Kabanata 11
Author: Crazy Carriage
"Moonlit Flowers on Cliffside's Edge..." bulong ni James sa sarili.

Ang painting na iyon ang pinakamahalagang pamana ng kanyang pamilya.

Bago namatay ang kanyang lolo, sinabi niya kay James na pwedeng mawala ang kanilang pamilya, ngunit hindi lang ang painting na iyon ang pwedeng mawawala sa kanila.

Nanatili iyon sa isip ni James, kahit makalipas ang sampung taon.

"Humanda ka. Kikilos tayo mamayang gabi."

"Sige." Tumango si Henry.

"Sige, umalis ka na. Paalis na sa trabaho ang asawa ko. Ayaw niya akong makisama sa mga sinungaling at masamang tao at halata naman sa itsura mo na hindi ka mabuting tao. Kung makita ka ng asawa ko, mapapagalitan nanaman ako."

Bumagsak ang ekspresyon ni Henry.

Medyo maitim lang ang balat niya. Paano siya nagiging masamang tao? Paano nito nagawa siyang masamang tao?

"Huwag kang tumayo lang diyan, alis na." Sumipa si James papunta sa kanya.

Tumalikod si Henry at umalis.

Napatingin si James sa oras. Natapos na ang oras ng trabaho ni Thea. Maya maya lang ay lalabas na iyon.

Itinulak niya ang kanyang electric na motor at pumunta sa Eternality Group ng mga Callahan. Pero bago pa man siya makalapit sa entrance, may nakita siyang babae na naglalakad palabas ng building.

Siya ay may tangkad na 5’10, nakasuot ng pormal na business attire na binubuo ng isang puting button-down shirt, isang itim na pencil skirt at pulang takong.

Ang kanyang kulay chestnut na kulot na buhok ay iwas sa kanyang mukha at ang paraan ng kanyang paglalakad na may hawak na briefcase ay nagpapakita ng malakas na kumpiyansa sa sarili niya.

"Thea!"

Isang lalaki ang lumapit sa kanya sa mga sandaling iyon, may hawak na isang bouquet ng bulaklak. "Para sayo, Thea. Libre ka ba ngayong gabi? Nagbook ako ng private room sa The Drunken Fairy ngayong gabi. Gusto sana kitang dalhin doon para maghapunan."

Ang lalaking ito ay si Brandon Frasier, ng mga Frasier, isa sa The Great Four sa Cansington.

Mula nang makuha ni Thea ang listahan ng order ng Celestial Group at ang kanyang maayos na pakikipagkaibigan kay Alex Yates, ang chairman ng Celestial Group, ay nalantad, ang kasikatan ng Callahan ay lumaki nang husto. Kaya naman si Thea din ay naging pinakamagandang babae sa Cansington.

Mataas din ang kakayahan niya bilang chairwoman ng Eternality. Nagawa niyang ayusin ang kumpanya sa loob lamang ng kalahating buwan.

Salamat sa kanyang lumalagong kasikatan, siya ay kinoronahan bilang pinakamagagandang chairwoman ng Cansington.

Kahit na may asawa na siya, halos hindi kilala si James. Ang mga tagapagmana ng mayayamang pamilya ay hindi pinansin ang kanyang existence at patuloy na hinahabol si Thea sa pag-asang sa huli ay mapagtagumpayan siya.

Sa sandaling iyon, nakita ni Thea si James at ang kanyang electric na motor. Pinakita niya ang kanyang magandang ngiti, hindi pinapansin si Brandon habang papunta sa kanya. Hinalikan niya si James, saka masuyong niyakap ang braso nito.

"Honey, sinabi sa akin ng taong iyon na nag-book siya ng isang private room sa The Drunken Fairy at gusto niya akong maghapunan kasama siya. Hindi pa ako nakakapunta sa The Drunken Fairy dati."

“Inimbitahan ka niya. Dapat kang pumunta. Isama mo rin ako, kung okay lang sa kanya. Hindi pa rin ako nakapunta doon.”

Umasim ang ekspresyon ni Brandon sa eksena. Naglakad siya papunta sa kanila. “James Caden? Ako si Brandon Frasier,” malamig niyang sinabi at nag abot ng card. "Babayaran kita ng limang daang libong dolyar para iwan si Thea!"

"Tatanggapin ko ba, darling?"

“Ikaw ang bahala,” sabi ni Thea, may ngiti ng tuwa na naglalaro sa kanyang mga labi. “Sa tingin ko, dapat. Magagawa mong makakuha ng lamesa sa The Drunken Fairy gamit ang ganito kalaking pera."

"Kukunin ko, kung gayon."

