All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 3091
- Chapter 3100
4588 chapters
Kabanata 3091
”Salamat, Grand Emperor,” nagpahayag ng kanyang pasasalamat si James habang kumakaway. Nagmula sa kanyang palad ang malakas na enerhiya, na sumanib sa void na nasa harap niya. Nagkaroon ng isang bitak na naging isang lagusan. Pagpasok ni James sa lagusan, naglaho ang bitak kasama niya. Sa ibang realm, isa pang bitak ang biglang lumitaw, na nagbigay daan upang makapasok sa realm ang isang gwapong lalaki. Suot ang isang puting balabal, naglakad palabas ng bitak si James. Nakakita siya ng milyun-milyong bituin. Maraming mga abandonadong planeta ang palutang-lutang sa paligid. Napakalaki ng bawat isa sa mga ito, gaya ng mga planetang matatagpuan sa Elixir Realm. Nararamdaman niya ang mapanganib na enerhiyang umiikot sa paligid niya. “Boom!” Narinig ang isang pagsabog mula sa malayo. Kasunod ng pagsabog, naging kulay pula ang kalangitan. Sinundan ni James ang direksyon ng tunog. Isang planetang, walang katao-tao, ang sumabog, at nagpakawala ng napakalakas na enerhiya. Ang lakas ng pagsa
Read more
Kabanata 3092
Libo-libong taon nang sinasaliksik ng mga Oscar ang mga misteryosong karakter sa sinaunang kalatas subalit nabigo sila sa huli. Iyon ang dahilan kaya nila ito ibinenta. Para naman kay Emperor Jabari na laging ibinababad ang kanyang sarili sa mga pamana at guho, natural lang na maunawaan niya ang kasulatan. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na isang eksperto ang Emperor, dahil kaya lamang niyang tukuyin ang mga kasulatan at ang pinaka simpleng kahulugan ng mga ito. Hindi niya alam ang kabuuan ng mga ito.Hindi kinakabahan si James. Hangga’t kasama niya ang Emperor, hindi magtatagal ay malalaman din nila ang ibig sabihin ng mga nakasulat sa Ancient Scroll. Habang pinagmamasdan niya ang mga abandonadong planeta sa harap niya, nagtanong siya, “Grand Emperor, saan ako dapat pumunta ngayon?”Narinig ang boses ng Emperor mula sa Celestial Abode, “Ikaw ang bahala. Ito ang Desolateness Ruins. Ang Ruins ay hindi isang planeta, ito ang kalawakang ito. Ang dahilan kung bakit ka nandito ay para
Read more
Kabanata 3093
Dahil nasa Divine Rank pa lang ang pisikal na enerhiya ni James, hindi niya magagawang labanan ang kapangyarihan ng abandonadong mundo na ito sa pamamagitan lamang ng kanyang pisikal na lakas. Nahirapan pa rin siyang labanan ito kahit na gamit niya ang Crepe Myrtle Divine Sword.“James,” ang sabi ni Emperor Jabari mula sa Celestial Abode, “Bagama’t mapanganib ang kapaligiran dito, nagtataglay ito ng mapaminsalang enerhiya. Dahil may kakayahan ang Elemental Inversion Formation na humigop ng lahat ng klase ng kapangyarihan, isa itong magandang lugar para mag-cultivate. Mabuti pa maghanap ka na ng lugar para simulan ang pagku-cultivate mo.”“Tama.” Tumango si James. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pagkaraan ng ilang sandali, narating niya ang tuktok ng isang bundok na sa sobrang tigas ay maging ang pinaka mapaminsalang enerhiya ay walang laban dito. Pinagkrus niya ang kanyang mga binti at sinimulan niyang pakalmahin ang kanyang isipan. Naipon ang Elemental Sage Energy sa loob ng kanyang
Read more
Kabanata 3094
