All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 2891
- Chapter 2900
4588 chapters
Kabanata 2891
”Pero kanino natin dapat ibigay ang posisyon?”“Pagkatapos kong pag-isipan ng maigi ang tungkol dito, napagdesisyunan ko na magdaos ng isang Alchemy Tournament. Ang sinumang magwawagi sa paligsahang ito ay ang magiging kinatawan ng Stardust Realm sa screening process upang maging disipulo ng Medicine Pavilion.”Nang marinig niya ito, naunawaan ni James na ito ang Lord ng Stardust Realm. Sinubukan niyang pakiramdaman ang kanyang kapangyarihan. Subalit, masyadong malakas ang aura na nagmumula sa Lord, at wala siyang maramdaman na kahit ano.“Gaya ng inaasahan sa Lord ng isang realm… Napakalakas niya. Marahil ay nasa Divine Rank na siya o higit pa.”May ideya si James kung gaano kalakas ang Lord. Gayunpaman, hindi niya maisip kung nasa anong stage na ba siya ng Divine Rank.Habang nakatayo sa himpapawid, nagsalita ng malakas ang Lord."Upang masiguro na magiging patas ang paligsahang ito, inimbitahan ko si Myrddin Silas ang Divine God na maging hurado ng paligsahang ito."Nang mari
Read more
Kabanata 2892
Ang Mount Inclining Moon ay ang pinakamalaking bundok sa labas ng Stardust City.Habang nagtitipon ang mga alchemist sa paanan ng Mount Inclining Moon, inihayag ng Lord ng Stardust Realm ang mga patakaran ng preliminary round. Simple lang ang mga patakaran.Isang Magic Circle ang inihanda upang subukan ang Soul Power ng mga alchemist. Sa karaniwang sitwasyon, ang lakas ng Soul Power ng isang alchemist ay kaugnay ng lebel ng kanilang kapangyarihan. Kung ang kanilang Soul Power ay umabot sa Fifteenth Stage ng Sage Rank, nasa ganoong stage din ang kanilang rank. Gaya nito, ang lebel ng kanilang alchemy ay nasa Fifteenth Stage rin ng Sage Rank, at makakagawa sila ng isang elixir na nasa Tenth Level.Gayunpaman, mayroong mga naiiba sa karaniwan. Ang ilang mga cultivator, gaya ni James, ay nagtataglay ng pambihirang Soul Power. Dahil ang Soul Power ng isang tao ay hindi malalayo sa kanilang rank, pisikal na lakas, at bloodline power ng isang tao, kung mas malakas ang isang tao, magiging m
Read more
Kabanata 2893
Sa loob lamang ng ilang minuto, maraming alchemist ang kusang sumuko sa paligsahan. Samantala, pagkatapos pigilan ang kapangyarihan ng Magic Circle, bumuti ang pakiramdam ni James. Dahil hindi siya apektado ng mabigat na pwersa ng Magic Circle, humakbang siya pasulong at dahan-dahang naglakad patungo sa tuktok ng bundok.Hindi nagtagal, siya na ang nangunguna sa paligsahan. Nasa likod niya ang isang grupo ng mga alchemist na hirap na hirap na naglalakad paakyat sa bundok.Maraming tao ang nakatayo sa tuktok. Kabilang sa kanila ay ang Lord ng Stardust Realm, si Myrddin Silas ang Divine Rank alchemist, at marami pang ibang kilalang alchemist ng Stardust Realm.“Myrddin.”Tumingin ang Lord kay Myrddin, na nakatingin sa paanan ng bundok ng may mahinahong ekspresyon sa kanyang mukha.Nagtanong ang Lord, “Ang Magic Circle na ito ay talagang makapangyarihan. Talaga bang magagawang abutin ng sinumang alchemist ang tuktok? Masyado bang mahigpit ang mga patakaran natin?"Ang malamig na sin
Read more
Kabanata 2894