Isang ngiti ang ibinigay ni James kay Brandon habang tinatanggap ang card. "Kung gayon, ano ang pin number?"

Itinaas ni Brandon ang kanyang ilong kay James. “Anim na zero. Kunin mo ang pera at lumayas. Simula ngayon, wala ng kaugnayan si Thea sayo."

"Oo, aayusin natin ang divorce natin ngayon na." Tumango si James. "Sumakay ka na, darling."

Umupo si Thea sa likurang upuan ng motor at ipinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ni James. Pagkatapos ay umalis sila sa ilalim ng nalilitong tingin ni Brandon.

Ilang minutong sila tinitigan ni Brandon bago napagtantong naloko siya. Inihagis niya sa lupa ang bouquet ng bulaklak na hawak niya, nakatitig kay James, na ngayon ay nasa malayo na. "Ikaw-! Hindi pa ito tapos!" galit na sigaw nito sa kanya.

Hinatid ni James si Thea pauwi gamit ang motor. Pagdating sa bahay, umupo si Thea sa couch at inilahad ang kamay, ngumisi kay James.

"Ano?" Sabi ni James sabay hawak sa bulsa. “Ako ang binigyan ni Brandon ng divorce fee. Ito ay aking sariling pera.”

“Divorce mo mukha mo. Bigay mo!" Ngumuso si Thea, saka tumayo, “Binabayaran ko yung pagkain mo, inumin mo, amenities mo, damit mo. Saan mo kailangan ang pera? Mag-iipon ako ng pera kapag nagkaanak na tayo. Mahal iyon, alam mo ba?"

Walang ganang ibinigay ni James ang card ni Brandon. “Ngunit ito ay patuloy na nangyayari, mahal ko. Kung pagsasamahin ang lahat ng perang ibinigay sa akin ng lahat para makipaghiwalay sa iyo sa sampung araw na ito, magkakaroon na ng higit sa dalawang milyon sa ngayon. Akin ang pera na iyan…”

"Anong pera?"

Mula sa pinto ang boses.

“W-wala,” nagmamadaling sabi ni Thea habang tinatago ang card.

Lumapit si Gladys sa kanila. “Kelan pa kayo natutong magsinungaling sa akin, bata ka? Narinig ko lahat! Divorce fee, dalawang milyon... ibigay mo sa akin!”

"Mom, wala lang iyon!" protesta ni Thea.

Tumango si James. "Mhm, wala lang."

Tinitigan siya ni Gladys. "Anak ko ang kinakausap ko. Hindi ka kasali dito! Tingnan mo ang oras! Hindi ba dapat gumagawa ka ng hapunan? Sige na!"

"Okay."

Dumiretso si James sa kusina at nagsimulang magluto.

Makalipas ang tatlumpung minuto, nakahanda na ang pagkain. Umupo silang lahat para maghapunan.

Hinila ni James si Thea papasok sa kwarto nila ng matapos silang kumain. "Hindi mo talaga sinabi sa kanya, yung ano, darling?"

Tinignan siya ni Thea. "Kasalanan mo ang lahat, ang lakas mong magsalita. Kinuha ni Mom ang lahat ng pera! Sinabi na ito ay kabayaran para sa pagpapalaki sa akin sa lahat ng mga taon na ito, dahil mayroon na akong trabaho."

"Ano?" Nanlaki ang mata sa kanya si James. "Ibinigay mo sa kanya ang lahat?"

Kulang nga siya sa pera kamakailan.

Siya ay walang trabaho mula nang sumali sa mga Callahan, at ngayon ay ganap na siyang sira. Maging ang kanyang mga sigarilyo ay nakuha kay Henry.

"Oo, kailangan ko," walang magawang sinabi ni Thea. "Ang daang libo mula kay Astor, dalawang daan at limampung libo mula kay Bertrand, tatlong daang libo mula sa Oswald, at limang daang libo mula kay Frasier... Kinuha silang lahat ni Mom."

Napabuntong-hininga si James. "Sana dumating ang isa pang mayamang lalaki at mag-alok muli sa akin ng ilang daang libong dolyar para makipaghiwalay sa iyo. Padalhan mo ako ng pera, darling. Wala akong pera kahit pambili ng sigarilyo ngayon."

"Hindi ako naniniwala sayo. May nakita akong black card sa bulsa mo nung isang araw habang naglalaba. Huwag mo sabihin sakin na walang laman iyon. Akin na, itatago ko ito para sayo."

Inunat ni Thea ang kanyang kamay, naghihintay sa card ni James.

Inilabas ito ni James. Isa itong matte na black card na may glossy black dragon sa ibabaw nito. Walang card number.

