All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 1401
- Chapter 1410
4572 chapters
Kabanata 1401
Naging pabaya si Polaris dahil sa bilis ng reaction ni James.Nanigas si Polaris. Huli na ng maayos niya ang sarili niya. Sapagkat nahawakan na ang braso niya, hindi na niya naiwasan ang atake ni James. Itinaas niya ang kabilang kamay niya para harangin ng sapilitan ang atake ni James.Boom!Dalawang makapangyarihan na True Energy ang nagkasalubong, at isang malakas na pagsabog ang dumagungdong sa kabundukan.Sa puntong ito, napaatras si Polaris sapagkat hindi niya nakayanan ang lakas. Kahit ang mga bato sa sahig ay nadurog ng husto. Napaatras ng mga tatlumpung metro si Polaris bago niya nasangga ang atake ni James. Namanhid ang braso niya, hindi siya makaipon ng lakas dito. Kumulo ang Blood Energy niya. Kahit mabilis niyang ginamit ang True Energy niya, hindi niya ito napigilan ng husto.Blergh!Sumuka siya ng dugo.Samantala, si James ay nananatili sa kinatatayuan niya, hindi kumikilos.Natahimik ang mga manonood. Bago magsimula ang laban, walang naniniwala na kayang manalo ni James.
Read more
Kabanata 1402
“Hahaha!” Humalakhak si Polaris.Totoo at minaliit niya ang lakas ni James. Pero, hindi siya matatalo sa loob lamang ng sampung rounds.Matapos itaas ang staff, makapangyarihang aura ang naramdaman sa katawan niya. Sa puntong ito, tila nanigas ang hangin sa paligid.“Blizzard.”Ikinampay niya ang staff niya.Nagbago ang daloy ng nyebe at tumungo kay James. Malambot man ang nyebe, may taglay itong matinding lakas.Ngumiti si James, “Walang kuwenta.”Habang hawak ang Blade of Justice, sumugod siya sa snowstorm. Sa mata ng mga manonood, ang nakikita lang nila ay pigurang pawala wala. Bago pa nila malaman kung anong nangyayari, nagpakita si James bigla at nakatutok na ang Blade of Justice sa dibdib ni Polaris.“Ano?”Nagbago ang kumpiyansang mukha ni Polaris at napalitan ng pagkagulat at takot.Nahigitan ng bilis ni James ang mga mata niya. Bago pa niya makita si James, nakadikit na sa dibdib niya ang Blade of Justice. Kung seryoso si James, marahil nasaksak na siya.“Iyan lang ba ang kaya
Read more
Kabanata 1403
Sumigaw si Polaris.Hindi niya matanggap ang resulta.Kung natalo ni Koehler Keyes o kaya ng First Blood Emperor ng Vampire Clan, aaminin niya sana ang pagkatalo niya.Pero, natalo siya ng bata. Pakiramdam ni Polaris napahiya siya.Habang sumisigaw siya, ikinampay niya ang staff niya, na naglabas ng malakas na puwersa. Pagkatapos, inatake niya si James ng matinding puwersa.Nagdilim ang mukha ni James, at mabilis siyang umatras. Sa isang iglap, ilang metro na ang layo niya. Matapos itaas ang Blade of Justice, humiwa siya.Nagkatamaan ang Blade of Justice at ang staff.Si James ay nasa taas ni Polaris habang magkadikit ang mga armas nila. Dahil sa lakas ni James, dahan-dahang umaatras pababa si Polaris.Clack!Matapos bumaba ng ilang metro, nabali ang staff.Napinsalaan si Polaris ng nakakatakot na Sword Energy matapos mabali ang staff. Tila saranggolang napigtasan ng tali, bumagsak siya sa sahig.Boom!Yumanig ang lupa. Nakabaon ang kalahating katawan niya sa nyebe at hindi na siya gum
Read more
Kabanata 1404