Hindi malayo ang distansya mula sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok nito. Gayunpaman, inabot ng tatlong araw si James bago siya nakarating sa tuktok. Ngayon, ilang daang metro na lang ang layo niya sa finishing line. Para siyang nakaranas ng matinding labanan, kahabag-habag ang kalagayan niya sa kasalukuyan. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa buong katawan niya, at halos wala na siyang lakas.Nakahiga siya sa lupa, nasa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay. Hirap na hirap na din siyang huminga. Sa kasalukuyan, siya ang pinakamalapit sa finish line. Bagama't nakahiga siya sa lupa, dinudurog ang kanyang kaluluwa.Alam ni James na kailangan niyang tapusin ito sa lalong madaling panahon. Habang mas matagal niyang kinaladkad ang katawan niya palabas, mas mababa ang tsansa na maabot niya ang finish line. Kung magpapatuloy ito, unti-unti siyang malulumpo.Nahirapan siyang tumayo at humakbang pasulong. Agad siyang bumagsak sa lupa, at nagsimulang dumugo nang husto ang buong katawan n
Read more
Kabanata 2895
Hindi nagtagal, gumaling na ang mga pinsalang tinamo niya. Pagtayo niya, nag-unat siya at tumingin siya sa harap niya. Sa sandaling iyon, mayroong nasa tatlumpung mga alchemist na isang kilometro na lang ang layo mula sa finish line. Alam ni James na malamang ay mayroong itinatagong alas ang mga alchemist na ito at magagawa nilang abutin ang dulo. Kung aayon ang lahat sa inaasahan niya, makakalaban niya ang mga alchemist na ito sa huling round. Ang sinumang magwawagi ay ang magiging kinatawan ng Stardust Realm sa pagsusulit ng Medicine Pavilion. Tahimik na naghintay si James sa isang tabi. Samantala, tumingin si Myrddin kay James. Kahit na bata-bata pa si James, nagtataglay siya ng pambihirang Soul Power. Nagbago ang pananaw ni Myrddin tungkol sa kanya dahil dito. Gayunpaman, bilang isang Divine Rank alchemist, hindi na mabilang ang mga prodigy na nakilala niya. Kahit na angat sa iba si James, hindi siya maituturing na pinakamahusay sa lahat. Lumipas ang oras.Pagkaraan ng isa
Read more
Kabanata 2896
Pagkatapos niyang sabihin iyon, naging malagim ang ekspresyon ni Daley, at naging seryoso ang kanyang boses. “Maraming beses na higit na mas makapangyarihan ang Overworld kaysa sa Stardust Realm. Kapag umatake sila gamit ang buong pwersa nila, wala tayong laban sa kanila. Maraming mga mundo sa kalawakan na nawasak mula pa noong sinaunang panahon. Kapag nabigo tayong ayusin ng tama ang krisis na ito, maaaring mawasak ang Stardust Realm.”Nang marinig ito, nagtanong ang isang alchemist, “Sir, wala na bang paraan para maayos ‘to? Hindi ba tayo pwedeng humanap ng paraan para ayusin ang hidwaang ito?”Bumuntong-hininga si Daley. “Naresolba na sana ang krisis na ito kung ganun lang iyon kadali. Imposible itong maresolba. Sa nagdaang mga taon, sinubukan kong makipag-usap sa Overworld. Subalit, dahil tumanggi silang makipagkita man lang sa’kin, wala na akong ibang magagawa.”Mayroong malagim na ekspresyon sa mukha ng iba pang mga alchemist. Lahat sila ay mga nilalang ng Stardust Realm. It
Read more
Kabanata 2897
”Ang pangalan ko ay Yevpraksiya Halkyone. Inutusan ako ng Lord ng Stardust Realm na pagsilbihan ka hanggang sa matapos ang Alchemy Tournament. Pagkatapos ng paligsahan, maaari mo akong isama sa paglalakbay mo kung sa tingin mo ay maayos ang pagsisilbi ko sa’yo. Kung ayaw mo akong isama, ayos lang din ‘yun.”Ang marahang sinabi ni Yevpraksiya habang nakayuko siya.Gusto niyang isama siya ni James. Kahit na naabot na niya ang Sage Rank, ang pagiging isang Sage ay isang bagay na hindi niya maipagmamalaki sa mundong ito kung saan nagkalat ang mga Divine Rank na cultivator. Bukod sa isang bata at guwapong alchemist si James, mayroon din siyang napakalaking potensyal.“Iangat mo ang ulo mo.”Ang sabi ni James.Inangat ni Yevpraksiya ang kanyang ulo.Malinaw nang nakikita ni James ang kanyang mukha ngayon. Nasa higit labing-walong taong gulang pa lamang si Yevpraksiya. Ang kanyang balat ay makinis at maputi, at ang kanyang mga mata ay malaki at masigla. Kahit na isa siyang Sage, naramda