Sinulyapan lang ito ni Thea habang abala siya sa paglalaba, pero ngayong nakatingin na siya ay naguguluhan na siya. "Anong klaseng card ito? Bakit walang mga numero?"

"Well..." pag-aalinlangan ni James. "Ang card na ito ay naka-link sa bawat pangunahing bangko, kaya maaari ko itong gamitin kahit saan. Isa pa, mayroon itong ID chip sa loob nito, kaya hindi na kailangan ng mga numero. Ikadalawampu't isang siglo na, kung titignan mo."

Ibinulsa ni Thea ang card, kalahating kumbinsido. "Ano ang pin number at magkano ang laman?"

"Walong walo ang pin number. Kung magkano ang nasa loob... hindi marami."

"Walo mo mukha mo," sagot ni Thea. "Hindi walong numero ang haba ng mga pin!"

“Pasensya, anim na walo," sabi ni James na may nakakatakot na ngiti.

Ang card na iyon ay hindi nangangailangan ng pin. Anumang numero ay gagana.

Ang itim na dragon card na iyon ay tanging nagiisa lang. Nagsilbi itong patunay ng kanyang pagkakakilanlan at kapangyarihan. Kung tungkol sa pera na nilalaman nito, talagang hindi niya alam ang halaga, dahil hindi niya ito ginamit kailanman.

Gayunpaman, dahil ang card na ito ay resulta ng kanyang sampung taong paglilingkod at karangalan, malamang na may malaking halaga sa loob. Kaya lang... ngayong umakyat na siya ng napakataas, walang halaga ang pera sa kanya, kaya wala siyang pakialam sa card.

Maaari itong hawakan ni Thea. Kung wala siya, walang James at walang card. Si Thea ang nagbigay sa kanya ng lahat ng meron siya.

Continue to read this book for free
Scan the code to download the app

Latest Chapter

  • Kabanata 4640

    Sa apat na disipulo, ang isa ay walang ganang nakahiga sa mesa, ang isa naman ay nakasandal sa dingding na parang tulala, at dalawang batang babae ang namamahagi ng mga flyer.Nang marinig ang boses ni James, ang dalawang batang lalaki ay napuno ng espiritu. Ang dalawang batang babae ay lumitaw din sa harap ni James.Bago pa man makapag-react si James, idiniin siya sa isang upuan."Kumain ka na po ng espirituwal na prutas.""Heto ang kaunting alak."Sinubukan ng mga batang babae at lalaki na humingi ng pabor kay James.Biglang binigyan si James ng maraming bagay.Nalito siya."Kapwa magsasaka, ito ang Tempris House ng Verde Academy. Sundin ang payo ko. Huwag kang sumali sa Tempris House. Kahit na hindi mo na kailangang dumaan sa isang pagsusulit para sumali sa Tempris House..."May mga buhay na nilalang na dumadaan.Gayunpaman, bago pa matapos magsalita ang buhay na nilalang, natakot siya palayo ng isang lalaki.Nalito si James.Ano ang problema sa Tempris House? May nangya

  • Kabanata 4639

    Nabalisa si James.Habang naglalakad sa mataong kalye at nakatingin sa abalang karamihan, napuno siya ng pag-aalala.Maunlad ang lungsod, ngunit wala siyang kakilala.Nami-miss niya ang kanyang tahanan.Nami-miss niya ang Chaos District. Gusto niyang bumalik sa Chaos.Gayunpaman, alam niyang hindi siya makakaalis."Tumatanggap na ng mga disipulo ang akademya."Habang naglalakad sa kalye, narinig ni James ang pag-uusap ng mga buhay na nilalang sa tabi niya.Agad niyang nalaman kung saan pupunta.Alam niya ang tungkol sa akademya.Kabilang sa Siyam na Distrito ng Endlos, batay sa lakas, mula sa pinakamahina hanggang sa pinakamalakas, ay ang Hazeaf District, Theos District, Welkin District, Verde District, Sky District, Kapron District, Sirius District, Presta District, at Aeternus District.Ang pangalan ng akademya ay Verde Academy. Ito ay matatagpuan sa Verde District. Ito ang pinakamakapangyarihang sekta sa Verde District.Nakakita na si James ng ilang talaan ng Siyam na Di

