James. Tumalon siya mula sa ikalawang palapag at naglanding sa entablado.Pagbagsak niya, yumanig ng kaunti ang entablado.“Ano?”Nagulat ang mga manonood.Ano ito?Tumalon siya mula sa ikalawang palapag?Nakasuot si James ng isang malaking jacket at black cap. Itinatago nga naman niya ang pagkakakilanlan niya sa pakikipagkitang ito kay Ma
Read more
Kabanata 1109
Matapos ibaba ang tawag, tinulungan ni James si Delilah na tumayo at sinabi, “Tara na.”“Mhm.” Tumango si Delilah at nilisan ang bar kasama si James.Samantala, nakasunod mula sa likod nila si Maxine.Matapos lisanin ang bar, nilabas ni James ang phone niya para tawagan si Madelyn.“I’m sorry, the number you have dialed is not available.”Napasimangot si James, “Huh, weird…”Sinabi ni Maxine, “Kumplikado sa Capital. Lahat ng mga grupo at mga pamilya ay may mga informant kung saan saan. Natural lang na maging maingat siya. Patay nga naman siya kapag nadiskubre siya. Bumalik na muna tayo sa ngayon at hintayin ang susunod na pagkakataon.”Hindi na ito pinagisipan masyado ni James.Habang nakatingin kay Delilah, nagtanong siya, “Kumain ka na ba?”Umiling-iling si Delilah.Isinama siya ni James sa isang private restaurant at nagrequest ng private room.Sa private room, nagtanong si James, “Anong nangyari? Bakit ka kumakanta sa bar?”Suot pa din ni Delilah ang jacket ni James. Matapos uminom
Read more
Kabanata 1110
”Gaano katagal pa na oras ang kailangan mo?”“Isa o dalawang araw pa.”“Bilisan mo.”Matapos kausapin ng panandalian si Blake, ibinaba na ni James ang phone.Hindi nagtagal, nakarating na siya sa military region. Habang papasok, sumaludo ang mga sundalo.Sa opisina ng Emperor sa military region…Nakaupo si James sa upuan kasama ang ilang mga one-star general na nakatayo sa harapan niya. Tinignan niya ang mga ito at tinanong, “Sino ang namumuno sa Red Flame Army matapos mamatay ang Emperor?”Humakbang palapit si Nathaniel at sumagot, “Ito ay si General Micah.”“Sabihin mo sa kanya na gusto ko siya makita,” sagot ni James.Sinuri niya ang impormasyon na natanggap niya tungkol sa mga general ng Red Flame Army.Si Braxton Micah ay animnapung taong gulang at isang three-star general.“Masusunod.”“Maaari na kayong umalis.”Sumenyas si James, at umalis na ang mga general.Ngunit, nanatili si Nathaniel.Sinulyapan siya ni James at nagtanong, “May problema ba?”Habang nakangiti, nagtanong si N
Read more