All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 2931
- Chapter 2940
4588 chapters
Kabanata 2931
Tumango si James, tumingin kay Yevpraksiya, at nagtanong, “Gaano ako katagal sa ilalim ng closed-door meditation?” Nagcucultivate si James sa loob ng Time Chamber. Patuloy ang pagtaas ng rank niya. Alam niyang nasa loob siya ng Time Chamber nang matagal na panahon, pero hindi niya alam kung gaano karaming taon ang lumipas sa labas. Sabi ni Yevpraksiya, “Kaunti lang. Limampung taon lang.” “Limampung taon?” Bumulong si James. Inisip niyang maraming taon na ang lumipas. Hindi niya inakalang limampung taon pa lang pala ang lumipas. Pagkatapos magcultivate ng mahabang panahon, medyo nayamot din siya. Nagtanong siya, “Nasaan na tayo? May mas malalaking mundo ba rito? Magpahinga muna tayo.”Binuksan kaagad ni Yevpraksiya ang interstellar navigation system at tinignan ito. “Sir, nasa harapan lang natin ang Eidolon Realm.”“Ang Eidolon Realm?”Mukhang nagtaka si James. Wala siyang alam tungkol sa Boundless Realm kaya wala siyang ideya kung anong klase ng mundo ang Eidolon Realm.
Read more
Kabanata 2932
Pagkatapos maglakbay sa kalawakan nang higit sa isandaan at limampung taon, balak ni James na magpahinga sa Eidolon Realm. Ang Eidolon Realm ay isa sa top major worlds sa kalawakang ito. Sa mundong ito ay may isang alamat. Siya si Xainte Callahan. Kilala ang pangalan ni Xainte sa buong Boundless Realm. Mabilis na pumasok sa Eidolon Realm ang Saucer at huminto sa isang bulubundukin. Binuksan nina James at Yevpraksiya ang pinto ng Saucer at naglakad palabas. Simpleng kumaway si James at lumiit ang Saucer. Sa huli ay itinabi niya ito sa Celestial Abode. Tinignan ni James ang paligid niya. Isa itong bulubundukin, at napakarami ng Primordial Energy dito. Gayon na nga, nasa pinakamataas na lebel ito ng kapangyarihan ng langit at lupa. Nang nakaunat ang mga braso niya, huminga nang malalim si James. Kumalma ang pores sa buong balat niya at sobrang gumaan ang pakiramdam niya. “Ang ganda nito sa pakiramdam.”May ngiti sa mukha ni James. Mula sa tabi, nagtanong si Yevpraksiya,
Read more
Kabanata 2933
Medyo lima na ang Southern Plains City at mahaba ang kasaysayan nito. Nasa sampu-sampung libong metro ang taas ng pader ng lungsod na gawa sa itim na bato. Higit pa roon, mukhang malubhang naapektuhan ng paglipas ng oras ang pader ng lungsod. Mukhang maraming beses na itong inayos. Sa city gate, patuloy ang daloy ng mga tao. Naglabas-masok ang mga tao nang bugso-bugso. Sa sinaunang kalye sa labas ng lungsod, isang lalaki at isang babae ang papalapit. Gwapo ang lalaki. Nakasuot siya ng puting balabal at naglalabas ng pambihirang karisma. Maganda ang babae. Nakasuot siya ng asul na bestida at nakasunod sa lalaki. Sa isang tingin, malinaw na siya ang tagasunod niya. Sila ay sina James at Yevpraksiya na papasok dito. Nang nakita nila ang isang napakalaki at mataong lungsod, hindi napigilan ni James na mapasabing, “Ang laki. Kagaya ng inaasahan sa isa sa pinakamalalakas na planeta sa Boundless Realm.”Natulala rin si Yevpraksiya. Nagmula siya sa Stardust Realm na isang maliit