  • Kabanata 4638

    Ang Theos Sect ang pinakamakapangyarihang sekta sa Theos District.Maliban sa District Leader ng Theos District, kakaunti lamang ang mga buhay na nilalang na walang talo.Bukod sa mga elder ng Theos Sect at ilang powerhouse ng Daemonium Sect, kakaunti lamang ang mga agarang disipulo ng District Leader ng Theos District ang walang talo.Samantala, si Partholon ang pinakamatandang disipulo ng Theos District Leader.Si Partholon ay sikat sa Theos District. Kinakatawan niya ang Theos District Leader at ang Theos Sect.Kaya, pagkatapos niyang sabihin ang kanyang pangalan, sumuko ang mga buhay na nilalang na gustong makuha ang espada sa kamay ni James. Alam nilang hindi nila makukuha ang espada kung sangkot ang Theos Sect.Napatitig si James kay Partholon.Mukhang bata at guwapo si Partholon. Nakasuot siya ng asul na roba. Nang humarap siya kay James, inilagay niya ang isang braso sa likod at ginamit ang isa pa para harangan si James.“Wala akong pakialam kung sino ka.” Dumilim ang m

  • Kabanata 4637

    Hindi ba't ang mga inskripsiyong ito ang kataas-taasang Chaos Script?Patuloy na tinitingnan ni James ang mga ito.Nabigla siya.Ang mga inskripsiyon ay ang mga inskripsiyon sa paglilinang ng Siyam na Tinig ng Chaos."Kailangan ko bang matutunan ang Siyam na Tinig ng Chaos na naitala sa tabletang bato at gamitin ang kapangyarihan ng mga boses para bunutin ang Chaos Sword?" mahinang bulong ni James.Kasabay nito, nalito si James.Ang Sword Mount ay iniwan ni Wynne ilang taon na ang nakalilipas, kaya bakit nandito ang Siyam na Tinig ng Chaos Master?"Ito ang Sword Mount."Isang boses ang narinig mula sa likuran ni James.Lumingon si James at nakita si Zeno sa likuran niya."Bago mamatay ang sinumang powerhouse sa Sword Path, mararamdaman ng kanilang mga espiritu ang pagkakaroon ng Sword Mount at lilipad dito. Iiwan nila ang kanilang pamana. Ang mga espada sa harap ng bawat tabletang bato ay mga espadang ginamit ng mga powerhouse noong sila ay nabubuhay pa. Ang mga espada ay sus

  • Kabanata 4636

    “Ano ang pinagmulan ni Wynne?”Nalilitong tumingin si James kay Zeno.Paliwanag ni Zeno, “Si Wynne ay nasasakupan at kaibigan ni Emperador Raiah. Naglaban sila at binasbasan si Endlos. Nilusot ni Emperador Raiah ang Endlos at tumungo sa mga hangganan ng Endlos upang labanan ang kaaway.”“...”Naguluhan si James.Ang mga hangganan ng Endlos?Ibig sabihin ba noon ay may espasyo sa labas ng Endlos?“Hay naku.”Bumuntong-hininga si Zeno at sinabing, “Walang nabubuhay na nilalang ang nakakaalala sa mga bagay na ito.”“Tigilan mo na ang pagkalito sa akin,” hindi napigilan ni James na sumigaw.“Ubo, ubo!”Nabalik sa kanyang katinuan si Zeno at binago ang usapan. Sabi niya, “Si Wynne ang numero unong powerhouse sa Sword Path. Sa pinakamababa, hindi pa ako nakakita ng isang taong may mas mataas na tagumpay kaysa sa kanya sa Sword Path.”“Ganoon ba?”Nagduda si James sa mga salita ni Zeno habang nagtatanong, "Hindi ba mas malakas ang dating pinuno ng sekta ng Saber Sect kaysa sa kan

  • Kabanata 4635

    Ikinagalit ng mga powerhouse na naroon ang mga salita ni James.Bumunot ng kanilang mga espada ang hindi mabilang na mga powerhouse.Noon din, nawala ang katawan ni James.Pagkatapos, lumitaw siya sa likod ng mga powerhouse at hinampas ang kanilang mga likod gamit ang kanyang palad.Halos agad, daan-daang powerhouse ang nasugatan.Kahit na ang lugar ay isang selyadong espasyo at hindi makaalis si James, magagamit pa rin niya ang Blithe Omniscience sa loob ng espasyo.Agad niya itong pinalakas at inatake ang daan-daang powerhouse.Kahit na karamihan sa mga powerhouse ay nasa huling yugto ng Caelum Acme Rank, hindi sila ang katapat ni James."Masyado kang mahina."Pagkatapos kumilos si James, lumitaw siya sa gilid ng seal. Kaswal niyang sinabi, "Sa tingin mo ba ay mabibitag ako ng spatial seal?"Pagkatapos, isang espada ang lumitaw sa kanyang kamay.Ito ang Death-Celestial Sword na pinino gamit ang Light of the Terra Acme Rank.Hawak ang espada, ginamit ni James ang lahat ng

More Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App