All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 2991
- Chapter 3000
4588 chapters
Kabanata 2991
”Ano nang gagawin natin ngayon?”Isang Quasi-Emperor ang nagsalita habang nanginginig ang kanyang boses. Ang lahat ng nakaabot sa Quasi-Emperor Rank ay mga prodigy na nagtataglay ng matibay na isipan at walang kapantay na lakas ng loob. Ngunit napuno ng takot ang puso ng Quasi-Emperor na ito. Tumingin ang lahat sa Martial Reverend, kay Thea, at kay James. “Hee hee hee…”Isang kakaibang halakhak ang kanilang narinig. Pagkatapos, isang matandang lalaking nakasuot ng itim na balabal ang lumipad palabas ng main hall. Nasa likod niya ang labindalawang napakalakas na indibidwal na nakasuot ng mga maskara at mga itim na balabal. Nang makita ang matandang lalaki, nanlaki ang mga mata ni Thea. “Siya ‘yun!”Nang maramdaman niya ang aura ng kalaban, sumigaw siya, “Siya yung kumontrol sa'kin. Siya ang Chancellor ng Sanctuary of Darkness at ang mastermind sa likod ng mga nangyari.”Tumingin si James sa matandang lalaking nakasuot ng itim na balabal. “Thea Callahan, hindi ko inasahan
Read more
Kabanata 2992
Gumagamit ng Curse Magic ang Chancellor. Gayunpaman, pagkatapos itong magpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon, nagkaroon na ng maraming baryasyon ang Curse Magic ngayon. Ang Curse Magic na gamit niya ay ang Mind Control Art. Ang Mind Control Art ay isang Curse Magic na may kakayahang kontrolin ang ibang mga buhay na nilalang. Nang gamitin niya ang Mind Control Art, nagsimulang magwala ang mga halimaw na nasa likod niya. Tila nakakaramdam ng matinding sakit ang mga halimaw na ito, puno ng paghihirap ang kanilang mga sigaw. Umalingawngaw sa kalangitan ang nakakabinging mga sigaw na puno ng paghihinagpis, na sumira sa madidilim na ulap at yumanig sa lupa. “Sugod!”Sumenyas ang Chancellor. Pagkabigay niya ng kanyang utos, hindi mabilang ang mga halimaw na sumugod.Nagbigay si James ng ilang katanungan sa Chancellor, na tumanggi naman siyang sagutin. Nang makita niyang pasugod sa kanila ang mga kalaban, iniutos niya na, “Pumasok kayo sa formation!”Pagkabigay niya ng utos, apat
Read more
Kabanata 2993
Pinakalma ni James ang kanyang mga kalamnan at ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. Nang maramdaman niya ang kapangyarihan sa loob ng kanyang katawan, hindi niya napigilang sabihin na, “Ito ba ang kapangyarihan na kayang higitan maging ang Divine Rank? Nakakatakot…”“James, salo!”Ihinagis ni Thea ang Crepe Myrtle Divine Sword papunta kay James, na nagawang saluhin ito. Habang hawak ang Divine Sword, nanginig si James. Pagkatapos, nagmula ang napakalakas na kulay lilang liwanag sa Divine Sword.“Napakalakas ng Divine Sword na ‘to!”Habang hawak ang Divine Sword, nararamdaman ni James ang napakalakas na kapangyarihan na nagmumula sa espada. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito.Sa sandaling iyon, sumugod ang Martial Reverend patungo sa mga halimaw at inatake niya ang mga ito. Dahil isa siya sa mga pinuno, kaya niyang gamitin ang kaunting kapangyarihan ng hukbo ng apat na raang libong malalakas na mga cultivator. Sa tulong ng formation, para siyang isang diyos ng digmaan. Sumugod s
Read more
Kabanata 2994