Read more
Kabanata 2934
Sa sandaling umalis si James sa lungsod, nakita niyang lumitaw ang isang babaeng nakatayo sa makulay na ilaw sa Southern Plains City. Hindi nagtagal, lumitaw siya sa langit sa labas ng city gate. Dahan-dahan siyang bumaba mula sa langit at marahang lumapag sa lapag. May sumigaw, “Xainte.”Nang narinig ang pangalang ‘Xainte’, nagkagulo ang lahat. “S-Siya nga si Xainte.”“Wow. Hindi ko inasahang makikita ko si Xainte dito.”…Puno ng paghanga ang ekspresyon ng bawat isang lalaki roon. Tinitigan nila si Xainte na para bang nakatingin sila sa gusto nilang maging kasintahan. Narinig na ni James ang pangalang ‘Xainte’ noon. Alam niyang si Xainte ang pinakanakakatakot na henyo sa kasaysayan ng Boundless Realm. Sa loob lang ng tarlomping libong taon, nakapasok siya sa Quasi-Emperor Rank at naging isa sa pinakamalakas na cultivators sa mundong ito. Alam niya rin na si Xainte ang pinakamagandang babae sa mundong ito. Nanatili rin ang titig niya kay Xainte. Mukhang nasa dalawamp
Read more
Kabanata 2935
Nagsimulang magsalita nang walang tigil ang lalaking ito. “Usap-usapang nagmula si Xainte sa Great Wilderness. “Tatlompung libong taon ang nakaraan, isang Sect Elder ng Paragon Sect ang nakaramdam ng anomalya sa Great Wilderness kaya nagpunta siya roon, pagkatapos ay bumalik siya nang may kasamang sanggol. “Para naman sa mismong nangyari, maliban sa Great Elder ng Paragon Sect, walang nakakaalam rito.”…Sa pagtatanong niya, may nalaman si James, at iyon ay ang katotohanang nagmula si Xainte sa Great Wilderness. Walang nakaaalam sa detalye. Kanina, narinig niya ang usapan sa pagitan nina Xainte at Yikron. Para bang nasa Great Wilderness ang nanay ni Xainte. Para naman sa kung tungkol saan ang lahat ng ito, walang nakakaalam nito. Kamukha ni Xainte sina Thea at Winnie. Pakiramdam ni James ay hindi ito nagkataon lang. Baka kamag-anak siya ni Thea. Gayunpaman, kung magkamag-anak talaga sila, magkaano-ano sila mismo? Hindi kaya anak ni Thea si Xainte? Sino pala ang ama niy
Read more
Kabanata 2936
Gustong malaman ni James ang totoo. Kahit na ganun, hindi siya makapasok sa ngayon. Ang lugar na ito ay ang tirahan ng Southern Academy. Kahit ang mga disipulong nagbabantay sa main entrance ay mga cultivators na nasa Thirty-third Stage ng Sage Rank at malapit nang makapasok sa Divine Rank. Nang may ganito kalakas na cultivators na nagbabantay sa main entrance, napakahirap para sa kanya na makapasok sa tirahan. Ngayon, ang magagawa niya lang ay maghintay sa labas ng entrance. “Sir, kalimutan na natin to.” Patuloy siyang pinipigilan ni Yevpraksiya. “Maghihintay tayo rito. Imposibleng hindi ko makikita si Xainte.” Tumayo si James sa entrance ng tirahan ng Southern Academy. Nagsimulang maghintay si James sa entrance, at naghintay rin si Yevpraksiya kasama niya. Gayunpaman, sandali lang silang naghintay bago maraming nilalang ang nagtipon sa entrance. Ang lahat ng mga nilalang na ito ay nagpupumilit na nakita si Xainte, pero lahat sila ay pinigilan ng mga bantay sa entrance.
