All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 1381
- Chapter 1390
4572 chapters
Kabanata 1381
Isang slate ang nakita sa ilalim ng mga bato. Naalala ni Thea na nakuha rin ni James ang Medical Book Volume Two sa ilalim ng isang estatwa ng ulo ng dragon sa iba pang kweba. Binuksan niya ang slate at nakita ang isang kahon sa ilalim nito. Dinampot ito ni Thea, hinawakan ito, at sinuri. "Paano ko bubuksan to? Kailangan ko ba ang Exalter para buksan ito?" Sa kasamaang palad, walang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng Exalter sa pader na bato. Napaisip siya ulit at naalala niyang nahanap ni James ang Crucifier sa espasyo sa estatwa ng ulo ng dragon. Naghanap si Thea sa mga bato. Gayon na nga, may itim na alambre sa mga bato. Maliban sa kulay, kamukhang-kamukha ito ng Crucifier ni James. Naalala niya kung paano niya itong ginamit para magpatuyo ng underwear nang ikinasal si James sa mga Callahan. Nang maisip ito, namula ang mukha niya at bakas sa mukha niya ang ligaya. Pinaglaruan niya sandali ang Exalter at diniinan ang isang dulo ng itim na alambre kagaya n
Read more
Kabanata 1382
Hindi lang makahanap si Zyaier ng impormasyon kay Delilah at mabilis na naintindihan ni James na hindi pangkaraniwang tao ang dumukot sa kanya. Sa kabila ng impluwensya ni Zyaier, hindi pa rin siya makahanap ng kahit na ano tungkol sa kinaroroonan niya. Walang magagawa si James kundi pumunta sa maliit na bansang Simzerdon na nasa borders ng Durandal para mag-imbestiga. Gusto niyang makita kung makakakuha siya ng kahit na anong impormasyon tungkol sa paglaho niya at sa mga taong dumukot sa kanya. "Pumunta tayo sa Simzerdon. Henry, bumili ka kaagad ng tickets," utos ni James. "Sige." Tumango si Henry, kinuha ang phone niya, at bumili ng tickets online. Sumunod si Yelena sa likod ni James. Higit isang araw na niyang kasama si James ngunit hindi pa rin niya alam kung sino ang hinahanap ni James at kung anong ginagawa niya. "Sinong hinahanap mo, James? Sino si Delilah? Importante ba siya sa'yo? Siya ba ang asawa mo?" Sinundan niya si James at patuloy na nagtanong. Mara
Read more
Kabanata 1383
Inisip muna ni James ang tungkol dito ng mga ilang sandali.Nung una, ito marahil ay nung may inutusan siya na imbestigahan ito.Ang pangalawa marahil ay ang mga tauhan ni Zyaier. “Sinong kumuha sa kanila?”Nag-isip sandali ang mayordomo at saka sinabi, “Nangyari ito dalawang buwan na ang nakakaraan. Ang pagkakatanda ko ay ika-lima ng Enero nun. Isang gabi, isang away ang naganap sa kwarto nila. Pumunta ako para tingnan ang sitwasyon at nakita ko sila na dinakip ng mga tao na hindi ko kilala.”Tanong ni James, “Anong klase ng tao sila?”“Hindi ko alam. Hindi ko sila nakita ng malinaw.”“Alam mo ba kung ano ang lahi nila?”“Halo-halo silang mga lahi. Ilan sa kanila ay mga Asyano, ilan ay mga Puti, at ilan sa kanila ay mga Negro.”“Meron ka bang mga surveillance camera dito?”“Wala.”…Maraming tinanong si James sa mayordomo. Subalit, ang impormasyon ay walang halaga at hindi importante. “Yelena, i-kansela mo ang transaksyon. Ang mga impormasyon na ito ay walang silbi at
Read more
Kabanata 1384