Sa sandaling iyon, maging ang isang cultivator na kasing lakas ng Martial Reverend ay naguluhan. Noong sinira ni James ang Flowery Pattern Formation, alam niya na si James ay isang hindi kilalang makapangyarihang cultivator. Noong inamin ni James na hindi siya ganun kalakas at nasa Sage Rank pa lamang siya, natawa lamang ang Martial Reverend. Gayunpaman, matapos niyang makita na nahirapan si James na kontrolin ang kapangyarihan ng formation, pinili niyang maniwala sa mga sinabi ni James noon. Ngayon, pagkatapos niyang makitang gamitin ni James ang nakakatakot na sword technique, naguluhan siya.“Sino ba talaga siya? Ano ba talaga ang rank niya?”Sa sandaling iyon, sumugod na si James sa hukbo ng mga halimaw. Noong nasa Planet Galileo siya, nilabanan niya ang Heavenly Path Embodiments ng tatlumpung libong taon. Nagpamalas ng iba't ibang malalakas na mga sword technique ang mga Embodiment, at pinag-aralan niya ang mga ito at ihinalo niya ang mga ito sa kanyang First Swordsmanship. Ga
Read more
Kabanata 2995
Ngayon, inalis ni Thea ang Mind Control Art sa mga halimaw na ito at pinakawalan sila mula sa kontrol ng Chancellor. Pagkatapos niyang magmura, tumingin sa malayo ang Chanceller ng may seryosong ekspresyon. “Hmph, magpakasaya kayo hangga't kaya niyo! Sa oras na mamatay si James, walang makakatakas sa inyo.”Hindi nataranta ang Chanceller. Iyon ay dahil siya lang ang tanging nakakaalam ng daan palabas sa Cursed World. Isa pa, napakalakas ng Curse Power dito. Sa ganitong klaseng mundo, walang makakatalo sa kanya. Pagkatapos alisin ni Thea ang Mind Control Art sa ilang mga halimaw, pansamantalang huminto ang umaatikabong labanan. Ang lahat ng mga tingin ay nakapako kqy James at sa hukbo ng apat na raang libong malalakas na mga cultivator. Sa sandalong iyon, sumulpot si James sa harap ng Twelve Furies. Habang hawak ang Divine Sword, tumingin siya sa kanila at tinutok ang espada sa kanila. Lumipad sa ere ang napakalakas na Sword Energy, at sinabi niya ng may seryosong ekspresyon, “
Read more
Kabanata 2996
“Argh!”Umalingawngaw sa buong lugar ang nakakapangilabot na sigaw.Sa ilalim ng mapagmasid na mga mata ng nakararami, isang Grand Emperor na nasa Third Heaven ang naging abo. Walang natira maging sa Primordial Spirit niya. Nabigla ang lahat. Anong nangyari? Ganun lang kadaling namatay ang isang Grand Emperor na nasa Third Heaven? Sino ang taong ‘yun? Paano siya nagkaroon ng nakakatakot na kapangyarihan? Pagkatapos patayin ang Fury, nagtipon-tipon ang mga anino ni James upang buuhin ang orihinal niyang katawan. Habang hawak ang Divine Sword, tumingin siya sa natitirang labing isang Fury ng may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, at sinabi niya ng nakangisi, “Curse Magic, huh? Hayaan niyong ipakita ko sa inyo ang tunay na Curse Magic.”Bagama't Confinement at Reincarnation lang ang alam ni James, gusto niyang makita ang tunay na kapangyarihan ni James. Itinabi niya ang Divine Sword, tumayo siya sa ere at gumamit ng Curse Magic. Sa sandaling iyon, ang mga itim na karakter sa
Read more
Kabanata 2997
Humalakhak ng malakas ang Chancellor. Walang makakatalo sa kanya sa mundong ito. Walang kayang lumaban sa kanya.Sa sandaling iyon, nagmamadaling sumulpot si Thea sa tabi ni James. Dahil naapektuhan siya ng Curse Power, namutla at naglabasan ang mga berdeng ugat sa kanyang mukha.“Kailangan mong mag-isip ng paraan, James! Hindi na makakatagal pa ang hukboi ng apat na raan-libong-malakas na mga cultivator. Kapag nasira ang formation, katapusan na nating lahat."Ang nagmamadali niyang sinabi.Malagim ang ekspresyon ng mukha ni James.Tumingin siya sa Chancellor sa di kalayuan, na binalot ng napakalakas na Curse Power. Hindi lamang iyon, hindi tumigil sa pagtitipon ang Curse Power, at ang Chancellor ay lalong lumalakas. Kapag patuloy na tumaas ang kanyang aura, hindi magtatagal ay magagawa niyang sirain ang Nine Heavens God-Annihilating Formation nang walang kahirap-hirap.Ang tanging paraan ay ang pigilan siya sa paggamit ng Curse Power ng mundo.Subalit, paano?Biglang nagkaroon
