All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 2401
- Chapter 2410
4584 chapters
Kabanata 2401
Hindi inaasahan ni James na ang sarili niyang anak ay pipiliin ng Heavenly Path at gagamitin ang Scythe of Judgement.Ngayon, may kaunting ideya na siya kung ano ang Scythe of Judgement. Kapareho ito ng Blade of Justice, na kayang hatulan ang kahit na sinong gumawa ng krimen at nilabag ang batas ng Solean. Samantalang si Winnie, ay para hatulan ang lumabag sa Heavenly Path.Ngunit, paano ba lalabagin ang Heavenly Path? Hindi niya alam. Masyado nga naman siyang mahina para maintinidhan ang bagay na ito.“Isang magandang panahon na ito. Kasabay nito, dumating na din ang isang madilim na punto ng kasaysayan.” Habang malungkot ang itsura, nagsalubong ang mga kilay ni Sophie at mabagal niyang sinabi, “Sa panahon na may mga Heaven’s Adjudicator, hindi mabilang ang dami ng Grand Emperor. Naniniwala ako na kapag umabot na tayo sa punto na ang mga henyo ay lumaki na at umabot na sa Grand Emperor Rank, magkakagulo na sa mundo.”Sapagkat malayo pa ito para kay James, hindi niya ito binigyan ng pa
Read more
Kabanata 2402
Ngumiti si James at nagtanong, “May problema ba?”Naupo si Cynthia sa tabi ni James at nagsalita, “James, hindi ba’t ikaw ang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga tao? Ngayon, ang lahat ay gusto maging mga disipulo mo. Nagkaroon ako ng mga problema habang nagcucultivate, kaya naparito ako para hingin ang payo mo.”“Sige.” Tumango si James.Sa mga nakalipas na araw, tinanong ni Cynthia si James sa mga bagay na naranasan niya sa cultivation, at sinagot ni James ang lahat ng tanong niya. Noong mga panahon na binisita ni James ang Wyrmstead Palace, binisita siya ng ilang mga kaibigan niya.Ngunit, mas maraming oras ang itinuon niya kay Winnie.Samantala, sa Divinity Sect sa Mount Bane…Ilang araw ang nakalipas kasunod ng laban ni James at Lucifer.Hindi makatulog sa gabi si Yuvaan.Dahil sa ipinamalas na nakakagimbal na lakas ni James at ng Infinity Steles, hindi siya mapakali. Kung ganoon kalakas ang Infinity Stele sa mga kamay ni James, anong mangyayari kung siya mismo ang gagamit
Read more
Kabanata 2403
Namumuhay ng banayad si James sa Wyrmstead. Ang orihinal na plano niya ay hanapin si Yuvaan at patayin siya. Pero, matapos malaman ang sitwasyon ni Winnie, pansamantala niyang isinantabi ang bagay na ito at nagfocus na makasama si Winnie.Hindi nagtagal, lumipas ang ilang linggo.Sa ika-18 ng Hulyo, tumunog ang mga sirena sa early-warning surveillance room sa Sol.“Nag-uulat, isang missile ang patungo sa Driftveil City!” “Pasabugin agad ang missile bago pa ito tumama sa Driftveil City!”Ngayon, nagpapanic ang mga awtoridad ng Sol.Samantala, si James ay nasa hardin ng Wyrmstead Palace.Pumasok bigla si Henry, “May masamang nangyari, James!”Binitiwan ni James si Winnie at tinignan si Henry na nag-aalala, at nagtanong, “Anong nangyari?”Nagmamadaling sumagot si Henry, “Nakatanggap ako ng coded message mula sa Sol. Nagpadala ng missile ang Sun Empire sa Driftveil City. Bukod pa dito, may satellite image na nakahanda na ang Imperial Army ng Sun Empire, at inaasahan silang dadating sa ka
Read more
Kabanata 2404