Ang True Demonic Energy ay napakabanayad na Yin energy na natural nang malamig. Ito ay ang malaking kabaliktaran ng Heavenly Breath ni James, na isang purong Yang True Energy. Naisip bigla ni Thea si Cynthia. Ang True Energy ni Cynthia ay may Yin nature rin, at bagay ito sa True Energy ni James. Kaya niyang sanayin ang martial art manual na nakatala sa Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge. Kahit na nag-aalangan siya tungkol sa pagsasanay ng dalawa nang magkasama, hindi niya mapigilan si James na sanayin ang martial arts manual.Kapag nagawa niyang i-cultivate ang Demonic Breath, magagawa na niyang sanayin ang martial art manual na nakatala sa painting kasama si James. Nang maisip niya ito, naging determinado si Thea. Sinubukan niyang sanayin ang Demonic Breath.Ang cultivation method na Demonic Breath ay kagaya ng Heavenly Breath. Pamilyar na si Thea sa Heavenly Breath, at hindi siya nahirapan na gawin ang Demonic Breath. Sinimulan ni Thea na sanayin ang Demonic Breath s
Read more
Kabanata 1385
Sa loob ng silid, may ilang mga deboto ng simbahan ang naghanda ng tsaa at binigay sa kanila. Umupo silang tatlo. “Ikinalulungkot ko ngunit limitado ang aming mga kwarto, at kayong tatlo ay kailangan na maghati sa isang kwarto ngayong gabi,” sabi ng matandang lalaki. “Ayos lang, hindi iyon isang problema,” kaswal na sagot ni James. Pagkatapos, tinanong niya, “Siya nga pala, kami ay mula sa Sol at hindi pa narinig ang tungkol sa St. Anne’s Church. Interesado ako sa kultura ng ibang bansa at gusto kong malaman kung pwede mo bang sabihin sa akin ang tungkol sa kasaysayan ng inyong simbahan?” “Ah, ganun ba? Malalim na ang gabi, kaya kayong tatlo ay dapat nang magpahinga ngayong gabi. Paano kung sabihin ko na lang sa inyo ang tungkol sa aming simbahan bukas ng umaga?”“Sige ba!”Wala nang sinabi pa si James. “Kung ganun, sana naman ay maging mahimbing ang tulog ninyong tatlo. Maiwan ko na kayo.”Ang matandang lalaki na mukhang mahikero na may pulang robe at sombrero ay yumuko
Read more
Kabanata 1386
May narinig si James na mahinang sigaw. Matapos itong suriin, natukoy niya na nanggaling ito sa ilalim ng lupa.Kaya naman, napagtanto niya na may isang lihim na underground basement sa ilalim ng kastilyo na may maraming nakakulong naa mga tao. Subalit, hindi siya sigurado sa pagkakakilanlan ng mga taong nakakulong doon.Tumayo siya sa pinakamataas na bahagi ng kastilyo at nag-isip. Makalipas ang ilang oras, nagdesisyon siya na pumuslit sa loob ng underground basement dahil baka nandoon si Delilah.Maingat niyang sinuri ang paligid ng kastilyo para hanapin ang pasukan sa underground basement. Sa kabila ng matagal na paghahanap, hindi niya makita ang pasukan.Umupo siya ng pa-lotus position sa may pinakamataas na bahagi ng kastilyo at ipinikit ang kanyang mga mata. Naging klaro ang kanyang isipan, at sinimulan na pakiramdam ang kanyang paligid at ang direksyon ng tunog. Maraming tunog ang pumasok sa kanyang mga tenga. May ilang boses ang nag-uusap sa loob ng kastilyo, at
Read more
Kabanata 1387
”Tama ka.”“Ang St. Anne’s Church ay walang ginawang mali sa mga martial artists ng Sol. Ano ang ibig mong sabihin dito?”“Sigurado ka ba na wala kayong ginawang mali?” Ngumisi si James, at dumilim ang kanyang mukha.Malamig niyang sinabi, “Kung ganun, tatanungin kita, bakit may mag-ina mula Sol ang dinala dito dalawang buwan na ang nakakaraan?”Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng Arsobispo.Ang ekspresyon ang nagbigay kay James ng sagot na kailangan niya. Sigurado na siya na si Delilah at ang ina nito ay dinala sa simbahan na ito.Bigla, isang malakas na enerhiya ang lumabas mula sa kanya.Sa isang kisapmata, kaagad lumitaw siya sa harapan ng Arsobispo.Mabilis siya, at bago pa man makakilos ang Arsobispo, isang mahabang espada ang nakadikit na sa kanyang leeg.Binunot na ni James ang kanyang espada at dinikit ito sa leeg ng Arsobispo.“Huwag mong sabihin na hindi kita binigyan ng pagkakataon na mabuhay. Tatanungin kita, at sasagutin mo ako, kuha mo? Kapag hindi ako natuwa s
