All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 2951
- Chapter 2960
4588 chapters
Kabanata 2951
“Ginamit namin ang Time Capsule at sapilitan na nagbukas ng lagusan patungo sa Boundless Realm.”“Wala ng masyadong natitirang oras para sa sangkatauhan. Para mahanap ang Ancestral God Rank Elixir, ipinadala kami ng Realm Lord ng mga tao sa nakaraan gamit ang Time Capsule. Ngunit, isang hindi inaasahang problema ang nangyari habang naglalakbay kami sa nakaraan.”“Nagpakita ako isang daang libong taon sa nakaraan samantala, si Thea ay ipinadala sa ibang panahon.”Habang nagsasalita, sinulyapan ni James si Xainte.Nagsalubong ang mga kilay ni Xante. Sinusubukan niyang alamin kung totoo ang mga kuwento ni James.Naintindihan ni James na mukhang imposible ang mga kuwento niya kay Xainte, kaya inilabas niya ang Crucifier at sinabi, “Ito ang Crucifier. Sumanib ito sa Exalter ni Thea noong nasa Time Capsule kami.“Maaaring hindi ka naniniwala sa akin, pero siguradong ipapaliwanag niya sa inyo ang lahat kapag nahanap ninyo siya.”Tumawa si Xainte at sinabi, “Ha. So base sa sinasabi mo, ikaw an
Read more
Kabanata 2952
Napaisip si James. Samantala, sinusubukan alamin ni Xainte kung nagsasabi ng totoo si James.Base sa sitwasyon, mukhang hindi siya nagsisinungaling.Marami siyang alam, lalo na kay Thea. Bukod pa doon, alam niya na Curse Magic ang masamang enerhiya na naramdaman niya mula kay Thea.May Curse Magic din ang taong ito sa katawan niya.Base sa lahat ng mga ito, si James ang ama niya at nagsasabi siya ng totoo.Tinignan ni Xainte si James.Mahirap para sa kanya na tanggapin ang taong ito na ama niya.Maganda na nahanap niya ang ama niya, pero napakahina niya. Hindi niya agad matanggap ang katotohanan.“Nasaan si Thea ngayon? Nasa Malevolent Demon Residence ba siya?” tanong ni James.Hindi pa handa si Xainte na pagkatiwalaan si James.Kasabay nito, hindi niya magawa magsinungaling noong tinanong siya ni James. Nagsabi siya ng totoo, “Base sa naalala ko, walang Malevolent Demon Residence. Nanirahan ang ina ko sa kailaliman ng Great Wilderness pero hindi siya nagcultivate sa kuweba. Paano niya
Read more
Kabanata 2953
Hindi sigurado si James kung bakit nasa katawan muli ni Thea ang Curse Magic, pero nagpapasalamat siya at immune siya doon. Basta mahanap niya si Thea, maaalis niya ang sumpa sa katawan niya.Tumigil si Xainte bago mabilis na umalis.Samantala, nanatili si James sa puwesto niya.Ang kuweba ay puno ng panganib at maaaring patibong ang lahat ng ito.Nakahinga siya ng maluwag dahil nandito si Xainte.Kung kahit si Xainte ay walang nagawa dito, hindi siya magtatagumpay gamit lamang ang lakas niya.Pinili ni James na tumalikod at umalisNilisan niya ang Malevolent Demon Residence at pansamantalang nagpahinga sa katabing kabundukan para hintayin si Xainte.Samantala, ang Great Elder ng Southern Academy at iba pa na mga elder ay bumalik sa Southern Plains.Isang lalake ang nakaupo sa bato sa bangin sa likod na bundok ng Southern Academy. Nakasuot siya ng beige na robe at mukhang 40 na taong gulang. Ngunit, may puti siyang balbas.Nagpakita ang Great Elder sa bangin at magalang na binati ang l
Read more
Kabanata 2954
