Kabanata 12
Author: Crazy Carriage
Walang magawang ngumuso si James.

“Kunin mo ang damit sa closet ko,” sabi ni Thea, hindi siya pinansin. "May importanteng pagdiriwang ngayong gabi."

Tumayo si James at naglakad papunta sa closet. “Alin, mahal ko?” tanong niya sabay bukas ng pinto ng closet.

"Yung puti, na may V-neck."

“Hindi iyan pwede. Hindi mo maaaring ilantad ang sarili mo sa publiko ng ganyan. Mukhang maganda ang isang ito.” Kumuha si James ng itim na high-neck na damit at iniabot kay Thea. “Ah, tama. Para saan ang pagdiriwang?"

“Si Rowena Xavier- ng mga Xavier- ay nagho-host ng isang banquet sa auction. Maraming magagandang bagay doon, kaya halos lahat ng dadalo ay magiging sikat sa isang paraan o iba pa. Palalawakin ko ang network ko habang nandoon ako."

Napahinto si James nang marinig iyon, ngunit agad ding nakabawi. "Gusto mo bang ihatid kita?" tanong niya.

"Sasakay ako ng taxi."

"Ah, sige kung gayon."

Umalis si Thea pagkatapos magpalit ng damit.

Hindi nagtagal ay umalis si James, binigyan ang kanyang pamilya ng isang random na dahilan tulad ng ginawa niya.

Sa villa ng mga Xavier.

Ang mga Xavier ay may isang natitirang villa. Na-liquidate na ang lahat ng iba pa nilang mga asset, kabilang ang real estate.

Nagtipon ang mga Xavier sa loob ng gusali.

Ang nakaupo sa taas ay isang lalaking may katandaan na lalaki na nakasuot ng uniporme pang militar.

Siya si Trent Xavier, ang ikaapat na anak ni Warren Xavier.

Si Trent ay isang sundalo sa kanlurang border, na ang ibig sabihin ay nasa misyon siya ng mamatay si Warren at hindi nagawa na makaalis. Ng sa wakas ay nagawa niyang mabilisang makauwi, huli na ang lahat.

Gayunpaman, nagiwan ng clue ang pumatay. Sila ay isang labi ng mga Caden na nawala sampung taon na ang nakalilipas. Kaya, nagmadali siyang pumunta sa Capital ng magdamag upang hanapin ang taong may kapangyarihan na nagutos na ubusin ang mga Caden at ang pagkuha ng Moonlit Flowers on Cliffside's Edge, sa pagasang masagot ang kanyang mga tanong.

Kahit anong mangyari, ang kanyang mga pagsisikap ay walang bunga, maliban sa isang piraso ng balita: Ang dahilan kung bakit pumangit si Thea Callahan ay noong sampung taon na ang lumipas, siya ay nasunog habang niligtas ang isang tao mula sa villa ng mga Caden!

Ang taong may kapangyarihan ay nagutos ng imbestigasyon kung sino ang iniligtas ni Thea Callahan.

Dala ang balitang iyon, umalis si Trent sa Capital at bumalik sa Cansington.

Ng sa wakas ay nakauwi na siya, gayunpaman, natuklasan niya na ang mga Xavier ay nabangkrupt. Malaki rin ang naging bahagi ni Thea Callahan dito.

Isang magandang babae ang umupo sa tabi niya. Ang kanyang balat ay halos walang kapintasan at siya ay tila napakabata. Ito ay si Rowena Xavier.

"Si Trent, ang pumatay sa ama ay maaaring isang misteryo, ngunit si Thea Callahan ang nagpabangkarote sa amin. Sinabi sa amin ni Joel na sinira lang kami ni Alex Yates dahil sa tawag ng babaeng iyon!"

Nagdilim ang ekspresyon ni Trent habang nakakuyom ang kanyang mga kamao. "Walang makakaligtas sa paggawa ng mga kaaway sa atin, kahit na si Alex Yates," ang sabi niya. "Ipapakita ko sa mundo na ang aming pamilya ay hindi madaling apihin. Hindi. Ngayong gabi, babagsak ang mga Callahan!"

