All Chapters of Ang Alamat ng Dragon General: Chapter 2901
- Chapter 2910
4588 chapters
Kabanata 2901
Matapos bumalik sa upuan niya, sinulyapan niya si James, na matiyagang naghihintay at nginitian siya. Pagkatapos, kumaway siya at kulay lila na liwanag ang nagpakita. Pagkatapos, nagpakita na ng buo ang kulay lila na alchemy furnace.Ilang metro ang taas ng alchemy furnace at naglalabas ito ng kulay lila na liwanag.“I-Isang Divine Rank alchemy furnace?”Agad na tumayo si Myrddin at tinitigan ang alchemy furnace na inilabas ng babae. Natulala siya. Kahit na Divine Rank Alchemist siya, wala siyang Divine Rank alchemy furnace.Sino ang babaeng ito? Bakit siya may Divine Rank alchemy furnace?Nainggit si Myrddin. Kahit na malayo ang nilakbay niya at matagal ng naging kilala na alchemist, hindi pa siya nagkaroon ng Divine Rank alchemy furnace kahit na maraming taon na ang lumipas. Ngayon, paanong hindi siya maiinggit sa mas bata sa kanya na mayroon?Maraming mga alchemist ang nagtipon. Hindi sila umabot sa sumunod na round, pero batid nila na Divine Rank alchemy furnace ito.“Isa iyong Div
Read more
Kabanata 2902
Hindi maitatanggi na maraming magagandang bagay na taglay ang babae. Mapa Divine Rank alchemy furnace o ang kakaibang True Fire, ang mga bagay na ito ay ninanais ng lahat ng mga alchemist. Kahit si Myrrdin ay nahirapan na pigilan na magtanong kung sino ang master niya. Sapagkat nagawa ng master na magbigay sa disipulo niya ng ganitong kayamanan, siguradong kilalang alchesmist ang master. Ngunit, nanatiling sarado ang bibig ng babae.Dismayado siyang tinignan ni Myrddin at sinabi, “Good luck, umaasa ako na mananalo ka. Kung makaliligtas ang Stardust Realm o hindi sa krisis nito ay sa iyo na nakasalalay.”Tumango ang babae at sinabi, “Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para manalo sa turneyong ito at irepresinta ang Stardust Realm sa paglahok sa discipleship examination ng Medicine Pavillion.”“Mabuti.”Kuntentong tumango si Myrddin at tumalikod na para umalis.Bumalik siya sa upuan niya.Nagtanong si Daley, “Myrddin, kumusta? Sino siya?”Umiling-iling si Myrddin, “Ayaw niyang sabihin k
Read more
Kabanata 2903
Naguluhan si Daley.Ipinaliwanag ni Myrddin, “Para masiguro ang kalidad ng mga elixir, may ilang mga makapangyarihan na alchemist ang inaayos muna ang kundisyon nila bago simulan ang proseso. Ang iba ay sasailalim pa sa closed-door meditation para masiguro na nasa rurok sila ng abilidad nila bago lumikha ng elixir.”Noong narinig ito ni Daley, nagtanong siya, “Maaari kayang makapangyarihan siyang alchemist?”Umiling-iling si Myrddin at sinabi, “Hindi ko alam.”…Ipinikit ni James ang mga mata niya at nirelax ang isip. Lumipas unti-unti ang oras. Kahit na ang iba ay malapit na matapos sa unang elixir nila, hindi pa siya nagsisimula.Samantala, sa hindi kalayuan, natapos na ng babae ang unang elixir niya. Maingat niya itong itinago at pumili ng mga herbs. Handa na ang babae para lumikha pa ng mas mataas na gradong elixir.Sa oras na iyon, relax na relax si James. Tumigil siya sa pag-obserba sa ibang mga alchemist at inilabas niya ang Martial Alchemy Furnace.Swoosh!Isang liwanag ang nag
Read more
Kabanata 2904
