All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 3051
- Chapter 3060
4588 chapters
Kabanata 3051
Hindi nagtanong si James kung anong mga benepisyo ang nakuha nila. Ngunit, base sa kuntentong mga ekspresyon nila, nakakuha ng maraming kayamanan ang dalawa.Nagtanong si Jules habang nakangiti, “Saan ka susunod na pupunta, Mr. Caden? Hindi magtatagal at magrerecruit na muli ng bagong mga disipulo ang Elixir Pavillion sa conference. Bakit hindi tayo tumungo doon ng direkta?”Inimbitahan niya muli si James sa Elixir Pavillion.Walang katapat na powerhouse si James, kung maisasama siya bilang husgado sa conference, siguradong magbebenepisyo ang Elixir Pavillion.“Pero…”Tinignan ni Jules si Monica at sinabi, “Bago tayo pumunta sa Elixir Pavillion, kailangan ko muna bumisita sa World Pavillion para maging opisyal na asawa ko si Monica.”Nagbago bigla ang ekspresyon niya.Hindi siya gustong pakasalan ni Monica.Kahit na siya ang Young Master ng Elixir Pavillion, wala siyang intensyon na magpakasal.Ngunit, wala siyang pagpipilian.Aprubado na ng sect niya ang kasalan, at hindi niya ito mat
Read more
Kabanata 3052
Alam ni Jules na wala na siyang pag-asa kay Monica.Kaya, hindi na siya umasa.“Kung ganoon ang mangyayari, kalimutan mo na ito. Tutungo ako sa World Pavillion para kunin ang mga bethrotal gifts ko.”Walang katapat ang mga halaga ng mga bethrotal gifts na ipinadala niya sa World Pavillion. Sapagkat hindi na mangyayari ang kasalan, siguradong babawiin niya ito.Kahit na mayaman at makapangyarihan ang World Pavillion, hindi sila magbibigay ng ganoon kadali ng mga mamahalin mga gamit.Nagsalita si Monica, “Kailangan ko din bumalik sa World Pavillion at ipaalam sa kanila ang desisyon ko na lisanin ang sect.”Tumango si James. “Sige, tumungo na tayo sa World Pavillion.”Maraming nakuha si James sa pagtungo sa Mount Baidi.Nakuha niya ang Mystical Piece na kailangan ni Emperor Jabari at narecruit ang dati niyang tagasunod. Sa tulong ni Nico, magiging maayos ang paglalakbay niya.Tinignan ni Nico si James at sinabi, “James, okay lang ba na magcultivate muna ako ng tago? Matapos ko palakasin a
Read more
Kabanata 3053
Matapos magsalita, agad na nagkowtow ng siyam na beses si Monica.“Nangangako ako na susundin kita at hindi pagtatrayduran, Sir.”Nahiya si James sa pagiging pormal ni James.Hindi pa niya naisip kailanman na kumuha ng disipulo. Sa buong buhay niya, isa lang ang kinuha niyang disipulo bago ito. Ito ay noong nasa teritoryo siya ng Seafolk. Ginabayan niya ang isang Seafolk na nagngangalang Sheldon, at palagi na siyang tinatawag na teacher nito.Kaya technically, matatawag na unang disipulo si Sheldon.Problema para sa kanya ang tanggapin ng opisyal si Monica bilang disipulo.Kasunod ng pagkalikha ng discipleship relationship, kailangan magbigay ang teacher ng isang bagay sa disipulo niya. Ngunit, Quasi-Emperor na si Monia. Hindi siya matutuwa sa mga pangkaraniwan na bagay.Napakamot siya ng ulo habang nag-iisip.Matapos ang ilang sandali, nagtanong siya, “Anong Path ang kinucultivate mo?”Magalang na sumagot si Monica, “Ang Elemental Art.”“Elemental Art?”Sumagot si Monica, “Mayroon ako
Read more
Kabanata 3054