Read more
Kabanata 2898
Bahagyang ikinumpas ni James ang kanyang kamay upang ipahiwatig na hindi niya kailangan iyon."Babalik na ako sa kwarto ko para magpahinga. Sabihan mo ako kapag magsisimula na ang alchemy test."Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya para umalis, dahil malaki ang nabawas sa kanyang Soul Power. Bagama't nakabawi na siya kahit paano, hindi pa niya ganap na naibabalik ang lahat ng kanyang Soul Power. Isa pa, maraming Soul Power ang kinakailangan sa alchemy.“Masusunod.”Ang magalang na sinabi ni Yevpraksiya.Samantala, bumalik si James sa kanyang kwarto at umupo ng naka-lotus position. Binalak niyang gamitin ang meditation para maibalik ang kanyang naubos na Soul Power.Isang buwan siyang naghintay. Bumalik ang kanyang naubos na Soul Power sa nakalipas na isang buwan.Makalipas ang isang buwan, may kumatok mula sa pinto.Tok! Tok! Tok!“Master.”Nang marinig niya ito, tumigil si James sa kanyang pagme-meditate, tumayo, at naglakad papunta sa pinto upang buksan ito. Nakat
Read more
Kabanata 2899
Nang marinig ito, naguluhan ang lahat ng mga alchemist.Pagpili ng mga halamang gamot upang lumikha ng isang elixir? Marami silang pinagdaanan upang maihanda ang isang elixir formula at ang sarili nilang mga halamang gamot para sa Alchemy Tournament na ito. Gayunpaman, narito si Myrddin na nagsasabi na kailangan nilang pumili mula sa mga halamang gamot na inihanda para sa kanila.Magiging napakahirap nito dahil maaaring may mga halamang gamot na hindi kinakailangan para sa kanilang mga formula sa mga pagpipilian nila. Sinusubukan nito ang kanilang mga kaalaman sa alchemy. Kung mas maraming mga formula ang kanilang pinag-aralan, mas magiging madali para sa kanila na lumikha ng kumbinasyon ng mga halamang gamot na ito.Ang bawat alchemist ay mayroong malagim na ekspresyon sa kanilang mga mukha, maliban kay James. Wala siyang kahit anong pwedeng ihanda. Kung tutuusin, ang natutunan niya ay pamana ng isang Emperor Rank alchemist. Mayroong hindi mabilang na mga formula sa loob ng kanyang
Read more
Kabanata 2900
Maraming uri ng mga Empyrean herb sa Alchemy Tournament na inorganisa sa Stardust Realm. Hindi bababa sa isang libong mga Empyrean herb ang nandito, at mayroong hindi bababa sa sampu o higit pang mga sample ang bawat uri nito. Subalit, ang lahat ng mga ito ay mga karaniwang halamang gamot. Gayunpaman, napakalaki ng halaga ng mga halamang gamot na ito. Walang ordinaryong tao ang makakapaghanda ng napakaraming halamang-gamot nang sabay-sabay.Inisa-isa ni James ang mga halamang gamot, pinag-iisipan niya kung anong uri ng elixir ang maaari niyang gawin. Kasabay nito, inobserbahan niya ang iba pang mga alchemist. Base sa mga halamang gamot na pinili nila, may ideya na siya kung anong uri ng elixir ang nais nilang gawin.Hindi madaling kalaban ang mga alchemist dito.Napagtanto ni James na ang mga elixir na kanilang ginagawa ay nasa Fifteenth Grade ng Sage Rank o higit pa. Kahit na ang lahat ng mga ito ay mga de-kalidad na halamang gamot, kinuha lamang nila ang mga ito upang masiguro na
Read more