Ipinagpatuloy ni James ang pagku-cultivate niya. Mainam sa kanya ang dami ng mapaminsalang enerhiya dito. Hiss! Isang malamig na hangin ang umihip papunta sa kanya. Kasunod ng isang kakaibang ungol, agad na tumayo si James at umalis sa Time Formation. Tumingin siya sa malayo mula sa tuktok ng bundok na kinatatayuan niya. Makikita ang isang itim na ulap. Nagpabago-bago ng hugis ang ulap, una ay naging hugis tao ito at kasunod ay naging hugis hayop ito. Bahagyang nagulat si James. “Ano ‘yun?” Sinagot siya ni Emperor Jabari mula sa Celestial Abode, “Isa itong fiend.”“Isang fiend?”“Oo.” Kinumpirma at ipinaliwanag ni Emperor Jabari ang kanyang sagot, “Ang lugar na ito ay minsang naging isang napakalaking realm na puni ng maraming buhay na nilalang. Noong namatay sila, iniwan nila ang kanilang mga soul sigil. Ang mga sigil na ito ay patuloy na nagsama-sama, at bumuo ng isang fiend sa paglipas ng panahon. Sa madaling salita, ang nakikita mo ngayon sa harap mo ay isang masamang espirit
Read more
Kabanata 3095
Naging itim na usok na lumutang sa ere ang masamang espiritu. Pinagmasdan ni James ang mga lumulutang na usok na ito. Muling nagsama-sama ang mga ito at muling nabuo ang masamang espiritu. “Nakakatakot.” Nagsalubong ang mga kilay ni James. Mas mahirap talunin ang masamang espiritu na ito kaysa sa inaasahan niya. Hindi ito nasira kahit tinamaan ito ng isang komplikadong sword technique. Habang pinagmamasdan niya ang espiritu, napaisip siya ng malalim. Sa sandaling ito, ang bagong buong espiritu ay sumugod kay James. Sa sobrang bilis nito ay nahigitan nito ang bilis ni James. Nagdulot ng mga bagong sugat kay James ang bawat pag-atake nito ng walang mintis. Buti na lang, malakas ang katawan niya, kung hindi, matagal na sana siyang sumuko. Nagsimula siyang mag-isip ng mga paraan upang puksain ang masamang espiritu. “Walang kahit ano sa mga sinubukan ko ang may sapat na lakas upang saktan ang masamang espiritu na ‘to. Siguro ang kailangan kong gamitin ay kapangyarihan na walang pisika
Read more
Kabanata 3096
Nag-cultivate si James habang nakikipaglaban. Patuloy na nadagdagan ang kanyang Sage Energy. Di magtatagal ay mauunawaan na niya ng buo ang mga Sword Move mula sa Crepe Myrtle Divine Sword at pagsama-samahin ang mga move upang gumawa ng isang napakalakas na Move. Pagkatapos, napansin niya na hindi na niya kayang palakasin ang kanyang mga sword technique dahil naabot na niya ang hangganan nito. Bago ito, kapag mas marami siyang mga sword move na natututunan, mas lalong lumalakas ang kapangyarihan ng kanyang mga Sword Move. Gayunpaman, ngayong hindi na nadadagdagan ang kapangyarihan ng mga Sword Move, wala siyang naramdamang pagkakaiba kahit na mas marami siyang natutunan na mga Sword Move.Nagtaka si James at nagdesisyon siyang humingi ng paliwanag mula kay Emperor Jabari sa Celestial Abode. Nagpaliwanag si Emperor Jabari, “Iyon ay dahil sa malapit na sa hangganan ng Path ang kapangyarihan ng mga sword technique mo at hindi na ito maaaring madagdagan pa. Kung gusto mong malampasan ang
Read more
Kabanata 3097
Maraming beses siyang muntik mapatay ng masasamang espiritu. Buti na lang, kasama niya si Emperor Jabari, dahilan upang maiwasan niya ang mga kalamidad na ito.Sinimulan niya ang paglalakbay niya sa paghahanap para sa Desolateness sa mga planeta. Tumapak siya sa maraming mga mapanganib na lugar habang nasa daan siya, muntik na siyang mabiktima ng mga mapanganib na formation. Minsan, sa sobrang panganib ng ilang mga formation maging si Emperor Jabari ay kinailangan ng ilang oras upang sirain ang mga ito.Sa nakakapangilabot at tahimik na mundong ito, dahan-dahan siyang nagpatuloy sa paglalakbay.Isang libong taon na ang lumipas sa mundo sa labas. Sa mga nakalipas na taon, tumaas ang rank ni James mula sa Twenty-Fifth Stage ng Sage Rank hanggang sa Thirty-Third Stage. Napakalapit na niya ngayong maabot ang Divine Rank at mapantayan ang mga makapangyarihang nilalang sa rank na ito. Gayunpaman, hindi pa rin niya nahanap ang Desolateness na sinabi sa kanya ni Emperor Jabari.Sa gitna ng