Quasi-Emperor si Monica na nasa Third Tribulation. Matapos makuha ang Elemental Inversion, agad niynag naintindihan kung gaano ito kahanga-hanga. Kailangan nito ang pagsanib ng Five Elements para makaliha ng bagong Path.Tuwang-tuwa siya at nagpapasalamat.Hindi niya lubos akalain na makakatanggap siya ng kahanga-hangang signature skill bilang regalo.Lumapit si Jules ng nakangiti, “Congratulations, Monica. Siguradong kahanga-hanga ito kung si James mismo ang nagbigay nito. Ito ang pinakamalaking suwerte ng buhay mo.”“Totoo.” Tumango si Monica.Sumangayon siya sa mga salita ni Jules. Ito ang walang kapantay na regalong natanggap niya buong buhay niya.Kahit na mahina pa din siya sa Heavenly Path, halos wala na siyang katapat kapag namaster na niya ang Elemental Inversion.Walang buhay na nilalang o powerhouse ang kayang tumapat sa kanya.Ang Supernatural Power na natanggap niya ay ikalawa lamang sa Heavenly Path, o kaya’y kapantay ng Heavenly Path.Naiinggit is Jules pero hindi niya i
Read more
Kabanata 3055
“Palakas ng palakas ang impluwensiya ng Elixir Pavillion sa bawat arawa na lumilipas at oras na para iligpit sila.”Noong narinig niya ito, naintindihan agad ng Chancellor na ang susunod na pupuntiryahin ng Sanctuary of Darkness ay ang Elixir Pavillion.Hindi niya napigilan na magsalita. “Master, ang kasalukuyan na Master ng Elixir Pavillion ay Grand Emperor na nasa Fifth Heaven. May nakatago din silang powerhouse na nasa Grand Emperor ng Seventh Heaven. Bukod pa doon, maraming silang makapangyarihan na Officials. Natatakot ako na baka mahirap silang ubusin.”“Haha!”Nagsalita ang Master ng Sanctuary of Darkness, “Sa tingin mo ba hindi ko alam ang ganitong mga bagay? Hindi mo kailangan mag-alala. Natural lamang na may plano na ako para asikasuhin ang Master ng Elixir Pavillion at Grand Emperor ng Seventh Heaven. Sasama sa misyon na ito ang Deputy Master ng Sanctuary of Darkness at tutulungan mo siya. Isama ang lahat ng powerhouse ng Sanctuary of Darkness sa misyon na ito. Kailangan nat
Read more
Kabanata 3056
Si Silvester Daniella ang Old Master ng Elixir Pavillion.Ang pagkakakilanlan niya ay overlord ng Boundless Realm.Mag-isang itinaguyod at dinevelop ni Silvester ang Elixir Pavillion. Maraming Epoch na ang lumipas simula ng malaman ang cultivation niya, at misteryo ang kasalukuyan niyang rank.Ang pinakamalaking hadlang sa pagkasira ng Elixir Pavillion ay si Silvester.Basta mapigilan si Silvester, ang kasalukuyan na Master ng Elixir Pavillion na si Helvius Daniela, ay hindi malaking balakid.“Kailan tayo kikilos, Master?”Seryoso ang ekspresyon ng babae.Isa siyang Grand Emperor sa Fifth Heaven at ang pinakamalakas na Official sa Elixir Pavillion. Sumama siya sa Elixir Pavillion ilang Epoch na ang nakararaan para lamang sa araw na ito.Ang pangalan ng babae ay Jadranka Yevdokiya. Isa siyang mag-isang cultivator noon pero sinuwerte siyang makakuha ng maraming mga biyaya. Sa tulong ng mga ito, nakatawid siya sa Grand Emperor ng Fifth Heaven.Nagsalita ang itim na anino, “Maghanap ka ng
Read more
Kabanata 3057
Nagdesisyon si James matapos ito pag-isipan. Pagkatapos ng conference ng Elixir Pavillion, hahanapin niya si Thea para pagsanibin ang Crucifier at Exalter para malikha ang Time Capsule. Pagkatapos, ipapakalat niya ang balita tungkol sa paghahanap niya.Matapos ito mabalitaan ng powerhouse na nagbabantay sa Ancestral God Rank Elixir, siguradong magpapakita siya.Habang nakikita ni Jules na tulala si James, nagtanong siya, “Anong problema, Mr. Caden? May iniisip ka ba?”Inayos ni Jame ang sarili niya at sinabi, “W-Wala. May naalala lang ako.”“Naiintindihan ko.” Tumango si Jules at nagpatuloy sa pagkuwento ng nakaraan ng Elixir Pavillion. Bago pa nila napansin, nakarating na sila sa capital ng Elixir Pavillionm ang Elixir City.Ang Elixir City ang Holy Land ng mga alchemsit.Ang lahat ng nagtipon sa lungsod ay mga top alchemist ng Boundless Realm.Kahit na iilan lang ang mga Divine Rank alchemist sa labas, marami dito sa lungsod. Kung kakausap ka bigla ng kung sinong alchemist sa lungso