Pamilyar si James sa boses ng lalake.Ito si Callan Maverick.Noon, sinabi niya na hindi siya pupunta sa Durandal at Mount Olympus. Sa huli, pumunta pa din siya.Habang nakaupo sa bato sa tabi ni James, nanigarilyo si Callan. Habang pinapanood si Lucjan at mga martial artist mula sa Gu Sect, naging malagim ang ekspresyon niya.“Hindi ko pa nababawi ng husto ang lakas ko, pero matapos ko malaman na si Lucjan at ang ilang mga miyembro ng Gu Sect ay nandito, nag-alala ako at baka may binabalak silang masama. Mula sa nakalipas sa isang daang taon, nanatiling low profile si Lucjan habang naghihintay. Tuso siya at nakapangingilabot na tao.”Sinabi ni Callan ang balak niya kay James.Habang nakatingin kay Lucjan sa kalayuan, bumulong si James, “Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit dinala ni Lucjan ang Gu Sect sa Durandal?”“Paano ko malalaman? Oo nga pala, aatras na muna ako ngayon. Marami pa ang nagtatago sa dilim. Kailangan ko mag-ingat at hindi mabunyag ang pagkakakilanlan ko.”Hindi na
Read more
Kabanata 1405
Sapagkat may pinsala siya noon, alam niya na matagal na panahon ang kailangan bago gumaling ang pinsala. Ngunit ngayon, kahit na mas malala ang pinsala niyang inabot, itong lalake na nagmula sa Sol ay nagawa siyang gamutin sa isang iglap.Nagtanong muli si James, “Naaalala mo ba ang tungkol sa babaeng sinabi ko kanina?”Huminga ng malalim si Polaris at pilit na pinakalma ang sarili. Pagkatapos, tinignan niya si James ng seryoso ang ekspresyon niya, “Hindi ko talaga alam kung sino siya. Hindi ko pa siya nakikita noon.”“Imposible… Sinabi ng Archbishop ng St. Anne’s Castle sa akin na ikaw ang dumukot sa kanya.” Nakatitig si James kay Polaris.“Hindi ako.” Umiling-iling si Polaris. “Pero okay lang, tutulungan kita imbestigahan ang bagay na ito. Baka mayroon na gumawa nito mula sa sect ko.”Habang seryoso ang mukha, sinabi ni James, “Importante siya sa akin. Hindi lang ito, mahalaga siya sa magiging takbo ng kapangyarihan sa Sol. Kailangan ko siya mahanap sa lalong madaling panahon. Iiwan
Read more
Kabanata 1406
“Kung ganoon, deal.”Nasasabik si Polaris. Kung magkakaroon siya ng koneksyon sa mga ancient martial artist sa Sol, siguradong may mapapala siya dito. Baka mas malayo pa ang marating niya.“Magpahinga ka ng mabuti, pag-uusapan natin ito pagkatapos ng conference.”Hindi na nanatili ng matagal si James at tumalikod na para umalis.Patuloy ang matinding labanan sa Mount Olympus.Gustong-gusto makalaban ng mga martial artist sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga makapangyarihan sa Elysian Ranking. Absent ang iba sa ranking, tulad ng Archbishop ng St. Anne’s Castle.Alam ng lahat na patikim pa lang ang mga laban sa kasalukuyan. Ang tunay na laban ay nasa dulo. Ang huli at pinakamatinding laban ay laban para sa Excalibur at numero uno sa Elysian Ranking.Ang huling laban ay magaganap sa pagitan ni Polaris, Koehler, ang First Blood Emperor, at ilan pang mga tao. Ngayon, natalo na si Polaris, at napalitan ng isang tao mula sa Sol. Samantala, ang iba ay nasa ibang lebel kumpara sa kanila.Sa lu
Read more
Kabanata 1407
“Curiosity kills the cat,” malamig na sagot ni Thea.“Pasensiya na sa istorbo.”Tumalikod si James para umalis.Matapos niya umalis, nakahinga ng maluwag si Thea. Tinapik niya ang dibdib niya at bumulong, “Bakit ka bigla nagpakita? Tinakot mo ako ng husto!”Naintriga si James sa Sect Leader ng Celestial Sect. Napaisip din siya kung bakit lahat ng mga martial artist ay mahilig magmaskara. Ang Gu Sect, ang God-King Palace, ang Sect Leader ng Celestial Sect, at kahit si Callan Maverick ay nagsuot ng maskara.Umiling-iling siya at isinantabi ang mga bagay na ito. Matapos bumalik sa puwesto niya, nagpatuloy siya sa panonood sa labanan ng mga martial artist.Tumagal ang labanan ng dalawang araw.Maliban sa top ten the Elysian Ranking, nagkaroon ng matinding pagbabago ang iba. Karamihan sa mga beteranong mga martial artist ay natalo, at napalitan ng hindi kilalang mga tao.Sa ikatlong umaga…Matapos ang ilang araw ng pakikipaglaban, nanwala na ang mga ulap, at tumigil na ang pag-ulan ng nyebe