Ang Great Elder ng Paragon Sect ay Qusai-Emperor din.Ngunit, Qusai-Emperor Rank’s Second Tribulation lamang ang lakas niya at kapareho niya si Xainte.Hindi lamang siya powerhouse sa Eidolon Realm, pero makukunsidera siyang top powerhouse sa Boundless Realm.Matapos matanggap ang utos mula sa Southern Reverend, ipinaalam niya sa apat na academy ang tungkol sa Malevolent Demon at inimbitahan ang mga headmaster na magtipon sa Southern Academy para pag-usapan ang bagay na ito.Pagkatapos, mabilis siyang pumunta sa Paragon Sect.Noong dumating ang Great Elder ng Southern Academy sa Paragon Sect, nakipagkita ang Great Elder ng Paragon Sect sa kanya, na teacher din ni Xainte.“Sir Haberly.”Ang pangalan ng Great Elder ng Paragon Sect ay Mateo Jackman. Isa siyang Quasi-Emperor Rank’s Eighth Tribulation.Samantala, ang pangalan ng Great Elder ng Southern Academy ay Niklaus Haberly.Sa loob ng main hall ng Paragon Sect, isang mas matandang lalake na nasa 60 ang edad ang naupo sa pinakamataas n
Read more
Kabanata 2955
Hindi makapaniwala ang Martial Reverend. “Pinanood ko siyang mamatay noon. Sigurado akong namatay siya sa harapan ko, kaya paanong buhay pa siya?”“Nagmula ang balitang ito sa mapagkakatiwalaan na tao. Nagsama ang Great Elder ng Southern Academy ng grupo ng mga elder sa kailaliman ng Great Wilderness. Nakalaban pa nila ang Malevolent Demon at nagtamo sila ng pinsala. Personal na tumungo ang Great Elder ng Southern Academy para ipaalam sa atin ang balita”Matapos ito marinig ng Martial Reverend, sumimangot siya.Personal niyang nasaksihan kung gaano nakakatakot ang Malevolent Demon.Isa siyang Grand Emperor na makukunsiderang walang katapat sa Eidolon Realm. Pero, nagawa siyang iwan ng pinsala ng Malevolent Demon kahit na sabay-sabay siyang inaatake ng mga powerhouse 30,000 na taon na ang nakararaan.Magkakaroon ng matinding trahedya sa Eidolon Realm kung tunay na nakaligtas ang Malevolent Demon.Agad na tumayo ang Martial Reverendat tumungo sa main hall.Matagal ng naghihintay si Nikla
Read more
Kabanata 2956
Nanatili si James sa paligid ng Malevolent Demon Residence ng isang buwan.Matiyaga siyang naghintay sa bundok. Sa buong oras na nakalipas, nakakita siya ng maraming mga cultivator ang nagpapakita sa kailaliman ng Great Wilderness at pumapasok sa Malevolent Demon Residence.Ngunit, sa lahat ng pumasok sa loob, wala pang lumalabas ni isa.At least milyun-milyong mga cultivator na ang pumasok sa Malevolent Demon Residence sa ngayon.Tinignan ni James ang malaking bundok sa harapan niya at napaisip.Ang naisip niya, “Gaano ba kalaki ang Malevolent Demon Residence? Bakit hindi pa nakakalabas ang mga pumapasok sa cultivator? May nangyari kaya sa kanila…”Habang dumadami ang posibilidad sa isip niya, isinantabi niya ang mga ito.“Maraming mga cultivator ang pumasok. Imposible na walang nangyari.”Samantala, hindi mabilang na mga powerhouse ng Eidolon Realm ang nagtipon sa Southern Academy.Ang Southern Academy ang isa sa limang major academy ng Eidolon Realm. Makukunsidera silang malaking pu
Read more
Kabanata 2957
“Tatlumpung libong taon na ang nakararaan, Grand Emperor na ang Martial Reverend. Ngunit, matindin ang tinamo niyang pinsala mula sa Malevolent Demon noon. Matapos ang laban, nanatili siyang nasa seclusion sa sumunod na tatlumpung libong taon.”“Sapagkat kinailangan ng maraming mga powerhouse para talunin ang Malevolent Demon, siguradong walang kapantay na lakas ang makakamit ng makakakuha sa pamana niya.”“Tumungo tayo sa Great Wilderness at tignan ang mangyayari.”Matapos ang diskusyon na naganap sa pagitan ng mga powerhouse sa Southern Academy, maraming mga cultivator ang tumungo sa Great Wilderness ng Eidolon Realm.Gusto nilang panoorin ang laban sa pagitan ng Malevolent Demon para subukin na makuha ang pamana niya.Kahit na wala silang gaanong pag-asa para makuha ang pamana, gusto nilang umasa na baka suwertihin sila.Samantala, walang alam si James sa mga nagaganap sa labas ng Great Wilderness.Hindi niya alam na hindi mabilang na dami ng mga powerhouse ang patungo sa kailaliman