Read more
Kabanata 3098
Si Melinda Yisroel, ay isang makapangyarihang tao mula sa Reincarnation Pond at isang prodigy. Minsan na siyang nakausap ni James. Gayunpaman, sa pagkakataong iyon, tila mayroong alaala si Melinda tungkol sa pagdampot sa kanya ng Lord ng Stardust Realm mula sa Reincarnation Pond. Malaki ang posibilidad na naaalala niya ang kanyang nakalipas na buhay, kung saan isa siya sa mga pinakasikat na tao sa Primeval Age.Nasa isip lamang ni James ang lahat ng ito. Kung totoo man ito o hindi, hindi sigurado si James sa mga nasa isip niya.Naramdaman ni Melinda ang presensya ni James mula noong sandaling tumapak siya sa abandonadong planetang ito. Ngayong nagkita na sila, matagal siyang napatitig kay James. Hindi niya maitago ang kanyang pagkagulat.. Pagkaraan ng ilang segundo, pinakalma niya ang kanyang sarili at sumulpot siya sa harap ni James sa isang iglap.“Bakit ka nandito?” Ang nakakagalit na tanong ni Melinda.Tumayo si James at tumingin kay Melinda. Ang mundong ito ay puno ng napaka
Read more
Kabanata 3099
Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Pinag-aralan ko ang sinaunang kalatas na ito at nakakuha ako ng mga impormasyon tungkol sa Forsaken Land. Upang makapasok sa Forsaken Land, kailangan muna nating mahanap ang lagusan papasok sa Desolateness.”“Haha…”Humalakhak si Melinda at sinabing, “Hindi na masama… Ang mga kasulatan tungkol sa Forsaken Land ay isinulat gamit ng Ancestral Script. Hindi ko inakala na magagawa mong maunawaan ang script kahit na hindi mo pa naaabot ang Divine Rank. Kahanga-hanga ka talaga.”Hindi inasahan ni James na alam ni Melinda ang tungkol sa Ancestral Script. Base sa naging pag-uusap nila, malamang ay alam ni Melinda ang tungkol sa Forsaken Land at ang lagusan papasok sa Desolateness.“Tutal pupunta ka sa Forsaken Land para kunin ang isang sandata, malamang alam mo kung nasaan ang lagusan papasok sa Desolateness. Pwede mo bang ituro sa’kin ang daan?” Nagtanong si James dahil interesado siya sa Forsaken Land, isang lugar kung saan wala ang Heavenly Path. Dahil ang
Read more
Kabanata 3100
Matapos ang ilang oras na pag-iisip, wala pa rin siyang maisip na kahit anong ideya. Upang makuha ang mga sagot na gusto niya, maaari lamang niyang palakasin ang kanyang sarili at abutin ang Grand Emperor Rank. Gayunpaman, masyado itong mahirap. Maging ang pinakadakilang mga prodigy ay naabot lamang ang ganoong rank pagkatapos ng higit sa sampung libong taon. Samantala, ang oras na kailangan para sa mga ordinaryong cultivator ay binibilang sa pamamagitan ng 'Epoch'.Ang isang Epoch ay nasa 4.9 bilyong taon, at ang isang cultivator na makakaabot sa Grand Emperor Rank sa loob ng isang Epoch ay maituturing nang isang demonyo.“Grand Emperor, ipagpapatuloy pa ba natin ang paghahanap sa Desolateness at sa lagusan papasok sa Forsaken Land?” Ang tanong ni James.Pagkatapos niyang mag-isip sandali, sinabi ni Emperor Jabari na, “Narinig mo si Melinda. Kahit na mahanap mo ang Desolateness, baka hindi ka rin makapasok sa Forsaken Land. Ang prayoridad natin ngayon ay ang maunawaan ang Path at m
Read more