Read more
Kabanata 1388
Ito ang unang beses na narinig ni James ang tungkol sa Elysian Ranking.Matapos malaman na ito ang ranking ng mga pinakamalakas na tao sa mundo, medyo nagkainteres siya.Binawi niya ang kanyang espada at binalik ito sa kalupal. Pagkatapos, tinanong niya, “Interesado ako sa Elysian Ranking na ito. Sabihin mo sa akin kung ano pa ang nalalaman mo tungkol dito.”Matapos na itabi ang Balde of Justice, binawi ni James ang kanyang enerhiya. Sa wakas ay nakahinga na ng maluwag ang Arsobispo.Habang ang matandang lalaki na nakapulang robe naman, hindi siya nangahas na huminga nung pinakawalan ni James ang kanyang enerhiya. Nang hindi na siya pinipigilan ng enerhiya, nakahinga na siya ng maluwag. Subalit, nanghina ang kanyang mga binti, at bumagsak siya sa lapag, hindi magawang tumayo.Ang Arsobispo ay pinunasan ang malamig na pawis sa kanyang mukha at tiningnan si James.Hindi niya mapigilan na mapasinghap.Kahit na narinig na niya ang tungkol sa kapangyarihan ng mga martial artists ng
Read more
Kabanata 1389
”Huwag kang mag-alala. Wala naman tayong ginawa laban sa mga ancient martial artists ng Sol. ang taong hinahanap niya ay wala rito sa atin. Naniniwala ako na hindi siya kikilos laban sa akin. Namatay na sana ako kaagad kung may balak siyang kitilin ang aking buhay.”Malakas ang tibok ng puso ng Arsobispo.Si James ay nagpamalas ng nakakatakot na lakas. Ang Arsobispo ay tuluyan nang nawalan ng pag-asa na lumaban.Ang lakas ni James ay tiyak na kapantay ng top three ng Elysian Ranking. Subalit, hindi siya sigurado kung sino ang mananalo kapag naglaban ang mga ito. Matapos makakalap ng impormasyon na kailangan si James, mabilis siyang bumalik sa kwarto.Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. Si Yelena, na nakahiga sa kama, ay lumingon at bumangon. Tinitigan niya si James, na pumasok sa loob ng kwarto, at tinanong, “Kamusta? Ano ang nalaman mo?”Tiningnan ni Henry si James, hinihintay ang sagot nito.Pumasok si James sa loob ng kwarto, umupo, at nagsindi ng sigarilyo. Pag
Read more
Kabanata 1390
Hindi nangahas ang Arsobispo na tanggihan si James. Personal niyang sinamahan si James sa underground basement ng St. Anne’s Castle.Ang lagusan ng dungeon ay hindi halata at mahahanap lamang kapag may nangunguna sayo.Maraming tao ang nakabantay sa bukana ng dungeon.Nararamdaman ni James ang malakas na aura mula sa mga guwardiya, at halata naman na hindi sila mga pangkaraniwang tao. “Arsobispo.”Lumuhod ang mga guwardiya at sabay na bumati matapos nilang makita ang Arsobispo.Malungkot ang ekspresyon ng Arsobispo, at hindi siya nangahas na magsalita sa kanyang mga tauhan. Wala siyang magawa kung hindi ang lingunin si James at sinabi, “Mahal kong panauhin, wala naman talaga itong kinalaman sa akin. Pansamantala ko lang silang tinago dito…”“Tumigil ka na sa pagsasalita ng kalokohan at ipagpatuloy mo na ang pagpapakita sa akin ng daan.”“Oo, syempre. Pakiusap at sumunod lang kayo sa akin.”Hindi nagtagal, si James ay sinamahan ng Arsobispo sa loob ng underground basement.
Read more