Ginanap sa Cansington Hotel ang banquet auction ng mga Xavier.

Sa labas, ang mga mamahaling kotse ay nakahanay sa buong kalsada at ang mga kilalang tao ay nakakalat sa gusali.

Ang mga taong ito ay inimbitahan ni Rowena.

Bagama't ang mga Xavier ay nabankrupt at ang mga tao ay nag-aatubili na dumalo sa banquet auction na ito, ang balita na bumalik si Trent Xavier ay nakumbinsi sila.

Malaki ang naiambag ni Trent sa pagtaas ng mga Xavier sa Cansington, dahil siya ay isang sundalo sa kanlurang border at medyo mataas ang rangko.

Dalawang lalaking nakasuot ng itim na trench coat ang lumapit sa Cansington Hotel.

Tumigil sandali si Henry sa presensya ng militar sa labas ng gusali. “Hoy, James, mga western soldiers ito. Ibig sabihin bumalik na si Trent Xavier? Sigurado akong siya ang pinagkakatiwalaan ng Blithe King. Medyo mataas din ang kanyang rangko, bilang deputy commander."

"Ang Blithe King?" Napangisi si James. "Kahit narito siya ngayong gabi, papaluhurin ko siya sa harapan ko kung maglakas loob siyang humarang sa akin."

Sikat ang Five Commanders sa Sol.

Ang Black Dragon of the Southern Plains, ang Centurion of the North, ang Blithe King of the West, ang Barbarian King of the East, at ang Emperor of the Capital.

Pagdating sa impluwensya, ang Emperador ang pinakamalakas.

Ngunit kahit na ang Black Dragon ay naging Heneral sa pinakamaikling panahon, siya ang pinakamalakas pagdating sa diretso na kapangyarihan. Kahit na sabay sabay na umatake ang ibang mga commander sa kanya, sila ay maaaring hindi maging katapat niya.

Atsaka, may isa pang titulo ang Black Dragon: Asclepius, diyos ng medisina!

Ang kanyang husay sa medisina ay walang kapantay, kayang buhayin kahit ang mga patay!

Maari pa niyang pigilan ang scythe ng Kamatayan sa kalagitnaan ng pag-indayog. Hangga't may natitira kahit kalahating hininga sa kanila, nailigtas niya sila!

Iyon ang dahilan kung bakit walang nakitang banta si James sa iba pang apat na kumander, lalo na sa isang katiwala lamang ng Blithe King.

"May papatumbahin ba tayo ngayong gabi, James?"

“Ang priyoridad ngayong gabi ay ibalik ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Kung may mamamatay man... tingnan natin."

"Kailan tayo papasok?"

“Hindi kailangan magmadali. Papasok na tayo kapag nagsimula na ang event."

“Sige!”

Kaya nagtagal sila sa labas ng hotel.

Nangangamba ang mga celebrity na dumalo sa handaan ng makita ang mga sundalong nagbabantay sa hotel.

Bumalik na talaga si Trent Xavier!

Patay na ang kanyang ama, nabankrupt na ang kanyang pamilya... ngayong nakabalik na si Trent, parang may bagyong bumagsak sa Cansington.

Ang lahat ng mga kilalang tao ay nagtipon sa pinakaitaas na palapag ng hotel.

Pati si Thea ay dumating na. Ang itim na dress na kanyang suot ay pinalitaw ang kanyang balingkinitan niyang katawan at ang kanyang nakataling buhok ay nagbigay ng magandang at eleganteng ere sa kanya. Nakisalamuha siya sa karamihan ng mga bituin, pinalawak ang kanyang personal na network tulad ng gusto niya.

Sa pagkakataong iyon, biglang nabitawan ng dalawang empleyado ang buhat nilang painting habang nilalampasan nila si Thea.

Crash!