Read more
Kabanata 1408
“Excalibur…”“Iyon ba ang mala alamat na Excalibur? Ang sabi sa alamat ay ang Soul of Knights lamang ang makakabunot sa Excalibur. Nalampasan na ba ni Koehler ang Divine Knight at naging Knight’s Soul na?”“My god… Ang Knight’s Soul…”“Hindi ito kapanipaniwala!”…Nagkagulo ang mga manonood matapos bunutin ni Koehler ang Excalibur. Tumayo sila at hinangaan siya na tila diyos ang hinahangaan nila. Tahimik na inobserbahan ni Koehler si Lucjan, habang pinapakiramdaman ang enerhiyang nagmumula sa kanya.”“Eighth-rank…”Walang ekspresyon ang mukha niya.Hindi siya nagulat na isang eighth-rank grandmaster si Koehler.Matapos marinig ang kaguluhan, napabulong si James, “Sinong magaakala na naabot ng matandang iyon ang eighth-rank… Ang Knight’s Soul… Ito ba ang tawag nila dito sa West?”Matapos ito makita, walang pagbabago sa ekspresyon ni Thea. Napangiti siya at sinabi, “Iyon lang ba?”Sa ere, palakas ng palakas ang aura ni Koehler. Kahit na mayroon siyang Knight’s Soul, palapit na siya sa du
Read more
Kabanata 1409
Nagdikit ang Excalibur at epee. Dalawang makapangyarihang puwersa ang nagkasalubong, at mala alon na puwersa ang naramdaman sa kabundukan. Naapektuhan ang paligid ng kabundukan sa lakas ng puwersa kung saan yumanig ang lupa at nadurog ang ilang mga bundok.Maraming martial artist ang tumakbo mula sa Mount Olympus. Iilan lamang na mga kumpiyansa sa abilidad nila ang nanatili. Isa si James sa mga ito. Delikado man ang mga alon ng puwersa sa labanan nila, eighth-rank grandmaster din siya. Hindi siya naapektuhan nito kahit na kaunti.Isang matinding labanan ang nangyari sa ere. Gamit ang epee, nakipaglaban si Lucjan kay Koehler na hawak ang Excalibur sa mga kamay niya. Kahit na mas mapurol ang epee, may taglay itong nakakatakot na lakas. Paunti-unting natalo si Koehler na hawak ang Excalibur,.“Kamatayan!”Sigaw ni Lucjan.Nagpakita siya sa likod ni Koehler na tila kasing bilis ng kidlat at kuminang ng marami ang epee niya. Pagkatapos, nagtipon ang lahat ng kinang at sa isang iglap, tinama
Read more
Kabanata 1410
Alam na agad ni James ang kundisyon ni Koehler ng isang tingin lang. Kahit na lamang siya matapos ipakita ang lakas niya na higit sa kanina, alam ni James na naubos na niya ang lakas niya. Pagkatapos ng laban na ito, manalo man siya o matalo, mabubulok ang mga bituka niya. Mabubuhay na lang siya ng tatlong buwan at best.Hindi ito binigyan pansin ni James at patuloy na inobserbahan ang laban.Alam ni Lucjan kung anong binabalak ni Koehler. Kahit gamit ang buong lakas niya, hindi pa din kaya talunin ni Koehler si Lucjan. Ngunit, may mga bagay pa siya na dapat asikasuhin, hindi niya ginamit ang buong lakas niya laban kay Koehler at sa halip, tinipid niya ito.Patuloy ang matinding laban sa ere.Habang hawak ang Excalibur sa kamay niya, sunod-sunod ang atake ni Koehler. Naging dehado na si Lucjan.Ngunit, nagtagal lamang ito ng sampung minuto. Matapos ang sampung minuto, nagsimulang humina ang lakas ni Koehler.Sa puntong ito, umatake si Lucjan. Ginamit niya ang pagkakataon na ito para ma
Read more