Read more
Kabanata 3058
Habang isinasama ni Jules si James sa lungsod, isang babae ang umkyat sa hagdan sa likod nila.Nakasuot siya ng mahabang lila na gown at mabilis na umaakyat. Hindi nagtagal at umabot siya sa gate ng Sky City.Noong dumating siya sa labas ng lungsod, napansin siya ni Jules agad. Natuwa siya at sumigaw, “Ma’am! Lumabas ka na mula sa seclusion?”Ang babaeng ito ay si Jadranka.Nakatanggap siya ng utos mula sa Master ng Sanctuary of Darkness para pahinain ang Old Master ng Elixir Pavillion, na si Silvester.Si Jadranka ay isang Grand Emperor sa Fifth Heaven. Dagdag pa dito, siya ang teacher ng Young Master ng Elixir Pavillion. Maraming natutunan si Jules mula sa kanya.Tinignan niya si Jules at tumango ng kaunti, “Oo.”“Bihira para sa iyo na tumungo sa Sky City. Nagkataoon na kababalik ko lamang din. Hayaan mo na ipakilala ko kayo sa isa’t isa. Ito si Mr. Caden.”Ipinakilala ni Jules ang dalawa sa isa’t isa.“Mr. Caden, ito ang teacher ko, si Jadranka. Siya ang pinakamalakas na Official ng
Read more
Kabanata 3059
Gusto ni James na magreact pero tahimik lang siyang nanood sapagkat mababa ang cultivation rank niya.Nabastos si Monica para kay James at sinabi, “Sir, bakit wala kang sinasabi?”Kalmado siyang tinignan ni James at sinabi, “Anong sasabihin ko? Wala akong masasabi para depensahan ang sarili ko. Totoo ang sinasabi niya.Galit na nagdabog si Monica.Tinignan ng Great Elder si James at pagkatapos, hindi na siya binigyan ng pansin. Humarap siya kay Jules at sinabi, “Nakikita ko na nagsasayang ka lamang ng oras. Sapagkat magsisimula na ang conference, manatili ka ng tahimik sa Sky City. May mga bagay pa ako na aasikasuhin, kaya mauuna na ako.”Matapos magsalita, tumalikod ang Great Elder.Sa isang iglap, naglaho siya.“Mr. Caden… Ano…”Nahihiyang sinabi ni Jules, “Nakatira tayo sa mundo kung saan ang lakas ang nagdedesisyon sa lahat. Ngunit, masyadong mahina ang enerhiyang inilalabas mo. Makapangyarihan ka pero bakit mo gustong manatiling hindi kapansinpansin?”Hindi maintindihan ni Jules k
Read more
Kabanata 3060
Ang babae ay si Jadranka, ang pinakamalakas na Official ng Elixir Pavillion. Isa siyang Grand Emperor sa Fifth Heaven at kalebel ng cultivation ang Pavillion Master ng Elixir Pavillion, si Helvius.Naglakad si Jadranka sa harap ni Helvius at napansin ang nag-aalala niyang ekspresyon. Hindi niya mapigilan na magtanong, “Anong iniisip mo?”Ang lalake na ito ang kasalukuyan na Pavillion Master ng Elixir Pavillion. Siya ang rurok ng lakas sa Boundless Realm.“May paparating na unos.”Naguluhan si Jadranka at nagtanong, “Anong ibig mo sabihin?”Humarap sa kanya si Helvius at nagtanong, “Naalala mo ba ang trahedya na naganap isang daang Epoch na ang nakararaan?”Noong narinig ito ni Jadranka, tumango siya at sinabi, “Paano ko malilimutan? Mahigit sa isang daang Epoch na ang nakararaan, noong kakatawid ko pa lang sa pagigin Grand Emperor, may kalamidad na naging peligro sa lahat ng nilalang sa mundo.”Sumagot si Helvius, “Tama. Ang Sanctuary of Darkness ang sanhi ng sakuna. Ang hula ay kailan
Read more