Bumagsak ang painting sa sahig, nabasag ang crystal case kung saan ito nakalagay. Isang shard ang humiwa sa painting ng dumapo ang nasirang bahagi sa mga paa ni Thea.

“Ano… Ano iyon?”

Tinitigan ng isang empleyado ang nabasag na salamin at humiwa sa painting sa lapag, saka pinandilatan ng mata si Thea. "Bakit mo ako nabangga?!"

"Ano? hindi kita binangga!” Natatarantang sabi ni Thea.

Hindi man lang niya ito hinawakan.

“Hindi ako. Napagkamalan mo ba akong ibang tao?"

“Hindi maaari. Nabitawan ko lang dahil nabangga mo ako. Alam mo ba kung ano ito? Ito ay Moonlit Flowers on Cliffside's Edge! Ito ay higit sa dalawang libong taong gulang! Ito ay nagkakahalaga ng one-point-eight billion dollars!”

Sumama naman ang ibang empleyado sabay turo kay Thea. “Kasalanan mo ito, Thea Callahan. Ikaw gumawa nito!”

Nagsimulang magtipon ang mga tao sa kaguluhan.

"Anong nangyayari dito?" tumahol ang isang may kkatandaan na lalaking nakasuot ng uniporme pang militar. “Bakit kayo nagsisigawan? Nakalimutan mo na ba kung paano ka dapat kumilos sa harap ng mga bisita?"

“Boss, dinadala namin ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge ng matabig ito ni Thea Callahan. Ito... ay nasira na."

Lumuhod si Trent at napakunot ang noo sa hiwa sa painting. “Moonlit Flowers on Cliffside's Edge… Talagang sira na ito. Nagkakahalaga ito ng one-point-eight-billion dollars!”

"Hindi, hindi ako!" Gulat na gulat na sabi ni Thea habang umaatras, naluluha sa malaking halaga.

Walang paraan na kaya niyang bayaran iyon, kahit na iliquidate niya ang lahat ng pag aari ng kanyang pamilya!

Tumayo si Trent at walang pakialam na tumingin sa kanya. "Hindi ako magbibintang ng sinuman. Nilagyan ang lugar na ito ng mga surveillance camera. Malalaman natin ang katotohanan kapag na-review natin ang footage. Dalhin mo rito!"

Makalipas ang ilang minuto, may nagdala ng footage. Pinalabas ito ni Trent para sa lahat ng naroroon.

Sa video, dinaanan ng mga trabahador si Thea, ngunit nabitawan ang painting ng mabangga ni Thea ang isa sa kanila.

Ng makita iyon, malamig na tumingin si Trent kay Thea. "One-point-eight billion, Thea Callahan," aniya, pagkatapos ay humarap sa kanyang mga tauhan. “Paalisin niyo siya. Bumisita sa mga Callahan para kunin ang pera. Kung hindi nila ito mabayaran, dalhin silang lahat dito."

Nagpipigil ng luha si Thea sa mga sundalo na papalapit sa kanya. “Talagang hindi ko ginawa iyon! Hindi ako, Heneral Xavier! hindi ko ginawa ito! Hindi ko ito natabig!"

Medyo dumami na ang mga tao ngayon, ngunit walang nagsalita, kuntento na lang na maawa kay Thea.

"Kawawa naman. Nagsimula pa lang silang bumangon. Pero napahamak sila ngayon."

“Oo. One-point-eight billion! Siguradong magiging bankrupt sila. Makakakuha pa kaya sila ng ganun kalaki pagkatapos maibenta ang lahat?"

“Malas naman yata si Thea. Napaka pabaya niya naman."

Nawala ang kulay sa mukha ni Thea ng marinig niya ang usapan at pinapanood ang paglapit sa kanya ng mga sundalo. Napaatras siya ngunit napahinto habang nakatitig sa itim na barrel ng kanilang mga baril.

"Dalhin mo siya sa kwarto sa likod!" utos ni Trent.

Sa desperasyon at kawalan ng magawa, walang kabuluhang pumalag si Thea habang kinakaladkad siya ng mga sundalo.

Ang mga tao ay nanonood sa gulat, ngunit wala sa kanila ang nakiramay sa kanya. Sa katunayan, may mga lihim na naaliw sa buong eksena.

Walang epekto ang inisidenteng ito sa event. Sa sandaling iyon, lumitaw si Rowena Xavier upang ipahayag ang pagsisimula ng auction.
Continue to read this book for free
Scan the code to download the app

Latest Chapter

  • Kabanata 4544

    Sa kabila ng pagiging napakalakas, hindi kayang tiisin ni Leif ang maraming kalaban na kapareho niya ng rank. Sa puntong ito ng labanan, siya ay malubhang nasugatan na.Si Saachi ay kinubkob din ng maraming powerhouse, at ang kanyang puting damit ay nabahiran ng pula.Marami sa kanyang mga sundalo ang walang awang pinatay.Nagpatuloy ang mabangis na labanan sa Endlos Void.Napakunot ang noo ni James habang pinapanood niya ang labanan.Malakas ang mga kalaban ni Saachi, at marami sa kanila ang may katulad na lakas sa kanya sa kanyang pinakamalakas na anyo ng pakikipaglaban.Hindi magamit ni James ang kanyang buong lakas gamit ang seal sa kanyang katawan. Ang Bithe Omniscience lamang ang kaya niyang pakilusin. Sa kasamaang palad, kulang pa rin ang kanyang pag unawa sa Blithe Omniscience, at wala siyang kumpiyansa na harapin man lang ang isa sa mga powerhouse sa paligid ng Leif, lalo na silang lahat.Sa una, walang balak si James na masangkot sa tunggalian ni Saachi at ng Aeternus

  • Kabanata 4543

    Sinamantala ni James ang pagkakataong bumalik sa espirituwal na bundok ni Saachi. Tumungo siya sa hardin ng mga halaman ngunit naharangan ng isang malakas na pormasyon. Sa kabila ng pagkakaroon ng pambihirang pisikal na lakas, ang Enerhiya ng Dugo ni James ay umikot. Hindi niya ito napigilan, kaya't dumura siya ng isang subo ng dugo."Susmaryosep. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalakas ang formation," Mura ni James."Tara na, basagin mo!"Naikuyom niya ang kanyang kamao at inihampas ito sa formation.Ang kanyang pisikal na lakas ay nakonsentra sa kanyang palad at isang eksplosibong lakas na katumbas ng isang Caelum Acmean ang tumama sa formation.Nawasak ang nakapalibot na lugar, ngunit nanatiling ligtas ang formation. Walang silbi ang pisikal na lakas ni James laban dito.Naipit niya ang kanyang dila at bumulong, "Nakakainis ito."Kayang basagin ni James ang formation gamit ang kanyang malalim na kaalaman sa mga ito. Gayunpaman, ang kanyang orihinal na kapangyarihan sa l

  • Kabanata 4542

    Sa nakalipas na tatlumpung milyong taon, hinangad ni James ang mga halamang gamot sa loob ng hardin ng halamang gamot. Gayunpaman, mahina pa rin ang kanyang bagong sistema ng ugat, kaya hindi pa niya kailangan ng mga de kalidad na halamang gamot. Kahit na gamitin niya ang mga ito, masasayang lang ang mga ito.Palihim niyang binalak na palakasin ang kanyang bloodline power, pagkatapos ay maghanap ng pagkakataon na ilabas ang lahat ng halamang gamot mula sa hardin ng halamang gamot.Laking gulat niya, inalok ni Saachi ang mga halamang gamot sa kanya.Magaan na tumango si Saachi at sinabing, "Maaari kang kumuha ng ilan, hindi lahat. Kailangan ko ng ilan para sa aking sarili, kaya hindi ko maibibigay sayo ang lahat. Papayagan ko sana na makuha mo ang lahat kung ito ay noon pa man."Noong nakaraan, si Saachi ang Saintess ng Aeternus District. Ang mga halamang gamot sa hardin ng halamang gamot ay mahalaga sa kanya.Ngayong napadpad na siya sa lugar na ito, gusto niyang gamitin ng matipi

  • Kabanata 4541

    Matapos makalap ng sapat na dami ng mga halamang gamot, ginamit ito ni James upang muling mapahusay ang kanyang kapangyarihan sa bloodline.Habang lumalakas ang kapangyarihan ng bloodline ni James, nahihirapan siyang mapabuti. Irerefine niya ang maraming halamang gamot, ngunit ang kapangyarihan ay hindi pa umaabot sa Divine Rank.Nagpatuloy si James sa paghahanap ng mga halamang gamot sa mga Empyrean sa mga tiwangwang na lugar.Tatlumpung milyong taon ang lumipas sa isang iglap.Matapos magbukas si James ng isang bagong sistema ng ugat, naghanap siya ng mga halamang gamot at pinahusay ang kanyang kapangyarihan sa bloodline. Sa pamamagitan ng kanyang patuloy na pagsisikap, ang kanyang kapangyarihan sa bloodline ay umabot sa Emperor Rank pagkatapos ng 30 milyong taon.Samantala, sinusubukan ni Saachi na ibalik ang kanyang mga Dobro Eyes. Upang makamit ang kanyang layunin, kumain siya ng hindi mabilang na Caelum Acme Herbs. Gayunpaman, hindi gumaling ang kanyang mga Dobro Eyes.Naka

  • Kabanata 4540

    Tila labis na nalilito si Leif.‘Hindi ko alam ang eksaktong rank niya sa cultivation, pero nagkomento si Ms. Saachi tungkol sa kung paano kahanga hanga ang lakas ni James dahil sa kanyang pambihirang pisikal na kondisyon. Karaniwan, ipinahihiwatig din nito na ang cultivator ay nakamit ang isang napakahusay na ranggo sa cultivation. Ngunit, ang lalaking iyon ay gumagamit ng mga mababang uri ng halamang gamot para sa kanyang cultivation?’ Nag isip si Leif.Kumibot ang mga kilay ni James nang mapansin niya si Leif. Gayunpaman, mabilis niyang nakontrol ang kanyang ekspresyon at sinabi nang walang pag aalinlangan, “Pustahan ko ay hindi ka pa nakakita ng ganito. Ito ay isang lihim na pamamaraan na natutunan ko mula sa aking pinuno ng sect. Ito ang perpektong pamamaraan upang sanayin at pinuhin ang katawan ng isang cultivator.”“Oh… Tama ba?”Tinaas ni Leif ang kanyang mga kilay. “Mayroon kang katawan ng isang Caelum Acmean. Maaari bang maging kapaki pakinabang sayo ang isang herbal na t

  • Kabanata 4539

    “Hindi ko inaasahan.” Sumulyap si Saachi sa kanya.Ang mga Acme Herbs ay napakabihirang at mahalaga. Bukod pa rito, ginugol ni Saachi ang malaking pagsisikap sa paglilipat ng karamihan sa mga halamang gamot na ito sa hardin ng halaman mula sa Aeternus District bago sila tumakas mula roon. Hindi nila kayang ibigay ang mga halamang gamot ng walang ingat, lalo na sa isang hindi kilalang lalaki.“Sige. Kalimutan mo na ang sinabi ko.”Naisip ni James, ‘Hindi ko naman talaga kailangan ang mga high grade herbs na ito dahil hindi ko pa nasisimulang paunlarin ang aking bagong bloodline power. Isa pa, medyo matagalan pa bago ko sanayin at pagbutihin ang bagong bloodline power sa simula. Hindi ko kakailanganin ang mga halamang gamot na nasa Acme grade para sa yugtong iyon.’Habang naglalakad palayo si James nang walang inaalala, nakatayo roon si Saachi at tinitigan ang papalayong pigura ng lalaki.Pagkalipas ng ilang segundo, lumitaw si Leif sa tabi niya.Nagbilin si Saachi, “Bantayan mong

More Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App