Read more
Kabanata 2958
Bumalik si James sa kuweba sapagkat natatakot siya na may masamang nangyari kay Xainte sa loob ng Malevolent Demon Residence.Matapos makita na ligtas si Xainte, nakahinga siya ng maluwag.Base sa sitwasyon, ang mga pumasok sa Malevolent Demon Residence ay ligtas. May abilidad sila para makaalis pero ayaw nila.Lahat sila gusto marating ang pinakamalalim na bahagi ng kuweba para makuha ang pamana ng Malevolent Demon.Matapos makumpirma ni James na okay lamang si Xainte, inobserbahan niya ang mga pattern sa batong pader.Magulo ang mga pattern, at may nawawalang piraso sa gitna. Tila isang puzzle ang batong pader sa harap nila.Bumulong si James, “Kailangan ba natin ayusin ang mga pattern para makapasok?”Pagkatapos, lumapit si Xainte at nagtanong, “Anong sa tingin mo? May naalala ka ba na kahit na ano?”Maraming tao ang nakatayo sa tabi ni Xainte, kabilan si Yikron at Jules na kinalaban kanina si Xainte. Ang mga tao na malapit sa paligid ni Xainte ay mga makapangyarihan.Sa oras na lum
Read more
Kabanata 2959
“Haha.” Tumawa si Nova at sinabi, “Ang Grand Emperor na katulad ni Emperor Jabari na maraming nakamit ay hindi ganoong kadali na mamamatay. Hindi madali para sa kanya ang mamatay.Kahit ang Heavenly Path hindi mapatay si Emperor Jabari.”“Teka, buhay pa si Emperor Jabari?”tanong ni James.Nanatili si James sa puwesto niya habang ang Primordial Spirit niya ay pumasok sa Celestial Abode.Nagpakita ang primordial spirit niya sa harapan ni Nova.Nagtanong si James, “Ang ibig mo ba sabihin buhay pa si Emperor Jabari?”Nag-isip si Nova bago sumagot, “Patay na siya.”“Patay na siya? Pero sinabi mo kanina…”Naguluhan si James sa pinag-uusapan nila.Ipinaliwanag ni Nova, “Patay na talaga si Emperor Jabari. Nasira ang katawan niya noong Primordial Age, at matindi ang pinsala ng kaluluwa niya. Kaya, naglaho na siya sa mundong ito.”Kaunti lamang ang nalalaman ni James tungkol kay Emperor Jabari.Ang lahat ng alam niya tungkol kay Emperor Jabari ay isa siyang makapangyarihan na pigura noong Primord
Read more
Kabanata 2960
Hindi inaasahan ni James na ang natitirang parte ng kaluluwa ni Emperor Jabari ay sumanib sa Celestial Abode.Matagal na niyang hawak ang Celestial Abode pero hindi niya alam ang bagay na ito.Nagsalita si Nova, “Ako lang sa buong universe ang nakakaalam nito. Kahit si Sophie, na matagal na nanatili sa Celestial Abode, ay hindi alam na sumanib ang kaluluwa ni Emperor Jabari sa Celestial Abode.”Napaisip si James. Matapos ang ilang sandali, nagtanong siya, “Kumusta si Emperor Jabari ngayon?”Sumagot si Nova, “Paano ko ba ito ipapaliwanag…? Patay na si Emperor Jabari, pero may maliit na parte ng kaluluwa niya ang nandito pa sa Celestial Abode. Basta may maliit na piraso ng kaluluwa niya, mabubuhay siya muli sooner or later. Narecover na ni Emperor Jabari ang kapangyarihan niya noong una. Ngunit, nakaengkuwentro ni Sophie ang Heavenly Path habang sinusubukan ka na tulungan, at nagpakita ang natitirang bahagi ng kaluluwa ni Emperor Jabari para pigilan ang nakamamatay na atake ng Heavenly P
Read more