Read more
Kabanata 2998
Hinigop ng Jade Seal ang lahat ng Curse Power ng mundong ito, kabilang na ang Curse Power sa katawan ng Chancellor at lahat ng nabubuhay na nilalang. Ang lakas ng Curse Power na ito ay lumampas sa pang unawa ni James sa kapangyarihang ito. Sa pagpasok ng Curse Power sa kanyang katawan, walang awa nitong sinira ang kanyang katawan.Sa sandaling iyon, ang kanyang Demonic Body ay naging aktibo. Ang Demonic Energy sa loob ng kanyang katawan ay umikot, agad nitong pinagaling ang kanyang sugatang katawan. Samantala, hiniram naman ni James ang kapangyarihan ng hukbo ng apat na raang libong malalakas na mga cultivator upang pigilan ang Curse Power. Bagama't ginamit ng Martial Reverend at Thea ang bahagi ng kapangyarihang ito, sapat na ang natitirang kapangyarihang ito upang mapigilan ni James ang Curse Power na pumasok sa kanyang katawan. Sa ngayon, naayos na niya ang sitwasyon. Ngayon, kailangan na lang niyang maghintay na mahigop ang lahat ng Curse Power ng mundong ito para manalo sa laban.
Read more
Kabanata 2999
Ang Blood Essence ay hinigop ng misteryosong Resurrection Formation. Sa sandaling iyon, nawalan ng pag-asa ang lahat.“Katapusan na natin.”“Talaga bang mamamatay na tayo dito?”“Lalaban tayo hanggang sa huli upang tapusin ang demonyong ‘yun!”Marami ang sumigaw sa galit.Sa mahalagang sandaling iyon, sinunog nila ang kanilang mga kaluluwa at nakakuha ng napakalakas na kapangyarihan bago sila nagsimulang umatake. Gayunpaman, ang Curse Power ng mundong ito ay sobrang nakakatakot. Ang Chancellor na nakakuha sa kapangyarihan ng mundong ito ay nasa Ninth Heaven na ng Grand Emperor Rank. Bilang kauna-unahang nilalang na nakaabot sa Ninth Heaven ng Grand Emperor Rank sa Boundless Realm, wala nang makakatalo sa kanya.“Hahaha, mamatay na kayong lahat!”Humalakhak ang Chancellor.Nagpatuloy ang labanan.Walang sinuman ang sumuko, pinakita nila na gusto nilang mamatay ng marangal.Nasa gitna ng isang matinding labanan sila Thea at Xainte.Sa sandaling iyon, si James ay nakahiga sa is
Read more
Kabanata 3000
Masyadong makapangyarihan ang Chancellor. Hinigop niya ang kabuuan ng Curse Power ng mundong ito at naabot niya ang Ninth Heaven ng Grand Emperor Rank. Syempre, medyo nagmamalabis ang mga sinabi ni Jabari. Gayunpaman, ito ay katibayan ng lakas ng Chancellor. Sinusubukan lang niyang paalalahanan si James na mag-ingat.Nakatayo si James sa isang bato sa isang tumpok ng mga bato sa ibaba niya. Isang matinding labanan ang sumiklab doon. Milyun-milyong buhay na nilalang ang nakipaglaban sa isa't isa, at yumanig ang langit at lupa.“Hahaha! Mamatay kayong lahat!"Ganap na naging isang demonyo ang Chancellor. Kahit na nagsasanay siya ng Curse Magic, halos imposible para sa kanya na kontrolin ang ganito kalakas na kapangyarihan. Pumangit ang ekspresyon ng kanyang mukha, at lumabo ang kanyang isipan. Isa lang ang nasa isip niya—lipulin ang lahat ng may buhay sa mundong ito at buhayin ang makapangyarihang nilalang.Hindi umupo ng matagal si James. Habang nag-iisip siya, pinagana niya ang Jad
Read more