Nagkaroon ng komosyon dahil sa Emperor Rank alchemy furnace ni James, at kahit si Myrddin na Divine Rank alchemist ay natulala. Hindi niya inaasahan na mayroong Divine Rank alchemy furnace sa Stardust Realm. Masyado itong nakakatakot.Matapos ang ilang sandali, inayos niya ang sarili niya, tumayo siya, at naglakad palapit kay James. Tumayo siya sa harap ni James habang inoobserbahan ang lumulutang na alchemy furnace sa harap niya. Habang nakatingin siya sa mga misteryosong simbolo sa kulay tanso na alchemy furnace, lumipad ang isip niya sa mundo ng mga misteryosong simbolo.Matapos ang ilang sandali, inayos niya ang sarili niya at nagbigay papuri, “Napakamisteryosong Alchemy Way at inscription! Hindi ito kapanipaniwala! Gamit ang alchemy furnace na ito, anong elixir ang hindi mo maaaring malikha?”Kahit na Divine Rank alchemist siya, naiintindihan niya na ang inscription at Alchemy Way na nasa ukit sa alchemy furnace ay higit pa sa kaya niyang maintindihan. Tumalikod siya at magalang n
Read more
Kabanata 2905
Hindi binigyan pansin ni James ang mga mata ng iba sa kanya at nagconcentrate sa mga herbs na pinili niya. Noong kumaway siya, isang herb ang pumasok sa furnace. Sa oras na pumasok ang herb, agad na nagamit ang formation na nakaukit sa furnace. Ilang misteryosong inscritions ang lumitaw at lumikha ng gintong linya na bumalot sa herb. Noong gumana ang formation, nabalot ng misteryosong inscription ang herb.Sa oras na iyon, nararamdaman ni James ang bawat parte ng herb habang ginagamit niya ang Genesis True Fire. Balak niyang gamitin ang Genesis True Fire para irefine ang herb. Hindi dapat siya makakalikha ng elixir sa Sage Rank’s Tenth Grade gamit ang alchemy level niya. Pero, sa tulong ng Emperor Rank furnace, madali niya itong nagagawa.Hindi nagtagal, naextract na ng husto ang mga component ng unang herb.“Maning mani.”Nakahinga ng maluwag si James. Sa tulong ng Emperor Rank alchemy furnace, wala na siyang dapat ikatakot.Nagsimula na siya sa ikalawang herb. Magaling ang kontrol ni
Read more
Kabanata 2906
Sapagkat isang alchemist si James na kayang lumikha ng Divine Rank na elixir sa pag gamit ng Sag Rank’s Fifteenth Grade herb, siguradong hindi siya dapat maliitin. Kaya, naging magalang siya kay James.“James, sapagkat kakatapos mo lang lumikha ng elixir, marahil pagod ka na. Hayaan mo na samahan kita sa pahingahan.”Matapos ipamalas ni James ang Emperor Rank alchemy furnace at lumikha ng Divine Rank elixir, naging napakagalang sa kanya ni Daley. Hindi lang si Daley, pati si Myrddin gusto sumipsip kay James. Sapagkat hindi lang may Emperor Rank alchemy furnace si James pero nagtataglay din siya ng nakakatakot na lebel ng abilidad sa alchemy. Ang ilan sa mga technique na ginamit niya ay matagal ng nawawala. Kung matuturuan siya ni James, gagaling siya ng husto sa alchemy.Hindi pagod ang pakiramdam ni James. Ngunit, sapagkat nanalo na siya, wala ng punto ang manatili dito. Sa gabay ni Daley, isinama siya sa magandang hardin ng lungsod.Sa hardin, nagtanong si James, “Oo nga pala, kailan
Read more
Kabanata 2907
”Huwag mo sabihin na ang misteryosong ilog na nakita ko bago ako duamting sa Boundless Realm ay ang River of Time…”Nanlaki ang mga mata ni James, hindi siya makapaniwala sa nangyayari.“Oo.” sagot ni Spirit Tool, “Marahil natatakot siya na wala na tayong oras. Kaya nakaisip siya ng ganitong plano. Sa ngayon, kailangan mo hanapin ang Ancestral God Elixir.”Noong narinig ito ni James, napagtanto niya.Nakatayo si Daley sa tabi ni James. Noong nakita niyang tahimik si James, naging tahimik din siya.Hindi sila nagsalita sa loob ng isang minuto.Matapos ito, nagtanong si Daley, “J-James?”Inayos ni James ang sarili niya at sinulyapan siya at nagtanong, “May problema ba?”“A-Ano…” nautal si Daley.Nagsalita si James, “Sabihin mo ang gusto mo sabihin.”Matapos ang kaunting pag-aalinlangan, naniniwala si Daley na kailangan niyang sabihin kay James para matulungan siya.“Sa pagkakaalam mo, ang Stardust Realm ay kasalukuyang kumakaharap sa krisis.”Nagtanong si James, “Ang tinutukoy mo ba ay a