Nagmamadaling inulat ni Henry ang nagaganap sa mga labanan.Sumigaw sa galit si James, “Ang lakas ng loob nila?!”Nagpatuloy si Henry, “Mabilis na sumugod ang Imperial Army. Base sa bilis nila, makakababa na sila mula sa East Sea sa loob ng isang araw.”“Gumamit kayo ng mga weapons of Mass destruction,” sagot ni James habang galit ang itsura niya.Pagkatapos, dahil sa utos niya, nagpakawala ng mga weapons of mass destruction ang Sol.Ngunit, maraming mga makapangyarihan na cutlivator sa Imperial Army tulad ni Jairo Zymir, ang mga ito ay nakontra lang. Nagpatuloy ang hukbo ng mga kalaban.Dumating si James sa command center ng Wyrmstead. Nakita niya na nakontra ang mga weapons of mass destruction sa satellite images.Kumunot ang noo ni Henry at nagsalita siya, “Nasa Mage Rank sila o kaya higit pa…”“Interesante…” malamig na sumagot si James, “Hindi ko inaasahan na may mga makpangyarihan na cultivator ang Sun Empire. Mukhang may tumutulong sa kanila ng palihim.”Alam ni James na si Yuva
Read more
Kabanata 2405
Sa daungan sa East Sea…Desperado na ang sitwasyon, kaya sinakop ng hukbo ang buong lugar.Pagdating ng 400,thousand-strong army mula sa Celestial Abode, nagpakita sila sa lupa, ere, at sa ibabaw ng tubig. Lahat sila nakasuot ng itim na kalasag, kung saan may itim na dragon ang nakaukit. Hindi lang iyon, pero may mga espada sila sa bewang. Ang kalasag ay nilikha ni Sophie. Kahit na hindi sila top-notch na mga kalasag, pasado sila sa kuwalidad.“General!” sabay sabay silang sumagot.Matapos ito makita, natulala ang ibang mga hukbo.Samantalang si James, natuwa siya ng husto.Itong hukbo na pinapalakas niya sa loob ng Time Chamber ng Celestial Abode ng ilang taon ay para sa paghahanda sa apocalypse. Ngunit, parte sila ng mga reserba, at dumating na ngayon ang oras para magpakita sila.Gusto ni James na pigilan ang mundo sa pag atake sa kanila. Gusto niyang ipaalam sa mundo na ang Sol at Wyrmstead ay hindi magkahiwalay. Hindi lang iyon, pero mayroon silang makapangyarihang hukbo na pumopr
Read more
Kabanata 2406
“Sa loob ng isang oras, magtatagpo ang dalawang hukbo.”“Naiintindihan ko, maaari ka ng umalis.”Kumaway si Jairo. Pagktapos, tinawagan niya si Yuvaan na nanatili sa Mount Bane.“Patriarch, handa ang Sol para dito. Mayroon silang malaking hukbo ng mga cultivator na nasa Herculean Rank na umaabot sa daang libo. Sa kasalukuyang lakas ko, wala akong laban sa kanila. Maaari ka ba magpadala ng mga cultivator na makakatulong sa amin?”Matapos ito marinig, naging malagim ang itsura ni Yuvaan. Isang malaking hukbo ng Herculean Rank na nasa daang libo ang dami? Kailan nagkaroon ng ganitong hukbo ang Sol?Nagtanong siya, “Totoo ba ito?”“Opo.”“Naiintindihan ko.”Ibinaba ni Yuvaan ang telepono. Pagkatapos, nilisan niya ang main hall at tumungo sa hardin. Isang kakaibang boses ang nagmula sa isa sa mga kuwarto.Dumating siya sa harap ng pinto at kumunot ang noo niya bago siya kumatok.“Sinong nandyan?” sagot ng isang boses.“Ako ito,” sagot ni Yuvaan.“Maghintay ka,” sagot ng boses.Matapos ang i
Read more
Kabanata 2407
“Dalawampung minuto?” Napangiti ng kaunti si Bruno noong sinabi niya, “Sakto ang timing. Buburahin ko sila ng isang bagsakan. Napapaisip ako kung ano pa ang alas ni James.”Narinig ni Bruno ang tungkol sa laban ni James at Lucifer. Natural lang na alam niya kung gaano kahina si James. Nagawa lamang niyang talunin si Lucifer dahil sa paggamit niya ng Infinity Steles. Kung kaharap niya si James, hindi niya bibigyan ng pagkakataon si James na gamitin ang Infinity Steles.Noong maalala niya kung gaano kalakas ang Infinity Steles, napalunok siya. Kung mapapasakamay niya ang lakas na ito, sino pa ang magkakaroon ng laban sa kanya? Sa oras na ito, lumalakas ng lumakas ang kagustuhan na mapasakanya ang Inifnity Steles.Ang dalawang hukbo ay nagpatuloy, inutos ni Bruno na bagalan nila.Samantala, mabilis ang paglalakbay ni James at ng hukbo niya. Kinailangan niyang pigilan ang mga kalaban niya sa dagat, malayo sa East Sea. Kung hindi, malaking pinsala ang aabutin ng rehiyon.Matapos ang dalawam