Read more
Kabanata 2937
Ang lakas ng pinakamahina sa kanila ay nakarating na sa Divine Rank. May ilan pa ngang indibidwal na nakarating na sa Three Divine Stages at papasok na sa Quasi-Emperor Rank. Nang nakita ni James ang napakaraming prominenteng nilang na nasa main entrance ng tirahan ng Southern Academy, bahagyang nagsalubong ang kilay niya. ‘Talaga bang ganito kasikat ang Xainte na'to? Kaya niyang makatawag ng maraming malalakas na personalidad.’Habang nagtipon ang maraming prominenteng personalidad, isa na namang lalaki ang naglakad mula sa malayo. Mukhang nasa dalawampung taong gulang ang lalaki at nakasuot ng puting balabal. Sa balabal niya, nakasulat ang salitang ‘Elixir’ rito. Mayroon rin siyang makinang na badge sa dibdib niya. Nakilala ito kaagad ni James sa sandaling nakita niya ito. Isa tong badge ng isang alchemist. Nagsalita si Yevpraksiya nang may mahinang boses sa tabi ni James, “Sir, mula siya sa Elixir Pavillion. Isang espesyal na badge ang badge na suot niya sa dibdib niya. Is
Read more
Kabanata 2938
Naglakad si Xainte papunta sa main entrance at hindi nagtagal ay dumating siya sa main entrance. Sa main entrance ng tirahan ng Southern Academy, nagtipon ang mga henyo mula sa mga prominenteng pamilya at sects sa Southern Plains City. Sa kabilang banda, nagpunta rito si Jules ng Elixir Pavilion mula pa sa Holy Realm. Nagpunta siya mismo para nakita si Xainte. Sa sandaling lumabas si Xainte, napansin niya ang isang makapal na kulumpon ng mga nilalang. Nang nakita niya ang mga lalaking ito, may pandidiri sa mukha niya. Naghihintay si James sa entrance. Nang nakita niyang lumabas si Xainte, mabilis siyang naglakad papunta sa kanya. Gayunpaman, bago pa siya nakalapit, nakaramdam siya ng malakas na pwersa. Dahil sa pwersang humarang sa kanya, hindi siya makausad. Tumingin siya sa malayo at napansin niyang ang taong naglalabas ng pwersang ito ay si Jules mula sa Elixir Pavilion. Isang malakas na pwersa ang lumalabas sa katawan ni Jules na pumigil sa lahat ng lalaki sa entrance n
Read more
Kabanata 2939
Kasabay nito, tinanong niya ang Spirit Tool sa Celestial Abode. “Spirit Tool, may posibilidad ba na anak ko si Xainte?” Tinanong ni James ang Spirit Tool sa Celestial Abode. Isa itong tahasang konklusyon. Gayunpaman, nang nilapitan niya si Xainte, nakaramdam siya ng lukso ng dugo. Isa itong kakaibang ideya dahil matagal na panahon na niyang hindi nahahawakan si Thea. Higit pa roon, bago pumunta sa Boundless Realm, sumailalim siya sa isang closed-door meditation kasama ni Thea. Nag-aral sila ng Elysian characters at nagcultivate nang mag-isa. Pagkatapos nito, nagpunta sila kaagad sa Boundless Realm. Hindi ito umayon sa oras. Imposibleng anak niya si Xainte. Alam ng Spirit Tool ang lahat ng karanasan ni James. Pagkatapos itong pag-isipan, nagsabi ang Spirit Tool, “Mhm. Posible ito.”“Posible to?” Kaagad na natuwa si James. Nagpaliwanag ang Spirit Tool, “Ang siyam na buwan ng pagbubuntis ay para lang sa tipikal na tao. Habang mas malakas ang cultivation base, mas matagal an
Read more
Kabanata 2940
Masyadong malawak ang Great Wilderness. Napakahirap para kay James na mahanap si Xainte sa malawak na kabundukan ng Great Wilderness. Tumayo siya sa tuktok ng isang bundok at nagsimulang mapaisip. Kung gusto niyang mahanap si Xainte, kailangan niya munang maintindihan kung bakit nagpunta si Xainte sa Great Wilderness. Narinig niya kaninang kausap ni Xainte si Yikron at nabanggit niya ang nanay niya. “Hindi kaya nagpunta si Xainte sa Great Wilderness para hanapin ang nanay niya?”Nang pinag-isipan ito ni James ay kaagad siyang nabuhayan. Ayon sa spekulasyon niya, anak niya si Xainte, kaya si Thea ang nanay niya, tama? Nasa Great Wilderness ba si Thea?Sa sandaling ito, puno ng sigla si James. Gayunpaman, wala rin siyang magawa. Hindi niya alam kung saan pupunta mula rito. Umaasa talaga siya na kagaya nga ito ng hula niya, na nasa Great Wilderness si Thea. Kung ganun, makikita niya siya at hindi na niya kailangang mag-alala tungkol sa paghahanap sa kanya. Hindi niya alam ku
Read more