Read more
Kabanata 2908
Hindi alam ni Daley kung totoo ang reincarnation sa mundong ito. Ang lahat ng alam niya tungkol sa Reincarnation Pond ay mga alamat na ipinasa mula pa noong unang panahon. Kaya, hindi siya sigurado kung totoo ang mga ito. Ang alam lang niya ay may matinding potensyal si Melinda.“Madadala mo ba ako sa Reincarnation Pond?”Interesado si James as Reincarnation Pond. Sapagkat naglakbay siya sa nakaraan at may sapat na oras para hanapin ang Ancestral God elixir, kabilang na rin ang pagsisimula ng examination ng Elixir Pavillion ay sa loob pa ng tatlong libong taon, wala siyang ibang gagawin sa ngayon.“Sige.” Hindi tinanggihan ni Daley ang hiling niya.Sa gabay ni Daley, nilisan ni James ang Stardust City.Napalaki ng Stardust City. Base sa kasalukuyan na lakas ni James, hindi niya ito kayang libutin. Kaya, umaasa siya sa Teleportation Formation, na ginagamit ni Daley, na Lord of ng Stardust Realm.Matapos dumating sa ibang lungsod, isinama ni Daley si James sa kabundukan. Matapos maglakba
Read more
Kabanata 2909
Pagdating niya, agad na nakarinig si James ng tunog ng harp. Napakaganda ng tunog. Pero, batid ang kalungkutan sa tugtugin.Habang palapit si Daley kay Melinda, tinawag niya ito, “Melinda.”Tumigil bigla ang tugtog at tumayo si Melinda. Habang nakatingin siya kay Daley na palapit at James, napatitig siya kay James. Hindi mawari ang ngiti na ipinakita ng maganda niyang mukha.“Ama.” Humarap si Melinda sa kanya at binati si Daley.Ang ganda ng boses niya.Tinignan ni James si Melinda na hindi alam ang pinagmulan. Napakaganda niya. Hindi lang perpekto ang pigura niya, pero maganda siya at walang kapintasan. Wala pang nakikita si James na kasing ganda niya.Noong nakita ni Melinda na nakatitig si James, hindi nahiya si Melinda. Sa halip, ngumiti siya at kalmado at kumpiyansang sinabi, “Okay ka na?”Noong ngumiti siya, lumitaw ang dalawang dimple niya sa magkabilang dulo ng kanyang bibig.Napagtanto ni James ang ginawa niya at humingi siya ng tawad, “Pasensiya na.”Ipinakilala siya ni Daley
Read more
Kabanata 2910
Walang pakielam si Melinda kung makikinig si James as tugtugin niya o hindi. Noong naupo siya, inilagay niya ang mga daliri niya sa hard, at mahinahon na nagpatugtog. Sa oras na iyon, isang napakagandang musika ang narinig sa buong paligid.Walang alam sa larangan ng musika si James. Kahit na ganoon, batid niya na maganda ang naririnig niya. Mula sa tunog ng harp, nararamdaman niya ang lungkot mula dito. Hindi nagtagal, tumigil ang pagpapatugtog.Huminto si Melinda at tumingin kay James, “Sapagkat wala ka ng kailangan dito, pakiusap umalis ka na.”Inutusan niyang umalis si James.Nagsalita si James, “Narinig ko mula kay Lord Daley na ang Young Master ng Overworld ay nagustuhan ka. Para sa kapakanan mo, susugurin ng Overworld ang Stardust Realm. Alam ba ng Overworld ang nakaraan mo at nareincarnate ka?”Ngumiti si Melinda, “Ang tinatawag nilang Young Master ng Overworld ay interesado lamang sa ganda ko. Kahit na gaano ako kaganda ngayon, magiging abo ako sa paglipas ng panahon. Walang i
Read more