*PROMOTION*

LIAM'S POV

Noong una, hindi talaga ako makapaniwala na nasa ibang mundo ako. Malalaman mo naman kasi agad ito dahil ang mundong ito ay ibang iba sa orihinal. Pumunta ako sa dulong bahagi ng burol para tingnan mabuti ang lugar, at aking nakita sa paanan ng burol ang isang maliit na nayon. Maraming tao ang nagtatakbuhan, at wari ko'y ito na ang iba pang mga taon napunta bigla sa mundong ito. At dahil naghahanap ako ng kasagutan, bumaba na lang ako sa burol. Ngunit, 'di ko inasahan na malayo pa pala ang lakarin pa punta sa nayon kapag galing ka sa burol na ito. Pero dahil kailangan kong makapunta doon, nagtiyaga na lamang ako. Dumaan ako sa masukal na gubat at tumalon sa bawat harang na aking nakikita. Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad na para bang wala lang sa akin na nasa ibang lugar ako, nang biglang nakaramdam ako ng kakaiba. Tumigil ako at nagmasid-masid. Nasa kalagitnaan pa ako ng gubat, at dahil sa kapal ng mga puno, madilim sa bahagi ng gubat na ito. Naririnig ko ang pintig
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter