Home / All / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 10 Sa Kwarto sa Taas ka Matutulog
Kabanata 10 Sa Kwarto sa Taas ka Matutulog
Author: Lemon Flavored Cat
Kinilabutan si Arianne Wynn sa balitang ito. Natapos na ba ang business trip niya? Bakit nakabalik na agad siya?

Namuo ang takot sa kanyang puso.

Mabuti nalang at hindi siya sumama na mag-ice skating kasama si Tiffany. Malas lang siya dahil nasira ang bike chain niya...

Pumunta si Arianne sa kubeta, nababalisa siya habang naliligo dahil alam niyang hahanapin siya ni Mark Tremont.

Pagkalabas niya ng kubeta, habang naglalakad siya sa sala ay may nasulyapan siyang anino na nakaupo sa sofa.

May suot itong light grey loungewear, mas casual ito kumpara sa kanyang full suit attire, nakakatakot ang itsura niya kapag suot niya ang kanyang suit. –

Makikita sa kanyang mga mata na malayo ang iniisip niya habang nakatingin siya kay Arianne.

"Halika dito."

Nakayukong lumapit at tumayo ng diretso si Arianne sa tabi ni Mark Tremont.

"Nakabalik ka na pala."

"...Nilalamig ka?" Tatanungin sana ni Mark Tremont kung bakit late nang umuwi si Arianne, pero nag-iba ang kanyang tanong nang makita niya ang kamay ni Arianne na may bitak.

Nagulat si Arianne at hindi niya sinubukang tingnan ang mga mata ni Mark Tremont. "Um… okay lang ako…"

Kinuha ni Mark Tremont ang kumukulong black tea na nasa coffee table at walang ano-ano'y pinasa niya ito kay Arianne.

Walang pagbabago ang kanilang emosyon. "Hindi ka na pwedeng umuwi ng late sa susunod." Hindi tinanggap ni Arianne ang tsaa.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nagalit si Mark Tremont dahil late siyang nakauwi, hindi rin siya nanghingi ng rason kay Arianne.

Tiningnan ulit siya ni Mark Tremont. Gamit ang nakakatakot na tingin ni Mark Tremont, napainom at napaubos niya kay Arianne ang tsaa.

Hindi masyadong mainit ang black tea, pero nanlambot ang tuktok ng dila ni Arianne pagkatapos niyang inumin ang tsaa.

Pagkatapos niyang ubusin ang tsaa, huli na niyang nalaman na ang baso na ininuman niya ay kay Mark Tremont pala.

"Uh… ako na maglilinis nito para sayo…"

Bago pa siya makapagsalita, mabilis na naglakad papunta sa kusina si Arianne habang hawak niya ang maligamgam na baso.

Dumilim ang mga mata ni Mark Tremont at sumimangot ang nakakaakit niyang manipis na labi.

Sobra ba talaga ang takot na nararamdaman ni Arianne kay Mark Tremont?

Ilang beses hinugasan ni Arianne ang baso. Biglang lumapit si Mary, sinara niya ang gripo at sinabi niya, "Ari, anong ginagawa mo? Masisira na ang baso sa sobrang linis!"

Matagal na nakatulala si Arianne bago siya nagising at maingat niyang hinawakan ang baso.

"Wala… ibabalik ko na 'to sa kanya."

"Dalian mo na," utos ni Mary.

Wala pang lakas ng loob si Arianne para lumapit kay Mark Tremont. Hindi naman gagamitin ni Mark Tremont ang baso, pero hindi niya sinabi na ayaw na itong kunin.

Nangangamba si Arianne na makita muli ang poot at galit sa mga mata ni Mark Tremont…

Napakunot si Mark Tremont habang tinitingnan niya ang batang babae na paalis ng kusina, pagkatapos nitong linisin ng paulit-ulit ang baso.

Mahigpit ang puting sweater ni Arianne sa kanyang mapayat na pangangatawan – kumain ba siya ng marami kanina?

Habang nasa harapan siya ni Mark Tremont, narinig ng lalaki ang mahinhin na boses ni Arianne, "Gus… gusto mo ba ng tsaa? O gusto mong palitan ko ang baso?"

Hinawakan ng malakas at payat na mga kamay ni Mark Tremont ang baso at dahan-dahan niyang sinalin dito ang black tea.

Malaki ang pinagkaiba ng kanilang mga kamay, ang isa ay malambot at maputi habang ang isa, makikita ang hirap na dinanas nito.

"Sa susunod, si Henry na ang magdadala sayo sa school. Huwag mong ipahiya ang pangalang Tremont."

Naramdaman na sana ni Arianne ang malasakit sa kanya ni Mark Tremont, pero bigla siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa mga huling sinabi ng lalaking ito.

Akala niya kilala niya ang lalaking ito at hinanda niya na ang kanyang isip sa mga mangyayari...

Nagaalala lang pala si Mark Tremont sa kahihiyan na binigay niya sa pangalang Tremont.

"Hinaharangan mo yung ilaw," sabi ni Mark Tremont habang nakatingin siya sa kanyang magazine.

Tiningnan ni Arianne ang lamp na nasa taas ng ulo nila. Paano niya hinaharangan ang ilaw?

Naisip ni Arianne na baka sinasabi ni Mark Tremont na masakit siya sa mata para sa lalaking ito.

Aalis na sana si Arianne nang bigla siyang napahinto sa sinabi ng lalaki. "Hindi ko sinabi na umalis ka."

Humarap ulit si Arianne sa kanya at umupo sa sofa, sinigurado niya na malayo siya sa lalaking ito nang makita niya na kinuha at ininom nito baso ng tsaa.

Normal ang ekspresyon sa mukha ni Mark Tremont at okay lang sa kanya na iniinuman niya pa rin ang baso na ininuman ni Arianne kanina!

Naisip muli ni Arianne ang nangyari sa kanila sa kwarto ni Mark Tremont at naramdaman niyang umiinit ang kanyang mga pisngi.

"Simula ngayon, sa kwarto sa taas ka matutulog."

Walang ideya si Mark Tremont kung anong nasa isip ni Arianne.
Continue to read this book for free
Scan the code to download the app

Latest Chapter

  • Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

More Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App