Read more
Kabanata 2408
Matapos ito marinig, huminga ng malalim ang tatlo.Tumingin sa malayo si James. Sa malayo, naramdaman ni Bruno ang malakas na aura mula sa Magic Circle. Kahit na nakakaramdam siya ng pressure, hindi niya ito binigyan pansin. Sapagkat Sage siya, walang kapantay sa lakas.Habang nakatingin kay James sa harapan niya, nagdilim ang mukha niya, “Hindi ko inaasahan na si James ang mamumuno sa hukbo ngayon. Kung ganoon, dadakpin ko siya ng buhay.”Sapagkat alam niyang hawak ni James ang Infinity Steles, naging seryoso siya. Sa isang kisapmata, nagpakita siya sa ere ng ilang libong metro ang layo sa hukbo ni James.Malamig na nagtanong si James, “Sino ka?”Tumitig si James kay Bruno at sa 400,000-strong army sa likod niya. Nararamdaman niya na nagsanib ang aura ng hukbo. Pagkatapos, inilipat ito sa tatlong pinuno at pagkatapos, kay James.“Kakaiba…”Masama ang pakiramdam niya.“Mamatay ka!”Hindi niya sinagot si James, naging malamig ang ekspresyon niya at nakakasilaw na espada ang nagpakita s
Read more
Kabanata 2409
Ang espada ng 400,000 na cultivators na nasa Herculean Rank ay lumipad at naipon para lumikha ng higanteng espada. Ang espada ay nagtataglay ng kapangyarihan ng 400,000 na mga cultivator. Kahit si Bruno na nasa Sage Rank ay walang laban dito.Parang sarangola na pinutulan ng tali, bumagsak siya mula sa ere patungo sa karagatan.Masyadong nakakatakot ang puwersang nilikha ng espada. Ang mga aircraft carriers sa malayo ay tinamaan ng aura at agad na nadurog sa kawalan. Samantala, ang mga sundalo ng Sun Empire at mga cultivator na sumali kay Yuvaan ay nabura ng isang atake.Sa isang atake lang, binaliktad ni James ang laban.“Whew!”Kahit si James hindi mapigilan na kilabutan.Ang Nine Heavens God-Annihilating Formation ay masyadong malakas. Sino sa daigdig ang nag-imbento ng ganitong formation? Ang kapangyarihan ng libo libong mga cultivator na pinagsama ay tunay na nakakatakot.“Patay na ba siya?”“Sa tingin ko hindi pa.” Sagot ni James. “Hindi biro ang Sage Rank. Kahit na ang Nine Heav
Read more
Kabanata 2410
Boom!Pagkatapos, sumabog ang katawan ni Bruno, at naglaho ng parang bula.Noong makita nila ito, natanga ang 400,000-strong army. SI Henry, Delainey at Blithe King ay natulala. Kahit si James hindi makapaniwala sa nakita niya.“Ito ba ang tunay na kapangyarihan ng Infinity Steles? Tama si Sophie. Habang mas malakas ako, mas nakakatakot ang puwersa ng Infinity Steles.”Huminga ng malalim si James.Kung nakatawid na siya sa Sage Rank, hindi na simpleng blunt weapon ang Infinity Steles. Magiging walang kasing lakas na armas na ito.“J-James, namatay ba ang Sage ng ganoon lang?” hindi makapaniwala si Delainey.Nagsalita din si Henry, “Naglaho sa kawalan ang pisikal na katawan niya. Kahit abo walang natira. Naglaho siya ng tuluyan.”“Haha…” pinuri siya ng Blithe King. “Napakalakas at nakakatakot! Walang dapat ikatakot ang Sol dahil kay James at sa 400,000-strong army niya!”Inayos ni James ang sarili niya at ngumiti ng kaunti, at sinabi, “Hiniram ko lang ang lakas nila. Magagawa ito ng kah
Read more